HERMENIA
NAKATAMBAY kami dito sa isang bench na tambayan ng mga studyante. Kakatapos lang naming kumaing lima at napagdesisyunan naming magpahangin dito bago kami umuwi. Busy ako kaka-scroll ng phone ko nong napansin kong sobrang tahimik na nila Ariande at saka Hailey, sila kasi ang kanina pa daldal ng daldal.
Naramdaman ko ang pagsiko sa'kin ni Glaiza na siyang katabi ko kaya napaangat ako ng tingin, nanlaki ang mata ko sa aking nabungaran. Si Ash ang nakatayo na sa aking harapan ngayon kaya pala nanahimik ang mga to.
"H-hi?!" Nauutal kong nausal sa pagkabigla. "Uhmn...w-why?"
Napalunok ako ng laway noong mapansin kong sa'kin nakatutok ang lila niyang mga mata, ang gwapo niya sa paningin ko sheet!
"Here. Nakalimutan mo sa bahay, ibabalik ko lang." He said in monotone.
Wala sa sarili kong inabot yong payong at nagpasalamat. Agad niya rin naman kaming tinalikuran at pinuntahan na ang lalaking naghihintay sa kanya doon sa may isang shed.
Malakas na hampas sa braso ang nagpabalik ng ulirat ko sabay baling ko ng paningin kila Yvarrina na tili na ng tili, animoy baliw na hindi nakainom ng gamot. Nakatanggap ulit ako ng hampas kaya yamot ko silang tinitigan.
"Gagi ka Hermenia! Anong narinig naming sa bahay niya galing tong payong nato ha? Bakit ka napunta doon?! SAGOT!" Eksaheradang banat agad ni Glaiza noong magsawa na silang kakatili.
Naikot ko na lamang ang aking balintataw, pahamak ka Ash! Bakit mo ba kasi sinauli sa akin ang payong sa harapan pa ng mga chismosa na'to? Ako ang mahohot seat sa kanila ngayon eh.
Very wrong!
"Ha? Ah ano...uhm hiniram niya—"
"Heh! Huwag mo kaming ishowbiz diyan, sabi niya naiwan MO emphasize ko lang." Pagpuputol ni Hailey sa kasinungalingang pilit kong binubuo.
"Panira ka!" Asar kong usal at masama siyang tiningnan. "Oo na! Naiwan ko nong bumagyo pa."
"Tapos?"
"Anong tapos ka diyan Ariande?"
Sinapok niya ako. "Huwag mong i summarize ang pangyayari, ikaw ha. Pinaglilihiman mo na kami, traydor ka! Bakit ka napunta sa kanya ha? Aber? Explain."
Wala talaga akong ligtas sa pangamoy nila, akala ko nakalusot na ako noong nagmovie marathon kami pero may part two pa pala, si Ash kasi bat ngayon niya pa naaalala ang payong ni Kuya na'to? Ang hirap tuloy magexplain sa kanila ng hindi nila pagdududhan ng malisya ang sasabihin ko.
I took a deep breath before I started talking to them again, tutok na tutok sila sa sasabihin ko, animoy mga tangang parehas na malapad ang pagkakangisi.
"Kasi nga sila Kuya ang may kasalanan noon, naalala niyo yong naiwan akong magisa dito kasi wala pa ang sundo ko? Si Ash siya ang nagmagandang loob na isabay ako sa paguwi niya. Eh malakas na ang buhos ng ulan noon kaya no choice, doon niya ako dinala sa bahay niya wih consent iyon nila Kuya kasi nga baha na ang daanan pa puntang amin. Ganoon iyon mga dzai, eh nabitbit ko tong payong na pinahiram sa akin ni Master, yong nagtitinda ng siomai sa labas. Nakalimutan kong dalhin nong sinundo na ako nila Kuya siguro nakita niya doon kaya ibinalik niya ngayon."
Iniksihan ko talaga ang storya para wala silang makitang loophole. Nagsitaasan agad ang mga kilay nila pagkarinig sa paliwanag ko, puno ng pagdududa ang pagkakatingin nila sa pagmumukha ko.
Tinignan ko din sila ng masama. Tapos na naguumpisa na akong gitian ng maliliit na pawis nong magsalita ulit si Hailey.
