05

E l y s t i n e 's

"Be, alam mo ba chinat ako ni Justine." Napalingon ako kay Alona na ngayon ay nagsusulat sa notebook niya. Wala kaming teacher ngayon dahil ICL subject namin. Simula noong una ay wala nang pumapasok na teacher sa subject na 'to.

Si Justine, kaibigan ko noong grade 9, naging jowa siya ng mga isa sa mga ka-squad ko. Kung iisipin ko, sobrang dami ng nangyari sa'kin noong jhs. Naranasan ko lahat ng kashitan sa buhay, saglit lang, lahat na ba 'yon, o may hahabol pa?

"Ano sabi?" Tanong ko.

"Basahin mo nalang." Iniabot niya sa'kin ang cellphone niya.

Justine Santos: oy, 'di ba kaibigan mo si Ely?

Alona Nabelino: Bestfriend ko, bakit?

Justine Santos: Wala lang, bestfriend niya kasi dati si Cynthia 'di ba?

Alona Nabelino: Ah, oo! Sila 'yung nasa squad dati. Bakit?

Justine Santos: Wala lang. Nakakainis lang si Elystine kasi nakausap ko si Cynthia kanina, ex ko. Sinasabi niya pala kay Cynthia lahat.

Agad kong ibinalik kay Alona ang cellphone niya upang icheck ang akin. Baka nag-chat sa'kin si Justine tapos hindi ko nabasa at tama nga ako.

Justine Santos: hoy

Elystine Perez: Po?

Justine Santos: Sinasabi mo pala kay Cy dati mga chat ko sayo...

Elystine Perez: Ah, oo. Gusto niya malaman ih.

Justine Santos: Galing

Elystine Perez: Sensya na jaz, kasi 'di ba mahal ka pa nun dati? Tapos syempre bestfriend ko rin siya sasabihin ko sa kaniya since sabi niya gusto niya rin malaman.

Justine Santos: Hindi, Kasi tayo magkusap e. Hindi mo manlang ako sinabihan na iniinform mo pala siya sa lahat lahat. May tiwala pa naman ako sa'yo.

Elystine Perez: Sensya na Jaz, iniisip ko lang talaga si Cy noon, sobrang nasasaktan kasi siya nung nagbreak kayo. Kaya siya talaga iniisip ko no'n.

Justine Santos: Sige, okay na tagal na nun. Kaso ako hindi mo naisip?

Elystine Perez: Wala akong masabi.

Justine Santos: Hayaan na haha.

Elystine Perez: Sorry kung nasira ko yung tiwala mo. Sorry kung si Cynthia lang iniisip ko nun.

Justine Santos: Sorry, inuungkat ko pa.

Elystine Perez: Maiintindihan ko talaga kung di ka na magoopen sakin about sa mga ganun hehe.

Justine Santos: Naalala ko tuloy yung dati baka alam din nya hahaha

Elystine Perez: 'yung?

Justine Santos: Nvm.

Elystine Perez: Sorry talaga feeling ko natapakan ko ego mo.

Justine Santos: Haha alam mo naman yung tiwala diba? Di naman ako magkekwento ng ganon sayo kung wala akong tiwala sayo haha

Elystine Perez: Alam ko naman 'yon, ang hirap kaya ibuild ng trust.

Justine Santos: Go lang te.

Elystine Perez: Sorry talaga...

Pero hindi na siya nagreply ulit. Shit. That was a year ago. Syempre, kung ikaw ba halimbawa 'yung bestfriend mo iniwan tapos ieexpect niya bang sa kaniya parin panig ko? Oh, one person from my jhs reminds me of my shitty past.

"Ayos ka lang?" Tanong ni Alona nang mapansin niyang nakatitig ako sa kawalan. Tinanguan ko siya.

"'wag ka magaalala kahit ako, sasabihin ko rin naman kay Cynthia yung mga sinasabi niya dati. Hmp. Naiintindihan kita, Elystine. 'wag mo na i-overthink 'yon!" Liningon ko si Alona 'saka ko siya nginitian.

Masama bang pumanig ako sa bestfriend ko? Argh, ano ba naman.

"Halika na, uwi na tayo. Hindi ka nanaman makakausap ng maayos nito." Ika ni Alona 'saka ako inalalayan maglakad palabas ng classroom.

Feeling ko tuloy ang sama sama kong kaibigan. Oo nga, ano? Bakit ko kasi sinabi kanila Cynthia 'yung mga sinasabi niya. Hindi talaga ako worthy maging kaibigan.

"Naalala ko nanaman tuloy kung paano kami nagka-watak watak nila Cynthia..." Pagsisimula ko ng kwento kay Alona. Alam kong narinig niya na 'to dati pero gusto kong ulitin.

