E l y s t i n e 's
"Elys!" Napalingon ako sa tumawag sa'kin. Si Jeal, she's smiling so I smiled back.
Nasa canteen kami ngayon nila Alona dahil wala namang teacher sa labas. Nagulat ako nang lapitan niya ako't hinawakan sa balikat, nakasandal pa ang kaniyang ulo sa shoulder ko.
"Hoy!" Nagulat si Alona nang makita niya ito. Hindi kasi ako mahilig dumikit sa kung sino. Ayoko ng physical attachment sa totoo lang, hindi ko alam kung caused ng traumas o hindi ko lang talaga gusto. I guess, I just don't have the reason.
Pero parang may kung ano na nagpapabilis ng tibok ng puso ko...
"Hoy, Jeal! Tara na nga, mamaya na 'yan!" Aya ni Gennieva na kaibigan niya. Isa si Gennieva sa mga matatalino naming kaklase, maganda siya at proselana ang kutis. Isa nanamang malaking sana all.
Tumayo si Jeal, "Bye! Selosa kasi yan si Eva, pasensya na." Nakangisi siyang tumayo at bumalik kanila Eva.
"Selosa ka talaga!" Rinig kong pang-aasar ni Jeal kay Eva.
"Bitawan mo nga ako!" Reklamo ni Eva.
Nakakatawa silang tignan sa totoo lang.
"Himala ata hindi ka nagreklamo sa ginawa ni Jeal sa'yo!" Nagkibit balikat na lang ako sa komento ni Alona.
Nakakapagtaka rin na hindi ako umiwas sa babae na 'yon. Tsk, baka I'm just being friendly.
Oo, tama.
Napagdesisyonan na naming umakyat sa taas since sampung minuto na kami rito sa canteen. Hindi kasi pumasok ang teacher namin sa Philippine Politics and Governance kaya naman bumaba kami. Pwede namang bumaba pero 'wag lamang papahuli sa Head Teacher.
"Alam mo ba, dati tinatawanan ko uniform ng mga taga rito e. Mukha kasing talong HAHAHAHA." Natatawang kwento ni Alona habang paakyat kami with matching palo pa 'yan ha.
Napangiti rin ako dahil sa sinabi niya at inimagine na mukhang talong ang lahat ng estudyante rito kapag naka-complete uniform.
Kulay purple kasi ang vest namin at green ang palda kaya hindi naman talaga nakapagtataka kung maraming nagsasabi na mukha kaming talong pero 'di ba atleast healthy HAHAHAHAHA.
Pag dating sa room ay agad kong inilabas ang itim na journal ko atsaka nagsulat ng kung ano ano and I found myself writing Jeal's name. Wew. Baka lang talaga I want to be friends with her.
Maya maya ay dumating na ang teacher namin sa General Mathematics at nagsimula na siyang magturo. Gaya ng dati ay wala akong ibang ginawa kundi ang magsulat ng kung ano ano sa kung saan saang papel. Ano ba naman 'to bakit wala akong interest sa Math?
Wala si Christian sa row namin ngayon. Napatingin ako sa gawi nila Jeal, nandoon si Christian katabi niya. So, ano naman? Anong tinitingin tingin ko?
I shrugged off the thoughts and tried to focus write one verse poems. 'yung eme emeng gawa lang HAHAHAHA. Basta may masulat lang para masabi na nakikinig ako.
"Bakit parang nasa malikhaing pagsulat kana, Miss?" Nagulantang ako nang marinig ang boses ni Sir na nasa likuran ko ngayon.
Dahan dahan kong isinara ang notebook ko. Naramdaman kong tumingin sa'kin ang mga kaklase ko kaya kinabahan ako.
"Sorry, Sir!" I awkwardly smiled but he gave me a glare.
"'yung quiz ko muna unahin mo, bago 'yan." Utos niya at agad ko naman itong sinunod 'saka kumuha ng isang one whole shi--- sheet of paper.
Bagsak nanaman ako nito. Bye, with honors.
Umalis si Sir sa likuran ko 'saka nagtungo sa harap. Kinalabit ko si Christian na bumalik na pala rito, hindi ko manlang namalayan.
"Pakopya," I mouthed.
Umiling siya at tumingin sa harap para siguraduhin na hindi kami makikita ni Sir.
Matapos ang klase ay hindi kami agad pinauwi dahil may announcement daw ang president namin.
Maraming umangal ngunit wala silang ibang nagawa kundi ang manatili sa kanilang mga upuan.
