07

E l y s t i n e 's

Tatlong araw na ang nakalipas nang ma-hospital si Liit. Medyo mahirap pero kinakaya naman naming. Humahanap narin ng paraan sila Mama para mabyaran ang hospital bill. Papunta ako ngayon sa plaza na malapit sa school kasi kailangan ito na ang huling araw ng praktis para sa speech choir. Tapos mamaya ay sinabihan ako ni Mama na magbantay muna kay Liit pagkatpos nitong praktis na ito. Pumayag naman ako dahil ilang araw narin walang pahinga si mama at kinakailangan niyang mag pakita kay Stella dahilhinahanp hanp na siya nito. Nasa bahay naman si Lola kaso hindi naman sila close ni Stella para magsama ng matagal. Sa susunod na Linggo ay uuiwi narin naman si Lola ng probinsya dahil may naiwan daw siyang trabaho roon.

Nakarating ako sa plaza na walang pang tao. Naka-upo lang ako sa hagdan ng stage habang pinagmamasdan ang mga tao na nagtatawanan, naghahabulan, nakikipag-hampasan, nakikipag-harutan. Totoo kaya ang mga ngiti at tawa na nilalabas nila? Genuine kaya lahat ng pinapakita nila? Bigla akong nakaramdam ng kung ano sa dibdib ko. Napangiti ako ng mapakla nang masilayan ang isang batang babae na may masayang mga ngiti sa labi, mukhang totoong totoo ito, ayokong aminin pero oo, nakakaramdam ako ng kakaunting inggit sa nakikita ko...

Ayokong aminin sa sarili ko na may nararamdaman padin akong pangungulila sa loob loob ko, ayokong aminin kasi hindi ko naman alam kung saan nang galling lahat 'to. Sinubukan kong aliwin ang sarili ko habang nagsusulat sa notes ng cellphone ko ng maiikling tula, nakakabaliw pala mag-isa...

Hanggang kalian ba 'tong hangganan

"hoy, ely!' napalundag ako nang may sumigaw sa pangalan ko. Si analyn, kaklase ko at dati kong schoolmate sa dati kong school. Malapit lang din ang bahay niya sa'min kaso hindi ko talaga siya feel. Parang may bad spirits na nakapalibot sa kaniya hahahaha inde joke lang dai.

"Analyn!" I smiled like I didn't thought something bad about her.

"Nakita kita kanina sa sakayan ng jeep kaso, kasabay ko kasi mga kaibigan ko. Dumaan pa kami ng mall," So, share mo lang? hindi, joke lang po. Hindi ko na siya kinausap ulit at tumahimik nalang sa gilid. Hindi ko pa siya masyadong feel kaya next time nalang, bawi ako bhie ha?

maya maya pa ay nagsidatingan na ang iba naming mga kaklase. wala pa si Alona at Christian. May ginagawa kasi sila kaya sabi ko mauuna na ako kaso wala naman palang tao nang makarating ako.

habang pinagmamasdan ang mga kaklse kong tuwang tuwa dahil nakatakas sila sa gawaing bahay ay nilapitan naman ako ni Jade na kararating lang. she's pretty, huh. She has this long and wavy hair. she smiled at me but I didn't smile back because I don't feel like I should smile or something. Ang cute niya lang dahil sa cheeks niya, she looks like a siopao. Cutiepie, oh, teka, hindi ito insulto ha. Nagsasabi lang ako ng totoo.

"Hi," Bati niya nang tuluyan siyang maka-upo sa tabi ko.

for some reasons, gumaan pakiramdam ko nang tumabi siya sa'kin. wala kasi kahit isa sa mga kaklase ko ang tumabi sa'kin.

"Periodical na this coming wednesday, prepared ka ba?" Tanong niya kaya tinignan ko siya. Medyo maingay sa paligid kaya hindi man klaro ang pagsasalita niya ngunit dinig na dinigko ang boses niya.

"Actually, hindi pa. Tinatamad kasi ako e." simpleng sagot ko. Hindi ko naman masabi ng totoo sa kaniya kung bakit hindi ako makapag-review. Hindi naman kami ganoon ka-close para i-open up ko 'yung mga pinagdadaanan ko, hindi ba?

"Ah, ayos lang 'yan! Mukha ka naming matalino e, tignan mo hitsura mo, ang cute mo." Hindi ko alam kung pampalubag loob lang ba 'tong mga sinasabi niya. Hindi naman talaga ako matalino at hindi ko rin alam kung saan ako magaling. Hindi ako magaling sumayaw, wait, hindi nga ako marunong no'n e. kahit na ang kumanta ay hindi ako marunong...

