Entry 5

HERMENIA

HABANG naghihintay ako ng sundo dito sa harap ng parking space ng school namin. Naisipan ko munang bumili ng kwek kwek kasi gutom na gutom na talaga ako.

Kanina pa ako naghihintay kila kuya pero mag dalawang oras na, wala parin akong sundo.

They didn't call nor inform me na walang susundo sa akin ngayon. Nakaalis pa naman sila Yvarrina and prends ko.

Kaya ako nalang talagang mag isa dito, naiwan na ng lahat.

Kumukulo na ang tiyan ko, isang senyales yan na gutom na talaga ako kaya patakbo akong lumapit kay kuyang vendor ng fishball nung makakita ako ng stall at wala nakong pakialam kung ang dugyot ko na, kasi gutom na talaga ako.

"Kuya pabili po nito sampu tas eto din po lima, tas sa malamig po, wait ito pala bente."

Oo ganyan ako kagutom. Napakamot naman si kuya kasi ang takaw ko raw, maaubos yata paninda niya sakin eh. Masarap naman kasi to!

"Oh eto na ineng ang pagkain mo. Bali 85 lahat, hija." Si manong sabay abot sakin ng pinamili ko, tinangap ko naman.

Wow andami, namnam... dali dali akong nagbayad at kinuha ko sa kanya ang fishball, kwek-kwek, cheese stick, chicken skin, siomai at sa malamig at inumpisahan ng kainin isa isa.

Grabe ang sarap talaga. Thumbs up kay kuya na mukhang tingin sakin ay patay gutom.

Ngumiti siya sa akin pabalik. "Wala ka yatang sundo Hija. Diba kuya mo ang palaging hatid sundo sayo? Wala yata sila ngayon ah? Wala ka pa namang kasama."

Si kuyang di na yata nakatiis na di maging chismoso, ngumiti naman ako sa kanya.

Istorbo ha? Char. Sarap pa naman ng kinakain ko.

Lumunok muna ako bago sumagot. "Maya- maya pa yata kuya. May pinuntahan lang kuya ko pero may susundo naman sakin di ko lang alam kung sino." Sabay ngisi sa kanya.

Mas tamang sabihing di ko lang alam kung may magsusundo ba. Tumango tango naman si kuya.

"Mabuti naman mukhang uulan pa ineng at baka mabasa ka dito pag di ka makauwi agad. Wala pa naman ditong jeep or taxing dumadaan pag tapos na ang labasan ng estudyante."

Inform pa sakin ni kuya na ikinabahala ko naman.

Paano ako uuwi nito? Eh hindi ko makontak mga kuya ko? Malayo nadin sila Reiand pag nagchat pa ko sa kanila. Ganto kasi pag tapos na ang oras ng uwian dito, wala ng masakyan pauwi.

Hay kainis naman, kanino ako pwedeng makiangkas?

FVCK! Kumulog kasi ng malakas. Ay sheet naguumpisa na ang langit, magiging basang sisiw yata ako nito, pagnagkataon.

Pahamak kasi sila kuya, ang tagal!

Nag-ayos na ng paninda si kuya, nagliligpit na. "Oh sige ening at mauna nako. Kailangan ko ng umuwi at baka bubuhos na ang ulan. Ingat ka. Eto payong. Hiramin mo muna habang naghihintay ka!"

Sabay abot nya ng payong na neon green, inabot ko naman agad.

"Nakuuu kuya salamat talaga! Hulog ka ni lord bukas po isasauli ko to sa inyo buong buong at walang sira!"

Ang bait naman ni kuya, sana all.

"Walang anuman. Sige uuwi na ko, ingat ka ineng." Nagbabye pa sakin si kuya, close na kami.

"Opo Thanks po ulit ha? Ingat din po kayo."

I waved at him at he smiles at me and abandoned me with only street foods and umbrella in my both hands.

Pano nako nito makakakain?

Kaasar kasi sila kuya eh, char lang! Wala man lang babala na walang susundo sakin ngayon? Di tuloy ako prepare ang layo pa ng bahay namin.

Kumakain pa nga ako pero ang ulan umpisa ng bumuhos, ang lakas.

Pesti panira ng moment kaya binuklat ko agad yung payong na neon green.

Oh ha? Ganda pero letche palakas ng palakas ang buhos ng ulan! Mapapakanta ka nalang ng...

~It feels like im walking in the rain.

Literal na naglalakad na talaga ako sa ilalim ng ulan.

Tiniklop ko kasi ang papayong ni kuya baka kasi masira. Malakas pa naman ng ulan saka yung hangin. Ibabalik ko pa naman to bukas. Sayang, pagnasira!

Kaya heto ako ngayon nagiisa naglalakbay sa gitna ng dilim. Lagi nalang akong nadarapa ngunit heto bumabangon parin, pero— chos lang.

