06

E l y s t i n e 's

Madaling araw na nang gisingin ako ni Mama. Inaapoy raw ng lagnat si Liit kaya dadalhin nila sa hospital.

"Ma, saglit lang." Sabi ko 'saka iniabot ang bag. Sakto, umuulan ngayon, bakas sa mukha ni Mama ang sobrang pagaalala.

"Tignan mo nga kung may trycicle pa." Utos ni Mama kaya lumabas ako ng bahay ngunit walang kahit na anong dumadaan na sa labas kaya napakamot ako sa ulo.

"Oh, bakit ka nasa labas pa? Tine?" Tanong ng Tito ko na papasok sa compound namin.

"Umuulan, wala ka pang payong." Ngayon ko lang narealize na wala pala akong nabitbit na payong dahil wala kaming payong HAHAHAHA napangiti ako sa naisip ko kaya tinignan ako ni Tito ng masama.

"Sorry 'To. Kasi si Liit inaapoy ng lagnat kailangan daw dalhin sa hospital." Paliwanag ko.

"Halika nga, pasok kana. Ako na maghahatid sa kanila sa hospital, sabihan mo roon dali o hindi kaya sabihan mo Papa mo na siya nalang mag-drive." Agad naman akong tumakbo pauwi ng bahay.

Isa si Tito sa nga successful naming kamag anak, maayos na tumatakbo ang negosyo nila kaya nakakaangat angat sila kahit papaano.

"Ma, si Tito Lezter na raw maghahatid sainyo." Bungad ko nang makapasok ako sa bahay.

"Ha?"

"Sabi ko si Tito Lez daw. Hatid raw niya kayo. Papa, sabi niya kung pwede raw ikaw na magdrive." Tumango sila at dali daling lumabas ng bahay.

"Elystine, si Stella iwan mo muna sa Dada niya mamaya. Tapos 'yung mga kapatid mo sabihan mo na 'wag muna pumasok si Kambal ha?" Pahabol na bilin ni Mama bago sila tuluyang umalis.

Mukhang malalate ako mamaya ah. Alas tres palang ng madaling araw pero hindi na ako makatulog kaya napagdesisyonan ko nalang isulat mga notes ko na kalat kalat.

Pagtingin ko sa orasan ay alas kwatro y media na ng madaling araw kaya naligo na ako at nag plantsa ng uniform.

Maayos kong naisuot ang uniporme ko 'saka binuhat si Stella papunta sa bahay nila. Kumatok ako dahan dahan agad namang bumukas ang pintuan at bumungad sa'kin ang Papa ni Stella.

"Kuya, dito raw muna si Stella, sinugod sa hospital si Liit e. Kailangan ko pong pumasok." Dire-diretsong sabi ko. Agad niya namang kinuha si Stella.

"Ah, sige." Tipid na sagot niya. Nagpaalam ako't umalis 'saka bumalik sa bahay upang kuhain ang bag ko.

Napahawak ako sa batok ko at balikat ko nang isuot ang bag na gamit ko. Napaka-bigat, kainis.

Paglabas ko ng gate ng compound ay sumalubong sa'kin si Christian na nakangiti ngunit hindi ko siya nginitian pabalik. Hindi ko lang gustong ngumiti sa harap niya ngayon, ewan ko.

Habang naglalakad kami papuntang trycicle-an ay hindi ko maiwasang isipin kung ano na ang nangyari kay Liit. Kung na-admit na ba siya o kung anong sakit niya. Hanggang ngayon tawag o text ay wala pa akong natatanggap.

"Te, alam mo ba magka-chat kami ni Jeal kagabi." Napatingin ako kay Christian nang sabihin niya ito.

"Share mo lang?" Sarkastikong tanong ko ngunit tinawanan niya lang ako.

"Sungit! Oo nga! Nasa'kin kasi memory card niya, pinapaayos niya tapos may nakita akong picture ng babae." Takang taka ang mukha niya habang binibitawan ang mga katagang ito.

"Ano naman? Baka kaibigan niya lang," Sagot ko.

"Sakay kayo?" Singit ng trycicle driver na nakapila sa sakayan. Tumango ako't naunang pumasok sa loob ng trycicle 'saka naman sumunod si Christian.

