AERO P.O.V
"S-Sorry" Bwisit! Bat ba ang malas ng araw ko ngayon
"Hoy dika ba natingin sa dinadaan mo? Bulag kaba ha!?" singhal ko sa lalaking nakatapon ng spaghetti sa uniform ko
"S-sorry" putcha!? Ano yon?, yun na yon? Sorry?
"May magagawa paba yang Sorry mo!?" tinulak tulak ko sya sakanya ko lalabas lahat ng inis ko ngayong araw tutal sya din naman pumuno nun
Linakasan ko ang tulak dahilan para tumama ang likod nya sa pader ng cafeteria ng biglang may dumating na babae.
"Ayos kalang ba?" Knight in shinning armor huh?
"Sino ka para tulungan yang bobo nayan!?" lalo akong nainis ng tingnan nyako ng walang emosyon
"Hindi mo bako kilala!?" ako lang naman ang apo ng may ari nitong school nato!
"Kaylangan paba kita makilala?" diretchong tanong nya sakin gamit ang kalmado nyang boses at walang emosyon nyang muka sa sobrang inis ko agad ko syang tinulak at sya naman ang tumama sa pader...
"Hoy kilalanin mo kung sino ang kinakalaban mo hindi moko kilala" nagulat ako ng bigla syang umikot dahilan para ang likod ko naman ang tumama sa pader, puta!
"Kilalanin mo din kung sino binabangga mo dahil dimo din ako kilala" muli pa nyakong tinulak bago umalis.. Ang yabang ng babaeng yon!
YOU'LL PAY FOR THIS! DAMN YOU!
"ano tinitingin tingin nyo jan!?" agad naman silang nag nagsi alisan dahil sa sigaw ko
"At ikaw umalis kana!" sinipa kopa yung lalaking nakatapon sakin bwiset!
"Mukang naka hanap kana ng katapat pre" Singit ni Aris na ma mapangasar na ngiti
"Anong nahanap don? Kaaway, Pwede pa, pero yung katapat? As if naman kaya nyako isang hamak na babae lang sya" depensa ko naman
"Pero pre Familiar sakin yung babaeng yun parang nakita kona sya somewhere" napatingin ako kay Aris dahil sa sinabi nya
"Ang laki ng Manila Aris wag kang Tanga" umarte naman syang nasaktan sa sinabi ko "Basta ang yabang ng babaeng yon" dagdag kopa bago mag walk out
" Hey anong pinag uusapan nyo?" singit ni Zaggy na kadadating lang agad naman akong huminto dahil hinaharangan nya ang dadaanan ko
"Si Aero dre! may bagong kaaway and guess what" taka naman syang tiningnan ni Zaggy
"What?" nagpakawala muna ng malakas na tawa si Aris bago sumagot
"Babae sya pre HAHAHAHAHA HANEP! sinapak sya pre HABAHAHA" binigyan ko ng libreng kaltok si Aris
"Seriously pre babae talaga?" I glare at Zaggy, eh bakit ba maangas yung babaeng yun eh
"Ngayon kalang ata pumatol ng babae, mostly kase nilalandi mo lang sila" he smirked at me kaya binatukan ko din sya
"Uy pre! Look! Sya yun oh!" turo ni Aris sa may bandag library na kitang kita dito sa 2nd floor
"Diba sya yun?" Ang yabang talaga nya tingnan kung pano sya lumakad kala mo hindi babae kung pano sya manamit seriously? Pantalon at oversize shirt? San nyaba kinuha yon sa ukay ukay?
"She's Mikaela's bestfriend" napatingin ako sa nag salita seriously?
"Wehhh dinga?" mukang hindi rin naniniwala si Aris
"We've meet them before, yung sa mall nung birthday mo" tumango tango naman si Aris nung maalala yon habang nakangiti bat ako walang maalala?
"Ah Oo yung kaibigan nyang naka purong itim tapos nag mamadaling umalis?" tanong pa ni Aris
"Yeah right, her name is Cliona, I don't think so narinig ko lang na tinawag sya nila Roi"
"Nako pre nakahanap ka nga talaga ng katapat mo, Small world nga talaga HAHAHAHA!"
