Chapter Four

Namangha si Kylee ng pumarada sa harap nila ni Dominic ang isang itim na Toyota HiAce Super Grandia. Bumaba mula sa passenger's seat sa harapan, ang lalaking nakita niya noon sa covered court. Nagmadali itong pumunta sa gilid ng sasakyan at pinagbuksan sila ng pinto.

Naunang pumasok si Dominic.

"Pasok na po kayo maam." anang lalaki sa kanya ng makitang nakatayo pa rin siya.

"S-sorry po." hingi niya ng paumanhin bago nagmadaling pumasok sa loob ng sasakyan.

Ngayon siya nagsisi kung bakit siya pumayag na sumabay kay Dominic.

"Are you okay?" tanong ni Dominic ng mapansin ang pananahimik niya.

"Hmmm?" baling niya rito.

"Tinatanong kita kung okay ka lang ba."

"O-of coure, bakit naman hindi?" nakangiting sagot niya.

"I don't know, parang ang tahimik mo lang kasi." sabay kibit ng balikat nito.

"Di ba sa Fontana Village kayo?" pag-iiba niya ng topic.

"Yes, pero ihahatid ka muna namin bago kami umuwi." sagot nito.

Napatango naman siya.

Itatanong niya sana kanina kung bakit sila lumagpas ng Fontana para naman may mapag-usapan sila. Pero naunahan siya nito.

Ilang minuto silang parehong natahimik.

Kru...Kru...

Bakit ang awkward? aniya sa isipan ng wala ni isa sa kanila ang nagsalita.

Maya-maya ay iniabot ng lalaki kanina ang isang cellphone kay Dominic.

"May tawag po kayo Sir."

Kinuha ito ng binata at sinagot.

"Nicole? Napatawag ka."

Nicole? Sino kaya yun?

Ayaw man niyang gawin pero hindi niya napigilang ma-curious sa babaeng tumawag kay Dominic.

"I don't think that's a good idea." si Dominic.

Napatingin siya rito, husto namang tumingin rin ito sa kanya. Agad siyang umiwas ng tingin at nagkunwaring may tinitingnan sa labas.

"I am still convincing my mom na bumalik na ako sa DMU. There's no assurance yet as to when but kilala ko si mommy, hindi ako matitiis nun." puno ng kumpyansang sabi ni Dominic.

Hindi niya alam kung bakit siya nalungkot ng sinabi nitong babalik ito sa DMU.

Ilang minuto ring nag-usap si Dominic at Nicole sa phone bago ito nagpaalam.

"I miss you too. Bye..."

Huminga ng malalim si Kylee. Bigla na lang kasing nanikip ang dibdib niya.

Ano ba itong nararamdaman ko? naguguluhang tanong niya sa sarili.

Tumigil ka diyan Kylee Chen! saway niya. Guni-guni mo lang yang nararamdaman mo. Umayos ka!

"That was Nicole." sabi ni Dominic sa kanya. "She's one of closest friends in DMU."

"Ah, okay." ang tanging naisagot niya.

Ano pa ba naman kasi ang pwede niyang isagot? Hindi naman kasi siya interesadong kilalanin ang Nicole na yun. At tsaka bakit pa ba ito nag e-explain sa kanya?

Ang assuming mo masyado girl, walang ibig sabihin ang pag e-explain niya okay? Out of good manners lang naman ang ginawa niya.

"Are you sure your okay?" paninigurado nito.

"Paulit-ulit?" medyo naiiritang sagot niya.

Tinitigan muna siya nito ng ilang segundo bago nagsalita.

"Kumakain ka ba ng fishball?"

"Why?" medyo nakasimangot na sagot niya.

Fishball ang pinaka-paborito niyang street food. Kung minsan ay nagiging stress reliever niya ang pagkain ng fishball. Ewan ba niya, bigla na lang gumagaan ang pakiramdam niya tuwing kumakain siya nito.

Biglang pinahinto ni Dominic ang sasakyan.

Takang napatingin si Kylee sa labas ng sasakyan, pagkatapos ay napangiti. Nang buksan ng assistant ni Dominic ang sasakyan ay agad siyang lumabas.

It's been two years since the last time nakapunta siya ng Central Park. Kung saan, para sa kanya, ay mabibili ang pinaka-masarap ng fishball sa buong mundo.

"Fishball lang pala ang magpapangiti sa iyo." boses ni Dominic.

Nilingon niya si Dominic na nasa loob pa rin ng sasakyan. Nakangiti ito habang nakatingin sa kanya.

"Thank you!" masayang sabi niya rito.

Nag-bow pa ito sabay sabing. "You're welcome."

"Baba na dali, tara na!" excited na yaya niya rito.

