Chapter 1: Goodbye Manila. Hello El Rino.

"Putang ina naman Margaile! Kelangan mo nanamang lumipat ng eskwelahan? Di tayo mayaman anak!"

Yan nanaman si mama. Dada ng dada paulit ulit na lang. Akala mo naman first time kong magda-drop out tsk.

"Wala na kong choice anak. Ibibigay kita sa tatay mo. Sigu-

"Wag mong subukan ma. Alam mong ayokong mapalapit sa pamilya n'on"

Bwisit! Alam naman niyang galit ako sa tatay ko dahil niloko si mama at iniwan habang ipinagbubuntis niya ako.

"Wala kang magagawa. Sa makalawa din ay sasama ka na sa kaniya. Di na kitang kayang pag-aralin dahil wala ng pampublikong eskwelahan ang gustong tumanggap sa'yo" galit na galit na rin  si mama.

Pero mas galit ako! Ba't naman ganong kabilis? Sa makalawa agad? Jusko ayoko ngang sumama sa tatay ko eh! Tapos ibibigay lang ako ng gan'on ng nanay ko?

"Hindi mo ba talaga ko mahal mama? Bakit mo 'ko ibibigay sa taong kinasusuklaman natin?"hindi ko mapigilan ang mapaluha dahil sa galit at tampo.

"Dahil mas kaya ka niyang buhayin at palamunin. Hindi uunlad ang buhay mo dito sa Maynila lalo na't bulakbol ka pa"

May pinalidad sa boses niya. Mukhang wala na talaga kong magagawa. Sakit nga naman ako sa ulo ni mama. Pero parang isa din sa dahilan niya ay di niya ko mahal.

Umalis na din siya papunta sa kapitbahay namin para makipag chismisan pagkatapos akong sermonan.

Nagpasya na lang ako na tumambay sa labas ng tindahan ng kaibigan ko. Sanay naman na siya akin kaya agad niya akong binigyan ng may sinding sigarilyo. Alam na agad ni Eric na may problema ako.

Tinanggap ko 'yong binigay niya at agad na nanigarilyo. Di na siya nagtanong dahil alam din niyang mabibibwisit ako.

Saka ko na lang sasabihin sa kaniya ang problema ko bago ako umalis para di na din niya ako matanong ng madami.

Di na rin ako nagulat nang papuntahin niya ang buong tropa para makipag inuman. Paniguradong pagagalitan nanaman ako ng nanay ko pag-uwi tsk.

"Oy Margs anong problema mo? Tungkol nanaman ba sa nanay mo?" si Fernie yan. Kung si Eric na takot bwisitin ako kapag magtatanong, ito namang si Fernie na kababaeng tao, ang walang takot magtanong sa'kin kahit bwisit ako.

Kapag di mo siya sinagot lalo kang kukulitin hanggang sa magsalita ka.

"Oo. At wag mo na kong tanungin pa dahil babatukan na kita" inis kong singhal sa kaniya.

Pero, dahil nga magaling siyang mambwisit di niya ko tinigilan. Sinamahan na din siya ng iba kong mga ka- tropa sa pangungulit sa'kin. Ang ending nasabi ko lahat dahil na rin siguro sa epekto ng alak. Sari-sarili rin sila ng reaksyon.

"Ano?! Omg di pwede bakla! Mawawalan kami ng lead dancer!" -si Marco. Baklang leader ng dance group namin. Kung pwede nga lang na wag umalis eh.

"Tang ina di pwedeng maging rich kid ka di bagay sa'yo Margs HAHAHAHA" -si George. Pinaka gago sa grupo pero pumapangalawa sa akin sa pinakamagaling sumayaw sa grupo. Nakatanggap siya ng batok sa jowa niyang si Ivy. Ayan natahimik tuloy hahahahaha.

"Sayang naman Margaile kung aalis ka. Pero wala naman tayong magagawa kung iyon ang gusto ng magulang mo"-si Ivy. Pinakamabait at maganda sa grupo. Siya nga lang ang matinong kausap dito e at di ko alam kung paano niya nagustuhan 'tong si George na abno.

