Chapter 5: Sa Unang Pagkakataon

Yes pasaway ako di na bago yon kaya nga nakapasok ako ng school ngayong araw dahil ipinilit ko. Sa huli, wala silang nagawa pero kailangan ay sa room lang ako para di kami magkita ni Aubrey kaya pinagbaon na lang din ako ng lunch.

Ngayon ay lunch break na kaya ineenjoy ko ang katahimikan ng room dahil walang ibang tao at ako lang ang nandito. Infareness din sa lunch ko masarap hahahahaha.

"Look Aubrey o! Pumasok ang kapatid mong anak sa labas ang lakas ng loob!" napatingin ako sa nagsalita.

Syempre sino pa ba... si Aubrey at ang mga alipores niyang kulang sa aruga. Iyong si Janeth ang nagsalita isa sa mga alipores niya. Wala ko sa mood pumatol ngayon. Kaya kahit palapit na sila sa akin ay di ko sila pinapansin.

Nililigpit ko na lang ang mga pinagkainan ko at di na sila sinusulyapan pa.

"Di ko naman alam na gusto mo agad maranasan ang impyerno kaya nagpakita ka pa dito" mataray na sambit ni Aubrey.

This time, tiningnan ko siya. Kailangan niyang masampal ng salita para magising siya. She's being the bitch here. Palagi siyang nag-uumpisa ng away.

"Aubrey dito ako nag-aaral at wala akong pakialam kung di mo tanggap ng kapatid mo ko. Kasi di ko din naman kayo tanggap bilang pamilya ko. Sumama ako sa tatay natin dahil gusto ng mama ko pero kung di niya ako pinasama sa tatay ko hinding hindi ko siya hahanapin" pagsagot ko sa kaniya.

Napa-ngisi naman siya na parang di siya naniniwala sa sinabi ko. Edi wag siyang maniwala wala naman pumipilit sa kaniya e tsk.

"Aubrey!" napatingin kami sa pumasok sa pinto.

"Bryle! Come here" hay nako ito nanaman ang jowa niya.

Aba! Naghalikan pa sa harap ko kadiri! Iyong mga kasama naman ni Aubrey kinilig pwera na lang dun sa nerd na nag-iwas din ng tingin.

Pagkatapos nilang maglaplapan este maghalikan pareho silang tumingin sa akin kaya tumingin din ako sa kanila.

"Oh you are that feisty girl hahaha nice to meet you again" at ngumisi pa sa akin. Kala mo pogi jusko mukha namang unggoy mas pogi pa si Eric dito.

"Don't look at her like that baby... nagseselos ako baka ako bumugbog sa'yo" maarteng pagkakasabi ni Aubrey.

Jusme. Kadiri! Tiningnan ko ang wrist watch ko at sa kasamaang palad matagal pa ang lunch break.

Kaya nga ko nandito para magkaroon ng peace of mind at di makita si Aubrey tapos sila naman ang pumunta dito. Bwisit talagang mga impakta at impakto.

"Aubrey alam mo namang fling lang ang meron tayo so... it means di ka pwedeng magselos and same goes for me" kumindat pa si Bryle ka Aubrey.

Mukha namang napahiya si Aubrey sa sinabi ng jowa niya or fling kaya masama lang siyang tumingin sa akin at umalis kasama ang mga taga-sunod niya. Tsk. Masasaktan lang yon dito kay Boy.

"So uhm... Hi Margaile! Gusto mo bang ikaw na lang ang maging gf ko? Nakakasawa kasi si Aubrey e"

Waw! Ang taas ng confidence ni koya para sabihin ng casual sa'kin yan. Hindi man halata pero 'di ako maharot at malandi.

"Alam mo... gago ka" at nginitian ko siya, ngiting aso.

Mukha naman siyang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Why? First time na may nagsabi sa kaniya niyan? Aba. Natakot sila sa kumag na 'to mukha namang tanga.

