Chapter 1
AERO P.O.V
ARAW ng sabado kaya ok lang kahit late nako gumising, uminom din kami nila Zaggy at Aris dito kaya medyo may hang over pako balak namin ngayon pumunta sa mall dahil birthday ni Aris ngayon bibilan namin sya ni Zaggy nung sinasabi nyang action figure ng samurai X kaya ito kami ngayon nag iikot ikot.
"kain muna tayo mga kups nagugutom na alaga ko sa tyan" aya ni Aris buti naisipan nyang huminto nanina pako napapagod. Si Aris na ang nag order para saming tatlo. Nang matapos kami kumain agad kaming pumunta ng supermarket para bumili ng stock naubusan nako ng chips at coke in can sa bahay. Habang abala ako sa pag bayad ng mga pinamili ko si Aris naman tumitingin sa mga magazine ng mga anime, tsk anime lover
"Pre puntahan ko lang si Mika ah tinawag ako e" paalam ni Zaggy
"Sama!" at sa huli naiwan ako dahil sumama si Aris don kay Zaggy
"1500 po sir" nag abot ako ng 2000 sa cashier keep the change pa
"Thank you sir come again po" namumula pa tsk! Hinanap hanap ko sila Zaggy at Aris at hayun nakikipag usap nga kay Mika, classmate namin sya mula highschool kaya kilala namin pero ngayon alam kong classmate parin namin sya pero dipa sya napasok hanggang ngayon
Nang makiga ay agad ko silang nilapitan
"Hi Aero musta?" tanong nya agad
" Ok nanamn gwapo parin" natawa naman sya sa sinabi ko
"Correction chick boy parin" she corrected I just ignore her when my phone suddenly vibrate, si Mommy nag text
'Hi sweetie! This weekend uuwi na kami ni daddy hope to see you in airport I missed you! '
Agad naman ako nag reply ng
'copy mom I missed you too'
"Huh? San ka pupunta?" rinig kong sabi ni Mika pero sa cellphone parin ang mata ko dahil nag text din si Ailey at Dad
"Okay sige ingat!" nang mabasa ko at na replayan ko lahat saka ako nag angat ng tingin,
"Sino yung kausap mo?" tanong ko agad biglang nawala
"Ah kaibigan ko,ayun oh natakbo may pupuntahan daw" tiningnan ko naman yung matangkad na babaeng natakbo na naka purong itim at nakatali ang brown nyang buhok, tumango tango nalang ako
"Oh iwan kona kayo ah pinapauwi nako nun eh sorry talaga kung di nakapag pakilala sainyo ng maayos, Happy birthday ulit Ris" kumaway pa samin si Mika
"Thank you ingat! Pasok kana ah!" sigaw ni Aris tumango tango naman si Mika bilang sagot
"Grabe ang pierce nun pre" sabi ni Aris ng mawala sa paningin namin si Mika
"sino?" taka kong tanong
"Yung kaibigan ni Mika" sagot ni Zaggy
"Sayang diko naintindihan yung pangalan Verity lang yung naalala ko" dagdag pa ni Aris nag kukwentuhan sila ni Zaggy tungkol dun sa kaibigan daw ni Mika kesyo ang astig daw tapos wala daw emosyon ang muka seryoso daw lagi. Sila lang nag uusap dahil biglang tumawag sakin si Alistair nakikipag kita nanaman. Haysss ewan koba bat di pako nakikipag hiwalay dito ka bwisit wala naman akong siniseryosong babae 3 days palang kaming nag lolokohan, seryoso pala sya habang ako wala lang, pampalipas oras.
"I'm busy" sabi ko sa kabilang linya
"Please baby"
"I said I'm busy!" I hang up naiirita ako sa boses nya napaka arte hindi naman bagay
"Chicks ulit pre?" tanong ni Zaggy
"Ra ulo si Alistair yun!" kantyaw ni Aris kaya tiningnan ko sya ng masama Deal lang kasi naming tatlo yun, 1 month kung mag kataon ang swerte nya 1 month ko syang lolokohin at pag lalaruan yung iba nga jan 1 day lang 3 hours pa ang pinaka maikli kaya swerte talaga sya.
"Pag nanalo lang talaga ako dito ihanda nyo na ang pera nyo dahil bibilan nyoko ng latest model ng sasakyan" yan ang premyo ng kung sinong manalo pag sila Aris at Zaggy nanalo bibilan ko silang dalawa ng bagong condo pag ako naman bibilan nila ako ng latest model na kotse .....