Basa lang ako ng ulan pero wala akong pang Aegis na boses pero pang bagyo, pasado pa. Habang busy ako kakatampisaw sa ulan bigla nalang may malaking splash ng water sa uniform.

Oo yung maduming tubig talaga, yung na stock na may lumot pa.

Letcheeee yuck!

Galing yon sa kotse ng magaling na driver na dahilan kong bakit dugyot na ang uniform ko.

Peste tong kong sino mang poncio pilato to, di marunong magpark nag maayos. Dali-dali kong kinatok ang window ng kotse. Ginagalit niya ako ha.

Miserable na ako't lahat lahat tas dadagdagan niya pa?

Wow ha, kapal! "Hoy buksan mo tong tang ina ka. Tingnan mo ang ginawa mo tarandato. Alam kung maulan pero punyeta di kaba marunong mag drive ng maingat? Tingnan mo ang ginawang kababuyan mo sa uniform ko. Hoy, HOY! Buksan mo sabi tong bintana nato, Tangina ka ng times two!" I shouted angrily.

Wala akong paki kung pinagtitinginan nako ng mga tambay sa may kanto, pero naiinis talaga ako sa walang mukhang driver nato. Ni hindi man lang maka pag sorry sa ginawa tila wala siyang naagrabyado sa daan.

"Hoy tang'na mo." Kinalampag ko siya sa loob.

Bahala siya pag nasira tong kotse niya, mabuti nga yon para patas na kami.

Kinalampag ko ulit, tinted kasi. "Hoy, tarandato ka. Anong ginawa ko sayo ha? Eh matiwasay akong naglalakad sa gilid ng kalsada tapos bigla ka nalang dadaan? Okay sana kung wala kang naperhuwisyo sa katangahan mo pero pinatalsikan mo pa ko ng mabahong at nilulumot na tubig. Bumaba ka kaya dyan at ikaw naman ang patatalsikin ko. Pupuruhan ko talaga yang mukha mong sobrang kapa—"

"Sakay!" I was dumbfounded when he opens the car door and reveal his face.

Muntik pa kung masagi nong door kung hindi mabilis ang reflexes ko!

Dang ohemgeeee patay! Noong mapagsino ko na ang lalaki sa harapan ko.

"I said hop in." He said, clearly pissed at me.

"Sabi mo kaya sakay hindi hop in." I whispered barely in a sarcastic way.

Pero syimpre hindi ko sinabi masama na kasi ang tingin nya sakin. Ako pa, ako pa talaga ang tatarayan inya eh ako na tong naagrabyado.

Grabe, welcome to the Philippines!

He just gave me a glare. "Huwag mo ng painitin ang ulo ko. I said sakay, wala ng susundo sayo!"

With his super serious voice halatang asar na, naasar ka pala bakit ka nandito?

Hindi ko alam kung saan ako nilalamig sa damit kung basa o sa bose nya! Chills ng ministop I have no choice kahit asar ako sa kanya sumakay na ako ng kotse.

Urggg lamig ng aircon. "Please turn the AC off I'm shivering grrr!!"

He shut me with his glare but then he does what I plead. Hay salamat pero ang lamig talaga sheeet! Ang lamig, punyeta!

"Here!" He puts his jacket on my shoulder.

Ang bango at ang lapit din ng mukha niya and here I am drowning again when I stare on his violet eyes. So captivating para akong matutunaw sa titig niya.

Ang lapit nyang tila isang panaghinip sa aking gising na katauha—hachuuuu!'

'Bless you!'

Okay na sana e kaya lang panira tong ilong ko, Kadiri. Nabahingan ko tuloy siya, malaking yuck factor to.

"Sorr—ahh hachuu, o sheet magkakasakit yata ako!"

He tsk! "Yan mag tampisaw ka pa ulit sa ulan!" He gave me tissue then.

"Thanks." He just nod then he started the engine.

Wala kaming imikang dalawa sa byahe pwera nalang pag nababahing ako, nakakapanira ng posture.

Grabeee nakahiya sa kanya nadumihan ko na ang kotse nya ang ingay ingay ko pa.

Ang malala baka mahawaan ko pa siya ng sipon ko. Wala akong ibang ginawa sa loob ng sasakyan kundi, bahing ng bahing.

Napatingin ako sa labas, hindi ko alam kung ganto ba talaga kalayo yung bahay namin o naliligaw na kami. Kanina pa kasi kami paikot ikot pero ni anino ng bahay namin di ko parin matanaw, masilayan o madungaw.

Sabi niya kasi alam niya yung bahay ko. Oh diba? Stinu-stalk niya ko *flips hair pero imagination po yan.

