"Are you sure na mauubos mo ang lahat ng yan?" tanong ni Dominic ng makita kung gaano ka rami ang inorder na fishball ni Kylee, just for herself.
"Naman!" confident na sagot ng dalaga habang inilalagay sa mesa ang lahat ng inorder nito. "Sa tagal kung hindi nakakain ng fishball. O-order pa ako for take-out para mamaya sa bahay." nakangiting sabi nito.
Umupo si Dominic sa harap ng dalaga.
"Hindi masyadong obvious na paborito mo ang fishball 'no?" naaaliw na komento ni Dominic. "Bakit naman kasi hindi ka na nagpupunta rito? Eh malapit lang naman ang Central Park sa village ninyo?" curious na tanong niya.
Sagalit na huminto sa pagkain ang dalaga at tumingin sa kanya.
"Hmmm...it's a long story. For sure ma bo-bored ka lang." anito.
"Try me then." hamon niya rito.
Hindi niya alam kung bakit, pero habang tumatagal ay mas nadaragdan ang interes niyang kilalanin pa ng husto ang dalaga.
Noong una ay gusto lamang niya itong maparusahan dahil sa attendance issue nito na hindi man lang inaaksyunan ng school. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya alam ang dahilan kung bakit ito parating absent. Pero so far marami-marami na rin siyang nalaman tungkol rito.
Based on his own investigation ay nag-iisang anak lamang si Kylee ng isang half-Filipino and half-Chinese businessman na si George Chen. Marami itong maliliit na negosyo sa San Vincente. Mayroon rin itong negosyo sa ibang mga probinsiya pero hindi pa niya alam kung saan at kung anong klaseng negosyo mayroon ito. Nalaman rin niyang patay na pala ang mommy nito due to a heart disease ten years ago. Tanging ang daddy nito at tatlong katulong lamang ang parating kasama ni Kylee sa bahay. Despite her absences ay nangunguna pa rin si Kylee sa list of honor students. Hindi rin ito nasangkot sa kahit na anong gulo o kahit na maliit na away.
Habang tumatagal ay mas lalo niyang napagtanto kung gaano sila ka opposite ng dalaga. Siguro noong nagsabog ang Diyos ang kabaitan ay sinalo iyon lahat ni Kylee habang siya ay kakatulog lang dahil sa kalasingan.
He was so rude to her when they first met. Natumba pa nga ito sa gulat ng bigla na lamang siyang lumabas sa opisina ng tita niya. Hindi man lang siya nag sorry rito noon but still tinulungan pa rin siya nitong maglinis ng court the next day. Kahit na kung minsan ay pino-provoke na niya ito para magalit ito sa kanya ay very calm and gentle pa rin ng boses nito sa kanya. Kaya nitong pakalmahin ang kahit na sino mang tao na may mabigat na nararamdaman. Ayaw man niyang aminin pero gumagaan ang pakiramdam niya tuwing kasama at kausap niya si Kylee.
"Well?" untag niya rito.
Umiling ito sa kanya.
"That's for me to know and you to find out." nakangiti nitong sagot.
Hindi na siya nabigla sa naging sagot ni Kylee. Mas magtataka siya kung basta na lamang itong mag o-open up sa kanya tungkol sa buhay nito.
"Challenge accepted. No worries, malapit ko ng ma decode ang sekreto mo."
Bigla itong natahimik. Magsasalita pa sana siya ng lapitan siya ng assistant niya.
"Tawag po galing kay ma'am Danica." anito sabay bigay ng cellphone sa kanya.
"Hello..." aniya matapos pindutin ang answer button.
"Where are you?" agad na tanong nito.
Napatingin siya kay Kylee. Ngumunguya ito ng fishball habang curious na nakatingin sa kanya. Tumalikod muna siya rito bago nakangiting sinagot ang tanong.
"We're here in Central Park, may binili lang saglit ni Kylee."
"Have you checked your twitter account today?" tanong ulit nito.
Kumumot ang noo niya.
"And how would I be able to check my social media accounts kung buong araw ay nasa PA ko ang phone ko? Remember? Tsaka ko lang mahahawakan ang phone ko kapag nasa bahay ako."
Binilhan siya nito ng bagong phone last week. Pero sa kundisyon na, tsaka lang niya ito mahahawakan kapag nasa bahay siya. Oras na lumabas siya ng bahay ay yung assistant niya ang hahawak ng phone.
Narinig niya ang paghinga nito ng malalim.
"Yung driver ko na lang ang maghahatid kay Kylee. Kararating lang niya diyan sa Central Park. Dumeretso ka na sa bahay. Doon na tayo mag-usap." utos nito sa kanya.
"Wait, what?" naguguluhang tanong niya. "Maybe you don't fully trust me yet pero hindi ko ipapahamak si Kylee kung yun ang ipinag-aalala niyo. And besides malapit na kami sa kanila. Don't you think you are just over reacting?"
"Dominic, makinig ka. May kumukuha ng pictures sa inyo mula kanina sa DMU hanggang Central Park. Kanina pa kumukalat ang mga pictures ninyo ni Kylee online. You are currently trending in twitter my dear nephew."
"What?!" may halong gulat at galit na sagot niya. Agad niyang tiningnan ang paligid. Sa dami ng tao ngayon na nasa Central Park ay tiyak na mahihirapan siyang hanapin ang taong sumusunod sa kanya at kumukuha ng pictures.
"Kung ayaw mong madamay si Kylee. Sundin mo ang sinasabi ko."
"F**k!" hindi na niya napigilan ang sariling mapamura. Hindi niya akalaing masusundan siya hanggang San Vicente. "I'll do what you say." aniya bago tinapos ang tawag.
Nilingon niya si Kylee na nakatingin rin pala sa kanya. Nang tingnan niya ang hawak nitong container ay mukhang kanina pa ito tumigil sa pagkain. Marami pa rin kasi ang laman.
"Is everything alright?" nag-aalalang tanong nito.
Hayun na naman ang hindi niya maipaliwanag na epekto ng dalaga sa kanya. Kanina lang ay gustong-gusto na niyang magwala sa galit pero may kung anong mahika ang nagagawa ng boses nito sa kanya.
"I'm sorry Kylee but we have to go. May emergency kasi sa bahay." ayaw niya sanang magsinungaling pero mas mahihirapan kasi siyang ipaliwanag rito ang totoong dahilan. Ayaw niya rin itong mag-alala.
At kailan pa ka naging concern sa kapakanan ng iba Dominic Ocampo?
Wala siyang maisagot sa sarili niyang tanong. Basta iyon ang nararamdaman niya.
"It's alright. Whatever it is, I hope everything will be okay." anito.
Napangiti siya sa sinabi ng dalaga.
"Umorder ka na ng pang take-out mo. Ako na ang mag-aayos niyan. For sure ay kulang pa yan mamaya para sa'yo." biro niya rito.
"Huwag na, okay na to." anito at sinimulang ayusin ang mga natirang fishball sa container.
"Ay sus nahiya pa. Hindi ka nga nahiya sa laki ng mga subo mo kanina. Na para bang wala ng magbebenta ng fishball bukas."
Nanlaki ang mga mata nito sabay tingin sa paligid.
"Sige pa, isigaw mo pa." anito sa mahinang boses.
Nilapitan niya ito at kinuhan ang container at paper bag na hawak nito.
"Sige na, umorder ka na." malumanay sa utos niya rito.
"Fine. Pero para sa mga kasambahay namin ang o-orderin kung additional fishballs okay?"
"Oo na..." natatawang sagot niya.