Entry 6

HERMENIA

NANAHIMIK lang ako hanggang makarating kami at tumigil sa isang may kalakihang bahay, sarado ang gate kaya naman binuksan niya muna bago pinasok na ang kotse sa loob, ang kabog ng aking dibdib ay hindi sa normal.

Sumunod lang ako sa kanya papasok ng bahay niya, hindi parin tumitila ang malakas na buhos ng ulan.

Agad niyang binuksan ang ilaw, he took a deep breath bago niya ako binalingan ng tingin.

"Go to the bathroom and change your clothes. Follow me!"

Napagat labi ako noong mamasdan ko ang likod niya, mamaskel ang kanyang body mga dzaii. Hindi na ako nagsalita at sinundan lang siya sa taas ng kwarto, he gave me his shirt.

Mas nakagat ko lalo ang nanginginig kong labi dahil sa kahihiyan. He just gave me a stern look at naglakad na paalis.

"Thank you Ash!"

Tango lang ang isinagot niya pumasok na akong banyo at naligo... hindi ko alam kung magandang senyales to or kakabahan na ako dahil kami lang dalawa sa bahay, wala kasi akong makitang ibang tao kanina sa baba well except sa siberian husky niya na dinamba agad siya noong makita siya ng aso.

Inabala ko ang sarili kong magbabad sa tubig para hindi na ako pasukan ng masamang espirito sa utak at kung anu ano ang naiimagine ko, hindi talaga pang bata na eksena pre.

Mababatukan ako ng mga kuya ko kung sakasakaling may kababalaghan akong gagawin sa lalaking iyon, mukhang close pa naman silang lahat.

Nandito nga ako diba?!

Isang himala na hindi nagalburoto ang mga saiyan kong kapatid na matutulog ako sa bahay ng isang lalaki! Tapos hindi ko pa close..sila kuya lang ang friends niya hindi ako.

Hindi nagtagal ay natapos narin ako, napatingin ako sa shirt niya. Malaki talaga siya for me pero aarte pa ba ako?! Ako na nga ang pinahiram dali dali kong sinuot yon at agad kong naramdaman ang kanyang bango.

Inamoy ko ulit, bango talaga.

Iyan sige singhot pa, singhutin mo at baka maadik ka diyan timang!

Napangisi ako sa utak kong mapagpuna, oo na titigil na! Amp kj!

Parang amoy lang eh hindi ako mabubuntis neto at sininghot ko ulit ang bango niya, amoy papa!

Ang landiii self, kumalma ka!

Lumabas na ako sa loob ng kwarto at bumababa na ng hagdanan, hinahanap ko si Ash. Where is he?!

Natakot naman ako bigla noong kumahol ng napakalakas ang alaga niyang husky, shit.

Napaatras ako at napabalik sa taas noong hinabol ako ng aso niyang mukhang pinagkamalan akong akyat bahay, nataranta akong pumasok sa kwarto na nakabukas agad kong nilock para hindi na ako mahabol ng nagwawalang husky niya.

Nasapo ko ang dibdib ko sa kaba, muntik na akong maging hapunan ng alaga niya.

"SHEETS!" Napasigaw ako noong bumukas ang isa pang pinto at niluwa si Ash na nakatapis lang ng towel, napalunok laway ako.

Shit ay...ang swerte ng water, gusto ko din!

"WHAT ARE YOU DOING HERE?!" He shouted clearly irritated by my unwanted presence.

I was taken aback by his question, mas prina- priorities kong tingnan ang nakakanasa niyang katawan. Nawala ako sa tamang pagiisip sa aking nakitang ipinagbabawal na eksena.

Really I stummered when I answered him. "H-ha?! W-wala ano l-lalabas a-ako? Geh b-bye!"

Pero agad akong nagsisi noong pagbukas ko ng pinto ay dumamba sa akin ang kaninang asong pinagtataguan ko.

"AAHHHHHH! HELPPPPP! SHUSHUSHU!"

