Entry 8

HERMENIA

KINABUKASAN na'ko nasundo nila Kuya dahil na rin natagalan ang barangay sa pagtatabi ng mga nakahambalang puno sa kalasada, she needed to stay and sleep beside Ashlon again. Hindi pa kasi naibalik ang power ng electricity kaya wala siyang choice kundi ang magtabi ulit kaming tatlo ni Kyaj.

Hindi na ako nagpasaway sa kanya at natulog na ang mapayapa, pareho kaming nagising noong may kumakalampag sa pintuan niya.

He hurriedly go downstairs to check, ako naman ay naghilamos na at sumunod na din pababa.

Kuya Garrix pala at si Kuya Pyxealle ang naroon, sabay silang napabaling ng tingin sa'kin habang binabaybay ko ang hagdan, I raised an eyebrow. Problema nila?!

Nginisihan lang nila ako at tinaasan din ng kilay bago ibinalik ang atensiyon kay Ash na kakaalis lang ng mata sa gawi ko.

"Sige dude, alis na kami nandito na ang bunso namin, thank you for taking care of her, we awe you bigtime."

Tumango siya ng marahan at tumugon. "No prob, hindi naman siya naging sakit sa ulo."

Napaangat ang side ng bibig ko sa sinabi niya, sinungaling stress na stress kaya siya sa'min ni Kyaj simula pa noong isang araw, hindi kasi kami talaga magkasundo.

Nasaksihan ko ang nakakaasar na tawa ng mga Kuya ko na alam ko ang agad ang ibig sabihin kaya sinapok ko sila.

"Ayaw maniwala, mabait ako bru." Nakaingos na saad ko sa mga Kuya kong pengkom.

"Oo nalang." Si Kuya Pyexealle ang talipandas na umusal niyan.

I saw Ash stiffle a smirked as he watch as banters.

Tinapik nila ang balikat ni Ash at nagpaalam na naaalis na kami then they headed they way out noong matapos silang magusap ni Ashlon, naiwan akong nakatayo sa harapan niya.

I cleared my clog throat and shyly bid goodbye. "Uhhmm...pa'no alis na kami ha, thank you talaga at hinayaan mo akong makigulo sa bahay mo ng ilang araw kahit na alam kong ang ingay namin ni Kyaj. Thank you talaga Ash."

Katulad ng ginawa ng Kuya ko tinapik ko din ang balikat niya sabay ngiti.

Napatingin tuloy siya sa kamay kong pasimpleng humihimas sa mamaskel niyang arm. Uhh...tigas pre! Kunwari na hindi ko napansin ang pagkunot noo niya at balewalang inalis ang kamay ko, sabay pacute na ngisi ulit.

Huli pero di ka kulong self, abswelto ka!

"Sure thing, geh ingat kayo sa daan. Nadala mo na ba lahat ng gamit mo?" He asked while checking my things.

"Yeah...wala naman akong tinangal sa bag ko kaya I'm sure intact silang lahat." Hinablot ko ang bag ko sa may coffee table and double check.

Sabay kaming napaharap sa pinto noong sumigaw na sila Kuya sa labas, nagmamadali kaya naman naglakad na ako palabas, while he walks with me silently.

"Thanks ulit, bye na!" I wave at him as he awkwardly waved back.

I shouted noong makita kong tumakbo si Kyaj papalapit kay Ash at binakuran ang amo niya. "BYEEE KYAJ SUPLADO!"

"RAWRR! RAWRR!"

Natawa ako noong kinahulan niya na ako sabay ngisi yong labad lahat ng ngipin saka pangil niya, halatang happy na siyang mawawala na ako sa landas niya.

"Byeeee Ash, see you again Kyaj!" I bid again nong umandar na paalis ang kotse ni Kuya Garrix.

"Ayieeh, si Kyaj daw baka see you again ang Ash ang gusto mong I mean, ikaw ha bunso galawang breezy ka!"

Inaasar agad ako nila Kuya at agad ko silang inambahan ng suntok. "HEH HUWAG KAYONG ASSUMING!"

Tinawanan lang nila ang pagkapikon ko, palagi naman wala ng new doon.

I remained my resting bitch face para hindi na ako maasar pa lalo nila Kuya Garrix at Phyexealle, sila palang iyan pero slight ng napipikon ako paano mamaya pagkompleto na silang lahat, riot na naman to.