"Feeling ko talaga, hindi straight si Jeal e. Feel ko lang! Lagi ngang may kausap sa cellphone babae tapos tumatawag kahit may klase." Kwento niya.

"Ano naman? Bawal ba magkatawagan 'yung magbestfriend oras oras?" Inis na tanong ko sa kaniya.

Umiling siya, "Hindi! Sabi kasi Gene baka raw jowa, guess lang naman namin."

Tinanguan ko na lamang siya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang mapag-usapan namin ang gender ni Jeal.

Ano naman kung may jowa siyang babae?

Ano naman kung wala?

Ano naman kung meron?

Pero paano kung wala?

Iniling iling ko ang aking ulo upang mawala ang mga ganitong pag-iisip sa aking utak. Ano ka ba naman Elystine ha? Ano ba 'yang iniisip mo? Parang hindi tama.

Nakarating kami sa school gaya ng dati na maaga pa kaya inilabas ko ang lagi kong nilalabas tuwing umaga, ang mahiwang itim na journal o notebook. Ang sulatan ko ng mga tula at kung ano ano pa.

Pero bago ako tuluyang makapag sulat ay nagvibrate ang aking cellphone kaya agad akong tumayo, lumabas ng classroom 'saka ito sinagot.

Papa's Calling...

"Pa?" Bungad ko.

"Si Stella?" Tanong naman niya.

"Nasa Dada niya. Si Liit pala kamusta pa?" Napatingin ako sa baba kung saan may pa-isa isang dumadaan. Nasa tapat kasi ako ng corridor ngayon kung saan may tambayan at makikita ang mga naglalakad sa baba ng building.

"Dehydrated lang daw pero kawawa nga e,--" Inexplain pa ni Papa na hindi rin daw makalakad si Liit dahil sa sobrang pagod ng katawan. Noong nakita ko nga ang mukha niya kaninang madaling araw ay parang nanlalambot ang puso ko't gusto kong umiyak dahil umiiyak narin si Mama't Papa kaso ayoko namang makisabay sa kanila.

Alam kong mabigat na ang loob nila, alam kong nahihirapan na sila, alam kong hindi rin nila alam kung saan kukuha ng pambayad sa hospital... I'm all aware and that's really sucks.

Alam mo 'yung mahirap? 'yung saksi ka sa lahat ng paghihirap nila, saksi ka sa mga nangyari, saksi ka sa mga bagay na hindi mo dapat nasaksihan, saksi ka sa mga bagay na hindi mo naman dapat masaksihan. Ang hirap, sobra. Ang hirap isipin, ang hirap unawain, ang hirap kasi may responsibilidad ako kahit hindi ko namang ginusto na lumabas sa mundong 'to. Hindi ko naman ginusto lahat pero bakit parang ang hirap hirap, kailangan ko bang gustuhin mo para maging madali?

Napabuntong hininga ako dahil sa mga iniisip ko, hindi ba ako pwede magreklamo? Bawal ba kasi panganay ako?

Hindi ko namalayan na pinatay na pala ni Papa ang tawag pero nakalagay parin ang cellphone sa tenga ko.

"Sinong kausap mo?" Napaatras ako nang marinig ko ang boses na nagmula sa kanan ko, kaya napalingon ako ngunit napakalapit naman ng mukha niya kaya mas napaatras ako.

"Ano ba! Ang lapit naman ng mukha mo!" Inis na sabi ko kay Jeal. Inirapan ko siya kaya nagulat siya.

"Hala, bakit ang sungit mo naman sunshine." She pouted.

I can't help but to smile. She still holding her bag on her back. It means, hindi pa siya pumapasok ng kwarto.

"Nakakatakot 'yang kilay mo." Mas lalo siyang sumimangot.

I noticed her rosy like lips that she's using to make me smile.

I smiled, "okay na?"

"Ang sungit! Hmp, ayoko na nga sa'yo." Tumalikod siya at naglakad na parang bata papasok ng classroom. Hindi ko na napigilan ang pag tawa ko atsaka siya sinundan papasok sa loob.

Tatlong oras na ang nakalipas nang magsimula ang klase. Inaayos kami ng UCSP Teacher namin para sa bagong arrangement ng upuan namin ngayon para sa nextweek for second grading.