Agad na napamura si Ash at tinakbo na kami ng aso niyang naglalaban ng lakas, the dog is really scary and big.

"SHIT! STOP IT KYAJ! HEY LET GO! STOP! KYAJ! COME HERE!"

The dog bark angrily before he finally freed me.

He walks and sit beside Ash, na hinahaplos ang mabalahibo niyang ulo, calming his dog, the latter growls and darted his scrutinizing stare at me, napaatras ako dahil sa kaba sa siberian niya, nanginginig ang tuhod ko actually.

Noong na kalma niya na ang aso niyang may galit sa akin ako naman ang tingnan niya ng matalim.

"Don't be scared he won't bite you. Tumakbo ka siguro kaya ka niya hinabol."

Asar ko siyang nabalingan ng tingin. "M-malamang! Eh mukha siyang may malaking galit sa akin kanina pagkakita sa akin, alangan salubungin ko siya ng yakap habang kakagatin niya ako diba?!"

Pabalang kong sagot bago ako tuluyang tumayo, agad naman akong tinahulan ni Kyaj na ikinatago ko sa likod ni Ash.

"Mukhang ayaw niya talaga sa akin bhe— este Ash."

He just shook his head and take a deep breath. "That's enough Kyaj, stay there."

The dog growls again before walks straight to Ash's bed and comfortably lay there, sanaol!

Napatingin ako sa abs ni Ash na nag mamayabang na ngayon.

I mentally count one.. two.. three.. four.. five.. six.. sev-

"HEY ARE YOU EVEN LISTENING?!"

"H-HAA?! B-bakit?!"

I was totally clueless when he wakes me from my idle. "May sinasabi ka?"

He massage the bridge of his pointed nose and gaze at me, shit ang ganda talaga ng mata niya.

"Get out woman, magbibihis ako nakakahiya namang sa harapan mo ko pa gagawin iyon diba?!"

"Hindi okay lang..." natampal ko ang bibig ko.

I felt my whole face burnt. Pakshit watapak did I say?! "I-I m-mean... o-okay lang l-lalabas ako, g-geh!"

Tumakbo ulit ako palabas ng kwarto niya at di na hinintay ang sagot niya sa kabobohan ko!

Napapunas ako sa aking noo dahil ginigitiian ako ng mumunting pawis, ilang beses akong napahigop buga ng malalalim na hininga bago kumalma ang sistema kong wala sa ayos.

After a while na pakimipagtalas-tasan sa aking sarili, nakita ko na siyang bumaba kasama si Kyaj na masama agad ang tingin sa akin, ano ba ang problema ng asong to at may galit sa akin ha?!

Hindi ko naman pinagnanasaan ang amo niya- oh well slight lang naman!

"Enough Kyaj!" He warns his dog when he barks at me. "Good calm down."

Ayaw yata ng asong to na may kaagaw siya sa attention ni Ash, uh hindi naman ako attensiyon seeker no?! Nanahimik naman ang alaga niya at nagpacute kay Ash, he shakes his tail at kiniskis ang ulo sa binti ng amo niya.

Napailing nalang ako at hinintay silang makababang dalawa.

Binuksan niya ang flatscreen at bumaling sa gawi ko. "Sit and watch I'll cook our dinner."

I bit my lip and nodded, para akong maamong tupa na naglakad palapit sa sofa at naupo doon, agad akong inangilan ni Kyaj noong sabay kaming sumampa sa sofa.

"H-hey chill man!"

"Stop Kyaj, be a good boy!" He patted the dog head softly. "Dito ka lang, you need anything?"

"No I'm fine." Napailing ako at tinutok na ang atensiyon ko sa palabas sa t.v. "Dito lang ako."

"Okay then."

Naramdaman ko na siyang umalis sa may likurang bahagi ng sofang kinauupuan ko.

Napatingin ako kay Kyaj, na nakahilata na. Gusto ko siyang hawakan pero nakakaramdam ako na isa yong pagkakamali kaya penirme ko ang kamay ko sa aking binti at tinutok ang mata sa anime, si boruto-kun.

