2

*beep* *beep*

Hmm, ang ingay naman.

Ano ba yun?

Kingina kung sino man yan sana tumahimik. Gusto ko pang matulog.

"Hana! Hoy Hana! Gumising ka na! Anong oras na! Male late ka naman!" Sigaw nang isang hinimdi pamilyar na babae.

Kung sino mang si Hana na yan. Lagot siya at sa boses pa nung babae mukhang galit na.

*bang* *bang*

"Hoy! Hana!!!!! Tanginang bata ka! Ang tagal mong gumising! Male late ka na?!" sigaw ulit nang babae at malakas na sinusuntok yung pintuan

Bakit parang ang lapit nung sumisigaw sa akin?

"HAAAANNNAAAA!" malakas na sigaw nang babae at malaks ding binuksan ang pinto

Napabalikwas ako nang bangon dahil sa lakas nang bunganga nung babae.

Mabilis lumapit sa akin ang babae at pinungot ako sa tenga

"Ikaw! Kanina pa ako sigaw nang sigaw dito pero hindi mo ako sinasagot! Gising ka na pala! Maligo ka na at baka malate ka na naman!"

"Ah aray!"

Pinakawalan nung babae ang aking tenga at lumabas nang kwarto.

"Fuck! Ang sakit! Sino ba yun?! Ikakaso ko yun nang child abuse! Bigla bigla nalang namimingot! At asan ba ako?!"

napatingin ako sa aking paligid. Never ko pa tong nakita tong kwarto na ito? Asan ba ako? Ang huli kong pagka alala dapat magmi meet kami ni Kiana.

nasa park ako nun nagbabasa nang isang novel na super cringey at nag messege sa akin si Kiana na nasa kabilang kalasada siya at nung patawid sana ako may truck na nawalan nang kontrol at

napaluhod ako nung naala ko na nasagasaan ako.

tumingin ako sa aking katawan wala naman akong galos wala namang masakit sa akin.

anong nangyari?

tumingin ulit ako sa paligid ko at may nakita akong salamin.

Tumakbo ako dito at bumilog ang aking mga mata.

ang babaeng nakatingin sa akin ay hindi ako.

hindi ko siya kilala pero kahit anong gawin kong galaw gayang gaya niya.

Fuck! Ano bang nangyayari?!