"What!?" iritading tanong kay Zaggy
"She's unpredictable, I swear kung ikaw yung nasa posisyon ko that time dimo iisipin na babae lang sya tapos dimo akalain sa katawan nyang yan nagawa nyang patumbahin yung 3 lalaki na mas malalaki pa ang katawan kesa satin" hindi ko alam kung bakit sinasabi to ni Zaggy as if naman may pakeelam ako diba
"Bakit ano ba yung nakita mo pre?" excited na tanong ni Aris na parang may maganda sa kinukwento ni Zaggy
"Nasa gym ako nun when I saw Mika, nilapitan ko sya tapos tinanong kung anong ginagawa nya dun that time tapos sabi nya pinapanood nya si Cliona. And then I saw cliona nakikipag boxing sa mga lalaki 3vs1" patuloy nyang kwento.
"Puta astiggggg!" anong astig don aba muka syang tomboy no. Hindi kona sila pinakinggan at dumeretcho nalang sa upuan ko at nag soot ng earphone nagiging payapa ang buhay ko pag nakikinig ako ng music
Nagising ako ng may yumugyog sakin putek! Natutulog yung tao eh "Ano ba?" iritado kong tanong kay Aris na syang yumuyugyog sakin tiningnan ko ang nginunguso nya at
PUTA!!!!?
Bat nandito ang babaeng yan? "Introduce your self" sabi ni Ms.Ghiselle dun sa tomboy na nasa harap namin.
"Cliona" yun lang ang sinabi nya at umupo na sa tabi ni Mika nag tama pa ang mata namin saka nyako inirapan aba puta!? Parang gusto ko bigla mang dukot ng eyeball ngayon ah!
"Pag ibig na kaya pareho ang nadarama ito ba ang simula dina mapipigilan pag ibig na ito-" Binatukan ko si Aris dahil sa pag kanta nya Pag ibig ewwww!
"Eww who's that ba so jologs" sabi ni Alistair na nasa harap ko lang
"Diba babe" bigla syang humarap sakin
"Yeah" tipid kong sagot saka binalik ang earphone sa tenga ko sirang sira na ng araw ko bwisit na tomboy yun! Nag simula na ang klase namin sa Biology at balita ko ngayon lang namin sila classmate dahil wala pa ang Bio lecturer nila tsk! First day absent!?
"To what branch of science would a biologist belong?" Tanong ni Ms.Fermin
"Anyone from class B?" Tanong nya ulit ng walang nag taas ng kamay.
"Ano unang araw walang alam!? Class D! Anyone!?" Halos pumutok na ang ugat ni Ms. Fermin dahil sa galit
"Aba ano nganga—" naputol ang sinasabi nya ng mag taas ng kamay si Rio.
"Yes Mr. Stevenson? Do yo know the answer?" Nag liwanag bigla ang muka ni Ms. Fermin.
"No Ms. Pero alam po ni Cliona ang sagot" taas noong sabi ni Rio kaya napatingin kaming lahat ng Cliona na nakatingin lang sa may binata halatang walang idea sa nang yayari. Nang mapansin nyang nakatingin lahat sakanya kunot noo syang tumingin kay Ms. Fermin.
"Do you know the answer to my question?" Tanong ulit ni Ms.
"No" diretcho nyang sagot kaya napanganga kaming lahat
"WALANG LALABAS NG DI NASASAGOT ANG TANONG KO!!" galit na sigaw ulit ni Ms. Kaya napayuko kaming lahat. Sa lahat ng subject Bio ang pinaka ayaw ko!
"Hindi ko narinig ang tanong mo Ma'am kaya diko alam ang sagot. Pakiulet" napatingin kaming lahat sa nag salita
"What!?" Di makapaniwalang sabi ni Ms.
"Di ako nag uulit ng sinasabi Ma'am" natural na (O_O) ang itsura naming lahat maliban kay Mika na nakangisi at kay Cliona na hindi ma lang nag iba ang itsura simula ng mag ka sakitan kami sa canteen.
"To what branch of science would a biologist belong?" Ulit ni Ms. Fermin
"Explain"dagdag pa nya
"The area of biology focuses on a broad study of aspects related to the life of natural entities, in concrete terms, living beings, this covers a very extensive field of study. Some more concrete examples that focus on diets, reproduction, the classification of species and the development of living beings." Sagot nya humugot pa sya ng malalim na hininga bago mag salita ulit.
"In short . A biologist belongs to the branch of natural sciences, specifically, it is a basic natural science of the experimental type that studies living beings." Dagdag pa nya. Lahat ng mata namin ay nasa kanya.
"Wohhhhh" rinig ko sabi ni Aris.
