Chapter 2

Rhunzel's POV

Kasalukuyan akong umiinom ng kape rito sa café ng kaibigan kong bakla. Ewan ko lang kung nasaan ang baklang 'yon. Hindi ko siya nakita ngayon, baka lumalandi nanaman 'yon sa crush niyang bouncer.

"SHOKLA!"

Halos napalingon ang lahat ng tao kay Vincenzo nang marinig kong sumigaw ito. Si Vincenzo ang kaibigan kong bakla, siya rin ang nagmamay-ari ng café na 'to.

Sumenyas ako rito na hinaan ang kanyang boses kaya yumuko ito sa mga tao saka bahagya pang ngumiti. Pakembot-kembot rin naman itong naglakad papalapit sa akin. Feel na feel maging model ang bakla.

"Shokla!" Tawag nito at umupo sa aking tabi.

"Hmm" I hummed and continue sipping my coffee.

"Kumusta na? Ilang araw ka na talagang hindi bumibista rito sa café ko ha. Nahu-hurt na ako, shokla" tumango lang ako.

Iba ang pumapasok sa aking isipan. Iniisip ko 'yong kasal, iniisip ko 'yong dinner namin mamayang gabi. Mabuti na lang at hindi sa bahay ang hapunan.

"Problemado ka ata?" Curious nitong tanong at sinuri ang kabuohan ng aking mukha.

Bumuga ako ng hangin. "Vincenzo, ikakasal na ako" nanlaki ang dalawang mata nito at malakas itong tumili kaya mabilis kong tinakpan ang bibig nito.

"Shokla! Anong Vincenzo? It's Venice, okay? Not Vincenzo. Nakakaloka, ikakasal ka na pala. Anyare, shokla?" Lumabas nanaman ang kabaklaan nito kaya sinamaan ko ito ng tingin.

"Tigil-tigilan mo 'ko, bakla, ah" bigla naman itong napasimangot.

"Sige na, ikakasal ka na pala. Gwapo ba? Papi? Wafo?" Kinikilig na tanong nito. Bigpa naman akong nakaramdam ng kilabot kaya mabilis akong napailing. "Ano?! Hindi gwapo? Malas ka, shokla. Walang jackpot" nanghihinayang niyong saad at pambabaeng umupo.

He was sitting like a like a dog with ass out. "Bakit ba ang hilig mo sa gwapo? Oo gwapo siya pero masungit" I annoyingly answered as I threw the empty cup of coffee on the trash can.

He was tailings me until I get back on my proper chair. "Ay! Jackpot, bahala na kung masungit basta yummy. Ay, papi" naririndi naman akong tumingin rito. Aish, he's annoying.

"Tumigil ka na nga" I eagerly replied.

"Ano ba 'yong pangalan niya?" Tumaas ang isang kilay ko rito.

"Bakit?" Bumilog ang bibig nito sabay takip.

"You like that papi, shokla?!" Sumeryoso naman ang tingin ko rito. I gave him a heavy sigh and a poker face.

"NO! NO! NO! Ayaw ko sa kanya" sagot ko sabay iling-iling. Bigla naman itong ngumiti sa akin ng nakakaloko. Linapit nito ang kanyang mukha sa akin kaya napaatras ako ng kaunti.

"Sure ka, bebe?" Ika pa nito.

"Yup, cross my heart. And may dinner kami ngayong gabi"

Lumaki ang mga mata nito. "Dinner date?"

"Family dinner, bakla. Not dinner date" humagikhik naman ito kaya tumawa na rin ako. Sasabayan ko muna ang kabaklaan ng lalaking ito.

"Ano nga ang pangalan ni Papi?"

"Bakit ba atat ka na atat na makilala ang pangalan niya?" May pagtataka ang tono ng boses ko nang itanong ko iyon.

"Wala, gusto ko lang makita ang mukha niya" napangiwi naman ako.

"He is a high profile kind of person, but he's not that showy tho. You need to be a spy to know him well" I responded and called the cashier. Binayaran ko muna 'yong kape saka ko tinuon ang aking tingin kay Bakla.

"Kaya pal--"

"But I do know his friends" mabilis kong dugtong rito. Sinabi na sa akin lahat ng alam nina Mommy tungkol sa lalaking iyon. Marami rin palang kaibigan 'yong masungit kahit na ganoon ang klaseng ng ugali nito.

"Sino? Gwapo ba? Papi? Fafa? Wafo?" Tanong nito at napahawak sa magkabilang pisngi nito.