"Sana lang ingatan ka ng tatay mo kung sakali at huwag ka na rin kasing magbulakbol! Pasaway ka rin eh" -si Eric. Siya ang tatay ng grupo. Kung pwede nga lang sila na lang ni Ivy ang magjowa dahil mas bagay sila hahahahahaha. Kaso may gusto raw na iba itong si Eric na hanggang ngayon 'di pa rin namin nakikilala.

"Kung ako nga lang ang tatanungin ayaw ko ring umalis dito kahit mahirap lang ang buhay natin. Masaya kasi ako dito lalo na nandito kayong mga kaibigan ko kahit na minsan mga gago kayo tsk" lasing na nga ko. Kung ano-ano na nasasabi ko. Kaya ang kinalabasan nauwi sa group hug at syempre ipit nanaman ako sa gitna.

Natapos na ang pag iinuman namin at hinatid ako pauwi ni Eric kahit na sinabi kong wag na.

"Saan ka nanaman galing bata ka?! Nakipag-inuman ka nanaman sa mga kaibigan mo? Di ka na nga tumutulong dito sa bahay may lakas ng loob ka pang maglasing! Napaka walang kwenta mo talagang anak!"o di ba? Pagpasok na pagpasok ko ng bahay namin bulyaw agad ang sumalubong sa'kin.

Di ko na lang siya sinagot at dumiretso na sa kwarto para matulog sa kutson kong nakalatag sa sahig. Bahala siyang mag-ingay diyan tsk.

***

Mabilis ding lumipas ang araw at ngayon na ko aalis. Tinulungan din ako ni Eric sa mga gamit ko dahil pinakamalapit ang bahay niya sa'min. Nilagay na sa may compartment sa likod ng kotse ang maleta at bag ko.

Nakikipag-usap naman si Manuel Kliemente-ang tatay ko kay mama. Di ko naman alam ang pinag-uusapan nila dahil nauna na 'kong pumasok sa sasakyan.

Buti na lang talaga nakapag paalam na ko sa mga kaibigan ko kahapon kaya di na masyadong malungkot. Mamimiss ko talaga sila.

Sana lang talaga maayos akong makapamuhay don sa bahay ng tatay ko at walang mang-api sa aking kapatid ko. May tatlo pa kasi akong kapatid sa tatay ko. Isang babae at dalawang lalaki pero di ko pa sila nakikilala na kwento lang sa'kin ni mama at nasa ibang bansa naman ang asawa ng tatay ko.

Tahimik akong naka-upo sa back seat ng biglang kinatok ni Eric ang bintana ng kotse.

Agad kong binaba ang bintana ng kotse para malaman ang sasabihin niya.

"Oh Eric bakit?"

"Ah... may hinanda kasing regalo ang tropa para sa'yo para maalala mo kami kahit nasa malayo ka"

May inabot siyang rectangle na box.

"Buksan mo na lang 'yan kapag nakarating ka na sa bahay ng papa mo."

Tahimik lang ang naging byahe namin. Walang nagsasalita at wala ding nag uumpisa ng usapan. Mas mabuti na siguro to kesa naman magkaroon kami ng awkward na usapan.

"Gutom ka na ba?"

Pinakiramdaman ko ang sarili ko at maghahapon na din naman kaya siguro nagugutom na din ako. Kagabi pa ko walang kain buti na lang hindi niya naririnig ang tunog ng tiyan ko jusme nakakahiya kapag nagkataon.

"Ayos lang po ako mamaya na lang ako magtatanghalian"

Grabe! Di ko alam na ganito pala ako kagaling umarte kahit gusto ko ng lumabas ng sasakyan niya dahil ayokong makita ang pagmumukha niya. Best Actress goes to Margaile Kliemente. Gusto kong palakpakan ang sarili ko dahil sa pag-arte ko tsk.

Tango na lang ang sinagot niya sa akin at may tinawagan. Di ko naman masyadong marinig dahil tumutugtog ang radyo at medyo mahina ang boses niya.

Unti-unti ng nag-iiba ang mga nakikita ko sa paligid. Mula sa mga matatayog na building, puro berdeng puno at taniman na ang nakikita ko. Medyo nagbabako bako na din ang kalsada kaya sigurado akong malapit na kami sa destinasyon namin.

Goodbye Manila. Hello El Rino.