Chapter Three

"Where's Kylee?" tanong ni Dominic kay Micai ng mapansing wala ang bag ng dalaga sa upuan nito.

"Ha? Ah eh, absent yata. I am not really sure. Hindi ko rin kasi siya ma contact sa phone."

Pasalampak siyang umupo at pagkatapos ay natulog.

This is going to be a long day.

***

"Nananadiya ka ba?"

Gulat na napalingon si Kylee sa likuran niya.

"Dominic?"

Tumabi itong naglakad sa kanya.

"Gusto mo bang linisin ang buong campus?" anito habang naglalakad sila patungong classroom.

Napangiti siya.

"Hmmm...yan ba yung tungkol sa pag absent ko ng five days?"

"Anong five days? You were absent for six days, Kylee." anito.

"Right, six days nga pala akong absent." natatawang sang-ayon niya rito.

Ano bang nakain nito at kinakausap siya nito? Di ba nga at sinabi nitong he is not interested make friends or to be close to anyone in this school?

"At dahil diyan, sasamahan mo akong maglinis ulit sa covered court."

Kunot-noong napatingin siya rito.

"Bakit? May mga classes ka na naman bang hindi pinasukan?"

"Yup. I got bored yesterday."

"Wow, sana all." hindi siya makapaniwala sa sinabing dahilan nito.

"At least ilang subjects lang ako absent. Unlike you..." balik nito sa kanya.

"Excuse me, I have a valid reason why I was absent for six days." nakangiting sagot niya.

Huminto ito sa paglalakad at humarap sa kanya.

"Oh really? Care to tell me the reason?" anito na parang hindi ito naniniwalang valid ang reason ng pag-absent niya.

Umiling siya bilang sagot.

Napangiti ito.

"Oh well, malalaman ko rin yan soon." kampanteng sabi nito na ikinawala ng ngiti niya.

"Kylee!" narinig niyang tawag ni Micai sa kanya.

"I'll see you sa classroom." si Dominic bago ito naglakad papasok sa loob ng building.

"Was that Dom?" tanong ni Micai sa kanya ng makalapit ito.

Tumango siya rito bilang sagot.

"Really? Alam mo bang ikaw lang at si Miss Ganza ang nakita kung kinakausap nun? Nagulat nga ako ng hanapin ka niya sa akin last week eh."

"Na bored lang siya siguro kaya naghahanap ng makakausap."

"Hindi eh, parang iba yung kutob ko."

"Hayan ka na naman sa mga kutob mong ganyan eh." natatawang sabi niya. "Tayo na nga..."

Napakamot na lamang sa ulo ang kaibigan niya.

***

"Goodbye class and see you tomorrow." paalam ni Mr. Santos sa kanila.

"Finally..." humihikab na sabi ni Dominic.

"Good morning! Uwian na." biro niya rito. Natulog lang kasi ito buong araw, as usual. Though kinukulit siya nito paminsan-minsan. Kinukuha ang ballpen niya o di naman kaya ay sinusulatan ng kung ano-anu ang notebook niya. Kaya naman parati silang kino call-out ng mga teachers kanina. "Pwede bang matulog ka na lang sa inyo, kung matutulog ka rin lang dito. Napapahamak ako sayo eh." natatawang reklamo niya rito.

"As if I have that option." anito.

Tama, tita nga niya pala si Miss Ganza. Paano pa nga ba ito aabsent?

"Mauna na ako sa inyo Kylee." paalam ni Micai. "Nandiyan na kasi si mommy sa labas. Pero kung gusto mo, sabay ka na lang sa amin. Ihahatid ka namin sa inyo." offer nito sa kanya.

"Thank you, pero baka kasi going na rin si daddy rito. Hintayin ko na lang." aniya sa kaibigan.

Nagpaalam na ito sa kanila bago lumabas ng classroom.

Palabas na sila ni Dominic ng classroom ng tumawag ang daddy niya.

"It's alright dad. I understand. Mag ta-taxi na lang po ako. I'll call you pagkarating ko po sa bahay. Sige po, love you bye!"

"Your dad?" tanong nito habang naglalakad sila palabas ng building.

"Oo, may emergency meeting sa office kaya hindi niya ako masusundo today."

"Ganun ba? Kung gusto mo ay pwede kang sumabay sa akin. Magkalapit lang naman ang village natin."

Nagulat siya sa narinig. Huminto siya sa paglalakad at hinarap ito.

"Stalker ka ba?"

"Well, only if that person gets my interest." anito in a sexy smile.

Inirapan ito ni Kylee.

"Mag-seryoso ka nga." reklamo niya rito.

"Bakit? Mahirap bang paniwalaang..." inilapit nito ng kaunti ang mukha nito sa kanya. "Pwede akong magka-interes sa iyo?"

Nanlaki ang mga mata ni Kylee sa sinabi at ginawa ni Dominic. Hindi agad siya nakakibo.

Natawa ito reaksiyon niya. Bahagya itong lumayo.

"Nakakatawa ang hitsura mo."

Para siyang nagising pagkatapos nitong magsalita. Pa simple siyang huminga ng malalim sabay hawak sa dibdib. Bigla na naman kasing bumilis ang tibok ng puso niya.