I took uncountable deep sighs and focus my gaze at the road, nakikita ko ang damage ng bagyo, marami ngang putol na sanga at puno sa gilid ng daan, meron ding mga bahay na wala ng bubong or natumba na sa lakas ng hangin, pati mga poste ng kuryente kaya wala paring power.

TATLONG araw kaming walang pasok, kaya stay at home ang peg ko ngayon, magkachat kami kanina nila Glaiza at nagyaya silang movie marathon sa bahay nila Hailey kasi doon ang maraming foods.

Sunduin daw nila ako pero hanggang ngayon wala parin.

"Hay salamat, akala ko drawing plano natin eh, ang tagal." Iyan agad ang nireklamo ko sa kanila pagtapak nila sa mansiyon ko.

"Pasok mga ses!"

Agad na nagningning ang mga mata nila noong nakita nilang nakasalampak doon ang mga Kuya ko sa sala.

"Hi Kuya Vonn," si Hailey ay nilampasan lang ako at dumiretso na sa tabi ni Kuya Vonn at nakipag- kamustahan. "Okay naman ako. Heto maganda parin, ang gwapo mo talaga Kuya, di mo ba ako liligawan?!"

Tinawanan lang siya nila Kuya habang si Kuya Vonn ay ginulo lang ang buhok niya na parang aso, sanay na kasi siya sa birong totoo ng babaeng iyan.

"Oh Yvarrina you're here pree, musta?" Bati ni Kuya Qluix sabay lapit sa amin at batukan si Yvarrina. "Himala naligo ka bhe!"

"Gago ano akala mo sa'kin kambing?! Alis nga ang bigat ng kamay mo." Asar ding tugon niya at tinapik pa ang kamay ng kapatid ko. "Ang baho!"

"Sino ikaw?!" Asar ni Kuya Qluix at inamoy pa si frend kaya nakurot siya tuloy. "Aray naman bhe, ang sadista niyo talaga!"

Napataas nalang ang kilay ko sa kanila, ganyan talaga sila ka close sa mga Kuya ko at kaya nilang makipagsabayan sa gaguhan.

Kanya- kanya namang pagbati ang Kuya ko kila Glaiza at Ariande na nakikipagtawanan na doon, minsanan lang kasi nila matiyempuhan kompleto ang mga kapatid ko kaya nagchikahan pa sila doon bago kami umalis.

"Gago ka Hailey pinagnanasaan mo parin si Kuya Vonn hanggang ngayon?! Makahimas to, amp sayang saya ka ghorl?" Pabiro ko siyang kinastigo noong sa sasakyan na kami.

Ang gaga inenjoy masyado ang kalandian niya kanina. She gave me that worth vomiting grinned and giggle crazily, she even has the guts to nod at me dreamily.

"Ang harot mo Dzaii," kahit si Ariande ay inaasar siya dahil mukha siyang tanga ngayon. "Eh hindi ka naman non papatulan."

Sinapok siya agad ni Hailey naikinatawa naming lahat.

"Alam mo pangontra ka, minsan lang akong humarot ikaw diyan ang sobrang harot, may Cassius kana tapos may Sebfrei ka pang iniirog, nagreklamo ba ako? Ha? Hampasin kita eh!"

Si Ariande naman ang nagtaray, sabay sipa kay Hail. "Heh wala kami ni Cuangco kaya wag mo siyang isali sa usapan. Tusukin ko yang mata mo eh amp!" She then rolled her eyes.

I laughed and speak. "Weh? Kwento mo sa aso ni Ash, baka sakaling makini— ops!"

Naitakip ko ang kamay sa bibig ko noong marealize kong mali ang desisyon ko sa buhay.

Inosente ko silang tiningnan habang binibigyan nila ako ng mapanuring tingin, I gulped. Mali talaga ang bibig mo Hermenia, pahamak.

"At sino naman ang Ash nato aber? May lalaki ka na bebang?" Nakataas ang kilay na tanong agad ni Ariande.

"Oo nga, sml naman oh. Mukhang close kayo ah, happy ka girl, magkakajowa ka na ba?" Sabad din ni Glaiza habang hindi inaalis ang tingin sa daan.

"Sino siya? Pakilala mo kami Dzaii nang mayaya natin minsan."

Agad akong na hotseat dahil sa tanong nila, halatang hindi nila ako tatantanan pag hindi ako sumagot ng maayos, nagkunyari na lang akong busy sa phone.