Sinandal ko ang likod ko at nagrelax na doon.

Hindi ko na pinansin ang mas lumalakas pa lalo na ulan at may kalakasan ding hangin.

May bagyo ba?! Siguro? Ewan!

Naramdaman ko ang paggapang ni Kyaj palapit sa akin, he rested his chin on my lap pero bago ko pa siya mahaplos, umaangat ang mukha niya at kinahulan ako bago siya bumalik sa pwesto niya kanina, masyado yata siyang clingy kay Ash kaya akala niya ako.

Ang maldito amph!

Hindi naman natapos ang isang oras at tinawag na kami ni Ash, agad na tumayo si Kyaj and wiggle his tail as if he was so excited, sinundan ko ang daang tinahak ng aso. I saw Ash caressing his belly, as he put the dog food on his bowl.

He growl after as if he was saying thanks to Ash for his food.

"Umupo ka na. Here, coffee."

He push the cup on my side and sit on the opposite chair, were facing each other.

"Dig in, I only cook instant food, spicy noodles."

Agad akong natakam sa pagkaing nakahanda, amoy masarap.

I sincerely said my grattitude. "Thank you, Ash!"

"No prob, just eat." He cooly answered and started eating.

Humigop ako ng soup, hmmmm...maanghang nga I like it!

Magana kong inubos ang share ko habang pareho kaming walang imik na dalawa. Okay lang naman sa akin, wala naman akong masabi sa harap niya at baka ano na namang kaengotan ang masabi ko sa kanya kung saka-sakali.

Pinainom niya na din ako ng gamot dahil medyo masakit ang ulo ko, at nababahing ako.

"Ako na ang maghuhugas, I know how Ash." Presinta ko noong matapos na siyang kumain, he nodded kaya naman kinuha ko na ang bowl and coffee cups.

"Saan to ilalagay?! May pamunas ka ba?" I asked him when I finished.

"Here, dito mo ilagay." He pulled the black color cabinet na maayos ang pagkakasalansan ng mga gamit sa loob.

"Then the cups will be there." He pointed the shelf.

Oh well he has very organize kitchen.

"May I? Ako nalang ang maglalagay hindi mo abot!" He added.

Asar akong napatingin sa kanya, okay na eh bumanat pa siya at ipinamukha talaga ang katangkaran ko pero hindi na ako nagkomento pa bagkus inabot ko ang tasa sa kanya, nahigit ang hininga ko noong maglapat ang mga daliri namin.

Hindi niya naman na halata ang paninigas ko, he easily gets the cups and put it there.

Walang maslisya Hermenia umayos ka, huwag puro kalandian ang pinapairal mo, self! Con calma dzai!

Sabay kaming naglakad papuntang sala at agad na siyang dinamba ni Kyaj at naglaro na silang dalawa, the dog seems so hype and energetic. He happily barks and wiggle his tail when Ash playfully patted his head and tickles his belly.

I find it cute and amusing, hindi halatang pet lover tong si Ash. Hmmmmn....ako kaya? May pagkahayop pa naman ako minsan, RAWR!

Napangisi ako sa katarantaduhan ng aking utak, sheets landi!

Napatili ako noong kinalmot ako ni Kyaj pero hindi naman nakakasugat, nakakagulat lang.

Mukhang nasesense niyang hinaharot ko ang amo niya sa utak ko, he then barks and goes back to Ash chuckling state.

Ang maldito talaga, numero uno!

Hinayaan ko na lang silang dalawa, they really enjoy their bonding, ako lang ang na oh OP sa kanila, feel na feel kong hindi ako belong, lalo pat bantay sarado ni Kyaj ang anino ni Ash, hindi ba alam ng asong to na sharing is loving?

"Let's go." Napatingin ako kay Ash na naktitig din sa akin.

He stood up and started walking upstairs. "Come!"

Kahit si Kyaj ay sumunod na kaya sumunod na din ako, noon ko lang napansin na nakapatay na pala ang tv pati ang ilaw dito sa baba. Tumakbo agad ako para makahabol sa kanilang dalawa pataas, they're still playing that made me smile widely.

