Yes! Sa wakas tapos na ang exams. Pahinga na ngayong weekends. Gusto ko ngang yayain ang tropa ko from Manila para mamasyal dito.
Pero syempre, ako muna ang maglilibot para alam ko na kung paano sila ito-tour kung sakaling mainvite ko sila.
It's Saturday and I decided na puntahan ang El Rino Lake. Famous tourist spot daw dito 'yon dahil sa malinis at napakalinaw na tubig na pwedeng pagliguan. May malapit ding falls kung saan pwede kumuha nang maiinom na tubig.
So I wanna try it!
Simpleng tank top and maong shorts lang partnered with sandals ang suot ko. Pinang-ilalim ko na rin ang swimming attire ko para hindi na hassle mamaya. I quickly scan my things, towel, extra clothes, snacks and everything is set.
Mamamasahe na lang ako papunta roon, isang jeep at isang tricycle lang naman mula rito. Chineck ko ang oras and it's already 9:00 am, mga 1 hr and 30 minutes lang naman siguro ang byahe, by ten nandoon na ako.
Lumabas na ako nang kwarto ko dala ang back pack ko. I was in a good mood until the bitch appeared in front of me.
"Yow wassup sis?" me, being sarcastic as always.
"Bryan is looking for you downstairs brat" at inirapan niya pa 'ko bago bumaba nang hagdan.
Too much irritation for the morning.
Ano namang ginagawa ng lalaking 'yon dito? Ang aga-aga peste siya. Busangot na 'kong bumaba dahil ang daming epal sa umaga.
Nang makita ko si Bryle na nakaupo sa couch, lumapit ako sa kanya. Naka-ayos din siya na parang magswiswimming.
Don't tell me...
I glance at Aubrey, she is smirking like she wins some contest between us.
Damn her.
"Bakit ka nandito Bryan? I don't remember asking you to accompany me." hinarap ko siya.
"I am your suitor, I have my ways. Besides, advantage na may kasama kang taga-rito. Kabisado ko ang lugar" he wiggles his eyebrows. Tf? Wala akong pake.
Inirapan ko siya at nilagpasan. Bahala siya sa buhay niya diyan. I wanna go alone. Wala sila papa ngayon, I think maglalaro sila nang golf kasama ang iba pang kapatid ko.
Dire-diretso akong lumabas nang gate namin at nag-uumpisa ng maglakad papunta sana sa labasan para roon sumakay. Kaso, sinundan pala ako.
"Come on Margaile, sumabay ka na sa akin. I wouldn't do anything to harm you. I will do anything to make you say yes."
Napatigil ako sa sinabi niya at hinarap siya.
Anything to make me say yes huh...
"Alright. Pwede mo akong samahan pero, ako ang magdradrive" I smirk.
Tila nagulat naman siya sa suhestiyon ko at napatingin sa kotse niya. Bakas ang pag-aalala sa mukha niya.
"Have you, drive a car before?"
Umiling ako at ngumiti.
"Kaya nga gusto kong i-try e! Hindi kasi ako mayaman, I mean ngayon medyo umangat buhay ko dahil sa papa ko pero sa pinanggalingan ko, walang may kotse. Motor pwede pa saka bike. Ano pagdra-drive-in mo ba ako o hinde?"
Natatawa ako sa hitsura niya, halatang stuck sa desisyon kung ipagkatitiwala niya sa akin ang sasakyan niya o hindi na lang siya sasama hahahaha.
He sighed.
"May lisensya ka na ba?"
"Wala. Pero ikaw meron he he he"
He groans in frustration. That's more like it, so satisfying.
"Come on! We are wasting our time here. Dapat kanina pa ako nakabiyahe kung hindi ka lang umepal." pagpipilit ko pa sa kanya.
Kung ayaw niya, edi 'wag! Mabilis naman akong kausap. Nagsimula na akong maglakad ulit no'ng hindi siya makasagot. Bahala siya diyan.
Nakailang hakbang na ako nang marinig ko ang sigaw nang tagumpay.
"Alright! Just be careful, I will guide you!"
And so our roadtrip begins!
"Get a long list of ex-lovers, and I'll tell you I'm insane! 'Coz you know I love the players and you love the game!" Sumasabay ako sa kanta sa playlist niya, buti na lang alam ko.
"Margs! Look on the road and don't freaking close your eyes while driving, you'll get us killed!"
Ayan masyadong takot mamatay, buong byahe namin akala mo mababangga kami parang timang. Isang beses lang ako nagkamali e! OA masyado psh.
"Bahala ka sa buhay mo diyan, OA ka. Ang ayos ko naman mag-drive, natutunan ko agad tinuro mo" at inirapan ko siya.
Malapit-lapit na rin kami sa pupuntahan namin dahil nakikita ko sa Waze. One left turn and nasa lake kami.
Nang marating na namin ang lugar, pinark ko nang maayos ang kotse ng OA kong kasama at binigay sa kanya ang susi niya.
"Ayan na ser pwede ka nang kumalma, hindi ka namatay" talagang sinadya kong gawing sarcastic pa ang tono ko.
Nauna na 'kong maglakad sa kanya since kinuha ko na rin ang bag ko bago ako lumabas ng sasakyan niya.
"Antayin mo 'ko Margs!"
"Dalian mo kase, ang bagal mo!"
Ano kayang pwede kong gawing pambwisit mamaya? Lunurin ko kaya siya, magpanggap akong nalulunod o iwan ko siya bigla mag-isa r'on? Mamaya ko na nga iisipin 'yan! Titingnan ko muna kung gaano kaganda ang lugar.
Sana madala ko rin dito sa susunod ang mga loko-lokong 'yon. Matutuwa sila rito kasi maganda ang paligid, hindi tulad sa squatter na ang baho at puro basura pa ang makikita mo sa paligid mo.
Naglalakad na kami ngayon papunta sa register desk para iregister ang names namin at magkaroon ng pass, papasok sa lake. Safety purposes daw sabi sa internet website nila kagabi.
"Margaile Kliemente? Kaano-ano mo si Sir Manuel Kliemente?"
Kilala nga ang pamilya ng papa ko rito.
"I'm his daughter."
"Really? Si ma'am Aubrey lang kilala naming babaeng anak niya ei... baka ikaw 'yong chismis na-
"You are talking too much, papasukin mo ba kami o hindi?"
"Oh sorry sir, ito na po ang pass niyo"
Buti naman pinutol na ni Bryle ang sasabihin no'ng babae. Masyado siyang maingay hindi na lang kami papasukin, ichichismis pa ang pagiging anak ko sa labas tsk.
"Hayaan mo na 'yon, halika na enjoyin natin ang lake" he smiled at me. Nauna siyang maglakad habang hawak ang kamay ko.
I guess I let him for now, as thanks sa ginawa niya kanina. Sana naman maenjoy ko pa rito.