E l y s t i n e 's
"Break muna!" Malakas na utos ni Jade nang matapos niya kaming pagurin kakapraktis. Sa susunod na araw ay magfi-first grading exam na pero wala parin kaming review dahil sa mga tambak na gawaing ibinabato nang ibinabato sa'min.
Pag-uwi ng bahay ay wala kaming magawa kung hindi ang gawin ang mga assignments and individual projects. 'yung notes din kailangan tapos na by next monday.
Habang umiinom ako ng tubig ay nakatingin ako kay Alona na ngayon ay kausap si Jeal. May pahampas pa si Alona kay Jeal dahil siguro nakakatawa ang sinasabi nito. Nagkibit balikat na lamang ako dahil wala rin ako sa mood makipag-interact. Ewan ko ba pero may mga part na tinatamad talaga akong makipag-usap. Pero aaminin ko na madaldal ako kaso hindi talaga ngayon dahil naga-adjust pa 'ko at natatakot ako sa iisipin nila kapag in-approach ko sila.
May iilan narin naman akong nakakausap ngunit hindi ko maiwasang hindi maintimidate sakanila. Pakiramdam ko kasi na isang maling galaw ko lang ay sira na ang imahe ko ay isa ito sa mga pinaka-kinatatakutan ko, ang mag-iba o sumama ang tingin sa'kin ng mga tao.
Hindi naman nagtagal ay natapos ang praktis, alas tres na ako ng hapon nakauwi.
Nakapag-paalam naman ako kaya hindi na ako dinadaldalan ni Mama 'pag uwi. Actually, mas naiintindihan nila ako ngayon. Dati rati ay bawal kaming umuwi ng bahay, kailangan ala sais ng gabi ay nasa loob na kami ng bahay dahil kung hindi ay palo ang aabutin namin dito.
Gusto ko rin maranasan 'yung gagawa ng assignments tapos magoovernight! Hay, ang higpit kasi ni Mama at Papa. Kahit pagbo-boyfriend ay bawal pero noong jhs ay may pinakilala ako kay Papa, pumayag naman siya at sinabi niyang ayos lang basta hindi raw pabayaan ang pagaaral. Ewan ko ba, ganoon naman talaga mga magulang, gusto muna nilang mag-ayos ka ng buhay bago ka payagan sa mga bagay na gusto mong gawin. It sometimes sucks for not doing what you love because of your parents or because of your family.
Gusto ko sanang matulog kaso hindi ako makatulog dahil kakaisip sa rami ng school works. Wala akong 'work space' na tinatawag kaya kahit saang sulok lang ako ng bahay gumagawa ng mga assignments.
Inilabas ko ang notebook ko sa Trends para isulat ang mga notes na naipon ko this grading. Masyadong mahigpit ang teacher namin sa Trends, dapat maayos ang sulat namin dahil kung hindi ay ibabato niya ito pabalik sa'min. Hmp.
Habang sinusulat ko ito, natatawa nalang ako sa mga nakikita ko kada page ng scratch notebook ko, puro hatdog, pangalan ni Alona at kung ano nalang maisip.
Dahil sa dulo ng lahat ng ito,
Ay ang kaginhawaan ng buhay nila at buhay mo <3
Napapangiti nalang ako sa mga random thoughts na naiisip ko. Alam n'yo 'yon? Wala lang HAHAHA syempre hindi niyo rin alam kasi hindi ko alam kung bakit ang dami kong sinusulat. Naalala ko tuloy dati noong bata ako, pinalo ako ni Mama dahil hindi ko nabantayan ang kapatid ko tapos sa sobrang sama ng loob ko ay nagsulat ako sa papel ko gamit lapis ng tula pero walang wastong tugma at sukat, hindi rin siya rhyme. Matapos kong isulat 'yon ay gumaan ang pakiramdam ko para akong nakalutang sa ulap. Kaya simula noon ay sobrang minahal ko ang pagsusulat dahil kung hindi dahil doon baka sobrang dami ko nang sama ng loob pero ngayon, hindi ko na alam kung nasaan na ba 'yung mga sinulat ko kasi kahit saan saan lang naman ako nagsusulat.
Mahilig din akong mag-vandalism pero sa higaan ko lang at sa pinto ng bahay namin. Dati pinapagalitan ako pero syempre nasanay na lamang sila 'saka ako hinayaan. Wait ha! Hindi ko ginagawa sa school 'yon kasi natatakot ako! Sa notebook ko lang hehe.