Kumunot naman ang aking noo.

This gay is gross...

"Uhhh, yup, they're handsome and rich" kinuha ko ang aking cellphone mula sa aking bulsa saka kaagad akong pumunta sa gallery. "Here" pinakita ko isa-isa ang mga litrato ng kaibigan ni Mr. Sungit.

"Wait! Sino 'yan?" Huminto kami sa litrato ng isang lalaki na nakatingin sa malayo habang nasa bulsa ang isang kamay nito. He has a sharp eyes and a dimples.

"Why?"

"Ang wafo!" Tili nito at linapit ang cellphone sa kanyang mukha. "Papi! Bongga!"

"Skyler Han Baldassare, a Taekwondo Master, he's actually a black belter, son of a lawyer and an engineer, grandson of Marina 'Nina' Del Rio. I don't know much about him. I'm not seeking informations of him" normal kong saad rito. Napansin ko naman na hindi ito nagsasalita kaya kumunot ang aking noo.

He was covering his mouth while two eyes widen in surprised.

"What?"

"Ang gwapo! Shokla! Pwede na. Ang yaman naman pala, si Mrs. Nina Del Rio? Oh my gosh, shokla. Ang yaman!" Napatili nanaman ito kaya mabilis kong natakpan ang aking tenga sa lakas ng tili nito.

"Lower down your voice" bulong ko rito.

"Ang gwapo, shokla!" Bulong nito at pinipigilang kiligin at mapatili. Napalingon naman ako sa aking cellphone. Tama nga naman, gwapo rin si Sky. Sa totoo lang naman talaga, lahat sila gwapo. Ako mismo, hindi ko rin alam kung sino ang pinakagwapo sa kanila.

"Tama na 'yan" I swiped the screen to the next photo at ipinakita roon ang litrato ng isang lalaki na nakasuot ng lab gown.

"Sino 'yan?! Oh my gosh, hihimatayin na ata ako. Ang gwapo, anakan mo na ako, papi" bulong nito kaya malakas akong tumikhim. Ang landi naman talaga ng baklang 'to.

"FYI lang, wala kang matress. Don't assume that he can make you pregnant" prangka kong saad rito saka umirap.

Nag-iinarteng napahawak ito sa kanyang dibdib na kunwari'y nasasaktan sa sinabi ko.

"Ang sakit no'n, ha"

"Well, that's one of the facts about mens" I replied calmly.

"Ano nga 'yong pangalan niya?"

"Trayon Brazzaville Monterey. Owner of the Monterey Hospital" sagot ko. Well, I don't really know his full name. Ika pa nila, mahaba raw ang pangalan nito. I don't know how long.

"Brazzaville as in capital of Congo?" Tumango ako. Napakagat naman ito sa kanyang ibabang labi at tinitigan ang litrato ni Trayon.

"Ang sharap" anito kaya umakto ako na parang nasusuka. Nakaksuka naman talaga eh. Ang gwapong-gwapo ni Vince tapos babakla-bakla lang, sayang.

I swiped it to the next. "Sino 'yan? Bakit magkamukha sila nong Brazzaville?" Umangat ang gilid ng aking labi.

"They're twins. This is Treyton Libreville Monterey. I don't know his full name" dumeretso na ako bago pa man ito magtanong sa akin.

"Libreville as in capital of Gabon? Bakit ba ang hilig ng mga magulang nila ng capital?Ang wafo pa naman ng anak, yummy. Ang yayaman pala ng kaibigan ng aasawahin mo" bumuntong-hininga ako saka umirap. Patuloy lang ako sa pagpapakilala ng mga kaibigan ni Kajick hanggang sa matapos ko ang mga iyon.

"Nasaan na ang litrato ng papangasawahin mo? Anong pangalan niya?" Tanong nito habang nagscroll-scroll sa aking cellphone

"Kajick ang pangalan niya. Wala akong litrato sa mukha niya" tumaas ang kilay nito.

"Seriously, bakla? May litrato ka sa mga kaibigan, pero wala ka man lang litrato sa papangasawahin mo?"

"As I said nga, hindi siya showy. Wala akong makukuhang impormasyon tungkol sa kanya. Hindi ko nga alam kung ano ang buong pangalan niya, tanging Kajick lang ang alam ko. Ang apilyedo niya nama'y Eigenmann" namilog ang mga mata nito.