Ni hindi ko nga alam kung bakit pa ako nag-exist sa mundong 'to. Basta alam ko lang ay, kailangan kong huminga everyday at magpatuloy dahil panganay ako't may responsibilidad ako.

Limang minuto ang lumipas nang dumating si Mica na kaklase rin namin, naka-upo siya sa likoran namin nila Alona. Sa totoo lang nagagandahan ako sa kaniya dahil sa mga ngiti na inilalabas niya. She really looks like an angel. Ang dami kong magaganda na kaklase at halos lahat sila'y nage-excel sa iba't ibang bagay. Ako ata nage-excel lang sa kalungkutan. Kasama niya rin pala si Gray na kaklase namin, they were holding each other hand.

"Anong iniisip mo? Oo, mag-jowa 'yan. Cute ano, parehong babae? Lezzgo, gays, break the norms" Napatingin ako ulit kay Jade na nakatingin sa akin habang nakanguso. Cute sana kaso chismosa.

"wala akong isip e," sarkastikong sagot ko. Ito nalang ang nasagot ko nang sabihin niyang mag-jowa si Mica at Gray.

"wow, hindi mo naman sinabi na funny ka pala. Akala ko kasi serious type ka e." banat niya pabalik.

"Seryoso naman ako," sa pagkakasabi kong ito ay sabay na dumating si Jeal kaya napatitig ako sa kaniya. Ibang iba talaga 'yung awra na bitbit niya.

"Ah, seryoso kay Jeal! Taray naman, are you gay?" Tanong ni Jade.

"Luh, sinasabi mo diyan?" Masungit na tanong ko sa kaniya nang mahimasmasan ako.

"there's nothing wrong with being gay, you should be proud and go out to your comfort zone. Life is short, explore as long as you want, Elystine. Don't let anyone to stop you from being you. LIVE YOUR LIFE TO THE FOOLEST, I MEAN, FULLEST." 'saka siya tumayo at nagtawag na ng mga kaklse namin dahil magsisimula na raw kaming mag-practice. Ang weird niya, nawe-weirduhan ako sa kaniya.

"Halos naman sa lahat ng tao ay nawe-weiduhan ka Elystine." Nilingon ko si Alona at Christian na parehong may hawak na ice cream.

"Ganyang ganyan mukha mo kapag nawe-weirduhan ka," Komento pa ni Alona habang titig na titig sa mukha ko.

"Macdo! Punta na raw kayo rito!" Sigaw ng kaklase naming na si Mae. Parehong nagaka-salubong ang kilay naming ni Alona nang marinig namin ang nickname na itinawag ni Mae kay Christian, wow, that was cool.

Nabanggit kasi dati sa'min ni Christian na niligawan niya raw 'yang si Mae nang matagal na panahon. Noong Junior High School pero hindi niya nabanggit na may tawagan pala sila.

"Yieee," sabay naming bulalas ni Alona kaya nagkatinginan kami't nag-apir.

Sabay sabay kaming pumunta kung saan naka-pwesto ang mga kaklase namin. Hindi maiwasan ni Alona na asarin si Christian dahil sa narinig naming pangalan.

"Simula ngayon Macdo narin tawag namin sa'yo, Yieee, para naman hindi mo makalimutan si Mae pagdating ng araw." Dagdag na pang-aasar ni Alona.

"Ang hyper nito ngayon! Kainis ka," pero tumatawa siya.

"Last practice pero hanggang alas dos lang tayo, ha? Make sure you guys are done with your costumes na. Pwesto na." 'saka siya pumapalakpak bilang hudyat na pinapapunta niya na kami sa kaniya kaniya naming pwesto.

Nagsimula na nga kami at nililinis na ni Jade ang lahat ng Makita niyang mali.

"oh, Eva gan'yan ba 'yung kamay? Pa-expand." Utos niya na agad naman sinunod ni Eva at ng karamihan.

"1,2,2, dumdum" tunog ng drums at sound effects ni Jade. Ramdam kong maraming gusting tumawa ngunit hindi nila magawa dahil ayaw na nalang umulit.

"THE SEVEN AGES OF MAN BY WILLIAAAAAAAM SHAKESPEAR" Buong lakas namin itong ibinulalas. Give our all na raw and think about this is the real performance.

Ilang bese namin itong inuli ulit hanggang sa marami na ang nagrereklamo dahil nakakapagod daw. Nakakapagod naman talaga e.

"Oh, sige. Break time muna. Fifteen minutes, ang ma-late sapak ha." Maraming natuwa sa anunsyo ni Jade pero mas marami rin ang nagreklamo dahil maliit lang daw ang oras na kaniyang ibinigay.