Gusto ko talagang maging sikat at magaling na writer pero hindi pa ako gano'n kagaling at ilang taon na akong hindi nagsusulat, paminsan na lamang, minsang nga'y nakakalimutan kong nakapagsusulat pala ako... natatakot ako sa sasabihin ng mga tao, natatakot ako na baka hindi nila magustuhan ang mga sinusulat ko kaya napagdesisyonan kong itago nalang sa sarili ko ito. Si Alona lang ang may alam na gustong gusto kong magsulat ng mga storya.
Pero alam niyo ba na nabasa ng nanay ko 'yung sama ng loob ko dati at sinabihan niya ako na para raw akong tanga for writing down my thoughts although ang tagal tagal na no'n but it still hits me hard.
Nagkibit balikat na lamang ako 'saka itinuloy ang pagsusulat ko. Matapos ang ilang oras ay nangalay na ang kamay ko kaya bumaba ako upang kumain. Kumpleto nanaman kami. Si Mama at Lola naguusap tungkol sa mga tao sa probinsya halos isang dekada na kasi kaming hindi nakakauwi roon.
"Maya ba'y maintindihan nila ang mga sasabihin natin." Napatingin ako kay Lola nang sabihin niya ito.
"Dili man sila makaintedyes ug bisaya, Ma. Pabay-e na." Napangiti ako nang marinig ko ang sinabi ni Mama. Nakakaintindi ako pero hindi ako ganoon kagaling magsalita nito.
"Ako rin ba dai, kaya ko mag-intindi dai." Natatawang sabi ni Reynald kay Mama na naging dahilan kung bakit kami nagtawanan lahat. Ang trying hard kasi ng boses niya at halata mo talagang walang alam sa lengwaheng ito.
Lalong umingay ang bahay dahil sa asaran ng mga kapatid ko. Minsan nakakatuwa sila pero minsan talaga ewan ko nalang.
"Ate, alam mo ba si Reynald may ka-chat!" Napatingin kami ni Trisha kay Reynald na napatigil sa pagkain.
"Ito si Rain kung ano ano nanamang sinasabi!" Mataas ang tono ng boses ni Reynald
"Oo kaya! Nabuksan ko 'yung facebook niya 'te!" Ika ni Rain
"Hala, ako rin Kuya Rain gawan mo 'ko ng facebook dali na!" Singit naman ng bunso naming kapatid.
"Manahimik ka diyan, Liit. Ang bata bata mo pa facebook facebook kana" 'saka umirap si Trisha.
"Ang damot." Sumimangot si Liit 'saka nagpatuloy sa pagkain
Oh, hindi ba ang ganda ng pangalan niya. Junior kasi siya tapos may Junior din akong pinsan na mas matanda sa kaniya. Ako ang tumawag sa kanila ng Junior Liit at Junior Laki pinagalitan pa nga ako ng Tita ko dahil ang galing ko raw gumawa ng mababahong nickname, ayaw niya itong ipadala sa anak niya dahil nga ang pangit daw pero syempre, ako lang 'to malakas ang impluwensya sa kahit kanino HAHAAHAHAHA hindi, joke lang.
"Kamusta pala school n'yo?" Tanong ni Papa na nakaupo pala sa isang upuan sa sulok, hindi ko siya napansin.
"Wow, himala ata Papa nagtanong ka about sa school namin?" Manghang manghang tanong ni Trisha nakahawak pa siya sa labi niya.
"Parang baliw." Sagot ni Papa kay Trisha. Hindi ako sumagot dahil ayokong sabihin na nakakapagod magaral, mamaya ay sabihan lang ako ng kung ano ano, kesyo nagaaral na nga lang ako magrereklamo pa, hindi ba? Para sa'kin ay mas mabuti na lamang na manahinik kaysa makipag usap o makipag talo.
Natapos kaming kumain agad akong dumiretso sa higaan ko dahil si Trisha ang maghuhugas.
Ang dami ko pang gagawin pero gusto ko munang matulog. Well, tulog muna bago aral feeling ko mas healthy 'yon 'di ba? HAHAHAHA.
Pag ka-higa ko ay naramdaman ko ang pagod ng katawan ko. Alam n'yo 'yung pakiramdam na sinasabi sa'kin ng katawan ko na 'I did a great job and now, I deserve to take a rest.'