"Eh bakit ang eksi mo magpaliwanag? May ibang hanash pa kayo no? Sabagay bagyo non, malamig, tapos kayo lang dalawa. Hmmmmn...anong kababalaghan ang ginawa mo?! Umamin ka!"
"Hoy bat ako?!" Angal ko agad.
"Bakit kailangan bang si Ash?" Nakangising tanong pabalik ni Yvarinna. "Anong ginawa niyo buong gabi? Saka take note girls sabi niya with consent iyon nila Kuya niya, hmmmn. Iba siya, nakalusot siya sa pambabakod sa iyo ng Kuya mong over protective sa iyo."
Mas kinabahan ako sa sinabi ni Glaiza, fvck even them nahalata nilang pabor sila Kuya kay Ash, first time nga kasi talagang hinayaan ako nila Kuya na matulog sa house ng total stranger tapos lalaki pa.
"ANO! ANO? HUWAG NIYO NGA AKONG HINA HOT SEAT!" Napasigaw na ako sa frustration ko. "No choice lang sila Kuya non kasi nga baha, huwag kayong mag isip ng kung anu-ano diyan. Mga amp to! Saka wala kaming ginawang kababalaghan, kabahan nga kayo! Stop na, hindi ko nga kilala masyado ang Ash na yon no?!"
Napapitik pa ng kamay si Hailey. "Exactly girl, hindi kayo close pero hinayaan ka niya sa bahay niya."
"Baka may something kayo?" Nanghaharot na bulong ni Ariande.
"Hoy anong something something?! Wala no! As in nothing, kaya please tigilan niyo na ako. Manahimik na kayo diyan!"
Medyo inactingan kong pikon kong usal para masense naman nilang ayaw ko sa topic namin.
"Sus, halata ka ghorl!" Pandagdag na tukso sa'kin ni Hailey sabay kiliti ng beywang ko. "Namumula ang ilong mo."
Pakshet! Iniwas ko nalang ang mata kong salubungin ang mga nanghihibo nilang tingin.
"Guni-guni niyo lang kasi, masyado kayong assuming." Ganti ko sa kanila.
I heard their faint laughters while I was sulking in here. "Kami pa? Duh bebang hindi lang namin naiwasang macurious sa lalaking nakakuha ng ilag na loob ng mga Kuya mo at kusa ka nilang pinasama kay Ash. Shet, baka sila ang lihim na nilalakad ka kay Bebe boy mo Dzai, isipin mo dali. Ayieehhh, may iniirog na siya."
Napahawak nalang ako sa noo ko, bakit ayaw nila akong tantanan ha? Bakit?
"Tapos mukhang gustong gusto mo rin siya Hera makatitig ka kasi para kang naengkanto. Alam mo iyon, yong parang kahit anong sabihin niya gagawin mo look. Ang tanga lang!" Nakipag-apir pa si Ariande kay Hailey na sumangayon din.
"WOW! ALAM NA ALAM! Bakit? Ganyan din ba sa iyo makakatitig si Cassius? Hibang na hibang? Sabagay iba talaga ang tingin mo sa kanya no? Kasi nga—"
"PUNYETA! TUMIGIL KA! HUWAG MO SABI AKONG IDIKIT SA PANGALAN NG TUKMOL NA IYON! KADIRI!" Pasigaw na putol ni Ariande sa pangasar ko sa kanya.
Ngising aso lang ang isinagot ko. Ganyan siya ka affected pag si Cash na ang usapan. Pero pag si Sebfrie naman mukha siyang baliw.
"Naback to you ka ghorl!" Pangasar ni Glaiza kay Ariande na pikon na. "Bwahahahaengk...ow ayon iyong irog mo oh, CASH! HOY CASSIUS TAWAG KA NI ARIANDE!"
Tulad nga ng sabi ni Glaiza nandito nga si Cash at napatingin na siya sa gawi namin nong tinawag ni Glaiz ang name niya, huli ka! SHIT!
"GEH SIGAW KA LANG! AS IF NAMANG NANDIYAN SIYA! GUSTO MO GLAIZ TULUNGAN PA KITA?!" sarkastikong banat ni Ariande na ikinangisi naming apat.
"Lakas niya frends, geh nga show us!" I whispered.
Nakatalikod kasi siya sa gawi ni Cash kaya hindi niya sineseryoso ang pagsigaw ni Glaiza, akala niya yata joke. Kaya saktong pagharap niya sa harapan niya na rin si Cassius, nakatitig sa kanya.