"Eigenmann?! Oh My Gosh! Eigenmann?! Kilala mo ba ang pamilyang 'yon?"

"Malamang" pagsusungit ko rito.

"Ah, pakilala mo siya sa akin kapag kasal niyo na, ha. Siya nga pala, kailan ba ang kasal ninyo?" Tanong nito at inayos ang kanyang magulong buhok.

"Sunday, malapit na nga. Juiceko naman, ikakasal ako sa hindi ko naman gusto" tumayo ito saka kumuha ng kape kaya sinundan ko lang ito ng tingin hanggang sa makabalik ito sa aking gawi.

"Hay, gusto mo pa?" Linahad nito sa aking harapan ang Americano kaya ininom ko pa rin ito. Ikalawang kape ko na 'to. Sumobra na ata ang caffeine na nasa katawan ko.

"Ikalawang kape ko na 'to"

"Okay lang 'yan, para naman mas nagaganahan ka ngayong gabi" napasimangot na lamang ako at hinigop ang laman ng cup.

"Nga pala, sino nga pala ang magiging bestman sa kasal ninyo?"

"Sila" napatakip nanaman ako sa aking tenga ng tumili nanaman ito. Dinaig pa 'yong si Whitney Houston.

"Eh, sino naman 'yong magiging bridesmaid? Kasali ba ako?" Tumalima ang tingin ko rito. Kahit kailan naman talaga, napaka assuming ng baklang 'to.

"Nek-nek mo. Hindi ka kasali, ano. Flower girl ka raw sabi ni Mommy" napasimangot naman ito.

"Bahala na kung flower girl, basta makikita ko si Baby Sky ko. Oh my gosh, shokla!" Sigaw nito.

"Actually, hindi kasali si Sky" nawala ang masayang reaksyon nito at napalitan ng kuriosidad.

"Bakit naman? Bakit wala ang baby Sky ko? Bakit hindi kasali ang baby ko?"

"Aba ewan ko. Special guest si Sky sa kasal. Isa pa, hindi mo siya baby, kaya huwag kang assuming! Bakla ka"

"Masakit 'yon ha. Libre lang mangarap, bakla. Baka naman, mapansin ako ni baby Sky sa kasal niyo, kaya dapat bongga ang suot ko" tumayo ito saka pakembot-kembot na naglalakad. "Dapat strong vibes. Dapat ganito" naglakad ito pakembot-kembot saka nagposing sa aking harapan kaya napatingin sa amin ang mga tao.

Jusmiyo, kumikidlat!...

"Pak!" Aniya at nagposing ulit. "Pak! Pak! Pak! Oh, ha" napatakip na lamang ako sa aking mukha sa hiya na aking nararamdaman. "Dapat makikita 'yong malaki kong puwet" anito at linabas ang maliit nitong puwet. Juiceko naman, patawarin niyo muna ang baklang ito.

"Tumigil ka na, Vincenzo!" Inis kong suway rito habang nakatakip pa rin sa aking mukha. Tinatawanan na kami ng mga tao kaya masyado na ang kahihiyan na aking nararamdaman.

"Mommy, it's Venice, okay? Venice ang pangalan ko" saad nito and he flipped his imaginary long hair.

"Tumigil ka na, Vince. Nakakahiya ka. I'm sorry everyone, this is just an error. Cover your face or just look at me para mawala rin 'yang takot niyo" humarap ako sa maraming tao rito sa loob ng café. Narinig ko pa ang mga bulong-bulongan nito.

"Ang ganda niya"

"Parang may kamukha siya. Sino nga ba 'yon?"

"Miss, can I have your number?"

"Miss, pahingi ng picture"

Sari-sari ang mga naririnig ko rito sa loob ng café, parang naging center of attention na ako rito. They're talking about me.

"Hoy, mga bagets. Taken na siya kaya OKA na lang" natawa naman 'yong ibang tao sa sinabi ni Vince. May pa oka-oka pa talaga itong nalalaman.

"Huwag na lang po, maraming salamat na lang po"

"No thanks"

"We're not available too"

"Pasensya na po, hindi po kami pumapatol sa bakla"

"Pfft" nagpipigil naman ako ng tawa sa aking mga naririnig. Pfft, mga gago. They're making fun of my bestfriend.

"Hoy! FYI lang mga dong. Hindi rin ako pumapatol sa mga lalaking mukhang walis ting-ting at walis tambo" mas lalong nagsitawanan ang mga tao rito sa loob ng café.