Kilala niya mga kuya ko at nakapunta nadin daw sya ng bahay namin kaya alam nya kung san ako tinatago ng mga kuya at tatay ko pero back to our main topic mukhang naliligaw na kami.

I think, malayo to papuntang bahay namin, hindi to ang way, I'm so sure!

"Uhhhhm Ash—?"

Tawag pansin ko sa kanya after kung makipagtalo sa sarili ko kung itatama ko ba siya o manahimik nalang sa tabi at hayaang mapadpad kami sa dulo ng batanes.

He gave me his bored look, waiting for me to speak.

"Yeah?" Patamad niyang sagot.

Ang hot nģ boses grabe, nakaka- intimiďate. I cleared my throat before I spoke.

"I think we're lost—uhmm this is not the right way to my house."

I've said kasi naman ang dilim-dilim na at ang lakas pa ng ulan baka kung san kaming lupalop ng daigdig papunta, hindi pa ako prepared.

He shook his head in disagreement. "No were not!"

"Pero ang layo na natin sa bahay namin!" I assumed.

He nodded in slowly. "Yeah— pero malapit na tayo sa bahay ko at doon ka matutulog ngayon!"

Ganon lang kasimple ang pagkakasabi niya sa mga katagang yon pero ikinagulantang yata ng buong nervous at respiratory system ko ang sinabi niya.

Anong kaguluhan to why am I gonna sleep with him?

Ang halay naman yata non? bulong ng kabilang side ng utak ko.

Este...Why am I gonna sleep in his house? Ayan mas angkop sa tema at eksena sa batang mambabasa.

So I shouted eagerly in refusal. "Wada pak! Ano? Bakit? Anong masama ang binabalak mo sakin?"

Ohhhh eeem geeee not my body please? He tsk annoyed at my over acting state.

"Dont be paranoid, lady. You'll just gonna sleep there, nothing more nothing else. Your brothers agreed in it masyado ng malalim ang baha papunta sa bahay niyo. Mas delikado tayo pag sinuong natin ang baha!" He informs me.

Nakatanga lang ako habang nakikinig sa sinasabi niya sa akin.

He darted his scrutinizing glare at me, ang violet eyes besh, nakatitig na naman sa akin.

Nagpapalpitate ang puso kong nagagalak siyang masilayan.

"Pero kung gusto mong magpakalunod, feel free. Pwede kang umalis ng bahay ko tapos languyin mo bahay niyo after. Baka mas gusto mo yon, your choice not mine. Tsk, here read their messages para maniwala ka!" Sabay hagis niya sakin ng phone niya.

Mabuti nasalo ko mukhang mamahalin pa naman to. Ohhh mansanas, the latest model, wow ha, R.K!

Napatingin ako sa screen noong may nag pop-up na msg from kuya Ysraille then Kuya Garrix nag pop-up din, sunod sunod hangang ang pangalan ng iba ko pang mga kuya.

Matindi may GC po sila, brothers and sisters, hindi man lang ako ininvite!

Palakpakan, mga dakilang traidor! I've read the messages from their group convos:

'Okay tol. Pasenya sa istorbo ha? Pero thanks.' -Garrix

'I owe you bro.'- Kairon

'Take care of our princess medyo makulit yan!'- Exrael

'Ill just fetch her tommorow when the rains stop falling' Aqierro

At iba pang pasasalamat para kay Ash galing sa mga kuya ko ang sunod-sunod na mensahe. Wow ha para ako walang choice dito. Sila po ang may decision, walang kokontra.

Bigla ulit nag vibrate phone niya. I think it's my dad, my gosh pati si papa alam to? At pumayag siya. Himala, isang himala.

Tito: Take care of my daughter Ash.

Napagat labi naman ako, suportado naman yata masyado ng pamilyang ko ang lalaking to? Bakit?! BAKIT?!

Mahirap kasi akong ipagkatiwala nila papa at kuya sa iba lalo pat sa isang lalaki ako makikitulog. He may really earned my father and brothers trust for them to let me stay with this guy, overnight and alone!

I returned his phone, grab it but he accidentally touch my hand that gives a haywire sensation runs down on my body. I'ts like a spark, I feel my hand trembles as his touch still lingers on my skin.

It was an accident but it still give me chills down to the core.

'Aheem aheem.' I fake a cough to hide this unknown feeling.

Sheets what's happening to me, really?

"Are you okay?" He asked, barely concern.

Labas sa ilong kasi yong pagkakatanong niya.

"Yeah Im fin— hachuuu! Ah pesteeee!" I cursed dahil nabahingan ko na naman siya.

That earns a chuckle from him.

Nakakahiya ka talaga Hermenia, ang tanga mo kasi, times two pre.

UGH! UGH! UGH Punyeta Hermenia, palpak ka!

*****

cLxg_drgn

______________________________________________________________________

HAPPY READING

🤙👍✌