Rhunzel's POV
"Hija, ikakasal ka na!" Iyan kaagad ang bungad sa akin ng aking lola na galing lang sa kanyang silid. May dala pa itong malaking pamaypay kasama ang aking mga magulang at nakasunod rin si lolo.
"Sino?" Kunot-noong tanong ko rito at tumikhim.
"Ikaw, ikaw lang naman ang kausap namin" bahagya pa akong napairap sa sinabi nito. Wala pa ng akong boyfriend, tapos ikakasal na ako? Oh how pathetic.
"MommyLa, why would I get married when I don't even have a boyfriend?" nakatungong tanong ko rito habang nakatingin sa salamin.
Tumawa ito, gano'n rin sina Mommy. "Oh, our dear Kendal. You don't need a boyfriend. You need a husband" kumunot naman ang aking noo.
Gumuhit ang malaking question mark sa ibabaw ng aking ulo. "Po? Ano po 'yon MaLa?" Tanong ko rito.
Parang nasasabik ang mga expresyon ng mga ito. Iilang saglit na lang ay parang bubukas na ang bibig nito. "Ikakasal ka na sa anak ng mga Eigenmann" mabilis kong nabitawan ang salamin dahilan nang mabasag ito at masugatan ang aking paa.
"Aray" mahina kong bulong at sinulyapan ang aking sugat. May lumabas na dugo rito pero pinapigilan kong hindi masaktan.
"Okay ka lang ba, hija? Ano ba kasing nangyari sa 'yo?" Nananakbo si Mommy papalapit sa akin gano'n rin sina MommyLa at DaddyLo.
Nang mahagip ng kanilang tingin ang sugat sa aking paa, mabilis na dinial ng aking ama ang kanyang cellphone. "Dad, okay lang po ako. Huwag na po kayong mag-aalala, kaya ko na po 'to" ngumiti ako upang iparating sa kanila na okay lang ako.
Hindi nakinig sa akin ang aking ama at nagpatuloy lang ito sa pagdial. "Jusmiyo, hija. Bakit mo ba kasi binitawan 'yang salamin?" Natatarantang tanong ni MommyLa at mabilis na tinawag ang mga kasambahay upang linisin ang mga basag na piraso ng salamin.
"O-okay lang ako. Sige po, mamayang gabi na lang po tayo mag-uusap" saad ko at agad na tumayo upang pumunta sa aking silid.
"Hija" sinulyapan ko DaddyLo at umikot upang harapin ito.
"Po?" Tanong ko nang makaharap ko ito.
"Alam kong iniiwasan mo ang gusto naming sabihin sa iyo. Para lang 'yon sa---"
"Negosyo" dugtong ko rito at bumuntong-hininga. Alam ko kung bakit nila 'yon ginawa, dahil lang sa trabaho, sa negosyo.
Minsan iniisip ko kung ano ang mas mahalaga sa buhay nila, kung ako ba o ang negosyo na 'yan. Kulang na lang ay gagawin nilang anak ang kani-kanilang mga negosyo.
"Y-yes, hija" yumuko muna ako at mahigpit na hinawakan ang aking damit.
"Paano po kung sasabihin kong ayaw ko?" Mahinang tanong ko rito at sakto lang na marinig nila ito. Natahimik muna sila at ang tanging naririnig namin ay ang tunog ng mga piraso ng salamin na nililinis ng aming kasambahay.
Narinig ko ang matunog na buntong-hininga na binitawan ng aking ama. "Hija..."
"Sige po, magpapahinga muna ako. Tawagin niyo na lang po ako kung nandyan na ang doktor" saad ko at dere-deretsong naglakad papasok sa loob ng aking silid.
Humiga ako sa kama at hinawakan ang aking sumasakit na ulo. Inabot ko muna mula sa ibabaw ng drawer ang aking cellphone. Tiningnan ko kung may tawag ba rito, pero wala akong nakita kaya binalik ko ito sa ibabaw ng drawer.
Hay, ano kaya ang gagawin ko? Sa sobrang dami ng aking iniisip halos hindi ko na alam kung saan ko pa ilulugar ang aking sarili. Maraming bumabagabag sa aking isipan na hindi ko alam kung paano ko alisin ang lahat ng 'to. Dumagdag pa ang pilit na kasal. Masyado nang okupado ang aking isipan at halos wala nang mapagpaglagyan ang magagandang bagay na dapat kong isipin.
Sinapo ko ang aking noo at deretsong tumayo, saglit ko munang sinulyapan ang aking sugat. Mabilis kong binuksan ang pintuan at agad na naglakad patungo sa kinaroroonan ng aking mga magulang.
