3

"Hoy! Hana!! Kinaina ka na ba nung kubeta! Ang tagal mo! Nandito na si Alizia! Hinintay ka!"

Sigaw ulit nung babaeng pumingot sa akin. Nakakatakot parang nanay ko lang pero hindi namimisikal yung inay ko kahit papaano mabait parin yun! Ang amazona nung babae!

Ayokong mapingot kaya naligo nalang ako.

Pagkatapos kong maligo. Napatingin ulit ako sa salamin. Langhiya , ako ba talaga toh?

Bat ang Ganda ko?

Sige mamaya ko nlng ulit titigan yung mukha ko at baka bumalik yung namingot kanina. Ang sakit nang pingot nun! Mas masakit kay Nanay!

Hinanap ko yung uniporme ko.

Nasan kaya dito?

Luh? Wala namang puting polo o pulang skirt dito? Nakita ko lang Navy Blue na uniform parang yung ginagamit nang mga Japanese o Korean na highschool students pero mas maganda at complicated yung design.

Kinuha ko at tinignan wow! Parang pang cosplay  din! ganda ahh. Suitin ko toh minsan tapos magselfie ako. Tapos post ko sa Instagram para maingit si Kiana!

Naalala ko. Hindi ko pala to katawan! Pero yung unifrom ko! Asan na ! Baka pumasok ulit yung amazona mamaya baka mapingot ako.

Habang nagiisip pa ako nang anong gagawin ko. Bigla nalang bumukas ang pintuan.

"Huy! Hana! 30 min. nalang malelate na tayo! Bilisan mo!" sabi nung babaeng nagbukas nang pinto.

Nakasalamin siya, naka navy blue na uniform , mahaba ang kanyang buhok may bangs siya at over all maganda siya.

Pero mas maganda ako.

"Ohh bat ka ganyan tumingin? Hala bilisan mo na! Ako magprepare nang bag mo magbihis ka na!"

Napatingin nalang ako sa kanya. Sino ba ito at bigla bigla nalang pumasok sa kwarto ko?

"Hui! Wag kang tumingin tingin lang diyan magbihis ka na!"

Nagbihis nalang ako habang prinoproseso ang nagyayari.

At eto bang navy blue na pangcosplay yung uniform ko? Pero ito yung gamit nung babaeng ito.

Nung tapos na akong magbihis. Bumaba na kami nung babae. Wala parin akong naintindihan sa nangyayari pero nagpahila nalang ako sa babaeng ito.

"Hay nako Hana ang tagal mo! Male late na kayo kaya mas madami na lang yung pinabaon ko sayo dahil wala kayong time mag breakfast!" Sabi nung amazona na pumingot sa akin.

"Sige Tita! Alis na kami! 20 min. nalang kasi!"

20 minutes? Ano 10 minutes lang yung nakalipas? Paano yun nangyari? Parang feeling ko mahaba yung pagmunimuni ko kanina?

"Sige tara!"

Hinila nalang ako nung babaeng ito at nagpahila naman ako.