Noong una hindi niya kami in-arrange kasi raw gusto niya munang malaman kung paano ang magiging takbo ng classroom namin kung hindi niya kami aayusin. Syempre naging magulo kasi may kaniya kaniyang buhay, ngayon daw gusto niyang makipagkilala kami sa iba kahit na kilala naman namin isa't isa. Iba parin 'yung may bond sa iba't ibang tao syempre pero dahil mabuti akong tao, natatakot akong makipag usap sa kahit kanino.

"De Ocampo, doon ka sa dulo sa may tabi ng bintana." Itinuro ni Ma'am ang first row left side.

Alternate ang pagkaka-arrange namin, girl-boy-girl-boy. Alphabetical.

After naming maayos ay agad namang nagtanong si Ma'am kung ano na raw nangyayari sa speech choir namin, pati narin ang periodical test tinanong niya, kung nagrereview raw ba kami o baka puro kalokohan daw ginagawa namin.

"Oh, baka naman jowa jowa na mga tao rito ha!" Biro ni Ma'am na naging dahilan kung bakit mas lalong umingay sa loob ng classroom.

Ako naman ay hindi makaupo ng maayos dahil lalaki ang katabi ko at medyo naiilang ako. Mukha naman siyang mabait, mukha ring matalino dahil sa suot niyang glasses.

Hep hep, 'wag magpapalinlang sa mga lalaki.

"Sunshine!" Nabigla ako nang bigla itong isigaw ni Jeal sa gitna ng hiyawan kaya napatingin ako sa kaniya.

She's smiling like a child, her gums are showing because of her smile.

Napatingin ako kay Jade na nasa row lang din nila na nakangiti rin sa'kin. Okay, ang creepy.

Napaiwas ako ng tingin 'saka tumingin sa labas ng bintana. Wala naman akong ibang nakikita kundi ang mga jeep na dumaraan, may mga puno pero hindi sapat para harangan ang view ng mga sasakyan.

"Okay, Goodluck sa test, padayon, Humanistas!" Nakangiting umalis si Ma'am UCSP.

"Thank you, Ma'am!" Sabay sabay na sabi ng mga kaklase ko.

Isa-isang nagtayuan ang mga kaklase ko at ngayon ko lang na-realize na dito pala sa row na 'to kung saan ako nakaupo ay orihinal na nakaupo si Jeal. Kinabahan ako ng konti nang makita kong papalapit na ang mga kaibigan niya sa'kin ngunit hindi parin ako tumatayo dahil gusto ko munang pahupain ang mga tao bago ako bumalik sa upuan ko.

Pag tayo ko ay konti nalang ang naglalakad dahil karamihan ay nakaupo na. Si Jeal patayo palang din.

Nagtagpo kami sa gitna ng classroom, akala ko'y lalagpasan niya lamang ako ngunit pinadulas niya ang kamay niya sa kamay ko na naging dahilan ng aking pagkagulat kaya napahinto ako't bahagyang lumaki ang mga mata ko.

Nang lampasan niya ako ay nakangiti lang siya sa'kin na para bang sinadya niyang gawin iyon.

Ah, sige...

Hindi ko alam dapat kong maramdaman, una sa lahat ayoko nang parati akong hinahawakan. Pangalawa, ayoko nang bigla akong hahawakan dahil harassment iyon para sa'kin.

I've been through a lot of harassment and I can't afford to experience one again, I literally don't know what to do when it will again... I can't... I just can't...

But noong ginawa ni Jeal 'yon ay wala akong ibang naramdaman, kundi ang mabilis na pagtibok ng aking puso...

Nang makita kong ngumiti siya ay parang ice cream na natutunaw ang puso ko't gusto na lamang ibigay ito sa kaniya...

Nang makaupo ako ay napatingin ako sa gawi niya. Nakikipag-usap siya sa mga kaibigan niya, ang saya saya niya tignan. Parang wala siyang problema na pinapasan.

Ang gaan gaan ng awra na dala niya.

Walang dumating na Teacher kaya ang gulo gulo ng classroom, si Christian ay nagtungo kanila Jeal. Nakikipag tawanan siya sa mga ito.

Samantalang si Alona naman ay walang ibang ginawa kundi ang matulog. Habang ako'y pasimpleng sinisilip si Jeal kung anong ginagawa nila.

Teka lang, anong sabi ko? Sinong tinitignan ko?

It's hard to admit it but I felt like, she's making my heart flutter.