Muntikan pang mahulog ang cp ko noong biglang binatukan ako ni Hail, the side of my lips rose up.

"Gaga ka huwag mo kaming ishowbiz hindi ka artestahin ghorl. Spill!"

"H-ha?!"

"Hahampasin talaga kita pag di ka diyan sumagot ng maayos," Medyo pikong saad ni Ariande na masama ang tingin sa akin.

"Hermenia dali na nagaantay kami."

I helplessly sigh and roll my eyes upward. "Wala iyon, si Ash kaibigan ng mga Kuya ko. Naalala ko lang kasi ang maldito niyang asong si Kyaj kaya nasabi ko iyon, just forget about it."

"Huwag mo kaming nililiko sa usapan para maligaw. Hindi mo kami sinasagot ng totoo. Sino siya bebang?"

Pamimilit pa ni Glaiza na hindi kumbinsido sa plataporma ko.

"Si Ash yung lalaki sa canteen natatandaan niyo? Yung lumapit sa akin na may violet na mata, siya."

Kanya kanya silang eksaheradang reaksiyon, naikot ko nalang ulit ang mata ko, here comes their teasing.

"Ayieeeh....si bebe? Wow close kayo?" Kumislap ang panunukso sa mata nila.

"Tigilan mo ako Hail hindi kami close kaya stop na." Aniya.

"Lol la pa nga, kwento mo pa'no mo nalamang may aso siya? Halatang may senisekreto ka Dzaii, ilong mo namumula, sign ng kasinungalingan mo."

Napahawak tuloy ako sa ilong ko, tama naman kasi sila sign talaga ito when I'm lying kaya hindi nila ako sinasali pagmay katarantaduhan silang ginagawa kasi huli agad sila pag kasama ako.

"Wala nga ang kukulit niyo, sila Kuya ang pare niya okay hindi ako kaya wala akong sasabihin sa inyo, alam niyo ang chixmosa niyo." Pikon ko paring tanggi sa kanila.

Alam kong mas aasarin nila ako lalo pag sinabi ko na doon ako natulog, huwag na no grabe sila mangtrip eh, tama na ang kabobohan ko kanina.

"Sus, arte di bale kami ang hahanap ng baho mo. Sasabunutan talaga kita pagnagkataon ghorl."

"Huwag mo kong pagbantaan Yvarrina wala akong kasalanan no. Hey drive thru tayo gusto ko ng coffee." Pagche- change topic ko noong may madadaanan kaming coffee shop.

"Sige ba para kabahan ka naman, sana magpalpitate ka kakalaklak mo ng kape!"

Malditang bulong ng Hailey na to na ayaw sa lasa ng kape, hindi niya tuloy alam ang ginhawang naiidudulot ng caffiene sa katawan.

"Oh huwag ka nang mag drive thru, tumigil ka muna Glaiza at baka magwala ang Hermeniang to pag hindi nakatikim ng kape. Oh baba na bili mo kami doon, cake lang sa akin saka milktea kong meron, nirvana with extra pearl."

Wala akong nagawa noong pinababa nila kami ni Yvarinna. Pumasok nalang ako sa loob ng cafe at umorder, naghintay kami doon, nagscroll lang ako sa Ig ko at nag post ng boomerang. Hindi nagtagal ay tinawag na ang name ko.

"Thank you have a good day, Ma'am." 

"Kayo din thanks, bye." Kinuha ko na ang order namin, binitbit din ni Yvarrina ang mga supot. "Arat na, Yrin."

Malapit na kami sa kotse ni Glaiza noong matanaw ko ang pamilyar na bulto ng isang tao. Nakatayo sa may shed na malapit lang kila Hail, na nagpapahangin. Lumapit ako sa kotse at inilagay ang mga pinamili namin.

"HERMENIA LAPIT KA DITO ANG CUTE OH!" Sigaw sakin ni Hailey kaya nabaling ang tingin ko ulit sa kanila sabay lapit noong tinawag niya ulit ako.

Hindi pa nga ako tuluyang nakalapit sa kanila ay naharang na ako.

"RAWR! RAWR!"

"Hala bat ka galit bebe? Si Hera lang iyan, mukha lang siyang hayop pero harmless iyan bhe." Pangagago ni Hail sa asong may galit sa akin.

