Chapter 6: Attempt Panliligaw

Putspa nakakabagabag yong nangyari kagabi. Hindi ako natakot... nangamba... o nalungkot man lang.

My father gave me peace last night. Lahat ng galit ko at ikinagugulo ng isipan ko nawala dahil sa kaniya.

Hindi ba dapat galit ako? Kasi iniwan niya kami ni mama noon? Pero bakit nag-iba ang ihip ng hangin at gumagaan ang loob ko sa tatay ko.

*Boog!*

"Ouch!"

"Aray!"

Napalingon ako sa nabangga ko habang hawak hawak ang noo ko. Ang sakit kaya ng pagkakauntog ko punyeta! Pero di ko maitatangging gwapo tong nakabangga ko HAHAHA.

Nakatingin din siya sa akin habang hinihimas ang tuhod niya.

Taena! Gwapo nga yan pero wag kang lumandi Margs!

Napansin ko ding marami siyang hawak na libro.

Nako bumagsak yata sa tuhod at binti niya kaya hinihimas niya.

"Sorry po."tumayo ako at pinulot ang bag ko saka lumapit sa pwesto niya para ayusin ang mga libro kahit na medyo nahihiya ako.

Kelan pa ko naging pabebe? Tang ina kasing lutang e!

"No it's fine I'm sorry. Masakit yata ang pagkakauntog mo sa mga libro. Matigas pa naman ang cover ng mga 'yan" kinuha niya sa kamay ko ang mga libro at inayos ang suot niya.

"Nako sorry talaga. Kelangan mo bang madala sa clinic? Mukha kasing nabagsakan ng mga librong 'yan ang binti at tuhod mo"

"No, I'm fine. Sorry din miss"then he left.

Tutuloy na din sana ako sa paglalakad nang biglang mahagip ng mata ko ang isang key chain kung saan napaupo yung lalaki kanina.

Pinulot ko ang key chain at dali-daling lumingon pero di ko na siya nakita.

Ang bilis namang lumakad non hayyss.

Di ko pa naman natanong ang pangalan niya... baka hanapin niya to. Kaso mukha namang pang babae ang key chain na to.

Heart ang korte ng design ng key chain at may letter 'M' sa gitna. Baka sa gf niya to.

Sayang naman taken na si kuya.

Ay pota! Ano ba naman tong pinag-iisip ko? Argghh!

De bale na nga lang ibibigay ko na lang sa kaniya to kapag nakita ko siya ulit. Binulsa ko na ang keychain at naglakad papunta sa room.

Buti na lang talaga mas maaga ang simula ng klase nila Aubrey kaya di nila ako mabibwisit kapag papasok pa lang.

Nagkasalubong lang kami nung first day ko dahil nag-cutting pala ang mga abno. Sinadya nila yon para abangan ako sa gate pagpasok ko.

Kung paano ko nalaman ay dahil nakita ko siyang pinagagalitan ng tatay namin habang may hawak na letter galing school... notice to explain, dahil sa pagka-cutting niya ng ilang beses.

Matapos ang ilang minuto nasa tapat na ko ng classroom kaso... parang may kakaiba... usually kasi maingay ng ganitong oras dahil wala pang teacher pero ngayon sobrang tahimik.

Kaya't dahan-dahan kong pinihit ang door knob para pumasok.

"Surprise!"

Nanlaki ang mga mata ko.

Pakshet anong nangyayari?!

Kabilaang putukan lang naman ng party poppers at may mga pink na balloons pang nakalutang sa harap ng white board.

Ang gaganda pa ng ngiti ng mga kumag kong kaklase na tuwang-tuwa sa ginawa nila.

At ang isa pang di ko inaasahan... lumabas si Bryle sa kumpol ng mga kaklase ko ng may dalang bouquet ng flowers... papunta saken.

Marami akong panunuksong naririnig sa paligid namin.

"Yieeee the more you hate the more you love talaga!"

"I'm so jealous! Sana may mag-surprise din saken ng ganito huhu"

"Aba pang-malakasan ang diskarte nitong si Bryle brad. Wala kong masabi"

Naka-ngisi namang lumapit saken si Bryle. Lalo akong nairita! Umagang umaga katarantaduhan ang babati saken peste talaga.

"Anong kalokohan to ha Bryle?" masama na ang tingin ko sa kaniya. Tipong kung nakakamatay lang ang tingin pinaglalamayan na siya ngayon.

"Seryoso ako nung sinabi kong liligawan kita" aba may gana pa siyang ngumisi at ipinilit pa niyang isksik sa naka-krus kong braso ang bouquet.

Lalo tuloy nagtilian ang mga kaklase kong mahaharot.

"Seryoso akong papatayin kita kapag di mo pa tinigil 'tong mga kalokohan mo"

Natigilan ang mga kaklase ko sa pag-iingay. Pero sinundan naman ng mga bulungan.

"LQ yata sila..."

"Patay! Pero baka meron lang si girl kaya mataray early in the morning"

"Ang arte naman nito nag-effort na nga ang manliligaw niya e partida bigatin pa yan tsk"

Napa-irap na lang ako sa mga naririnig ko.

Nabigla naman ako ng bigla akong akbayan ng gago.

Isang-isa ka na lang talaga saken Bryle mapapatay na kita!

Pilit akong kumakawala sa pagkakaakbay niya pero mas malakas siya kaya di ako makawala.

"Ano ba naman yan babe? Sorry na... di ko naman inaasahan na magseselos ka samen ng kapatid mo e... Promise next time di na ko lalapit sa kaniya saka ex ko na siya kaya wag ka ng magalit please" ginawa niyang nagmamakaawa ang tono ng pagsasalita niya.

Aba best actor! Ang galing umarte taena!

Dahil punong-puno na ko sa kaniya ay sinipa ko ang bagay na nasa gitna ng mga hita niya. Dahilan para humiyaw siya sa sakit. Hinampas ko din sa pagmumukha niya ang mga dala niyang bulaklak.

"Babe mo mukha mo! Lumayas ka sa paningin ko at baka di lang yan ang abutin mo! Bwisit"

Iniwan ko siya sa harap ng whiteboard at nagsimula ng maglakad papunta sa upuan ko. Umiiwas din sa dadaanan ko ang mga kaklase ko.

"HAHAHAHAHAHA lalo kitang nagugustuhan Margaile! Di ako titigil dito. First attempt pa lang to. Marami pa kong gagawin dahil sabi ko nga sayo... seryoso ako sa panliligaw"

Napaharap ako sa kaniya nang may handa ng pumatay na ekspresyon.

Nag-flying kiss pa saken ang gago bago tumakbo palabas ng classroom. Nandidiri naman akong tumingin sa kaniya.Sari-saring hiyawan at panunukso nanaman ang naririnig ko.

Di ko na lang pinansin ang mga kaklase ko at umupo na sa upuan ko. Sumasakit ang ulo ko sa pesteng yon arggghhh!

I'll kill you for real if you do this kind of shit again Bryle!