"Ah, sige po. Hindi nga po kami pumapatol sa baklang mukhang tikbalang at kumuha ni Petrang kabayo" tumahimik ang buong paligid nang sumama ang tingin ni Vince rito samantalang ako nama'y naluluha na sa tawa.

Bwahahaha, sige dong. Patulan mo pa si bakla, lilipad ka talaga papuntang Mars. "Magsilayas nga kayo! Hindi rin ako pumapatol sa lalaking mukhang bunot ang buhok!" Napipikon nitong sigaw.

Naglakad naman ang mga ito papalabas ng café, bago pa man ito makahakbang papalabas ng café, lumingon muna ito sa amin. "Maraming salamat po. Kahit ano pa po ang hitsura mo, sigurado po akong walang papatol sa inyo" ika pa nito bago tuluyan nang lumabas ng café.

Nagsihalakhakan ang lahat kaya nakikitawa na rin ako. Nakakatawa lang rin naman kasi. Masyadong bata 'yong kaaway ni bakla. Pikon na pikon na siya sa isang bata. Parang dise-nuebe na 'yong lalaking kaaway ni bakla.

"Nakakinis kang pusang gala ka! Kahit gwapo ka... Kahit gwapo ka... Wala, gwapo ka lang talaga. Soon, magiging papi na kita!" Napa-awang naman ang aking bibig sa sinabi nito.

Pumapatol rin pala sa bata si Bakla? Bakit hindi ko 'yon alam?

"Bwesit na bata, kala mo naman kung sinong gwapo. Pweh! Gwapo naman talaga! Papi, magiging akin ka rin talaga!" Kunwari'y naiinis nitong saad at marahan na binaba ang cup ng kape sa mesa.

Nakakalito rin talaga ang baklang 'to. Nagaganahan siya sa batang lalaking 'yon, pero galit na galit. Nakakalito!

Kajick's POV

"What?! Ikakasal ka na? How come? Paano n---"

"Shut up, Trey. My mind is rumbling" seryosong saad ko rito habang hilot-hilot ang aking sintido.

Well, our plan of stoping the wedding has failed. My parents are bugging me to marry that woman. Tch, damn annoying.

"Maganda ba 'yan?" Tanong ni Wren.

Bumalik sa aking isipan ang imahe ng babaeng iyon. To be honest, she's gorgeous. She's really beautiful with her rainbow colored dress and with her long ginger shining hair. Mahahalata mo rin ang magandang hubog ng katawan nito. Hapit na hapit sa kanyang beywang ang suot nitong biste kahapon. She's like a model.

Maliit rin ang mukha nito, she also has a red kissable lips that every men wanted to taste.

Mabilis akong nabalik sa aking hwisyo nang makarinig ako ng tikhim. "Okay ka lang?" I nod and I faced my laptop as I drunk my cup of tea. Hindi ko namalayan na naligaw na pala ako sa aking isipan.

"So, maaari ba namin siyang makilala?" Pormal na tanong ni. Aziel.

"Daughter of the Marchenko" tumango-tango ang mga ito.

"I know her. She's really beautiful. The first time I met her was like I was in heaven. She's beautiful"

"Tss, are you gay?" Insulto kong tanong kay Aziel nang magsalita ito.

"I always seen her with his guy friend" sabat naman ni Wren.

A guy friend?...

"Tss, a guy friend? Hindi ba talaga siya takot sa maaaring mangyari sa kanya dahil sa guy friend na 'yan? She might get in danger because of that guy friend or more possible, she will got rape by that guy friend of her" Inis kong tanong rito.

Why am I concerned, anyway? Wala na akong pake sa kanila.

"Hindi 'yan mangyayari" nasisigurong saad ni Treyton. Why are they even sure?

"Why? Bakit mo naman 'yan nasabi?"

"Dude, it may be a guy, but it is a woman by heart" mabilis kong nakuha ang ibig sabihin nito.

"So? Not a guy friend, but a gay friend, instead?" Ngumisi ito saka tumango-tango.

"A gay friend" pag-uulit ni Aziel sa aking sinasabi.

"Tss, a gay can be a guy"

"Posible pa ba 'yon? Parang napapansin ko, buong babae na ata ang baklang iyon. Babae na rin kung kumilos, lalaki nga lang kung manamit. Panlalaki rin ang hitsura ng baklang iyon kaya hindi mo kaagad mahahalata na bakla ang lalaking iyon"

"Nothing is impossible, when you believe it can be possible" sagot ko while I was reading the business proposal on my table.