"Oh, magkakaroon daw ng project for DISS. Ahm, hoy makinig kayo!" Saway niya sa mga lalaki sa likod na nakahawak sa walis ngunit nagaasaran lamang. "Kukutusan ko kayo kapag nagtanong pa kayo sa'kin. Anyways, ayon na nga, speech choir daw. Tapos ngayon, pipili muna tayo ng leader."
"Pres, ikaw nalang para matapos na lahat." Madaling sabi ng isa sa mga lalaki na nasa likuran. Kinuyom ni Kaycee ang kamay niya at iniangat ito.
"Sapak, gusto mo? Si Jade nalang! Magaling 'yan sa mga ganito e. Oh, si Jade nalang ha, siya na pipili ng mga piece tapos bukas mamimili tayo kung ano mas gusto natin na i-perform do'n. For now, pwede na kayong umuwi, cleaners remain." Utos niya kaya tumayo ako agad.
Nasa labas ako ng classroom, hinihintay si Alona at Christian na matapos dahil cleaners sila. Nagulat ako nang lumapit si Jeal sa'kin kaya napaurong ako.
"Takot ka ba sa tao?" Natatawang tanong niya ngunit umiling lang ako. Mukha siyang friendly at sa tuwing nakikita ko siya ay iba't iba ang kaharutan niya. I mean harot na parang bata gano'n, don't get me wrong.
Umiling ako, "Hmm, hindi. Naga-adjust parin kasi ako." Napakamot ako sa ulo nang sabihin ko 'yon.
Hanggang ngayon ay hindi parin ako comfortable sa mga tao rito. Hindi ko alam pero tagal talaga ako mag-adjust.
Hindi nagtagal ay lumabas na si Christian at Alona. They are smiling like crazy baka nagaasaran sila bago lumabas ng classroom.
"Uy!" Bati ni Christian kay Jeal na nakangiti sa kaniya.
"Sabi mo ha, date tayo next week!" Nakangising sabi niya.
Nanlaki ang mata ko at mata ni Alona.
"Kayo ba?" Tanong ni Alona. Marahas namang umiling si Jeal bilang sagot.
"Eh, bakit kayo magda-date?" Dagdag na tanong ko. Sabay silang tumawa ni Christian kaya nagkatinginan kami ulit ni Alona.
"Duh, pwede namang friendly date. Kasama namin sila Eva, gusto n'yo bang sumama?" Aya ni Jeal.
"Ayoko, maghuhugas ako ng plato 'saka baka hindi ako payagan." And there is Alona's alibi HAHAHAHAHAHA. Pero totoo naman talagang hindi siya pinapayagan, sobrang bait nitong babae na 'to, hindi niya kayang suwayin mga magulang niya.
Tinuro ako ni Jeal ngunit nagkibit balikat lamang ako. Hindi ko alam kung sasama ba ako, hindi ko naman close si Eva at 'yung dalawa pa nilang kasa-kasama.
Naghihintay kami ng jeep. Si Alona hindi mapakali sa pang-aasar kay Christian. Ewan ko ba sa dalawang 'to.
Ngayon ko lang nalaman na pwede palang mag-date ang mga magkakaibigan na walang feelings na naka-attach. All this freaking time, I only know, couple is allowed to date. Gano'n na ba ako kashunga at kabulag sa mga pinanonood kong Korean dramas.
Nakauwi ako ng bahay, agad bumungad sa'kin si Lola na nakangiti sa upuang plastic. I smiled at her back, hindi ko siya nakita kanina kasi maaga pa at wala pa sila.
I want to hug her but I don't want her to think na ako parin 'yung bata na inaalo alo niya dati. Instead of hugging her, nag-mano na lamang ako. Bakas sa reaksyon ng mukha niya ang pagka-gulat. Hindi niya ineexpect na 'yun lang gagawin ko. Kaya naman agad agad akong umakyat sa taas upang magbihis.
"Hay... I missed her..." Maarteng bulong ko sa sarili 'saka napasabunot sa aking magulong buhok.
F L A S H B A C K
"Lola!" Masayang bati ko sa kaniya nang sunduin niya kami kasama sina Lolo at iba ko pang mga pinsan dito sa port.
Agad agad ko siyang niyakap at agad rin akong humalik sa pisngi niya. Dalawang taon na kasi ang nakalipas simula noong nakauwi kami rito sa bacolod.
