Chapter 8: Second Encounter

Three days after noong kinantahan ako ni Bryle, 'di siya nagparamdam sa'ken. Walang nangungulit at walang nambibwisit saken.

I should be relieved and happy dahil ito ang gusto ko pero... bakit di ko magawa?

I eat alone, attend my usual classes without exaggerated and irritating surprises from him... I found it boring which is a kind of strange for me.

Pero pinili ko pa ring iwaksi sa isipan ko si Bryle at patuloy na naglakad papunta sa next class ko, which is sa theater room. I sit at the back dahil malamig at mas tahimik dahil walang magkaibigang nagdadaldalan kaya mas maiintindihan ko ang palabas.

We are having movie now at gagawan namin ito ng reaction paper as an output for our subject. Itinutuon ko ang sarili ko sa pag-aaral kahit di ko naman to gawain.

I think I changed for the better.

Hinahanda ko ang laptop ko para makapag-umpisa ng notes mamaya nang biglang naramdaman kong may umupo sa katabi kong upuan.

Tiningnan ko kung sino yung tao at nagulat ako. Agad na nanlaki ang mata ko nang marealize ko na siya yung lalaking nakabangga ko a week ago.

Mukhang naramdaman niya din ang presensya ko dahil nilingon niya ang pwesto ko. He is studying my face gamit ang kakaunting liwanag galing sa tatlong ilaw na nakasindi sa side namin.

"Oh... I think I met you before.. ikaw ba 'yung babae sa hallway last time? Yung nakabangga ko?" finally naalala na niya ko.

"Yes it's me and you dropped something nung nabunggo kita" I show him the key chain from my bag.

He is shocked at di rin siya makapagsalita. He unconsciously grabbed the keychain from me at parang malaking biyaya ang sinaboy sa kaniya ng langit sa hitsura niya.

"Thank you! Thank you very much! This is very important to me"

Nagulat ako sa next move niya dahil niyakap niya ako. Di ako makagalaw mula sa pagkakayakap niya.

Matapos ang ilang segundo ay mukhang nahimasmasan siya at kusang humiwalay sa'ken.

"A-Ahm... I'm sorry... thankful lang talaga ako sa'yo hehe"

Di na niya magawang tumingin sa akin. So I heaved out a sigh at inassure ko siya na okay lang.

"It's fine. And you're welcome" He look at me and I smiled.

Iniwas ko na ang tingin ko sa kaniya at tinuon na sa palabas na ilang minuto na nagsimula.

***

Natapos ang palabas at nag-umpisa ng maglabasan ang mga estudyante. Iniligpit ko ang mga gamit ko.

I thought I was alone until I feel someone's presence beside me.

"Can I treat you for lunch? Just to show ang pagpapasalamat ko sa'yo" alok sa niya sa akin.

"Sorry... I planned to eat alone" magalang kong pagtanggi sa kaniya.

"Please... I really can't think of ways to thank you enough sa nagawa mo para sa akin"

Di ko gusto na pinipilit ako pero there is something in him na di ko siya magawang kainisan.

A strange yet familiar feeling.

***

Sabay kaming pumunta ng cafeteria pagkatapos dumaan sa locker para iwan ang mga gamit namin.

We also did a simple introduction kanina habang nasa locker kami. He's name is James Ivan Perjerosa or simply Ivan.

"Anong gusto mong kainin Gaile?" tanong niya sa akin habang naglalakad kami.

Yeah another nickname for me. Ang kulit niya di siya nagpapatalo kaya hinayaan ko na lanh siya besides I find my new nickname cute.

Pansin ko lang din na parang pinagtitinginan kami... or more like ako.

Pero di ko na sila pinagtuonan ng pansin.

"Just water and cheeseburger. Ayos na iyon sa akin" I answered him.

"Don't worry Gaile 'di tayo dito kakain. I know a quiet place and a place where no one is staring like we did some kind of a crime" He wink at me.Napansin niya din pala ang mga tingin sa amin.

Inantay ko lang siya dahil siya ang um-order. Sa pinakadulong table ako umupo at nag antay.

I was busy scrolling in my phone nang biglang may tatlong babaeng huminto sa harap ko.

Not now I want to have a normal lunch for fucksake.

"Di lang pala gold digger, malandi ka rin palang babae ka" matalim na sabi ni Aubrey.

"May Bryle ka na nga, gusto mong pati si James ay sa'yo? Bitch" segunda pa ng kasama niya.

Mukhang famous din pala si Ivan para awayin ako ng mga to.

"Aubrey is right you are shameless for a bitch"

That's it. I lost my patience at umalis na ko ng pabalagbag sa table na 'yon. Di ko masikmurang makaharap ang mga impaktang 'yon lalo na at wala pa 'kong kain.

Tinatawag nila ako at sinisigawan pero wala akong pakialam.

I was about to exit at the front door nang biglang may humawak sa wrist ko.

"Di mo naman siguro akong planong iwan dito?" I can trace sarcasm in his voice pero alam kong nagbibiro lang siya.

Di na niya kong hinintay na sumagot at hinila niya ko paalis. He slightly surprised me nang pareho kami ng iniisip na puntahan.

We are here in the campus garden.

Umupo kami sa isang bench at doon kumain.