Nakita kong kausap ng mga ito ang doktor kaya tahimik akong lumapit sa kanila. Nakita kong sumulyap sa akin si Doc. Salvatore kaya ngumiti ako rito.
"Magandang hapon po Doc" nakangiti kong bati rito.
"Magandang hapon, hija" anito at sinuklian ako ng ngiti.
Mabilis na napalingon sa akin ang aking mga magulang. "Nandyan ka na pala. Halika na, maupo ka" dahan-dahan akong umupo nang hilain ni Mommy ang aking kamay at agad akong pinaupo sa sofa.
"Ano bang nangyari sa 'yo at nasugatan ka?" Tanong ng doktor at hinanda ang kanyang mga kailangang gamitin sa pagagamot.
"Sugat lang" sagot at tahimik itong pinagmasdan. Hinila nito ang aking paa at ipinatong ito sa mesa na nasa gitna.
"Stay put, okay?" Tumango-tango naman ako.
Tahimik nitong nilinisan ang aking sugat at agad itong ginamot. Napabuga naman ako ng hangin nang matapos gamutin ang aking maliit na sugat.
"Maraming salamat po" ani ko rito at mabilis na ngumiti.
"Wala 'yon, hija. You should be careful next time. Baka masugatan ka nanaman" tumango ako at agad na tumayo. Saglit akong pumunta sa kusina upang kumuha ng maiinom ata bumalik rin kaagad sa sofa. Nakikinig lang ako sa kanila habang nag-uusap hanggang sa maka-alis ang doktor.
"Okay ka na ba, hija?" Ngumiti ako saka tumango.
"I'm fine" sagot ko rito.
"So, let's talk about the upcoming wedding" nawala ang sumilay na ngiti sa aking labi at napalitan ito ng seryosong expresyon.
Gusto kong iwasan ang tungkol sa kasalan na 'yan, pero hindi ko magawa. They will always hunt me hanggang sa mapapayag nila ako.
"Hija, gawin mo na lang ang kagustohan ng iyong lolo't lola" sabat ng aking ama at hinawakan ang aking magkabilang balikat.
Hindi ako nagsasalita at tanging nakatingin lang ako sa kanila. "Hija, please do it para sa negosyo natin" sabat naman ni MommyLa at may nag-mamakaawang mukha pa ito.
"Mom, dad" binalingan ko ng tingin sina MommyLa. "MommyLa, DaddyLo... Bakit kailangan pa ang kasal kung pwede namang partnership?" Tanong ko rito.
"Iyon ang desisyon ng pamilya ng lalaki, hija. Kilala nila ang pamilya natin, kilala rin natin sila. Tumatanda na rin raw ang anak nilang lalaki, mapahanggang ngayo'y wala pa rin itong ipankilala sa kanyang mga magulang. Napagpasyahan naming ipagkasundo ang mga negosyo namin sa pamamagitan ng pag-iisang dibidb ninyong dalawa" marahan akong napabuga ng hangin at palihim na kinurot ang aking sarili.
Masyadong labag ito sa aking kalooban. "Please, hija. Noo'y ikaw ang palaging nasusunod namin, ngayon nama'y kami ang sundin mo" hindi ako nakaimik at yumuko na lamang.
Maski ako, hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin ko, kung ano ang isasagot ko.
Naaawa ako sa mga expresyon nito. Masyadong mahal talaga nila ang kanilang mga negosyo. Bumuntong-hininga ako at dahan-dahan na tumango kahit na gustong tumakbo ang aking kaluluwa papalayo sa aking katawan.
"Payag na ako. Ayaw ko man itong mangyari, pero sa nagyo'y bibigyan ko kayo ng tsansa sa inyong kagustohan" nakatungo kong sagot at palihim na umirap.
"Talaga?!" Masayang tanong ni DaddyLo at halos tumalon-talon na ito sa saya at sabik. "Anak, we must let the Eigenmann know this" utos pa nito sa aking ina. Mabilis namang tumango si Mommy at agad na tumakbo patungo sa kanilang silid ng aking ama.
Umiling-iling na lamang ako at hindi pinansin ang sayang nararamdaman ng aking mga magulang pati na ng aking lolo't lola
Kajick's POV
"What the hell, mom. Are you crazy?" Inis kong usal sa aking ina nang sabihin nitong ikakasal na ako. This is fvcking insane.
"Kajick! Don't cuss infront of your parents!" Ma otoridad na saad ng aking ama kaya tumahimik ako.
I hate this life.
