Chapter 2: El Rino University

Nagising ako dahil sa pagyugyog sa akin. Ano ba naman yan! Inaantok pa ko letche naman talaga.

"Di ako papasok ma!" sigaw ko saka nagtakip ng kumot sa mukha.

"Ms. Margaile di po pupwedeng di kayo pumasok unang araw niyo sa eskwela ngayon"

Hala! Bakit ibang boses yon? Nasan si mama?!

Agad na nanlaki ang mata ko at napabalikwas ng bangon. Hindi si mama kundi isang may edad na babae ang gumising sa akin at kasalukuyan niyang inaalis ang tabing na kurtina sa bintana dahilan para mas lumiwanag ang kwarto.

Potek! Nasa bahay na pala 'ko ng tatay ko hayyss.

"Bumangon na ho kayo diyan at mag-ayos pagkatapos ay bumaba na kayo para kumain. Mahuhuli kayo sa eskwela" matiim niya akong tiningnan bago pumunta sa pintuan at lumabas ng kwarto.

Mukhang striktang katulong iyon ah. Nakakatakot ang awra niya kaya kahit labag sa kalooban ko at inaantok pa ko ay kumilos na din ako at nag ayos saka bumaba.

Infareness naman sa uniform ng school na yon, maganda at malinis tingnan kaso ang hirap gumalaw kasi di ako sanay magsuot ng mini skirt.

Naabutan kong nag-aalmusal ang tatay ko at isa pang lalaki na sa tingin ko ay kapatid ko.

"Goodmorning anak. Come have a seat at kumain ka na din. Isasabay ka ng kuya mo papunta sa school" bati sa akin ng tatay ko.

Tumango na lang ako sa kaniya at naglakad papunta sa upuan sa harapan ng kuya ko daw.Sinulyapan naman ako ng kuya ko daw at ngumiti siya sa akin.

"Nice to finally meet you bunso. I'm your kuya Theo. Nauna ng pumasok iyong dalawa kaya mamayang dinner mo pa sila makikilala or pwede ding sa school kapag niyaya ko sila" nakangiti niya pa ding pagpapakilala.

Nanatili akong nakatingin sa kaniya ng may blankong ekspresyon. Wala akong balak na kausapin kahit sino sa kanila. Di ko sila pwedeng pagkatiwalaan lalo na't posibleng may galit sila kay mama.

"I see. You don't talk too much haha" iniwas na niya ang tingin niya sa akin at tinuon sa pagkain niya.

Kalalaking tao ang daldal. Sana di niya katulad yung dalawa pa kundi sasakit ulo ko sa kanila.

"Feeling close ang peg"

Shet!

"Sorry naman hahahaha pero magiging close din naman tayo since magkapatid tayo so wala kang magagawa sa kadaldalan at pagiging fc ng kuya mo" sabi niya at kumindat pa sakin saka nagpatuloy sa pagkain.

Langya talagang bibig to letche talaga!

Blanko pa din ang mukha ko pero sa kaloob looban ko sobra ang hiya ko sa sinabi ko. Mabilis na lang akong kumain at tumayo para kuhanin ang gamit ko, di na ko nagpaalam. Nakita ko namang tumayo na din ang kapatid ko at kinuha ang gamit niya saka lumabas.

Agad na din akong lumabas patungo sa kinaroroonan ng kapatid ko dahil siya nga ang kasabay ko sa pagpasok. Nginitian niya ako saka pinagbuksan ng pinto sa front seat. Sumakay na ko at sinira ang pinto, pumihit naman siya papunta ng driver seat.

"Seatbelt little sissy" turo niya sa seatbelt.

"I have my name. No need to give me nicknames besides we are not close" sabi ko saknaiya ng may blankong ekspresyon at inayos na ang seatbelt ko.

"All right. Ang aga-aga ang init ng ulo mo. Relax Margaile hahaha"

Inistart na niya ang sasakyan at di ko na siya pinansin. Ayoko siyang kausapin.

Akala ko ay magkakaroon kami ng tahimik at matiwasay na byahe papunta ng school. Mali pala ako ng akala dahil ang daldal niya buong byahe namin.

Gusto ko na ngang lagyan ng masking tape ang bibig niya para lang tumahimik siya tsk.