Nu ka ngayon Ariande?! Wala kang masabi?
"Bakit ang ingay mo?" Iyong ang ibinungad na salita sa kanya ni Cassius.
Mukhang nakabawi naman sa pagkabigla ang kaibigan namin at tiningnan muna kami ng masama bago pinermi ang titig niya kay Cassius, kinikilig ako.
"Bakit bawal?" Maangas ding sagot ni Ariande na ikinataas lang ng kilay ni Cash. "Saka bat ka lumapit? Anong kailangan mo?"
"Dahil tinawag niyo ako?" Patanong ding niyang sagot. "Forget about it, let's go!"
Hinablot niya na ang kamay ni Ariande at hinila na palayo ang kaibigan naming nagpupumiglas.
"Hey bitiwan mo nga ako! Hoy Oreo! Hindi ako sasama sa iyo!" Narinig pa naming angal niya bago niya kami binigyan ng dirty finger nong hindi siya pinakawalan ni Cash. "I shall return, you crazy mitches!" She angrily shouted at us.
We just wave at her mockingly. Ganon ang may something, ang fishy kasi nila mula nong freshmen year namin dito, lumalala pa nong nagkagusto si Ariande kay Sebfrei pero si Cash naman ang palagi niyang kasa-kasama.
When they were out of our sight, nabaling ulit sa akin ang panunukso nila pero no comment lang ako.
Napa-aray pa ako nong bigla akong hampasin ni Hailey sa may braso kaya asar ko siyang sinimangutan.
"Punyemas ka Hail ano naman? Masakit ha!" Reklamo ko.
"Gago ka Hera, come to think girls! Shit wait kinikilig pa ako, ahhhh! Diba bagyo non nong natulog ka kila Ash?"
Dahan-dahan akong tumango, ewan pero bigla ak9ng kinabahan sa tingin ni Hail sa'kin ngayon.
"Girls confirm! Pakshet!" She shouted in glee, na para siyanf naka tyamba sa lotto.
Binatukan siya ni Yvarrina. "GAGO KA HAIL! SHARE MO MUNA SA AMIN BAGO KA MAGTITILI DIYAN. NG MAKA RELATE NAMAN KAMI!"
"Gagi! Di ba pa obvious? Shit hoy umamin ka Hermenia!" Dinutdot niya ang noo ko. "Umamin ka! Umamin ka!"
Pamimilit niya sa akin, naguguluhan na din ako sa kanya. "Na ano? Tangina baliw ka ba?"
"Gago, nagbrown out non!" She hinted.
"OWWH!" Agad na naconnect nila Glaiza ang ibig sabihin ni Hail.
The realization hit me too, fvck this is 911!
"Yeah right bitches, alam natin kung gaano siya katakot sa dilim, fvck kinikilig ako! Umamin ka you shared one bed with him right? Ayieehhh!"
Namula na hindi lang ang ilong ko kundi buong mukha ko na, pakshet this is beyond my control. Mas ako ang pagiinitan nila oras na umamin ako!
"Ha? Ano? Wala akong narinig!" Tumayo na ako sa bench para makaiwas. "Nandiyan na pala sila Kuya, bye!"
Tumakbo na ako palayo pero napansin kong hindi ko nabitbit ang payong fvck, kaya bumalik ako sa tatlong ugok na ngising aso sa akin habang papalapit ako ulit sa kanila.
"Oh diba told you ghorls, may something na talaga sa kanila ni Ash. Look at her face, it's all written there." Hail concluded with wide grin.
Nagsiapiran silang tatlo. "Mukhang may ilalayag na naman tayong barko, except sa ship natin kila Cash and Ariande. Shit todo na to!"
"Gago kayo! Wala sabi kaming malisya, kayo ang palulubugin ko diyan eh. Mga amph kayo bahala kayo diyan uuwi na ako, bye."
Asar kong hinablot ang naiwan kong payong at tinalikuran na ulit sila.
"Geh ba, ingat ka diyan baka ibang bahay na naman ang mauwian mo! Hindi ko sinasabing kay Ash ha?"
Ako naman ang nagdirty finger sa kanila, such a tease. I rolled my eyes skyward, nastress ako bigla sa kanilang apat.