"Anyways, diba sabi ko sa iyo na aalamin ko ang dahilan kung bakit ka parating umaabsent? And bakit ka hinahayaan ng school na umabsent na hindi man lang naaapektuhan ang rank mo sa mga honor students. And so I did a little research about you. It's not yet complete but sooner ay malalaman ko rin ang sekreto mo." puno ng kumpiyansang sabi nito.

Ibinaba niya muna ang kamay niya bago ito sinagot.

"Bakit ba interesado kang malaman?" naguguluhang tanong niya rito. "Magtitino ka na ba kapag sinabi ko sa iyo ang dahilan? Hindi ka na madadawit sa iba't-ibang gulo? Hindi mo na bibigyan ng sakit ng ulo ang pamilya mo?" aniya in a subtle voice.

Nagkibit ito ng balikat.

"Maybe if worth it ang sekretong malalaman ko. Gusto mo ba naman akong baguhin from head to toe." sabay tawa.

Hindi napansin ni Donny ang pagdaan ng lungkot sa mga mata ni Kylee.

"Pauwi na kayo?"

Napalingon sila ni Dominic sa likod niya.

"Good afternoon, Miss Ganza." bati niya sa prinsipal nila. "Yes po. Katatapos lang po ng klase namin kay Mr. Santos."

Tumango ito.

"I see. Nandiyan na ba ang daddy mo?" tanong nito sa kanya.

"Hindi niya po ako masusundo today. Pero don't worry po, mag ta-taxi na lang po ako." aniya ng makita ang pag-aalala sa mukha nito.

"Huwag ka ng mag-taxi. Pauwi na rin naman itong si Dominic, sumabay ka na lang sa kanya. Para rin makasigurado akong sa bahay nga ito dideretso." anito habang binibigyan ito ng warning look ang pamangkin.

Napasimangot si Dominic, sasagot sana ito pero inunahan ito ni Kylee.

"Thank you po, Miss Ganza. Sasabihin ko po kay daddy na kay Dominic na lang po ako sasabay pauwi."

Tumango ito sa sinabi niya.

"Mag-iingat kayo pauwi. Tawagan niyo ako pagkarating niyo."

"Yes po." sagot ni Kylee.

Nagpaalam na sa kanila ang tita ni Dominic.

Nahihiyang humarap siya kay Dominic.

Wala naman talaga siyang planong sumang-ayon sa tita nito pero ng makita niyang sumimangot si Dominic at akmang sasagot ay bigla na lamang iyong lumabas sa bibig niya.

"Okay lang ba talaga na sumabay ako sa iyo? Nakakahiya kasi, bago pa lang naman tayong magkakilala tapos..."

"Kylee, idadaan lang kita sa bahay niyo. Hindi ako mamamanhikan okay?" natatawang sabi ni Dominic.

Feeling niya ay kasing pula na ng apple ang buong mukha niya.

Pinagtitripan ba ako ng mokong na 'to?

Pagtingin niya sa paligid ay tsaka pa lang niya pnapansing pinagtitinginan na pala sila ng lahat ng mga estudyante. May nakita pa siyang kumukuha ng mga pictures at video.

Agad niyang itinakip sa mukha ang hawak na libro at pagkatapos ay lumakad ng mabilis palabas ng campus.

"Kylee Chen! Hoy!" tumatawang sigaw ni Dominic.

Pero hindi ito pinansin ng dalaga. Tuloy-tuloy lang ito sa paglalakad.

"Wait! Mamamanhikan pa ako sa inyo!" anito sabay habol kay Kylee.

Hindi naman napigilan ng mga estudyanteng nanonood na kiligan. Ang ilan ay napangiti, pumalakpak at nag cheer pa kay Dominic.

***

"How's Dominic?" tanong ng mommy ni Dominic na si Maricel sa kapatid nitong si Danica.

"So far ay hindi pa naman nasasangkot sa gulo." biro nito sa kapatid.

"Dan..." wala sa mood sabi nito.

"Okay. Compared last few weeks, since dumating siya rito sa San Vincente ay medyo kumalma siya ngayon. Natutulog pa rin sa mga klase niya but so far ay wala pa naman siyang nakakaalitan rito." aniya.

Dati kasi sa DMU ay halos kada linggo na lang ay may nasasangkot ito sa iba't-ibang gulo at scandal. Doon na nag desisyon ang kapatid niyang ilipat ito sa San Vincente ng makabangga nito ang anak ng isang Senador ng dahil sa isang babae, si Nicole.

"Really?" Hindi kumbinsido si Maricel sa narinig nito mula sa kapatid. "Akala ko ba galit na galit siya nung pina-stop ko ang credit cards niya and his access to his bank accounts? Wala din siyang phone ngayon hindi ba?"

"I'm not really sure what happened. But believe it or not, I always saw him smiling these last few days."

But only when he is with Kylee.

Gusto niya sanang idagdag, pero kilala niya ang kapatid. Baka sa kagustuhan nitong mapabuti ang pamangkin niya at baka kung ano pa ang maisipan nitong gawin, using Kylee.

Mahal niya ang pamangkin niya at kung mayroon man siyang isang kahilingan na pwedeng ibigay sa kanya ng panginoon. Hihilingin niyang sana ay bumalik na ang dating Dominic. Yung masayahin, mabait at mapagmahal na Dominic. Pero hindi kaya ng konsensiya niyang gamitin si Kylee. Hindi niya maisisiguradong hindi ito masasaktan o mapapahamak along the process. Kaya agad niyang inalis sa isipan ang option na iyon.