"Lystine, kain tayo" Aya ni Alona habang nakahawak sa tiyan niya.

"Tara. Macdo, tara." Aya ko naman kay Christian na nakikipag-usap kina Jeal. Kumaway sa'kin si Jeal kaya nginitian ko siya.

She was wearing a blue shirt with the name of her past school. Baka damit nila nung intrams. Wala naman akong makita na mali sa mga tao na nagsusuot ng ganito. Kasi kahit ako ay nagsus-suot ako ng mga ganito lalo na't wala akong masyadong damit. Hindi sa hindi ako binibilhan kundi mas pinipili ko nalang na 'wag na magpabili kaysa bumili ng bumili ng marami, hindi ko naman nagagamit lahat. Naglalakad kami Papunta kay Ate v, tindahan ng siomai rice.

"ahm," lumitaw si Jeal sa gilid ko ng nakangiti. Nasa likuran niya ang mga kaibigan niyang nagku-kwentuhan. Sinubukan niyang hawakan ang kamay ko pero agad ko itong iniangat.

"Lakas talaga ng trip, kailangang manghawak ng kamay? Kapag ako na-fall sa'yo, ewan ko nalang. Paninindigan mo ba ako?" Biro ko.

"Oo naman bakit hindi?" hindi ko alam kung bakit niya sinasakyan mga kalokohan ko.

"Utot mo pink." Hindi na ako muling nagsalita. Nag-usap usap sila Alona at mga kaibigan ni Jeal tungkol sa kung ano anong bagay. Samantalang si Jeal ay kinukulit lang ako. Ayokong aminin pero natutuwa ako sa mga pangungulit niya.

"huy, Jeara hinahanap ka ng Jowa mo." Tumaas ang kilay ko nang magsalita si Ria na kaibigan ni Jeal.

"'wag ka maniwala diyan, hindi ko jowa 'yan." Tumango nalang ako sa sinabi ni Jeal, wala e, sabi niya. Baka naman binibiro lang siya ni Ria.

Hinarap ni Ria ang cellphone niya kay Jeal kaya tumango lang si Jeal at umiling.

"Mag-jowa pala si Mica at Gray, ano?" tanong ni Eva kay Alona. Nanlaki ang mata ni Alona dahil maging siya ay hindi makapaniwala.

"weh? Talaga ba?" Tanong ni Alona kaya tumango tango si Eva.

"Oo, kasi close kami dati ni Mica. Ilang beses ko na siyang sinabihan na kasalanan sa Diyos 'yung ginagawa nila." Dagdag na daldal ni Eva. Nakapalibot kami sa isang table ni Ate v rito sa pwesto niya.

Hindi ko alam pero medyo kinabahan ako sa mga sinasabi ni Eva. Ewan ko ba pero feeling ko someday masasabi niya rin sakin 'yan. May mga ganoong pakiramdam.

"Grabe ka naman! Malay mo nagmamahalan sila!" Bulalas ni Alona pero Medyo mahina lang.

"Hindi, hindi pa nila alam ang totoong meaning ng pag-ibig, malay mo, maghiwalay din 'yan kasi syempre pareho silang babae. Hindi ba nga, lalaki at babae lang ang ginawa ng Diyos?" Tanong ni Eva.

"grabe naman kasarado 'yang utak mo! Syempre, kahit papaano, genuine parin naman siguro 'yung nararamdaman nila sa isa't isa." Depensa ni Ria.

"Basta kapag babae sa babae walang patutunguhan 'yan. 'saka uso lang 'yan kaya ganiyan." Tumayo si Eva at bumalik na kung saan kami magpapraktis.

Gusto kong magkamot ng ulo dahil sa mga narinig kong ka-negahan sa buhay n'ya. Alam ko naming uso ang mga same sex relationship ngayon kasi naeempower na sila pero sino siya para i-drag pababa ang sambayan ng LGBTQ+ para lang mahila niya paangat ang mga bible verses na panangga niya?

Mabilis na natapos ang praktis. Pauwi na kami, naghihintay nalang ng masasakyan. Kasama ulit namin sila Jeal. Nakakatawa kasi hanggang ngayon hindi parin sila tapos magtalo-talo. Jusmeyo marimar.

Maya maya ay may dumating na jeep. Nagulat ako nang hawakan ni Jeal ang aking kamay at hilain ako palapit sa kaniya. She hugged me then kissed my cheeks. I was shocked kaya hindi na ako nakapag paalam ngb maayos. What was that?

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Note: This is a FICTION and it is a slice of life theme, so, may possibilities na 'yung behavior nila paiba-iba but it doesn't mean na wala na silang specific characteristics. We're just starting. Bare with me, please ;<