Magragrade 3 na ako sa pasukan kaya naman sobrang excited akong umuwi rito. Sabi kasi ng iba, mahirap na raw ang grade 3 kaya bago ako maghirap gusto ko muna makasama si Lola ^___^
Tatlong araw na kaming nandito at hindi parin ako humihiwalay kay Lola dahil gusto ko siyang kasama. Palagi niya rin akong pinagtitimpla ng kape, oo, sa murang edad ko ay marunong na akong uminom ng kape.
"Lola, sama." Pagmamakaawa ko dahil pupunta siya sa resort na malapit sa bahay namin dito. Isa sa mga taga-pangalaga ng resort si Lola.
"Oh, halika." Nakangiti niyang kinuha ang kamay ko. Apat na kaming magkakapatid ngayon, 2 years old pa lang ata ang kambal kong kapatid na sina Rain at Reynald.
"Yehey!" Masiglang sabi ko.
Nakababa kami kung saan maraming tao. May swimming pool dito, dalawa at may talon naman sa bandang unahan nitong swimming pool. Doon nanggagaling ang tubig na sinusupply dito sa swimming pool.
"Gusto mo ba turuan kita lumangoy?" Tanong ni Lola na ikanatuwa ko kaya tumango ako agad agad.
May iniabot siya sa'king kulay orange na gamit gamit ng ibang tao na nasa pool na. Nakakamangha dahil lumulutang sila.
Sinamahan ako ni Lola sa kiddie pool. Itinuro niya sa'kin ang proseso kung paano lumangoy, agad naman akong natuto kaya tuwang tuwa sa'kin si Lola.
Matapos namin lumangoy langoy ay agad kaming umuwi pero bago iyon ay binigyan niya muna ako ng ice cream.
"Yehey! Thank you, 'La!" Ang saya saya ko ng mga pagkakataong ito lalo na dahil kasama ko si Lola.
Kinagabihan, inaayusan ako ng buhok ni Lola. Kulot kulot ang buhok ko at nagigong buhaghag ito kapag natutuyo ngunit parang may kapangyarihan si Lola na kapag hinawakan niya ang buhok ko ay hindi ito bumubuhaghag.
"Tulog na tayo." Utos ni Lola kaya agad akong tumango at sumunod sa kaniya ngunit nakita ko na wala akong pwesto sa kwarto nila. Dahil nandito si Tito at Lolo.
Sumimangot ako kaya pinaalis ni Lola si Tito at pinatulog sa sala.
Bilang bata ay tumalon ako sa banig tabi ng Lola ko. I hugged her and told her that I love her.
"Sana kapag lumaki ka, gan'yan pa rin ha?! Magagalit si Lola kapag hindi na ganito." Nakangiti siya sa'kin.
My Lola really looks like an angel.
"Opo, promise 'yan, Lola." I hugged her tighter at hindi nagtagal ay nakatulog ako.
F L A S H B A C K
Bumaba ako nang tawagin ako ng kapatid ko. Gabi na pala, hindi ko manlang namalayan. Kumpleto kami ngayon sa bahay kaya medyo maingay.
"Hoy, Rain! Kumuha kana nga sabi ng plato!" Bulyaw ni Trisha.
"Kasi inuuna pa panghihiram ng cellphone kay Mama." Bakas sa tono ng boses ni Reynald ang inggit.
"Ang ingay!" Reklamo ng bunso naming kapatid.
"Kasi 'to!" Bulyaw pabalik ni Rain sa mga kapatid namin.
"Manahimik nga kayo!" Malakas na sigaw ko rin dahil nakakagigil sila, ang pangit pakinggan.
Hindi natapos ang pagtatalo nila hanggang sa kumain na. Si Lola naman nakangiti lang kaming pinagmamasdan, samantalang si Mama at Papa ay matalim na ang tingin sa'min pero hindi parin kai tumitigil.
Masaya naman kahit papaano 'yung ganito, nagkakataon lamang talaga minsan na, maingay kami dahil tumatawa o maingay kami dahil nagtatalo talo gawa ng kung sino ang gagawa ng gawaing bahay.
Normal na magkakapatid, gano'n.
Matapos naming kumain ay agad nagtulakan kung sino ang maghuhugas.
"Hala, kakatapos ko lang maghugas kagabi, ako nanaman!" Nakasimangot na sabi ni Rain.
"Weh, sinungaling, hindi ka pa kaya naghuhugas." Pangaasar ni Reynald sa kaniyang kambal. Masyado kasing alaskador 'tong si Reynald pero kapag siya na ang inasar akala mo'y sinong bata na inagawan ng lollipop.