We were a happy squad. Maraming nagsasabi na ang tatag namin kasi kahit grade 10 na at hindi na kami magka-klase ay nakukuha parin naming mag sama sama. Kasi hindi ba kapag hindi na magkaklase bihira nalang tumatagal 'yung friendship. I, Cynthia, Myka, Maven, and Dina are the squad that everyone look up for. Not until one day, this guy showed up and he was courting Myka but we didn't know that he's also courting Dina. Tapos noong nalaman namin 'yon, nagkawatak watak kami which my made my heart torn into pieces. I was so attached to them, to the point na hindi na ako kumakain ng maayos dahil kakaisip kung paano kami maayos at kung maayos pa ba kami pero noong nagtagal ay mas pinili ko nalang na 'wag na lamang pilitin. And the lesson I learned from there is: Men are trash.

Isa rin iyan sa mga dahilan kung bakit natatakot na akong makipag kaibigan, hindi ko alam pero nandoon 'yung thought na baka maulit nanaman...

"Basta ako, kahit anong mangyari hindi kita iiwan, ano!" Nakangiting pangako ni Alona habang naglalakad kami papunta sa plaza kung saan kami magpa-praktis ng speech choir.

"Loveyou!" Nakangiti ko siyang tinignan at inakbayan. Samantalang si Christian nakatingin lang sa'ming dalawa.

"Parang kilala ko 'yung Justine. 'yun ba 'yung matangkad tapos payat?" Tanong ni Christian.

Natawa ng bahagya si Alona, "Sa rami ba naman ng payat na matangkad sa dati nating school."

"Alona, kamusta pala kayo ng bebe mo?" Out of the topic na tanong ni Christian kay Alona.

"Bakit? Ayos lang kami. Chismoso 'to." Umirap si Alona.

"Ikaw Elystine, may jowa ka?" Tanong nito sa'kin ni Christian. Binatukan ko siya at sinamaan ng tingin.

"Wala! Wala nga akong kausap." Umirap ako.

"Aray! Weh, bakit sabi ni Noo may kausap ka raw na kaklase niyo nung grade 10, 'yung crush mo raw." Pangaasar nito.

"Luh, Alona, tinawag kang noo." Sumbong ko kay Alona kaya hinampas niya si Christian.

"Aray! Ang bubully n'yo, kawawa naman ako sainyo." At sabay sabay kaming tumawa.

Napatingin ako kay Alona na nangingibabaw ang kagandahan, kaya siya tinawag ni Christian na noo dahil malapad ang noo niya pero hindi naman ito naging sagabal para maging maganda siya. Itong si Christian akala mo hindi malapad ang noo, e, ano?

"THE SEVEN AGES OF MAN BY WILLIAAAAAAAM SHAKESPERE." sabay sabay naming sabi habang papunta sa lugar na nakaassign sa'min.

"All the world's a stage,"

"And all the men" girls.

"and women" boys said with their big voices.

" merely players."  Iisang pwersa na banggit namin.

Nagpatuloy ang praktis namin. Paulit ulit lang hanggang sa mahasa namin ang piyesang ito dahil grades din namin ang nakasalalay.

Nextweek na ang performance nito kaya naga-announce na si Jade kung ano ang susuotin namin na dapat nang iready.

"So, ang gagawin natin, nakita n'yo 'tong itim na damit? Dapat cotton gamitin n'yo para kapag blineach n'yo hindi kayo mahihirapan. Gawin n'yo lagyan n'yo ng tape sa gitna tapos 'yung right side lang ibbleache n'yo ha. TANDAAN: RIGHT SIDE. OKAY?" Paliwanag niya. Tumango tango naman ako.

"Ano 'yung pangbaba, Jade?" Tanong ng isa naming kaklase.

"Anong tawa don sa itim," Tanong niya 'saka napakamot sa ulo.

"Leggings?" Komento ng isa sa mga kaklase namin.

"Hindi, 'yung parang shorts." Ani Jade.

"Cycling ba?" Tanong ni Kaycee, president namin.

"Oo, tama. Cycling shorts. Tapos lapag kayo tigli-lima kasi ipapagawa ko na sa props men 'yung mga props." Anunsyo niya na ikinabigla ng karamihan.

"Anong lima?" Tanong ni Jerwin, isa sa mga kaklase ko.

"Ano ba 'yan, wala na nga akong pera e tapos singil pa kayo ng singil." Bulong ng babaeng nasa likod ko, si Jeal.