"Here's your room, this one is mine. If you need anything just knock the door, okay? Goodnight!"

He instructed at iniwan na akong nakatayo doon sa harap ng pinto ko hindi na ako nakasagot sa kanya kasi agad niyang isinara ang kanyang pinto pagkapasok ni Kyaj sa loob.

Napabuntong hininga nalang ako sabay pasok na din sa loob, actually eto yung room na ginamit ko kanina, noong naligo ako.

Agad kong ibinagsak ang katawan ko sa malambot na kama, feeling the comfort of the thick quilt that made me feel warm.

"Hmmmmn bango!" Umayos na ako ng higa at napatingin sa kisame, wala lang trip ko lang.

"Hmmmn ano kaya ang pinakain ni Ash kila kuya at mukhang vibes silang lahat?" Diba?!

Noong first day of class lang kami unang nagkita pero ngayon hinahayaan na siya nila Kuya na iuwi ako, anyare mga kuys? Nasa ganoon akong pagiisip ng bigla nalamang nawalan ng kuryente.

"Ay b-brownout!" Siyempre pinoy ako kaya iyon agad ang naisambit ko.

Ang dilim, wala akong makita. Nagumpisa na akong kabahan, my hand trembles in fear, I hate darkness.

Naphobia ako dahil sa nangyari sa akin before. "A-ASH! ASH! C-COME H-HERE! S-SAVE ME P-PLEASE!"

Naghehestirya kong sigaw dahil natatakot na ako, I shut my eyes closed, mariin para hindi ako tuluyang magpanic.

"ASH! ASHHHH!"

Pabalyang bumukas ang pinto at may naririnig akong yabag na papalapit sa akin.

"Fvck I'm here! Don't be scared, Hera. Don't panic I got you."

Agad kong hinanap ang pinagmulan ng boses at padaskol na kumapit sa kanya, nanginginig ang kamay ko habang mahigpit na nakahawak sa damit niya.

"Ayaw ko dito, help me. L-let's get o-out of here, y-yung may ilaw." I helplessly beg him as I felt my fear consumed my whole body I'm literally shaking.

"O-okay calm down a bit I won't go anywhere."

He smoothly talk as he guided me to the door, nakasandal lang ako sa likod niya at pinipilit ang paa kong maglakad palabas.

"Stay here I'll get you a glass of water."

Agad akong umiling at mas hinawakan ang damit niya, nagmamakaawa.

"D-don't...don't leave me!" My eyes got misty as I plead.

Hindi ko talaga gustong maiwan sa dilim, I'm really afraid of the dark.

"Stay! Ash!"

He took a deep breath and pulls me close to his bed, calming my scared state.

"Okay then dito lang may emegency light. I turned it on already, calm down. Walang mangyayari sa iyo, I am here, relax."

I shook my head in disagreement pero hindi na ako nagkomento pa. I just sit there, unmoving and paranoid.

Nakakahiya man pero ganito ako ka helpless pagnaabutan ako ng dilim, it scares the hell out of me. It made me think of something that would lead me in total panic and scared.

Maliwanag naman ang silid ni Ash, it's a dim light pero hindi yon sapat para agad na kumalma ang nahihintakutang pagkatao ko.

His phone suddenly vibrated kaya napatingin kami doon.

He answered the call immediately. "Yes?! Yeah, she's fine but still afraid, Maeve."

Nakinig ako sa one sided na convo nila ni Kuya Maeve, I wanted to talk to my brothers, pinalaki man nila akong siga pero tiklop ako pagwala ng liwanag na nakikita. Kung nandoon lang ako sa bahay hindi na nila ako lulubayang lahat kasi alam nila na matatakutin ako sa dilim.

"W-what?! A-Are you s-sure....o-okay I won't yeah. Y-you want to talk to her?...okay bye. Yeah I'll keep her safe."

