Pasyal (1)

Nang matapos ang pakikipag keme sa amin doon sa front reception, nakapaglakad na kami papunta sa mismong lake. Totoo nga ang sinabi nila, napakaganda at napakalinaw nang tubig.

"Wow" iyan na lamang ang nasabi ko nang makita ko ang napakagandang tanawin sa harap ko. Maraming mamamayan nang El Rino ang narito upang maligo at magsaya.

"Tititigan mo na lang ba 'yan Margs? Come on, let's swim."

Hawak niya pa rin pala ang kamay ko, agad kong inalis ang kamay ko sa pagkakahawak niya at sumunod na lang sa pupuntahan niya.

May nipa huts sa baba kung saan pwedeng maglagay o mag-iwan nang mga gamit. Nang makita namin ang kaparehong numero na nasa cards namin, pumunta na kami roon at iniwan ang mga dala-dalang gamit.

Tinanggal ko na rin ang pang labas ko para makalangoy. Tiningnan ko naman ang kasama ko at nakatitig lang siya sa akin.

"Why? Aren't we going to swim?"

Mukha namang nahimasmasan siya at sumagot "Yeah... yeah sorry"

I shrugged and he started to remove his shirt. Naka shorts na lang siya ngayon.

Sanay naman na akong makakita nang lalakeng walang pang-itaas pero iba pa rin talaga kapag hindi mo ka-close. Agad kong nilayo ang paningin ko at inantay na lang siyang matapos.

"Halika na" 'aya niya sa akin at ngumiti. Sumunod na lang ako kahit may hiya pa akong nararamdaman sa nakita.

Una kong dinampi ang paa ko sa tubig, malinaw ito at nakikita ko talaga ang paa ko sa ilalim. Then nilublob ko na ang katawan ko sa tubig. Lumangoy ako pailalim ang sarap nang tubig sa katawan.

"Ahhhh!" napatili ako pag-ahon ko nang may humapit sa bewang ko. Tiningnan ko ang kumag na si Bryle at binatukan ko siya. Ang lakas manggulat bwisit.

"Sorry, you look cute while enjoying the water"

"Osya bitawan mo na ko mukha tayong magjowa rito e hindi naman kita balak jowain"

"Nah, jojowain mo 'ko and hindi ka pwedeng lumayo unless makapagpicture na tayo"

Nilabas niya ang phone niya at tinapat sa amin ang front cam.

"Smile, Margs"

Dahil abnormal ako, wacky shots ang ginawa ko HAHAHAHAAHA. Tyansing din kasi siya e!

Tawa ako nang tawa nang makita ko ang kinalabasan ng pictures, wala akong maayos na mukha. Hindi naman kasi ako tulad nang ibang mga babae na conscious sa mga ganyan, alam kong hindi ako maganda kaya hindi ko na kailangan pang mag effort sa camera para gumanda.

"Beautiful" napatingin ako kay Bryle, nakatutok sa akin ang cam niya. Nakangiti rin siya sa akin.

"Mamamo beautiful" at tinawanan ko siya. He chuckled.

Umahon na ako sa tubig dahil ang tagal na pala namin doon. Sumunod na rin siya sa akin. Lagpas tanghalian na siguro, nagugutom na ako wala akong kinain kaninang umaga bago umalis.

"May masarap bang kainan malapit dito? 'Yong mura lang pero nakakabusog. Ayoko nang mamahalin, sayang pera" tanong ko sa kanya habang kinukuha ang mga pamalit ko.

"Pwede naman kitang ilibre, you don't need to pay"

"Mamamo ilibre. Ayoko, gusto ko, ako ang magbabayad nang kakainin ko saka ako ang manlilibre sa'yo, tinulungan mo 'ko kanina"

"Nope, I'll pay. May malapit na mga tindahan nang murang pagkain dito para na rin sa mga turista. Doon na lang siguro tayo."

Mukhang nakita niya namant magbibihis ako, kaya lumabas muna siya nang kubo at sinara ang pinto.

"Ako sabi ang magbabayad ei!" Pagtutol ko pa sa kaniya. Ang kulit!

"Ako na nga, ako ang lalaki rito at ako rin ang nagpilit sumama sa'yo. It's my courtesy to pay your food."

"Hindi kita isasama kapag hindi ako ang magbabayad sige ka." Pagbabanta ko pa.

Masyado kasing makulit, ako na nga ang nagvovolunteer kasi nakakahiya para roon sa tulong niya sa akin kanina. Ayaw ko rin na may utang na loob ako sa iba, kaya para sa ikatatahimik ko gusto ko agad ibalik 'yong favor.

"Psh, fine. Panalo ka nanaman."

Ngumisi ako. Panigurado iniirapan ako nito na sa labas HAHAHAHA.

Nang matapos ako, siya naman ang sumunod. Nakabusangot ang loko. Wala siyang magagawa, ako ang panalo.

Mabilis lang siyang natapos sa pagbibihis at dala niya na rin ang mga gamit niya. Habang naglalakad kami, nagtatanong ako nang mga masasarap na pagkaing pwedeng mabili roon.