Kinabukasan ay maaga akong nakarating sa school kaya naman inilabas ko ang mga gamit ko pang sulat, tatapusin ko lang ang notes ko sa Trends. Hindi pala kami nagsabay ni Alona dahil sabi niya ay mala-late siya kaya, ayon. Nauna na ako. Kasabay ko si Christian so bale hindi pala ako mag-isa.
Tatlo palang kaming nasa room, si Jeal, ako at si Christian. Ngayon ay magkausap si Jeal at Christian sa harap pareho silang nakangiti kaya hindi na ako nagatubiling lapitan sila dahil kailangan kong tapusin ang notes na 'to para less nalang 'yung gagawin ko.
Maya maya ay may lumapit sa'kin ngunit hindi ko siya nilingon. Baka si Christian lang 'yan, hayaan na natin.
"Uy, add mo 'ko sa fb." Napatingin ako sa babaeng nagsalita. Si Jeal na nakangiti ngayon sa'kin.
"Uhm?" Tinaasan ko siya ng kilay ngunit tinawanan niya ako.
"Sabi ko, add mo 'ko sa facebook!" Pag-ulit niya. I handed her my phone and let her do whatever she wants to do.
"Wow, walang password? Taray! Hindi private si Ate mo." Nakangisi siya habang sinasabi iyon. Hindi ko alam kung compliment ba ito o ano e.
"Sino 'tong westlife?" Tanong niya nang tignan niya ang laman ng Music Files ko.
"Ah, favorite band ko." I smiled but I still continued what I'm doing.
"Oh, wow." Tumango tango siya. I looked at her for almost 3 minutes and all I can say is that, wow, she's really pretty.
"Follow mo rin ako sa twitter ha! Chat kita mamaya, mukhang wala kang data e." Nakangiti siyang umalis samantalang ako naman ay naiwang nakatulala sa kaniya.
"Okay, That's all for today. Don't forget your infographics in a long bond paper okay?" Nakangiti si Sir Earth and Science bago lumabas ng classroom. Siya ang last subject namin ngayon.
Napakamot naman ako ng ulo habang papunta sa plaza dahil doon kami magpapraktis bukod roon ay iniisip ko rin kung paano ako gagawa ng infographics na sinasabi e wala naman akong laptop?
Hays, ang hirap maging mahirap.
Napabuntong hininga ako 'saka chinat si Mama.
Elystine Perez: Ma, hiram mo 'ko laptop sa Ate ni Stella, sige na kailangan ko lang. Sauli ko rin agad :(( Maya pa ako uwi mga 3:00 ulit, may practice kasi e.
Jennifer De Ocampo: Ok.
"Oh, nakasimangot ka nanaman! 'yung kilay mo hoy!" Pagpuna ni Alona sa mukha kong nakakunot.
"Kain muna tayo kay Ate V!" Aya ni Christian na hindi inalintana ang pag simangot ko.
Pag dating namin sa Siomai-an ni Ate V ay konti na lamang ang tao, minsan kasi sobrang dami ng tao rito. Pero ngayon wala hindi ko alam kung bakit, kami kami lang din magkakaklase ang nandito.
Dinadayo si Ate V dahil sa mura niyang Siomai Rice. Imagine, 20 pesos siomai plus kanin na o, saan ka pa? Kay Ate V kana!
Mabilis naman kaming nabigyan ng pagkain, magkatabi kami ni Alona pero maya maya ay tumayo siya at pumalit si Jeal na nasa kabilang lamesa kanina. Inabutan niya ako ng panyo kaya nagtaka ako.
"Ano 'yan?" Tanong ko.
"Nagtataka ako hindi ka pinagpapawisan, lahat kami pawis na pawis na samantalang ikaw wala manlang pawis." Sabi niya.
"Tapos?" Awkward akong ngumiti. Hindi ako mabilis pawisan kahit na gaano kainit ang panahon, siguro kasi hindi ako palainom ng tubig? O baka sanay lang ako sa init?
"Malay mo magmelt ka tapos bigla kang pag-pawisan."
Muntikan na akong masamid sa sinabi niyang ito. Kinuha ko naman agad ang panyo, "Uhm, okay. Thank you."
First time may makapansin na hindi ako pinagpapawisan kahit na gaano pa kainit ang panahon. Ibig sabihin ba nito kanina niya pa ako pinagmamasdan?
Umiling ako at sinabi sa sarili na 'wag mag-isip ng kung ano ano dahil baka kung saan ako dalhin nito.
Hindi pwede dahil hindi ito tanggap ng karamihan...