"Namo Hail." I cursed her.

Hindi parin natigil sa kakakahol ang malditong husky na'to kaya sa amo niya ako lumapit na mas ikinalakas ng tahol niya, ang seloso amp.

"Patahimikin mo na si Kyaj, aawayin na naman ako niyan." I whispered to him.

Nakita kong umangat ang gilid ng labi niya na may sinusupil na ngisi bago nagsalita. "Stop Kyaj, calm down a bit."

Binabato kami nila Hailey ng nagtatanong na tingin, hindi yata nila narecognize ang mukha ni Ash kasi may cap siya.

Hindi ako umimik at hinayaan muna si Hailey sa kakalamutak ng mukha ni Kyaj na walang angal.

Traidor tong aso na'to, ako na dalawang araw niyang kasama ay inaaway tapos ngayon, ang harot harot niya kay Hail?

Habang sa'kin kulang nalang ipagtabuyan niya 'ko? Amphere!

"Lapit ka dito ses, hawakan mo dali ang soft!"

Hindi ako nakailag nong biglang hinaklit ni Hail ang kamay ko at hinila ng sobrang lapit kay Kyaj kaya nagalburoto agad noong nadampian siya ng balat ko.

Ahhhh paksheyt! Agad na naman kasi akong dinamba ng warfreak na'to kaya natumba ako sa semento, pinagdidilaan na naman ako kaya iwas ako ng iwas, baka ngayon kagatin niya na ako.

"AHHHHH...kyaj stop na!"

Pahamak tong Hailey na'to ayan tuloy, pati siya nataranta na din kung pa'no patitigilin si Kyaj. Naramdaman kong may nagtayo sa akin at pinalikod sa kanya para matigilan ako ni Kyaj.

"KYAJ! STOP NOW!" may talim ang boses na pigil niya sa aso niya.

Agad namang naging maamong aso si Kyaj sa harapan niya, ibang klase.

"Why are you so mean to her? Look you've hurt her again."

Pero ang maldito niyang husky ay dinilaan lang siya as expected.

Tumayo na ako at pinagpagan ang short kong naalikabukan. Pinunasan ko din ang mukha kong napuno ng laway kakadila ni Kyaj sa mukha ko, katulad noong unang beses kaming nagduelo.

"Here, wipe it off," Inabot ko naman ang panyo ni Ash nabigay. "Lemme check."

Agad niyang itinaas ang chin ko at mabusising inalam kong may galos akong natamo. I felt his thumb gently caressing my side cheek, medyo mahapdi.

As he speaks softly I darted my stare in his eyes, so captivating.

"May kalmot ka sa mukha pero hindi naman dumugo, namumula na naman ang balat mo. Sorry 'bout that hindi ko talaga alam kong bakit sa'yo lang may tantrums ang aso ko."

He straighten his back and put his both hand on his side hips. Napangiwi tuloy ako stress na naman siya sa'min ni Kyaj.

"No prob, I'm fine, medyo mahapdi lang naman." I awkwardly said.

May dumating na isang lalaki na galing din yata sa cafe. "Oh arat na pre, heto na ang kape mo."

He gave it to Ash and greeted us then. "Oh hi girls I'm Wyran," nagpakilala na din kami sa kanya. "Nice meeting you all."

Nagpaalam na kami at nauna ng umalis doon sa dalawa.

"Hoy Ashlon halika na tulala ka diyan bru yong aso mo nagtatatakbo na,"

Narinig kong sigaw ni Wyran kaya napangisi ako, ang hyper talaga ng malditong iyon.

"KYAJ— SHIT COME BACK HERE, HOY ASO NI ASH BUMALIK KA! ASH! BRU SI KYAJ!"

Napaiktad ako noong maramdaman ko ang pinong kurot ni Hail sa tagiliran ko, napa-igik tuloy ako.

"A-aray kalinte!" I expertly cursed.

She devilly dotted me her wide smirked. She whispered near my ear noong pasakay na kami sa sasakyan kaya nanigas ang katawan ko.

"Ash and Kyaj pala ha? Malandi ka ghorl!" She teased.

Nanlaki ang mga mata ko at napabaling sa nangaasar niyang mukha. NO WAY HOLY CRAP!

"SHATAP BITCH!" Gigil kong angil sa kanya na 'nyenyenye' niya lang, asar!

*****

CLXG_DRGN