Chapter 9: Let Our Game Begins

Mamaya na ang quarter exams and I studied like crazy! Ganito pala ang feeling nang naprepressure sa exams arghhh.

Malapit na rin nga pala akong mahuli sa klase dahil late ako nagising. Walang ayos ayos bakas ang pagod sa mukha ko dahil sa eyebags and well, wala ring suklay ang buhok ko salamin na lang yata ang kulang at mukha na 'kong nerd psh.

Nang makarating ako sa classroom matapos ang ilang minutong pagbabike, salamat at hindi pa 'ko late makakarating pa 'ko sa classroom nang di tumatakbo.

"Gaile wait!!!" as if on cue Ivan stop his bike in front of me.

"Sabay na tayo pareho lang naman ang daan natin" I nod at hinintay na lang siya na maipark ang bike niya.

Habang naglalakad, inaalala ko lahat nang nireview ko kagabi hindi ako pwedeng mamental block dahil masasayang lahat ng pinaghirapan ko.

"Gaile relax, makakapasa ka or better mataas ang makukuha mong score sa exams don't worry" napansin niya siguro ang pagiging tense ko.

"Okay lang ako, thank you. Goodluck sa'yo" and I smiled at him.

"Goodluck din sa'yo, treat kita ng lunch after"

Hindi na ako tumugon pa at dumiretso na sa classroom na nasa tapat ko na lang naman. Maingay pa ang mga kaklase ko dahil wala pa ang proctor namin.

May mga nagrereview, nagkwekwentuhan lang, natutulog naman ang iba at ang iba nakatulala lamang. I immediately went to my seat at nagbuklat na lang ng libro.

"Oh my God it's him! We haven't seen him for weeks right?"

"Bryle is still good looking as always"

Napatigil ako sa pagbabasa ng libro ko when I heard that name. It has been a long time what's with him showing here?

Ipinagsawalang-bahala ko na lang ang presensya niya at tinuloy ang binabasa ko kahit na ramdam ko ang titig ng mga kaklase ko sa direksyon namin.

"How are you?"

It took me few seconds to look at him. A smile plastered on his face.

He is irritating the hell out of me again.

Tingin ko ay mayroon pa siyang sasabihin pero hindi niya na naituloy dahil dumating na ang proctor namin, na ipinagpasalamat ko.

Agad na rin siyang lumabas at nagsibalik na sa mga kanya-kanyang upuan ang mga kaklase ko.

******

After four hours, nakatapos na rin kami ng apat na subjects. Then pagkatapos ng lunch, last two subs na lang at bukas na ulit ang tatlo pang natitira.

Gutom na gutom na 'ko at pagod na pagod na ang utak ko kaloka!

Ivan is there on my usual spot. Nakaready na rin ang pagkain namin thank God! I just eat pagkaupong-pagkaupo ko. Wala na akong paki kung nakatingin siya sa'kin na para akong isang taon hindi pinakain.

"Slow down Gaile, nobody's gonna take your food" he chuckled.

"I downt cwer" I said while savoring my cheeseburger. I love it!

I was enjoying until someone placed another cheeseburger in front of me. I looked up and saw Bryle. I immediately lost my appetite.

Ininom ko na lang ang tubig na nakahanda sa harapan ko at saka tumayo para umalis.

He grabbed my wrist to stop me.

"What do you need?" I utter blankly.

"We need to talk. Just... just five minutes of your time please"

Tinanggal ko ang pagkakahawak ng kamay niya sa'kin and motion him to follow me.

Hinarap ko si Ivan para sana magpaalam pero nagulat ako nang makitang masama ang tingin niya kay Bryle. Nauna siyang lumabas sa amin nang hindi nagpapaalam sa akin.

I know something is wrong pero uunahin ko na munang kausapin si Bryle para matapos na lahat ng pambwibwisit niya and for making me feel like this...used.

Dinala ko siya sa mini garden ng school, I sat on the bench and so did he.

"Talk."

"I don't even know where to start..." he said.

"Then you are wasting my fucking time" tatayo na sana ako pero pinigilan niya 'ko.

"It's because... I wasn't sure of what I am feeling for you... I want to figure it out." He paused.

"Then?" I looked intently to him, waiting for his next words.

" I... I like you Margaile. Alam kong masyadong mabilis pero gusto kita and I am willing to take this damn courting seriously to make you mine"

What the fuck? Certified chick boy ng school manliligaw sa'kin? Don't make me a pawn, I'll play the game.

"So, in other words it took you weeks to say that to me tapos babalik ka lang para sabihing liligawan mo 'ko? Without even asking kung gusto ba kita-

"I am not asking for your permission, I am courting you starting right now"

Had the guts to cut off my words huh

"Fine, ligawan mo 'ko. But be ready for shits" I smirk and left him clueless. Hindi na ako papayag mapaikot, mas marami akong alam sa kaniya so damn with him, kaya ko siyang paglaruan.

GOODLUCK FOR YOU BRYLE, LET OUR GAME BEGINS.