Chapter 3: Campus Bullies

Natapos na ang tatlong klase namin at nag introduce din ako sa harapan. Di naman pala ganon kasama mag-aral dito.

Mabait ang mga teachers na nakasalamuha ko at maayos naman ang mga kaklase ko. Pwera na lang talaga sa mga bully tsk. Sakit talaga sila ulo.

Naglalakad ako pababa sa hagdanan ng biglang nag vibrate ang phone ko. May isang text mula sa unknown number.

Papunta na kami sa cafeteria Margaile just finishing this class in 15 minutes. Save this number kuya Theo mo to.

Sinave ko na lang ang number niya as Theo at tinago na ang phone ko sa bulsa ng blazer ko saka dumiretso pababa.

Malapit na ang cafeteria nasa dulo na lang ng hallway na to.

Hayyss salamat naman makakakain na ko

"Ow shit! I'm sorry not sorry hahaha"

Nagulat ako dahil biglang may tumapon na juice sa uniform ko piste talaga.

"You're so mean talaga Aubrey look she's super wet na dahil sa juice hahahaha"

Putragis talaga wala ng magawang tama tong Aubrey na to. Di na nadala sa ginawa ko sa kaniya kanina.

"Ayos ka na? Masaya ka na niyan? Tang ina ang babaw mo naman pala at di ka pa natuto sa nangyari sa'yo kanina tsk"

"Well, actually di lang yan ang aabutin mo ngayon 'cuz my boyfriend will teach you a lesson so goodluck kung makakapasok ka pa dito"she smirk.

Nag-umpisa nanamang magkumpulan ang mga tao na parang may magandang palabas. Ang mga alipores niya naman kaniya kaniya ding taray sa kin.

Grabe talaga nagtawag pa ng jowa para ipaghiganti siya hahaha pathetic loser.

Inirapan ko na lang siya at didiretso na sana sa loob ng biglang may humatak ng malakas sa akin palabas dahilan para mapaupo ako sa sahig.

"Lagot na nanjan na si Bryle at tropa niya"

"Dapat di na lang talaga pinatulan ni girl si Aubrey e kawawa siya ngayon"

"OMG kawawa si girl baka mas malala pa to sa last time na ginawa nila sa nanakit kay Aubrey."

Samu't saring bulungan ang naririnig ko sa paligid habang iniinda ang sakit pwet ko dahil sa biglaang pagbagsak ko sa sahig.

Nanggagalaiti na ko sa galit. Di ko gusto ng away pero pinilit nila ako. Wala akong magagawa sila ang naghanap ng gulo.

"Umiwas ako sa away. Ayoko ng gulo. Pero tang ina wala akong ginagawa sa inyo pinagtitripan niyo ko"sabi ko habang tumatayo at nakakuyom ang kamao.

Hinarap ko sila at isa isang tiningnan ang mga mukha nila. Blankong nakatingin sa akin ang leader nilang nasa gitna na sa tingin ko ay si Bryle.

Malamig na mata ko siyang sinalubong ng tingin habang pinapaliit ang distansya namin. Someone tried to punch me from my back but I successfully dodge it.

Kita ang gulat hitsura niya kaya lalo akong naganahan. Mabilisan ko siyang kwinelyuhan at sinapak. Agad siyang tumumba habang dumudugo ang ilong.

Nang makita ng iba ang ginawa ko kasama nila sabay-sabay silang lumapit. Pati ang sinapak ko ay sumama rin.

Ako laban sa limang kumag hahaha mga bakla.

"Assholes" sabi ko sa kanila kaya lalo silang naasar at nagumpisa na silang palibutan ako.

"Guys tumawag na kayo ng teachers sa kabilang building!"

"Oh my God awatin niyo na sila!"

"Kawawa yung babae tara tumawag na tayo ng teachers!"

Ilang sipa at ilang suntok ang iniwasan ko at pinakawalan. Nakakatama din sila sa akin pero mas lamang ako dahil isa na lang kalaban ko at mukhang isang sapak na lang sa mukha ay bibigay na.

Easy

I smirk and I gave him a very hard punch on his face bago pa niya mailagan ang kamao ko ay bagsak na din siya tulad ng iba.

Naghahabol ako ng hininga dahil sa pagod at sakit ng katawan. I look at Bryle's face. Blanko pa din pero nakikita ko ang pagkamangha sa mga mata niya.

"Margaile!" tiningnan ko kung saan nanggaling ang boses.

Mabilis na tumatakbo papunta sa akin at hinahawi ang mga taong nakaharang ni Theo. Pawis na pawis siya at may kasamang mga teachers.

"Are you okay? Shit pumunta na tayo sa clinic para magamit ang mga sugat mo at tatawagan ko na rin si daddy."bakas ang pag-aalala sa mukha niya habang kinukuha ang gamit ko at hinawakan ang kamay ko.