"Baka si Ate Trish!" Pambibintang ni Rain kay Trisha. Napatingin si Trisha kay Rain. Nagsalubong ang kilay nito,
"Sinungal---"
"'wag na kayo maghugas, tapos 'wag narin kayo kumain ha? Pag hugas lang akala mo mabigat na gawain e! Gusto niyo lang talaga kain lang ng kain, ano?" Ratatat ni Mama sa'min kaya natahimik ang mga kapatid ko ngunit hindi parin sila tumigil na magkabitan at magkurutan sa gilid.
Si Stella naman ay nanonood lang ng youtube sa cellphone niya, oo, binilhan siya ng Nanay niya. Lumabas saglit si Papa dahil hindi niya matiis ang ingay naming magkakapatid, baka mamaya ay makahampas pa siya.
Grabe pa naman magalit 'yang si Papa, akala mo wala nang bukas. Pero maganda lang doon ay 'paborito' niya raw sabi ng mga kapatid ko. I don't know if its a thing to be proud of or be ashamed for.
I love the idea of being his fave but I don't know, there are something's bothering me especially kapag sinasabi ni Trisha na, "Sus, paborito kasi 'yan" I don't find it sarcastic, I found it like it pained her.
They were so close ni Mama back then, she was my Mom's favorite that's why I sometimes envy her for that kaso hindi niya nakikita 'yon. I don't want to say this but she's kinda close minded especially when her feelings got her.
I also realized na kahit na anong gawin natin kapag galit tayo, sasarado talaga ang utak natin. Kaya hindi ko siya masisi, kasi lahat ng pakiramdam ay valid. We are all valid.
Ilang oras pa ang lumipas, nandito lang ako sa higaan ko at nakatitig sa bubong habang tinitignan ang mga anay-- hindi, joke lang.
Napabuntong hininga ako bago chineck ang mga social media accounts ko. I'm just a normal teenager who loves social media, and wait, who doesn't?
Una kong binuksan ay ang twitter ko, wala akong ibang makita kundi ang mga reklamo ng tao sa kanilang buhay. Hindi ako nagrereklamo sa nakikita ko dahil mas marami pa akong rant na tweet kaysa sa kanila.
@jadeladrera requested to follow you.
Luh, paano niya nahanap twitter account ko? Pero walang ano ano'y inaccept ko rin at nagrequest follow. Minsan kasi naka-private account ko o hindi kaya nakapublic depende kung anong gusto ko o kung anong mood ko. Since twitter 'to wala naman masyadong nakikialam kaya ayos lang, oy.
@aintelystine: Sorry, Lola :(( Mahal kita! <3
I tweeted that. At mas lalo akong nagulat nang magreply si Jade rito.
@jadeladrera: Ang sweet naman ni Ate Elys!
Napangiti nalang ako at hindi na siya nireplyan. Sinubukan kong matulog nalang. Matagal akong pumikit ngunit hindi talaga ako makatulog kaya naman, nagopen ako ng facebook.
Napangiti ako nang makita ko ang chat sa'kin ng crush kong si Ariez.
Ariez Panganiban: Hoy!
Ariez was my grade 10 classmate. Sobrang kulit pero ayos lang, bet ko lang siya kasi mapang-asar 'saka feeling ko magkavibes kami.
Elystine Perez: Oh, ano?
Ariez Panganiban: Pagawa nga ng assignment!
Elystine Perez: Utot mo! Lalapit ka lang sa'kin kapag kailangan mo 'ko.
Ariez Panganiban: Dali na! Tawag ako! Tuturuan nga kita mag-ml, 'di ba?
Hindi ko na siya nireplyan dahil naloloko na ako kakangiti rito. Noong nakaraan pa kasi kami magkausap, kapag siniseen ko siya ay bigla niya akong ichachat na kesyo may kailabgan siya pero hindi ko lubos maisip na baka ako talaga mismo kailangan niya baka excuse niya lang 'yon, hindi ba? Mag-agree naman kayo!
Crush ko na 'to simula grade 10 kaso may crush siyang iba at may jowa ako noong grade 10 pero hindi naman nagtagal dahil hindi seryoso. Ewan ko ba! Baka hindi talaga para sa'kin ang pagjojowa. Hay, magaaral nalang ako. Magtatapos. Atsaka ako magjojowa! Jowa jowa pa, sus!
Pero ano ba kasing feeling ng seryosong may kasintahan? Masaya ba?
---------------------------------------------------------------------------------------------
No!