"Hindi ko nga maalala yung pangalan eh" sabi ni Aris
"Sino?" singit ko
"Yung kaibigan ni Mika" sagot ni Zaggy
"Ah" hindi naman ako interesado kaya diko nalang sila pinakinggan, hanggang sa maka uwi ako sa bahay sinalubong ako ni Ailey
"Sup bro" sabi nya habang nanonood ng kung ano sa T.V k drama as usual
"Sup" bored kong sagot
"You ate already? If hindi pa just ask manang to cooked for you" wika nya
"No thanks kumain na kami nila Aris at Zaggy" sabi ko sabay punta sa kwarto ko
I decide na mag online nalang then bumungad sakin ang message nila Aris sa Gc namin for soccer team
Zee: I know her name na Ris
Aris_Jhon: ano??
Miguel: chicks ba ulit yan pre? Share naman
Zee: she's Cliona
Aris_Jhon: pano mo nalaman pre
Zee: Micaela
Samuel: Gago pre ano yan target?
Remson: Akin nalang
Aris: Sige sainyo na mga pare goodluck. HAHAHAHA
Captain_Aero: Ingay nyo
Zee: Lagot kayo!
Miguel: labas ako jan Cap
Nag offline nalang ako hanggang sa Gc pinag uusapan nila yung kaibigan ni Mika tss ano bang kakaiba sakanya bukod sa Black lover sya TCH! Napatingin ako sa cellphone ko ng biglang mag vibrate yu.
"Dre!" Boses ni Zaggy sa kabilang linya
"Oh?"
"Good news!"
"Spill it Zee" bored kong sagot
"Uuwi na si Tyreen sa sunday at susunduin natin sya" napatayo ako bigla sa kama ko dahil sa binalita nya.
"Ano!?"
"Uuwi na si Tyreen sa—"
"Bobo narinig ko! Ang ibig kong sabihin totoo bayan!?" Diko mapigilan ngumiti dahil sa sinabi nya
"Oo nga. Bye na dre" then he hung up the call. Napatalon ako sa kama ko dahil sa excitement. MAKIKITAKONA ANG MAHAL KO SA BUHAY HAYYYYYYYY MATATAPOS NA ANG PAG HIHIRAP KO TYREEN!
"Aerooooo!" Napatingin ako sa pintuan ng bigla pumasok si Ailey. "Uuwi na si Tyreen!" napanguso ako sa sinabi ni Ailey. Bat ako lang ang di nya sinabihan?
"Alam ko!" Singhal ko sakanya
"Ok , I'm just sharing Bye!" Saka sya lumabas sa kwarto ko. Nakakapag tampo pero uuwi na sya kaya di nako mag tatampo HAHAHAHAHAHAHA!
Mikaela P. O. V
"Zee! " tawag ko kay Zaggy agad naman syang napatingin sa gawi namin ni Clio
"Mika! " lumapit sya samin habang nakangiti "Who's with you? " he asked suddenly facing Cliona. Knowing Cliona she rolled her eyes halatang di sya interesado.
"Hoy ano kaba" singhal ko sakanya
"It's ok" ngiting sabi ni Zaggy sheyt nakakahiya!
"She's Cliona I thought you heard her name already" sino bang di makakakilala sa isang CLIONA VERITY WOLVERSON???? syempre sya Tss!
"Sorry I don't know her" nahihiyang sabi ni Zaggy
"It's fine I don't know you too so the feeling is mutual" bored na sabi ni Cliona. Tinotoyo nanaman to!
"Don't mind her wala lang yan sa mood" rinig ko naman ang pag Tss ni Cliona sa tabi ko masasapak ko talaga to mamaya!
"By the way ikaw? Wala kang kasama?" I changed the topic
"No, I'm with Aris and Aero" he said and Aris and Aero come. Busy sa cellphone nya si Aero kaya di nya ata pansin na nadito kami
"Hi Mik! " bati ni Aris nginitian ko naman sya saka bumati pabalik ng biglang umalis si Cliona sa tabi ko tatanungin kopa sana sya pero nakalayo na sya samin.
"Hehehe sorry" hiyang sabi ko
"Sino yon? " biglang tanong ni Aris habang nakakunot pa ang noo halatang na wirduhan kay Cliona
" Cliona, Mikaela's friend" si Zaggy na ang sumagot para sakin.
"Hi Aero musta? " I asked Aero when he put his phone down
"ok lang gwapo parin" confident na sagot nya. Kapal ng apog neto!
"Correction chick boy parin" I corrected him. He just totally ignore me when his phone suddenly vibrate.