Dire-diretso akong lumabas ng gate at binaybay ang daan papuntang stall ni Kuya Master para maisauli ko ang payong na nakalimutan ko na. Ilang araw pang natingga sa bahay ni Ash.
My lips broke a wide smile when I saw Master waved my hand when he look at my side. "Hello Master kamusta po?"
"Oh hija, mabuti naman." He replied.
Inabot ko ang payong sa kanya. "Thank you po, pasenya na at natagalan po ang pagsauli ko. Nakalinutan ko po kasi sa bahay ng kakilala ko pero salamat po talaga!"
"Walang anuman hija. Mabuti't napadaan ka dito." He gave me the cheese stick that I ordered. "Heto oh."
"Uhhmm, sarap. Kamusta po kayo Master? Hindi naman nasira ang bahay niyo sa bagyo? O walang nasaktan?"
He gave me a sad tight smile. "Okay naman kami hija, sa awa ng Diyos wala kaming nasirang gamit. Mga natumbang puno lang pero malayo-layo naman sa bahay namin. Tapos binaha man pero hindi naman lampas tuhod."
Napatango naman ako at nakahinga ng maluwag. "Mabuti naman po. Sa amin din medyo tumaas po yong baha doon kaya nahirapan kaming lumabas at lahat naman ay nawalan ng kuryente, iyon lang ang kalbaryo natin."
"Oo nga hija, mabuti nga't wala halos na kabahayang nasira dito, mga sanga lang ng puno at baha." He supplied. "Hija parang ikaw yata ang tinatawag ng binatang iyon?!"
Napakunot noong napaharap ako sa aking likuran. Sa kung saan nakaturo ang kamay ni Master, I saw him walk near us.
Mas lalo akong napatda, ano na naman ang kasalanan ko?
"Hey! I thought you left already." He uttered when he stop infront of me. "Mabuti nalang at bumalik ako dito."
Napataas ang kilay ko sa sinabi niya, nagtataka. "Why? May kailangan ka ba sa'kin Ash?"
He nodded in response. "Yeah sa'kin ka na daw sumabay sabi nila Maeve."
Fvck! Kulang nalang ay singhalan ko siya ng isang malakas na WHAT?! "HA?! ANO? BAKIT NAMAN IKAW?"
Medyo nagpapanic na usal ko kasi naman ano bang kabalastugan nila Kuya at ako na naman ang nakita nila? Bakit kay Ash pa ulit?
Nagulat naman siya sa paghi- histerikal ko pero nakuha niya parin akong sagutin ng maayos. "Eh kasi pupunta din ako doon, may usapan kasi kami ng Kuya mo at binilin nilang isabay nalang kita."
Napatanga ako lalo, ba't parang duda ako sa intensiyon nila Kuya Maeve?
"Ahhhh!" Iyan nalang ang naisagot ko.
"Come, kailangan kasing nandon na ako sa bahay niyo before 5:30." He added and nauna ng naglakad.
"Oh siya sige na hija, nagmamadali yata ang boyfriend mo!" Napangiwi ako kay Master.
Napapa-iling pa habang itinatama ang kanyang maling sapantaha. "Luh siya, hindi ko po iyon nobyo, kaibigan siya ng mga Kuya ko, Master. Nautusan lang."
He just chuckled. "Okay hija, kalma."
"HERMENIA LET'S GO!"
Napabaling tuloy ang tingin ko kay Ash na nakatingin na uli sa gawi namin ngayon at naghihintay.
"Alis na hija, baka magalit na siya!"
"Master naman eh, nangaasar. Bye po, thanks much po talaga sa payong." I waved goodbye at nagumpisa ng lumapit kay Ash, na klaro ang pagkaka kunot noo nito.
"Arats!" Yaya ko sa kanya noong mapantayan ko na siya. He stared at me for a while, kaya na medyo na concious ako.
Hindi rin nagtagal ay nagsalita na siya. "Yeah follow me."
"Sure." I replied.
Saktong pagbaling ko ng tingin sa kabilang side ng kalsada ay agad kong nakita ang nakangising mukha ni Glaiza na nakatingin sa'min ni Ash, kinalabit niya si Hail sa kanyang tabi at tinuro kami, sabay namang napatingin samin si Hail at Yvarrina.
I can hear their faint laughters and I know in my head that they are teasing me right at this moment.