"A-ako gago? Gwapo pwede pero gago? Alam mo bang kaisa-isa kang babaeng nagsabi sa akin niyan?"

"Takot kasi sila sa tulad mo kahit wala naman dapat katakutan sayo kundi yang panget na mukha mo kaya walang pumupuna sa pagiging gago mo"

"Tomboy ka siguro no? Kaya di ka tinatalaban ng charms ko" sabay ngisi pa niya. Pota ang kadiri talaga.

"Di ako tomboy. Sadyang di lang ako pumapatol sa mga tulad mong gago" sabay ngiti ko ulit ng ngiting aso. Maasar ka jan bwisit ka.

Natulala naman siya dahil di siya makapaniwala sa nga lumalabas sa bibig ko. Well, wala akong magagawa abnormal ka e.

Inirapan ko siya at tumalikod ng upo sa kaniya dahil nasa katabing upuan ko siya. Kinalabit niya ako kaya napaharap ako sa kaniya para sana barahin siya ulit kaso naunahan niya ako.

Tsup!

Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Mabilis niya akong hinalikan sa labi ko.

Pota!!! Unang halik ko yon tapos napunta lang sa gago?!

Dahil sa gulat ko hindi ako kaagad nakakilos. Nginitian niya ako ng nakakaasar at may sinabi pang nakakawindang sa sistema ko.

"Liligawan kita. Sa ayaw at sa gusto mo magiging akin ka. " seryosong sabi niya saken.

Agad din siyang umalis at tumakbo palabas. Unti-unting nilalamon ng pagkamuhi ang sistema ko para sa kaniya. Gusto ko siyang saktan ang bugbogin.

Humanda ka saken Bryle Imelia! Mapapatay kita!

Buong maghapon pagkatapos ng encounter namin na yon ay badtrip na badtrip ako at masama ang mood ko. Hanggang sa pag-uwi sa bahay ay masama ang timpla ko.

Ni hindi ako kumain ng hapunan dahil baka pagtripan ako ni Aubrey at masamang ganti ang ibigay ko sa kaniya. Nagkulong lang ako sa kwarto at gumawa ng mga assignment.

Di ko gawain to pero ito lang ang mapagtutuunan ko ng pansin para di ko huntingin si Bryle at mapatay. Ilang beses pa kong napasipilyo at hilamos dahil sa halik niya. Tang ina ininvade ng germs at virus ang bibig ko dun.

Sa dinadami pa kasi ng lalaki bakit isang gago pa ang hahalik saken? Balak ko pa namang ibigay sa karapat-dapat na lalaki yon pero nakuha lang ng gago.

"Argghhh! Nakakainis talaga! Mamatay ka na Bryle Imelia! Bwisit ka let-

"Anak? Anong problema bakit ka nagsisisigaw jan?"

Gulat akong napatingin sa taong kakapasok lang sa kwarto ko. Sinara niya ang pinto at lumapit sa akin.

Shit ka talaga Bryle pinapahamak mo ko!

I cleared my throat saka sumagot.

"Wala po may marami lang akong maling naisulat sa...sa... assignment ko opo. Tama sa assignment ko" bwisit talaga. Nawawalan ako ng palusot.

"I don't believe you I heard you... may isinigaw kang pangalan. Wanna tell me something about him?" malumanay pa niyang saad sa akin.

Peste bat ang bait niya? Paano ko siya mas kamumuhian kung ang bait niya saken?

"Wala po talaga 'yon. Matutulog na rin po ako pagod na 'ko" di ko na siya hinintay na magsalita at naglakad na papunta sa kama.

Akala ko umalis na siya kaya di ko inaasahan na lumapit sa kama ko para ayusin ang kumot ko.

"I love you Margaile anak. Whatever problem it is you can beat it" saka siya umalis ng kwarto ko.

Is this how it feels to have a father?

Nawala lahat ang negative feelings ko at payapa akong nakatulog dahil sa tatay ko sa unang pagkakataon.