"Wow ha, hindi ka masyadong excited." nangingiting sabi nito bago bumaba.

Hindi na nakapag-antay si Kylee. Nagpatiuna na itong naglakad papunta sa paborito nitong tindahan ng fishball.

"At iniwanan talaga ako?" hindi makapaniwalang sabi nito habang sinusundan ang dalaga. "Hoy, hintayin mo ako." nakangiting tawag nito.

***

"Anong ibig mong sabihin na trending?" naguguluhang tanong ni Danica sa mommy ni Dominic.

Katatapos lang ng meeting niya with her co-teachers. Lalabas na sana siya ng opisina para umuwi ng bigla itong tumawag.

"Don't you have a twitter account?" naiiritang tanong ng kapatid niya.

"I don't have a twitter account, okay? At ano ba kasing klaseng picture yan? Hindi nga halos nakikipag-usap si Dominic sa mga tao rito, maliban na lang sa akin at kay Ky--" napahinto siya sa pagsasalita. "Forward mo nga sa akin ang mga pictures na sinasabi mo?" may pagmamadali na sabi niya sa kapatid.

Agad naman nitong ipinasa kay Danica ang mga pictures na currently ay nag te- trending sa twitter.

Napanganga siya ng makita ang mga pictures. Tama nga ang hinala niya. Pictures nga nina Dominic at Kylee.

Parang sinusundan ng kung sino mang kumuha ng pictures, ang dalawa. Ang ilan ay kuha from school habang nag-uusap sila. Kahit siya ay nakunan rin ng kausapin niya ang mga ito kanina bago umuwi, pero inedit lang ng kumuha. Hanggang sa pagsakay nila ay nakunan rin. Pati pagbaba ng Central Park at pagkain ng fishball.

"Can you please tell me who is this girl? And bakit sila magkasama ni Dominic?" sunod-sunod na tanong nito. "Dan, konti na lang at malapit ko ng mapatahimik ang issue niya with Senator Dixon's son. At hindi makakatulong kay Dominic, kung muli na namang umingay ang pangalan niya ng dahil sa mga pictures na ito."

"Are you sure kay Dominic ka concern or sa reputasyon ng DMU?"

"Danica..." gulat na sabi nito sa narinig.

"I'm sorry. Wala lang kasi akong makitang masama sa mga picture ng dalawang bata. It seems pa nga like they are having fun. Aren't you happy seeing Dominic smiling again?" naguguluhang tanong niya sa kapatid.

"Hindi mo kasi naiintindihan. Kahit gaano pa ka wholesome ang makuha nilang pictures kay Dominic. Mayroon at mayroon pa ring mahahanap na mali ang mga taong gustong manira sa kanya. At iyon ang iniiwasan kung mangyari. Si Dominic at ang DMU ay iisa. Pag-bumagsak si Dominic ay damay rin ang DMU and vice-versa. Hindi lang future ni Dominic ang nakasalalay rito Dan. Future ng DMU at mga empleyado ng skwelahan ang nakasalalay rito."

Napabuntong-hininga na lamang si Danica sa sinabi ng kapatid. Mas lalo siyang naawa sa pamangkin.

"I understand. Don't worry, tatawagan ko yung driver o di kaya yung PA niya. I'll let you know once dumating na si Dominic sa bahay."

"Thank you, Dan." medyo nakahinga ito ng maluwag sa narinig. "Pero sino ba kasi yung kasama ni Dominic sa pictures? Mayroon ka bang hindi sinasabi sa akin?"

Ito ang pinaka-iiwasan niyang conversation nilang dalawang magkapatid. Pero siguro ay tama lang na malaman nito ang sitwasyon."

"Her name is Kylee Chen, nag-iisang anak nina George at Carmi."

Hindi agad nakasagot ang kapatid niya.

Matalik na magkaibigan ang mommy nina Dominic at Kylee noon. Pero nasira ang pagkakaibigan ng dalawa ng parehong magkagusto sa iisang lalaki, ang half pinoy and half chinese na daddy ni Kylee na si George Chen. Hindi naman literal na nag-away ang dalawa, pero agad na lumayo ang kapatid niya ng malamang nililigawan ng daddy ni Kylee ang mommy nito. Mula ng umalis ang kapatid niya ay hindi na ito kailanman bumalik sa San Vicente, kahit na nung mamatay ang mommy ni Kylee ten years ago.

"Mars, kailangan ng bumalik ni Dominic sa DMU bago pa maging komplikado ang lahat."

"Ano ang ibig mong sabihin?"

At sinabi ni Danica ang kasalukuyang sitwasyon na kailangan nila parehong pigilan alang-alang sa kapakanan nina Dominic at Kylee.