Pinadilatan ko sila ng mata at inambahan ng suntok na tatlo, they bursted laughing again. Binigyan ko sila ng warning look pero dinilaan lang nila ako, nginisahan at binigyan ng finger heart.
"Pak!" Pabulong sa napamura ako.
Shit ano na naman ang iisipin ng tatlong to?! Mali talaga ang timing ng tadhana.
"Hey problem?!" Nabunggo pa ako sa likuran niya dahil sa bigla niyang pagtigil sa paglalakad. "Bakit parang namumula ka? May sakit ka ba?"
Napatanga ako noonf dinama niya ang noo ko, pinalis ko kaagad. May iba akong nararamdamang kaba sa dibdib ko.
"Huh? Ah w-wala, ano maiinit lang!" Nauutal kong tugon sa kanya.
"SANAOL!" Napayuko ako at mariing napapikit noong narinig ko ang sigaw nila Hailey sabay tawa ng malakas.
I know na napatingin na sa gawi nila si Ash kasi ang lakas ng pagkasabi nila ng sana all. Wala ba silang kahihiyan?!
Kinuha ko ang atensiyon niya at niyaya na siya pauwi. "Uhhm...halika na."
I saw a glint of amusement when he darted me his gaze, alam kong alam nuya na kaibigan ko ang nasa kabilang kalsada at tinutukso kami.
But thankfully wala siyang kinomment kundi ang pagsang-ayon. Pagtalikod niya agad kong binigyan ng masamang tingin ang tatlo,sabay pasimpleng middle fingers up.
Nafinger heart lang nila habang nakangisi, mga pasaway.
"GO! GO! GO!" Ginaya pa nila ang boses ni Ruffa Mae. "Todo nato mga ses!"
Bago pa ako mahalata ni Ash ay tinalikuran ko na ang tatlo kong kulang sa arugang mga kaibigan.
"Sabi sa inyo, may something talaga sila. Tingnan mo hinintay pa talaga siya, ghorls. Hoy Hermenia sa bahay niyo ka umuwi ha!"
Mariin kong kinagat ang pang ibabang labi ko para pigilan ang sarili kong masagot sila ng pabalang, I just ignorned their presence.
Na mukhang sinusundan talaga kami ni Ash ngayon. Nagulat naman ako noong hinawakan ni Ash ang kamay ko kasi tatawid na kaming pedex.
Agad na kumalabog ang heart ko sa simpleng hawak niya, para akong tuod na sumunod sa kanya patawid.
Narinig ko naman ang tilian sa likod, must be Hailey.
"Hop in!" He opened the car door.
Kiming umusal ako ng pasasalamat. "Thanks Ash."
Siya na ang nagkabit ng seatbelt ko na mas nagpaawkward sa akin kasi ang lapit-lapit ng mukha niya sa mukha ko, ako nalang ang nagiwas tingin para hindi halatang kabado ang dibdib ko.
Oh Diyos ko, help me. Ilayo niyo po ako sa temptasiyon.
"Hey, talaga bang okay ka lang Hermenia? Kanina ka pa namumula."
Gusto kong ibaon ang mukha ko sa kahihiyan noong pinuna niya ang pagiinit ng mukha ko, pakshit ikaw ang may sala kung bakit ako nagkaka-ganito.
Umiling ako at pilit itinanggi ang kanyang nasaksihan. "Uhhm ano. A-ano mainit kasi. Oo ang i-init mo. Ah mainit no?!"
Wala sa sarili kong naitugon, gustong ko ng ihampas ang ulo ko sa dashboard nong ngumisi siya, fvck ano ba kasi ang lumalabas sa bibig mo!
"Yeah?!" Puno ng pagdududa niyang sabi.
Hindi na ako sumagot at tumahimik nalang. I heard him chuckled kaya mas lalo kong nakagat ang pang ibabang labi ko, huwag kang tumingin!
Huwag kang tumingin, self. Mahiya ka na sa pagmumukha mo pero sa huliy nanaig padin ang kagustuhan kong masilayan ang kanyang mukha, he then gave me a wink when our eyes met.
Lalong naginit ang pisngi ko, mali talaga ang desisiyon mo sa buhay, Hermenia.
'Tanga ka self, nahuli ka niyang pinagnanasaan mo siya!' Kastigo ko sa sarili kong kalandian.
*****
cLxg_drgn
A/N: I hope you enjoy reading. Click the vote. Mamats!😉