"Edi 'wag na tayong mag props kung ang daming n'yong ayaw, tsk. Sa susunod na linggo na 'to, oh! Tapos hindi pa kayo makipag cooperate dyan. Limang piso lang naman 'yung hinihingi sainyo, sa props naman 'yan napupunta hindi kung saan saan. Tsk. Akala n'yo ba grade ko lang 'yung bitbit ko rito? Grade natin, uy." And there the mad leader comes with every mad leader famous line...

"Sorry na po, Jade. Ito na ho, bente 'yan." Pangaasar pa ni Jeal nagtawanan ang lahat pati narin si Jade.

Ang cute talaga ni Jade, amp. Hindi kayang magalit.

"Iinom nalang natin 'yan, Jade." Aya ni Jessica kay Jade.

"Tara!" G na g na sambit ni Jade, malaki pa ang ngiti sa mukha.

"Tignan mo, ang gagaling na nila uminom ng alak. Dapat hindi tayo ganiyan ha? kasi yari tayo sa mga nanay natin." Komento ni Alona sa gilid. Humagikhik ako dahil sa sinabi niya.

Hindi ko pa nasusubukang uminom ng alak at wala akong balak kasi baka mayari ako sa tatay ko, hindi nga ako makapag sinungaling doon kung saan ako pupunta e. Baka malay n'yo kainin ko lang sinasabi ko, hindi ba? I'm looking forward to that, charot! Insert kumikinang na emoji.

Pag-uwi ng bahay ay agad kong inasikaso ang damit na kailangan nextweek para hindi na ako mamroblema, ano. Sa dami ng gagawin ayoko nang madagdagan pa.

Matapos kong gawin 'to syempre hindi naman naging madali sa'kin dahil nagfailed 'yung una kong gawa. Tsk.

Hindi na ako kumain ng dinner dahil ang ingay nila sa baba, puro away nakakasawang pakinggan.

Nagpunta ako sa twitter app at dito ko napansin ang tweet ni Justine.

@justineXzc: Wews, nakaka-turn off.

I mean, okay, Jaz, my wrong...

Madodown na sana ako kaso biglang lumitaw ang profile picture ni Ariez na nakangiti. Chinat niya ako...

Ariez: Hoy, simba tayo!

Elystine: Wow, nagsisimba ka?

Ariez: Oo, tara pakilala kita kay Mama.

Elystine: Luh

Ariez: Kapag nagkataon, ikaw unang makikilala ni Mama. Hindi kasi ako mahilig magpakilala kay Mama kahit kaibigang babae kasi nagseselos siya Hahahahaa. Dali na!

Elystine: Anong pakilala ka riyan! Utot mo! Ayoko.

Ariez: Tanga, anong iniisip mo dyan, as a friend lang, 'wag ka ngang ano diyan. Hindi pa ako magjojowa hangga't hindi ako naka-graduate.

Elystine: wow, parang ikaw walang jowa nung grade 10 ah!, Dami mo ngang naging ex e.

Ariez: ha? Halaman. Ikaw kasi may jowa ka rin kaya hindi ako nabigyan ng chance...

Elystine: Ewan ko sa'yo. Kausapin mo sarili mo.

Ariez: Dali na!

I took a screenshot and sent it to, Alona. I can't believe this!! Ariez was my crush when I was grade ten kaso may jowa ako, so, yeah.

Alona: Hoy, gaga! Sumama kana!

Elystine: Ayoko nga, baka masunog pa ako.

Alona: Wews, chance mo na 'yan

Elystine: Wala akong balak magjowa, busy ako...

Alona: Weh, utot mo.

Elystine: bastos po, Ate. Hindi ko na po crush 'yan si Kuya Ariez

Alona: pero kinikilig 'yan.

Oo nga, hindi ko mapigilang mapangiti.

@aintelystine: bakit ngayon ka lang nagparamdam, kung kailan ano...

I tweeted that.

@aintelystine: I'm sorry for what I am. I'm still learning.

Ano nanaman 'tong nararamdaman ko, ang random talaga ng kalungkutan, ano? Bigla nalang siyang papasok ng walang katok katok.

@aintelystine: :(((

Maya maya ay may nag-pop up ulit na profile picture pero this time, it's Jeal profile pic.

Jeal: Why are you sad, my sunshine?

Elystine: Ahhh, wala! Thank you for checking up on me :)))

Jeal: Ay, hindi po ako doctor. HAHAHAHAHAAHA

Elystine: Okay, sabi mo e. Korni

Jeal: What's your favorite color?

Elystine: Ang random naman but secret HAHAHAHAHA.

Jeal: awts, bakit secret? :(((

I just don't like telling people what I feel, what I like or anything about me. I want them to notice it hahahahahahaha.

But no one ever notice, what I really feel...

I'm so empty and I'm lost.

Jeal: Oy, let's be friends. If you need anyone, I'm here :)) I saw your eyes earlier and they seems so sad...