1

"My gosh! Shutanginang storya toh! Ang dense nung MC at over use yung plot! Fuck! Cringey!"

sigaw ko sa sobrang irita habang nagbabasa nang isang novel sa park.

Wala kasi akong magawa atsaka wala akong interenet para magsurf sa aking mga socials at sinuggest sa akin ni Kiana na basahin ito kasi nakakakilig daw dahil ang hot at possessive yung ML.

Simpleng babae ako at simple lang din yung weakness.

Mga gwapong lalake at yung picture na ginamit dito sa *ML ay gwapo nga kaya napilitan akong basahin.

Pero

Sorry pero sa totoong buhay hindi romantic ang possessive na lalake gwapo man o hindi! Nakakatakot kaya!

"Bat ba ang tagal nung si Kiana! Gusto ko nang ibalibag tong cellphone ko dahil ang cringey!"

Langyang babae yon! Sabi 11 am kami magkikita! Pero anong oras na!

*beep*

1 new messege

[Hoy , Thea! Andito ako sa kabilang kalsada! Lika dito kasi mas malapit dito yung pupuntahan natin]

Napatingin ako sa kabilang kalsada. Andun nga yung walang hiyang si Kiana.

[Geh wait lang. Tatawid na ako]

Hinintay kong senyasan kami ni Manong Traffic Enforcer na pwede nang tumawid .

At sumenyas na nga siya patawid na kami.

"Tabi! Nawalan ako nang preno!!" sigaw nang driver nang isang truck na paparating. 

Pagkarinig ko noon huli na ang lahat.

At ang aking huling narinig ay ang sigaw ni Kiana

ang sakit naman nang katawan ko! Ang bilis namang magpatakbo ni Kuya, parang durog na durog yung katawan ko.

Ganito na ba ako mamatay?

Sana naman hindi.

Hindi ko pa alam yung ending nung cringey na romance novel na binabasa ko.