Kahit kaylan talaga wala tong kwenta kausap.bigla akong napatingin sa gilid ko ng maramdaman ko ang presensya ni Cliona.
"Aalis nako" she said with her serious tone. Something happened.
"Iiwan moko dito? San ka pupunta?"
"Yeah, magkita nalang tayo sa bahay mag iingat ka" then she left without looking back
"HOYYY WALA KANG MASASAKYAN GABI NA! " sigaw ko ng hindi pa sya nakakalayo. Agad naman nyang tinaas ng kamay nya na may susi. The f*ck! San nya nakuha yon!?
"Drive safely!" I shout again she turn around her gaze and smile at me while waving her hand.
Minsan talaga diko alam kung sinasapian si Cliona. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa utak nya kaya hindi ko din alam minsan kung kaylan mag papalit ng mood nya at ngayon may topak nanaman sya.
"Where she going?" Takang tanong ni Zaggy. Kaya napatingin ako sakanya, sakanila actually. Si Zaggy lang ang close ko sakanilang tatlo. I know the two but their names nga lang so Zaggy lang naman kasi ang friend ko nung Elementary then when I was in 1st year minsan lang kami mag usap dahil palagi nyang kasama sila Aris at Aero, then when were 3rd year umalis ako sa school syempre naging kaibigan ko si Cliona nung 2nd year nasa ibang school sya pero lagi kaming nag kikita sa Bar na pag aari nila BJ na kaibigan nya.
"I don't know" nag kibit balikat pako. "Mauuna nako bye!" Agad ko silang tinalikuran at binuhat lahat ng pinamili namin ni Cliona pauwi sa bahay nya.
7:30, wala parin sya kaya tinawagan kona but out of reach sya! Kaya I decided na mag luto nalang ng dinner. An half hour past ng marinig ko ang motor ni Cliona kaya dali dali ko syang sinalubong para pagbuksan ng gate.
"San ka galing?" Tanong ko sakanya ng makapasok sya sa bahay hindi naman nya ako tinapunan ng tingin at nag patuloy lang sa pag upo sa couch. "Kumain kana ba? Nag luto ako ng paburito mo" sabi ko ulit at sa huli hindi parin ako nakakuha ng sagot mula sakanya, napahinga nalang ako ng malalim at hinampas sya sa paa.
"HOYYYY! KAKAIN NA! DEPUNGAL!" napaupo sya dahil sa sigaw ko pero sinamaan nyako ng tingin, tinaasan ko sya ng kilay kaya tumayo na sya at padabog na pumuntang kusina at sinimulan kumain. Tingnan moto di ako hinintay.
"San kaba ka—"
"Tumawag si Marry uuwi na daw sila sa linggo nag papasundo sa Airport"
"Talaga!?"
"Oo"
"Talaga!?"
"Oo nga paulet ulet"
Napanguso ako pero hindi ko matago ang excitement ko dahil after nsosbdvuskgeub years mag kikita na ulit kami.
"Sabi mo yan ah sasama ako" makikita kona si Juancho HAHAHAHAHAH "Teka bat hindi sya kay Cameron mag pasundo?" Tanong ko ulit. May gusto kase si Mary kay Cameron.
"Sa tingin mo pag tutuunan sya ni Cameron ng Oras nahihibang kana" sabi nya sabay tayo.
"Hoy san ka nga galing!?" Bulyaw ko sakanya.
"Kay Aly" sabi nya sabay pasok sa kwarto at binagsak pa ang pinto! Tibay! Ano naman kaya ang ginawa nya don? Diko naman sya matanong kase halata naman na badtrip baka ako pa mabugahan ng apoy kung mag kataon.
"Hello!" Sagot ko sa tawag
"Galit agad?" Napatingin ako sa caller ko at talaga namang nang laki ang mata ko!
"Juancho!"
"Aishhhh lower down your voice ang sakit sa tenga"
"Arte mo oh baket anong problema mo?" Pag tataray ko.
"Sunduin mo kami sa linggo ah"
"Oo, nasabi na din sakin ni Cliona tumawag daw sakanya si Mary, yan lang ba ang sasabihin mo!?"
"Oo—"
"Apaka walang kwenta!"
"HAHAHA wag ka nga manigaw, ano bang pasalubong ang gusto mo? Ask Cliona too" napanguso ako dahil sa sinabi nya.
"Didiretcho sa basurahan yang ibibigay mo kay Cliona di sya natanggap ng regalo ng walang ganap remember?" Napatingin ako sa taas ng bumukas ang pinto ng kwarto ni Cliona at iluwa sya nito.