Kung ano-ano ang kwinento niya tungkol sa kanilang magkakapatid. Hilig, sports, ugali at marami pang iba. Pwera lang sa pangalan nubg dalawa pa, sila daw dapat ang magpakilala sa akin. Feeling ko nga kilala ko na silang tatlo dahil halos lahat na yata nakwento niya tss.

Jusme wala siyang preno magsalita. Hanggang sa narating nanamin ang school kaya agad na akong bumaba ng sasakyan kahit na naririnig ko pang sumisigaw ang kapatid ko.

Nilibot ko ang tingin ko sa paligid habang naglalakad. Malaki ang school na to. Malaki pa sa kahit anong school na napasukan ko. Anim na malalaking building ang nakikita ko at parang may divider na entrace and exit sa kabila at may apat na building sa kabila ng divider.

Baka dahil divided sa highschool and college ang school na to kaya ganon. Tahimik akong nagmamasid sa paligid ng malawak na field. Maraming mga estudyante ang papasok pero marami din ang nakatambay pa sa benches.

"Hey bitch"mataray na pagkakasabi sa akin ng isang babaeng tadtad ng make up ang mukha at may tatlong alipores na kasama at mukhang di belong ang isa dahil nerdy ang ayos niya at marami siyang bitbit na gamit.

Ano ba naman yan ang aga-aga may mga bwisit na abno ang nasa harapan ko.

Blanko ko lang silang tiningnan dahil wala akong balak na makipag-away ngayon.

"Baguhan ka di ba? Well, mukha kang mahirap at basahan kaya ikaw ang julalay namin for this month, papalitan mo si Kaye. Isn't that fabulous?" naka ngisi siya sa akin.

Haynako inuubos niya ang pasensya ko.

"Di kita kilala miss at wala akong pake sa'yo. Kaya umalis kayo ng mga alipores mo sa dadaanan ko ang lalaki niyong harang"

Nanlaki ang mga mata nila na para bang hindi inaasahan ang mga sinabi ko. Tss anong akala nila papayag akong maging utusan? Ulul bahala sila diyan.

"Aray ko punyeta"

Akma ko na dapat silang iiwasan ng biglang hablutin ng bruha ang buhok ko at hinatak ako paatras kung saan ako nakapwesto kanina.

Unti-unti na kaming nakakatawag pansin at dumadami na din ang mga estudyanteng nanonood sa amin.

Bwisit talaga lagot sa'ken ang babaeng to pati ang mga chismoso at chismosa dito.

Hinawakan ko ang wrist ng nakahawak niyang kamay sa buhok ko at unti-unti kong hinigpitan ang pagkakahawak ko gamit ang kuko ko.

"Aray ko! Bitch!Let go of my wrist or I'm gonna kill you"

Naalis na ang pagkakasabunot niya sa akin pero mas lalo kong hinihigpitan ang kapit ng kuko ko sa kaniya.

Serves you right bitch. Sinira mo ang sira ng mood ko tsk.

Naiiyak na siya dahil sa hapdi at ni hindi siya malapitan ng mga kasama niya dahil natatakot sila sa akin.

"Grabe naman tong si girl hinamak ang isa sa mga campus bullies"

"Nako! Patay yan sa boyfriend ni Aubrey"

"Bagong target nanaman"

Rinig ko pang bulungan nila. Tss di uso saken ang matakot sa mga campus bullies na yan. Naawa na din ako sa pesteng babaeng to kaya binitawan ko na siya at kitang-kita ko ang sugat niyang pulsuhan, dumudugo na nga pero di naman madami.

"Sa susunod na mambubully ka, piliin mo ang taong aapihin mo. Dahil di ako papayag na utos-utusan mo ko tsk" umirap ako sa kaniya at hinarap naman ang mga nanonood sa'min.

"The show is done. Get lost."

Nag-umpisa na akong maglakad palayo kasabay ng nagsisi-alisang mga tao. Napahinto lang ako nang marinig ko ang sinigaw niya.

"You'll pay for this!"

Di ko na siya hinarap pa at kumaway habang nakatalikod. Wala akong oras sa kaniya hahanapin ko na lang ang classroom ko at aattend ng klase dahil ayoko ng makasalubong ulit yon kung sakaling tumambay ako.

What a nice and warm welcome El Rino University tss.