"May street foods doon. Tapos may mga karinderya at kainan din na nagseserve nang heavy meals kung sakaling gutom ka talaga. Marami ring desserts na pwedeng pagpilian. Madalas ako roon kapag summer kaya halos kilala ko lahat nang nagtitinda. Plus the family name."

"Oooohhh makakadiscount tayo! Ayos 'yan! Apir!" Nakikikipag-apir lang ako, pero itong siraulong 'to hinawakan nanaman ang kamay ko.

"Aray! What's the for?" Habang hinihimas niya balikat niya.

Hinampas ko kasi siya at binatukan. Tyansing nanaman ei. Kanina pa siya parang timang amp.

"Aray what's that for, what's that for ka riyan. Kanina ka pa tyansing, boy!"

Namula ang mukha at tenga niya. 'Yan tama 'yan mahiya ka.

"Ako na ang magdradrive huh? Para makapag-park tayo nang maayos, marami kasing tao roon." Hindi na ako nakipagtalo pa at hinayaan na siya.

Bumalik kami sa front desk para isauli ang mga cards namin. Syempre nakita ko nanaman 'yong ateng chismosa na balak pa yata ichismis ang buong buhay ko sa El Rino.

Nagulat siya nang makita kami ulit pero hindi ko na siya tiningnan pa at diretso na akong pumunta sa sasakyan nang maibigay ko sa kanya ang card ko.

Sumunod na lang ako kay Bryle pagka-unlock niya nang kotse. Gutom na talaga ako. Hindi ako kumain kanina hayyss.

"Bibilisan ko lang para makakain na tayo agad." Tumango na lang ako at nanahimik buong byahe habang tinatanaw ang dinadaan namin.

Ibang iba nga sa Maynila. Dito kasi hindi gaanong matataas ang mga gusali. Marami ring puno at may makikita ka pang mga nagsasaka sa ibang parte na may palayan.

Ang peaceful siguro nang buhay nang mga lumaki rito. Kahit simple lang. Walang gulo, magkakakilala ang mga tao, malinis at ibang-iba sa mga nakagisnan ko.

Sa lalim nang iniisip ko, hindi ko napansing nakarating na kami sa dapat naming puntahan. Nakapark lang ang sasakyan ni Bryle siguro sa pinakamalapit na pwede naming balikan mamaya.

"Bakit ang lalim nang iniisip mo kanina? Nakatingin ka lang sa bintana, ni hindi ka nagpa-music" napansin din pala niya 'yon.

"Wala 'yon! Kinukumpara ko lang 'yong mga nakikita ko rito sa mga kinalakihan ko sa Maynila. Grabe ang laki talaga nang diperensya." Sagot ko sa kanya habang naglalakad kami.

Mukhang kumbinsido naman na siya at hindi na nagtanong pa. Sinusundan ko lang siya kung saan niya ako dadalhin. Natanaw ko ang plaza kung saan maraming batang naglalaro, may mga namamasyal lang at maraming street vendors nang kung ano-ano.

"Doon tayo malapit sa plaza, maraming makakainan" tumango ako at sumunod sa kanya. Ginawa kong proteksyon sa araw ang scarf ko, hindi maitatangging mainit na at nasa open space kami. Maging siya, pinagpapawisan na rin at namumula sa init.

Binilisan namin ang paglakad at pumunta sa isang eatery. Sinalubong kami nang mainit na pagtanggap nang lugar.

"Oh Bryle matagal na rin nang huli kang napadalaw dito! Sino pala iyang kasama mo? Nobya mo ba?"

"Hin-

"Usual spot ko po manong" he cut off my words. Hayyss

"Anong order ninyo ijho? Usual ba?"

Hindi ko alam kung maypagka-mind reader si Bryle at umorder siya nang maraming kanin at ulam para sa aming dalawa. Apat na kanin, ginataang langka, adobo, lumpiang shanghai at sofdrinks. Solid!

"Hindi naman halatang gutom tayo sa inorder mo" sabi ko sa kanya nang maibaba ko ang gamit ko.

"Hindi rin kasi ako nag-almusal kanina, I am hungry as much as you do. Kaya magpapakabusog tayo." He winked.

Inirapan ko na lang siya at kinalikot muna ang phone ko habang nag-aantay ng pagkain. May lumabas na notif sa facebook at Instagram ko.

**Bryle Imelia sent you a friend request **

Umiling na lang ako, saka in-accept ang fr niya.

**Bryle Imelia tagged you in a post **

Napakunot naman ang noo ko at tiningnan kung anong post 'yon.

This girl, deserves an award for the most sexiest and beautiful smile in the universe.

'Yan ang caption niya sa post niya, naroon ang mga pictures namin kanina, pati ang pictures ko ngayon habang nagse-cellphone ako. Ilang minuto pa lang niya in-upload pero ang dami nang reacts and comments at jusme may shares pa.

Mamaya ko na titingnan ang comments. I-ooff ko muna ang phone ko dahil ang ingay nang notifs. Pasaway talaga, tinag pa 'ko!

Mabuti na lang at dumating na ang pagkain namin at mamaya ko na sesermonan ang kasama kong baliw. Hayaan ko muna siyang ngumisi.

This is gonna be a long day.