"Sapatos sabihin mo yung pang sayaw" napatingin ako sakanya dahil sa sinabi nya.
"Oh narinig mo?" Tanong ko kay Juancho sa kabilang linya. "Damit sakin yung maganda ah let Mary choose for me thanks!" Dagdag kopa.
"Copy babes. Hand your phone to Clio I'll talk to her" agad ko namang inabot kay Cliona ang phone ko.
"Ano yan?"
"Cellphone malamang"
"Tss"
"Kakausapin ka daw ni Juancho!" I pouted. Bored nya namang kinuha ang phone sakin.
"Oh? Ano daw balita? What!? Tsk! Oo sige sige Oo na paulet ulet. Bye!" Pinatay nya ang tawag. "Oh!" Abot nya ulit sakin kaya kinuha ko naman yun.
"Ano daw sabi?" Takang ganong ko
"Nagka aberya daw sa Tinatrabaho nila Tsk! Di kase mga nag iingat!" Padabog syang umalis sa couch s
ka padabog ulit na sinara ang pinto ng kwarto nya.
Tingnan moto. Buti nalang matibay ang pinto nya kundi nakoooo!
Agad ko namang niligpit ang kinainan namin at hinugasan ng matapos na ang lahat saka ko ginawa ang mga binigay na assignment ng mga lecturer namin namin.
Tsk! First day na first day may assignment agad!
Dati nakong nag aaral sa IS MANILA umalis lang ako nung 3rd year kasi sa Canada ako nag aral. Pero yun ang alam nila pero ang totoo sumama talaga ako kay Cliona sa Korea alam naman ng parents ko atsaka isa pa nag aral din naman kami don no sa Seoul International School. O diba sosyal and suportado pa kami ng parents ni Cliona pero ako lang ang may alam non dahil nag tatrabaho si Cliona sa convenient store sa korea tuwing pag uwi kaya ganon nalang ang gulat nila Cameron ng malaman na nag ta trabaho si Cliona kaya eto kami ngayon pinabalik sa pilipinas at kaylangan namin mag aral ng sarili namin. Atleast ako suportado ng parents ko eh si Clio HINDE! Ginalit kasi si Lolo Sandro ayan edi nganga kami pareho! Lagi nalang sinasabi ni Cliona.
"Hindi ko kaylangan ng pera nila kaya ko tumayo sa sarili kong mga paa"
Napangiti nalang ako pag naalala ko yan lalo na yung reaksyon ng muka nya pag sinasabi nya yan. Seryoso na naka kunot ang mga noo.
Hanga ako sa paninindigan ni Clio kaya mas gusto kong kasama sya kesa ma stock ako sa puder ng parents ko. Sakanya ko natutunan lahat ng kung ano man ako ngayon. Natuto akong mag luto para sakanya dahil hindi sya marunong mag luto.
Sunog na hotdog,maalat na itlog at hilaw na kanin. yan yung mga nagawa nya nung first time syang mag luto muntik pa nya masunog ang kusina sa korea kaya simula non ay ako na ang nag hahanda ng makakain namin. Natuto din akong mag banat ng buto dahil nung malaman ni Clio na sinusuportahan kami ng Lolo nya ay talaga namang nagalit ang lola nyo. Kaya tatlong buwan bago kami pabalikin dito sa pinas ay sumama ako sakanya sa pinag ta trabahuhan nya at doon ko napag tanto na hindi lang isa ang trabaho nya kundi dalawa Pag may pasok sa Convenience store sya tuwing week end naman ay sa umaga sa convenience sa gabi ay sa bar bilang isang waiter. Kaya nung malaman ko yun ay nag simula nakong tumulong sakanya nung una ayaw nya pumayag na mag trabaho din ako pero dahil maganda ako napapayag ko din sya. Iba talaga ang karisma ng isang Mikaela Santiago.
Waiter, taga hugas at taga lampaso ang trabaho nya sa bar habang ako ay waiter lang, yun lang ang sinabi ni Cliona sa manager kaya yun lang ang binigay na trabaho saken. Kesyo di daw kakayanin ng katawan ko eh syang nga tong sakitin saming dalawa.
Napapailing nalang ako pag naalala ko lahat ng yan. Mahirap pero parehas kaming masaya.
Hello! For updates,kindly visit my facebook, twitter and Instagram account!🍁🍂
Fb: @Jamell espiritu
Twttr: @Jamel_stone
Insta:@Jamelle_joy