"Sige na, hijo. You'll be meeting her tomorrow. Ikakasal kayo sa ayaw at sa gusto ninyo. This is for the business of our family" saad ng aking ina, sinulyapan ko naman ang aking lola na tahimik na umiinom ng kape.
"La" tawag ko rito pero umiling-iling lang ito. "Why do you have to make my decision?" Kalma kong tanong ngunit may halong inis ang tono ng boses niyon.
"Hijo, sundin mo na lang ang kagustohan ng iyong mga magulang, baka kung saan nanaman hahantong itong sagutan ninyo" sabat ng aking lola at inayos ang mga bagay na nakalapag sa mesa.
"La, why would I marry someone that I don't even know? Hindi ko siya kilala, hindi niya rin ako kilala. I won't marry someone that I don't love" mahaba kong sagot rito upang maiintindihan nila ako.
"You will love her, soon. Maganda siya, hijo, matalino rin. Masasabi kong bagay kayong dalawa" marahan akong umiling. Why are they forcing me to marry whoever that is?
Mukha ba talagang pang forced marriage 'tong mukha ko? I don't deserve this kind of will.
"I don't care kung panget man siya o hindi. I don't know her. I'm not gonna marry her and I'm not interested to know her"
"You have to marry her. Hindi pwedeng tatanggi ka diyan, hijo. Matanda ka na and who will take care of yourself when we are getting old?" Oh, how would I explain this.
"Tss, still no Mamá. I can take care of myself" pagtanggi ko rito.
"Sige na, hijo. You ne---" natigilan sa pagsasalita si Mommy nang marinig naming tumunog ang cellphone nito. Tumigil muna kami kaya pabagsak akong naupo sa sofa.
Nakatingin lang ako kay Mommy nang makita kong masaya itong nag-uusap. Agad rin nitong binaba ang tawag kaya tumingin ako rito. "O, pumayag na ang apo ni Ginoong Marchenko. Ikaw na lang ang hinihintay namin, hijo. Pumayag ka na if you don't want us to bug you around" nakangiting saad ni Mommy.
How desperate was that granddaughter of Marchenko. Gusto niya talagang maikasal sa akin. How desperate. Hindi niya man lang gumawang tumanggi sa kanyang mga magulang at lolo't lola. Tss, sobra ang pagka desperada.
"Can we end this conversation right now?" Tanong ko rito.
"Sure, we can end this, hijo. Just answer yes to us and this conversation will end immediately" sabat ni Daddy at umakbay kay Mommy.
This is damn hard. Wala ba talaga akong takas rito?
"Okay, fine. I will answer yes. But I won't love her. Fvcking business" ani ko pa pero binulong ko na lamang ang aking huling dalawang salita.
Mahinang tumawa ang mga ito kaya ginulo ko ang aking buhok at sumandal sa sofa. "Sure, this is final. It's up to you, kung mamahalin mo ba ang babaeng 'yon o hindi. Maganda pa naman 'yon, alam kong hindi magtatagal ang panahon at matututo ka ring mahalin ang babaeng iyon, hijo" panunukso ng aking ama sa akin, but I keep my pokerface on. Narinig ko pa ang halakahakan ng aking lola at ina.
Wala ako sa mood upang sumabay sa pagiging masayahin nila. "Okay, I'm leaving" paalam ko rito at kinuha ang susi ng aking sasakyan mula sa mesa saka ako tumayo habang nakalagay sa bulsa ang isang kamay.
Hindi pa man ako nakahakbang ay tumawag nanamna ang aking ina "Anak" I faced her with a blank expression.
"What? May kailangan pa ba kayo?" I coldly asked.
"Remember, magkikita kayo bukas ng alas otso. You'll talk to her. I already told her family what to wear. She'll be wearing rainbow colored dress. Mark my words, hijo. Rainbow, okay? Don't forget that" I tsked and I turned around to walk away. Mabilis kong pinaandar ang sasakyan at pinaharurut ito patungo sa aking opisina.
I don't care what she is wearing. Wala akong pake sa babaeng 'yon. She is very desperate to marry me, without knowing what I think. Sa bagay nga naman, she don't know me.
I'm also not interested to know her.
Rhunzel's POV
Pumanhik ako sa aking silid habang dala-dala ang aking pagkain na isang kahon na pizza. Kakagaling lang namin sa mall upang bumili ng rainbow na biste.
Bukas ko na raw kikilanin ang anak ng mga Eigenmann. Medyo kinakabahan ako pero pinipigilan ko lang ang aking sarili sa nerbiyos na aking nararamdaman.
Uminom ako ng tubig at pinatong ang kahon sa aking kandungan. Pinatid ko 'yong swivel chair papalayo sa akin kaya umabot ito sa pintuan.