Nang matapos ko itong basahin kaagad ko rin naman itong tinapon sa trash bin na nasa tabi ng aking mesa. "Dude, why are you throwing that?" Narinig ko naman ang boses ni Aziel.

"Proposals? Tch. People can deceive you. You have a high expectation, but they gave you below the belt reality. Akala ko ba alam mo ang tungkol sa mga negosyo? Don't tell me, tinatanggap mo lang lahat ng mga proposal na dumadating sa kompanya ninyo without reading it's content?" Seryosong sagot ko rito.

"Of course not. Hinihingi ko ang opinyon ng sekretarya ko. I'm not that good at business, I'am more on laws. I managed my time. Sa negosyo nama'y kaunti lang ang oras na naipundar ko. But I still can manage my family's businesses. Nakaya ko nga ang pagpapatakbo ng kompanya namin sa Milan and the other businesses around the world" yeah, I just remembered. He's really more on laws.

"Okay, that's enough. Let's talk about the Marchenko" sabat ni Wren.

"Treyton, do you know her?" Tanong ko sa tahimik na si Treyton. He was staring at the painting on the wall for almost a minute.

"Hmm, the spoiled one. She's naive" sagot nito at hindi inalis ang kanyang tingin sa painting sa dingding.

"Nasaan ba si Sky?"

"Here"

Mabilis kaming napalingon nang marinig namin ang boses na 'yon. "What are you up to? Bakit bihis na bihis ka ngayon?" He glanced at his wrist watch.

"I'll be meeting Mr. Pérez at pupunta rin kami sa kanyang masion. I can't be with you for now"

"Oh, mag-ingat ka do'n"

"Yeah, I know. I'll be leaving" nagmamadali nitong saad and he vanished immediately.

"So, kailan ba ang kasal?" Nakatungong tanong ni Trayon while crossing his arms on his chest.

"Sunday" irita kong sagot at kinamot ang aking batok.

"Sunday? Dude, malapit na pala 'yan. We must call our majesty" I sighed.

"Do we really have to tell him?"

"Of course, bawal na wala ang amerikanong iyon. We are your bestman" he was referring to Zyair. Zyair was really an american citizen. Not just a citizen, but a higher one.

That bastard really IS keeping deep secrets.

"Wait, paano niyo nalaman na kayo ang bestman ng kasal?" Kunot-noo kong tanong rito.

"Bakit? Tama ba kami?"

"Hmm, except for Sky and Zyair. They're a special guests"

"Wow, ang galing" pumasok nanaman sa aking isipan ang tungkol sa dinner namin mamayang gabi. Hay, I will met her again. For the second fvcking time.

"O, anong nangyari sa 'yo?" Umiling ako saka ko tinuon ang aking tingin sa laptop. Tinapos ko muna sa pagbabasa ang mga dokumento saka ko ito sinarado.

Hinarap ko ang aking mga kaibigan and I shipped from my cup of tea. "Mukhang problemado ka ata?" I sighed deeply. I sighed as if my lungs is falling from it's position.

"We'll be having a dinner tonight" napalingon si Treyton sa akin at mabilis na tumakbo patungo sa aking gawi samantalang nakatango lang ang iba kong mga kaibigan.

"May dinner tayo?" Mabilis na tanong ni Treyton.

"No, not us. Si Rhunzel and her family with mine" irita kong saad at I finished my tea. I called my secretary for awhile saka ko pinakuha ang tasa ng kape.

"Rhunzel is her name?" I nodded.

"That's her"

"Rhunzel Marchenko?" Tanong ni Aziel but I shrugged.

"I don't know her real name" sagot ko pa rito.

Sumandal ako sa aking swivel chair saka inayos ang aking pagkakaupo. "Bagay sa kanya" nakangiting saad ni Aziel.

I think he likes her.

"You like her, Attorney?" Tumaas ang gilid ng aking labi.

"Shut up. Don't call me Attorney, it's pissing me off" inis nitong saad. He can remember the time when he studied law. Hindi niya nga lang iyon natapos, pero malapit na. I don't know what's his plan.

"Okay, ATTORNEY" sumama ang tingin nito sa amin kaya maghalakhakan naman kami. He's funny.

Bumuntong-hininga ako at hinilot ang aking noo. Bumalik nanaman sa aking isipan ang tungkol sa mangyayaring dinner ngayong gabi. This is insanely freaking me out!

I hate my life...