"Sandali lang" sabi ko sa kaniya at bumitaw.

Tiningnan niya kung saan ako pupunta at nanlaki ang mata niya ng makitang papunta ako kay Aubrey.

Tsk ano kayang relasyon ng dalawang to hmm.

"Better luck next time Aubrey" sabi ko sa kaniya at tinapik nag balikat niya.

"Aubrey? Ikaw ang gumawa nito sa kaniya?"hindi makapaniwalang usal ni Theo na ngayon ay nasa tabi ko na.

Di naman makatingin si Aubrey kay Theo.

"Mag-uusap tayo mamaya sa bahay. Explain all of this to dad. Halika na Margaile kailangang gamutin ang mga sugat at pasa mo" seryosong seryoso siya sa mga sinasabi niya. Parang hindi siya ang Theo na masiyahin kanina.

Sa bahay? Shit looks like I have an evil sister.

Tahimik lang kami habang papunta sa clinic. Hawak niya pa din ang kamay ko at dala-dala ang mga gamit ko.

'Di na ko kumportable kaya pilit kong inaalis ang kamay niya sa akin pero ayaw niyang bitawan kaya di ko na pinilit pa dahil bale wala rin naman.

Nang makarating kami sa clinic ay agad naman akong inasikaso ng nurse at ginamot ang mga galos ko. Nakaupo lang sa bakanteng kama si Theo habang nagtatype sa cellphone niya.

"Okay na ang mga galos mo pero kailangan mo pa ring gamutin sa bahay at lagyan naman ng yelo ang pasa mo" paalala sa akin ng nurse.

"Thank you"tumango na lang ang nurse sa akin at pumunta sa kabilang kwarto ng clinic para yata ayusin ang mga gamit.

Malaki ang clinic nila di tulad sa amin non. Isa lang ang kama at kulang kulang pa sa first aid at gamot. Di rin maayos ang suot ng nurse at masungit pa 'di tulad dito.

Kinalabit ko na si Theo pero di pa din niya ako pinapansin. Magsasalita na sana ako para sabihan siya na umalis na kami pero naunahan na niya ako.

"Bakit ka nakipag-away kanina?"'di pa rin siya nakatingin sa akin.

Bumuntong-hininga ako, wala din namang mangyayari 'pag hindi ko sinabi ang dahilan at paniguradong kukulitin din naman niya ako kaya sasabihin ko na.

"I didn't started the fight. I was about to enter the cafeteria nang bigla na lang akong binuhusan ng orange juice ni Aubrey sa uniform ko. She said a lot of crap pero hindi ko pinatulan. Iiwasan ko na sana siya kaso biglang may humatak sa wrist ko ng malakas kaya napa upo ako sa sahig at kumalat ang gamit ko." huminga muna ako bago nagpatuloy.

"Nagalit na ako. Dahil kanina pa ako pinagtitripan ni Aubrey simula ng pumasok ako ng campus. Di ako sumunod sa gusto niya. At maniwala ka man o sa hindi, pinagtulungan ako ng limang lalaking tropa ni Bryle na boyfriend ni Aubrey ta-

"Wait... what? Boyfriend ni Aubrey si Bryle?" takang tanong niya sa akin.

Ano ba naman yan kapatid niya di niya alam na may boyfriend.

"Oo siya na mismo nagsabi"

Nagulat siya sa sinagot ko. Kawawang kuya ni hindi man lang alam na may jowa na pala ang kapatid niyang gaga.

"So ano itutuloy ko pa ba?" bumuntong hininga siya at tumango.

Umirap muna ako bago ko tinuloy tsk.

"Tapos sabay-sabay silang sumugod sa akin. Ginawa ko lang ang kaya ko para protektahan ang sarili ko. Dahil kung hindi ko ginawa yon malamang sa hospital niyo na ako pupulutin"

Tiningnan niya ako ng seryoso pagkatapos kong magkwento.

"You mean to say Aubrey started all of this mess?" tanong niya sa akin

"Oo" seryosong sagot ko sa kaniya.

Tumango na lang siya at kinuha na ang mga gamit ko. Pinasunod na lang niya ako papunta sa parking lot para ihatid sa bahay.

Nai-excuse na din niya ako sa mga susunod ko pang subjects kanina at tinext ang mga teachers ko kaya wala na akong dapat problemahin.

Di niya muna inistart ang kotse at tumingin sa akin. Isang tingin na humingi ng tawad.

"I'm sorry Margaile. Sorry sa ginawa ng kapatid natin sa'yo. I promise aayusin ko ito para di na maulit pa."

"Okay. Kayo na ang bahala." yan na lang ang sinabi ko sa kaniya at inistart na din niya ang sasakyan.

Campus Bullies damn you.