In-on ko muna ang TV at linipat-lipat ito ng iba't-ibang channels hanggang sa magsawa ako rito.
Humiga ako sa kama at agad na pumikit. Nagising rin ako nang marinig ko ang malakas na tunog ng alarm clock. Kinuha ko iyon at mabilis na tinapon sa aking pintuan dahilan nang tumigil ito kakaring.
Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata at dahan-dahan rin akong tumayo upang pumunta sa banyo.
Matapos kong gawin ang aking morning routine, lumabas ako ng bahay dala-dala ang aking maliit na sling bag.
Hindi pa man ako nakalabas sa gate, bumungad kaagad sa aking harapan sina MommyLa at DaddyLo. "Wow, handa na pala ang aming apo" nakangising tanong ng aking lolo.
Napanguso ako at tumango. "Sige, alis na po ako. Hindi ko pa naman kilala kung sino ang lalaking iyan. Kajick 'yong pangalan niya, hindi ba?" Pag-uulit ko pa kay MommyLa.
Palagi kong tinatanong kung ano ang pangalan ng lalaki. Sagot naman ni Mommy ay Kajick raw ang pangalan nito. Napapansin ko rin na hindi masyadong showy ang lalaking iyon. Naghahanap ako ng mga articles about sa kanya, pero ni isa wala akong nahanap.
"Tama ka, hija. Sige, umalis ka na" hinalikan ko muna ang mga pisngi nito at mabilis rin akong sumakay sa aking sasakyan.
Pagkarating ko sa restong pagkikitaan namin, tahimik akong pumasok rito at hinanap ang lalaking nakakulay asul ang polo. Wala akong nakita rito kaya umupo muna ako sa bakanteng upuan.
Linibot-libot ko ang aking paningin sa paligid at hinahanap ng aking dalawang mga mata ang nakaulay asul na lalaki.
Wala pa siguro.
Tahimik lang akong naghihintay habang pasulyap-sulyap sa oras. Malapit nang mag-alas nuebe at wala pa rin ang anak ng pamilyang Eigenmann. Hindi ko alam kung aalis na ba ako rito o hindi, tinatamad na akong maghintay. Ang tagal naman kasi ng lalaking iyon, nasaan na ba kasi 'yon?
"Miss, ano po 'yong order ninyo?" Sinulyapan ko ang lalaking waiter.
"Tubig lang" sagot ko naman rito at sinulyapan ang pintuan. Mapahanggang ngayo'y wala pa rin ito. Gusto ko na umalis sa lugar na 'to.
Hindi nagkalaunan ay dumating rin 'yong waiter dala ang aking tubig, mabilis rin itong naglaho sa aking paningin.
Napatingin ako sa pintuan nanag marinig kong bumukas ito. Linuwa muka roon ang lalaking nakakulay asul ang polo na parang anghel na hulog ng langit, parang may hinahanap rin ito. Jusmiyo marimar ang gwapo.
Tumigil ang mga mata nito sa aking gawi at nagsalubong ang aming tingin. May kung ani na lamang akong nararamdaman kaya mabilis akong nag-iwas rito, mabilis rin itong nagalakad.
Infairness, gwapo rin pala 'yang anak ng mga Eigenmann. Matipuno at makisig.
"You're Rhunzel, right?" Deretsong bungad nito sa akin nang makalapit ito sa aking gawi. Nagulat naman ako, hindi man lang ito nagslita ng hi or hello man lang.
"Yes, you're Rhunzel, ikaw lang naman ang bababeng nakasuot ng rainbow colored dress" saad nito na parang naiilang at ginulo ang kanyang buhok. Biglang nagslowmo ang paligid nang guluhin nito ang kanyang buhok.
Hindi ko mapigilang mapatitig sa magandang mukha nito. Ang gwapo niya talaga, pero mukhang seryoso, mukha ring masugit.
Umupo ito sa aking kaharap na upuan. "So, why did you agree?" Tanong nito at umayos sa kanyang pagkakaupo. Hindi naman ako nakapagsalita at nakatingin lang sa mala adonis nitong mukha. "Excuse me? Binge ka ba?" Masungit nitong tanong.
"Hey, are you gonna talk or not? Tss, why am I trying hard to talk to this kid" tanong nito ngunit narinig ko ang mahinang bulong nito sa kanyang huling mga sinabi.
Aba, ang sungit. Ang baho rin naman pala ng ugali.
"Let's get this straight to the point, I'm not interested to you. I don't like you and you're not my type" tumigil muna ito. "What do you want? You want my money? How much?" Gumapang naman ang inis sa aking buong katawan kaya mahigpit kong hinawakan ang aking sling bag.