At nakita kong ibinaba niya na ang phone niya at naglakad palapit sa gawi ko, mukhang siya naman ang na stress sa pagkausap sa Kuya ko.

"Si Kuya Maeve ba kausap mo?" I asked and he nodded.

Agad na kumunot ang noo ko. "He didn't want talk to me?"

"You will cry he said!"

Napaawang ang bibig ko sa isinagot niya, oo nga naman.

My brother really hates hearing me cry kata naman iniiwasan talaga nila na umiyak ako, ang maasar okay lang. Ako naman ang napatango bilang tugon.

"Lay there and sleep."

Hindi ako gumalaw instead I pretended that I didn't hear anything. Ayaw kong maiwang magisa sa loob ng silid na to.

"Sleep and I'll stay." He added when he saw my hesitants.

"I won't go anywhere, babantayan kita so don't be afraid and try to sleep."

"S-sure?!" Nagdududa ko siyang tiningan.

He took a deep sighs before he slowly nodded at me. "Yeah sinabi na sa akin ng Kuya mo na bantayan ka at hindi mo gustong magisa pag walang ilaw, kaya sleep I'll be by your side."

He explained simply and guided me to lay on his bed, narinig ko ang pagtutol ni Kyaj na umakyat na rin sa higaan ni Ash.

Ang kontrabida talaga ng alaga niya, amph. "A-ayaw ni Kyaj baka sakmalin ako niyan!"

"No he won't nasanay lang siya na ako ang katabi. He will fall asleep easily so don't mind him."

Pero agad siyang kinontra ng suplado niyang aso.

"Shut it Kyaj just sleep there."

I'll commend that he really trains his dag really good kasi nahiga lang ulit si Kyaj sa tabi ko, bakit ang bait nito kay Ash? Malamang siya ang amo eh.

"Ikaw din matulog ka na babalik din ang electricity maybe pinutol lang kasi masyado malakas ang bagsak ng ulan at hangin."

Tumango na ako at inaayos ko ang higa sa kama niya, mas malambot ang foam dito at mas mabango. Habang inaayos niya din ang kumot para sa aming dalawa ni Kyaj, agad ko siyang pinigilan nong tumayo siya. Natatakot na maiwan dito sa loob ng magisa.

"H-hey sa sofa lang ako doon ako hihiga."

I eagerly shook my head. "NO DITO KA LANG TABI TAYO!"

"W-WHAT?!"

I frantically nod. "YEAH! Mahiga ka sa tabi ko, don't leave me here alone, ayoko!"

Kahit nakakahiya pero nilakasan ko ang loob kong pilitin siyang huwag umalis.

Nakikisabay pa kasi ang tunog ng malalakas na kulog na may kasama pang nakakatakot na kidlat, nakakatakot.

"P-please sa gitna natin si Kyaj kung gusto mo, basta huwag mo kong iwan." I suggested at pumagilid pa ng side.

I patted the big space between us, okay na iyan siguro para ma-secure siyang wala akong masamang balak sa kanya.

"P-please Ash?!"

Napahilot siya ng sentido bago niya tinanggap ang pamimilit ko, he lays there at sa gitna nga namin si Kyaj na mahimbing na ang tulog.

"Let go of my shirt!"

"No, my hand will stay there!"

I stubbornly said and tightly grip the hem of his shirt, baka takasan niya ako mamaya. "I won't let you go!"

"Fine then, do whatever makes you fall asleep fast!" He said defeatedly and place his arm on his face.

Mukhang hindi siya sanay matulog na with lights on.

"Ash thank you!" I whispered at mas hinigpitan ang kapit sa damit niya noong kumidlat ulit.

"D-don't leave me!" Paanas ko ding pahabol.

"Sleep Hermenia I will stay here, good night!" He answered and that's my cue to try falling asleep peacefully.

Naramdaman ko pa ang mabalahibong katawan ni Kyaj na nagsusumiksik sa akin bago ako tuluyang iginupo ng antok and that made me smile though.

'Goodnight Ash, Kyaj hmmmn.' I dreamily whispered.

*****

cLxg_drgn