Tumikhim ako. "I don't need your money. Kaya kong kumayod upang kumita ng pera, I don't like this too. Ganyan ba talaga ang tingin mo sa akin? Mukha akong pera? Well, Mr. Hindi rin kita type" Joke lang, ang gwapo mo nga eh.
"Oh, nagsasalita ka na pala. I thought you're inarticulate" sumama ang tingin ko ngunit hindi ko ito ipinahalata sa kanya.
"Would I talk if I'am inarticulate?" Bakas ang pagkasungit sa aking boses. Mahina lamang itong natawa kaya kumalma muna ako.
"Okay, so we're fair. You don't need our family and we don't need your family. Kaya niyong kumita ng pera without our help, gano'n rin naman kami. Kaya naming kumita without your family's help" he said directly.
My facial expression became soft. "Hmm, fair and square" sagot ko rin rito.
I was thinking about my parents reaction. Pag nalaman nilang may plano kaming hindi pagtuloy sa kasal. This is gonna be a big problem. Alam kong sesrmonan nanaman ako nina MommyLa at DaddyLo.
"Okay, so we're done. No wedding will happen" tumango ako saka tumayo. Kinuha ko mula sa katabi kong upuan ang aking sling bag saka ako naglakad palabas ng pintuan.
Sinulyapan ko muna 'yong oras, nararamdaman ko rin na may nakasuysa akin kaya bahagya ko pa itong liningon. Nakita ko si Kajick na nakatingin sa akin kaya hindi ko ito pinansin at nagpatuloy lang ako hanggang sa makarating ako sa parking lot.
Mabilis rin naman akong sumakay sa aking sasakyan at kaagad ko rin itong pinaandar. Dumating ako sa bahay na nakasimangot at magulo ang buhok. Sinalubong pa ako ng aming mga kasambahay at kinuha ang aking bag saka ang suot kong sapatos.
Pumasok ako sa loob at tinapon ang sarili sa sofa. "Umuwi ka na pala?" Napalingon naman ako sa nagsasalita. Tinunguan ko lang habang nakasimangot.
"Okay ba?" Tanong ni DaddyLo at nakasunod naman rito si MommyLa at ang aking mga magulang.
"Yup, walang kasal na magaganap. Okay na okay" I smiled and I raised my hands yo form a thumbs up.
Hindi ito nagsasalita at napa-awang na lamang ang mga bibig nila. Hindi rin nagkalaunan ay tumawa si Daddy. "Oh, hija. Bakit naman wala? Planado na ang lahat para sa inyong kasal. We can't just cancel that big celebration. Malaki ang nagastos namin at ng pamilya ng Eigenmann sa inyong kasal. Tuloy ang kasal" saad ni Daddy kaya tumango-tango naman sina Mommy. Napairap na lamang ako sa sinabi nito.
"Bakit? Kailan niyo ba 'yan naplano?" Nakakunot ang noo ko nang tanongin ko ang tungkol sa bagay na 'yon.
"We planned this ten days ago, I think?" Ten days ago? Tapos kahapon lang nila sinabi sa akin? What the hell!
"Tapos kahapon niyo lang napagplanohang sabihin sa akin?" Sabay-sabay naman silang tumango.
"We are struggling a little bit on trying to tell you about this thing. Naghahanap kami ng tamang oras upang sabihin ito sa 'yo. Ayaw naming nabibigla ka Kendal" napasapo ko na lamang ang aking noo saka ako napabuga ng hangin.
Napaka uto-uto ko naman talaga. "Well, now I'm shocked" I replied and I tried to act that I'm shocked.
I shrugged and turned the TV on. "Sorry, hija" tumango lang ako at hindi sila pinansin.
"We're very sorry, Kendal" saad ni Mommy sa 'kin.
Bumuntong-hininga ako saka ko sila tiningnan isa-isa. "Wala na akong magagawa pa. Nandyan na 'yan. I should accept this fvcking destiny" binulong ko lamang ang salitang fvcking na 'yan. Baka kung ano nanaman ang sasabihin nina Mommy.
"Maraming Salamat naman, hija" natatawang saad ni DaddyLo.
"Yeah, yeah" pagsusungit ko at bumuntong-hininga muli.
Tahimik lang akong nanunuod nang palabas nang mapansin kong naglaho na ang aking mga magulang na kanina pa ako kinukulit.
Nakita kong bumalik sa aking gawi ang aking ina habang nakangiti.
"Siya nga pala, hija. Hmm, dinner tomorrow night with the Eigenmann"
"WHAT?!" I'm numb.