"Pwede naba akong lumabas Mam naiihi nako" tamad na tamad na sabi nya kay Ms. Fermin na ngayon ay nakatulala na sakanya. Hindi inaasahan na masasagot ang tanong nya.
"G-go ahead class dismiss!" Paunang lumabas si Cliona dahil nga sa naiihi na daw sya.
"Grabe talaga ang lola nyo!" Rinig kong sabi ni Roi na palabas kasama sila Mika. Nagka tanginan kami nila Aris at Zaggy.
"Hindi ko alam yun ah?" Takang tanong ni Zaggy.
"Mukang di lang si Aero ang may katapat ah mukang pati ikaw HAHAHAHAHAAH" Sabay namin binatukan ni Zaggy si Aris para manahimik.
Kahit ako di ako makapaniwala na masasagot nya ang tanong na yun. Bakit ba kase first day may recitation na agad? Nag lalakad kami papuntang canteen. As usual hindi mawawala ang mga hiyawan ng mga student. Sanayan nalang yan dahil araw araw naman namin silang naririnig.
"WHAAAAAAAA ANG GWAPO NI AERO".
"SI ZAGGY DIN NO!"
"WHAAAAAAAA TAKE ME PAPI ARIS!"
Kaliwa't kanan nilang hiyawan. Ng....
"Babe!" Sulpot ni Alistaire agad ko naman tinanggal ang kamay nyang nakapulupot sa braso ko.
"Pwede ba! Break na tayo!" Sigaw ko ng kinagulat nya pati narin ng mga estudyante sa paligid. Nag simula namang mag bulungan ang mga tao.
"W-what?" Hindi nya makapaniwalang tanong.
"Bingi kaba o sadyang tanga ka!? Break na tayo were over I'm done with you. This is all just a deal ok?! So back off!" Nilagpasan ko sya dahil naiinis ako.
"NARINIG MOBA YUN MABELYN BREAK NA SILA"
"OO NGA JOY"
"SABI KONA NGA BA DI SERYOSO SI AERO EH"
"BUTI NGA SAKANYA ANG ARTE ARTE NAMAN NYANG SI ALISTAIRE KALA MO MAGANDA"
Rinig kong bulungan sa paligid.
(–_–)
"Grabe diko akalain na public mo sasabihin yon" di makapaniwalang sabi ni Aris
"Mas mabuti yun para tumigil na" sagot ko habang patuloy na nag lalakad
"I feel sorry for her" singit ni Zaggy para matigilan ako.
"Seriously dre!"
"What I just feel sorry what's wrong with that?"
"Wala to Ae. Baka nakakalimutan mo Zaggy Mendez na parte ka dito" sabi ni Aris.
"I don't di naman ako pumayag mapilit lang talaga kayo." Kibit balikat na sagot ni Zaggy. Napangisi naman ako
"Ready nyo na pera nyo dahil bibilan nyo ko ng sasakyan bukas na bukas. Basta ang usapan natin walang mag sasabi kay Tyreen ah" napatango naman silang dalawa kaya nag patuloy ulit kami sa pag lalakad ng....
"Uy pre si Cliona!" turo ni Aris sa harapan, tama sya si Cliona nga kasama si Mika
"Anong paki ko?" tamad kong sagot
"Lika Zee puntahan natin" hinatak nya si Zaggy at iniwan nila ako wala akong nagawa kundi sumunod sakanila
"Mika!" tawag ni Aris agad namang napalingon si Mika samin
"Oy Ris, Hi!" balik ni Mika samin
"Hi Aero!" baling nya sakin tumango naman ako bilang sagot
"diba kilala nyona si Clio yung nasa mall tayo? Di nakapag kilala sainyo ng maayos kasi nag mamadali sya, Oy Cliona halika dito!" sabay hila nya don sa gangster na nakabanggaan ko kanina sa cafeteria, iritado naman syang humarap samin habang may lolipop sa bunganga, nalipat ang tingin sya sakin saka ako inirapan, putcha! Sarap mang tanggal ng eye balls ngayon ah!
"Hi I'm Arcelio Jhon Einstein tapos ito si Zaggy tapos yung kaaway mo si Aero HAHAHA" pakilala ni Aris sabay lahad ng kamay, Tiningnan ko ng masama si Aris pero nakatutok lang sya kay Cliona, nahihiyang binaba ni Aris ang kamay nya ng talikuran sya ni Cliona, Tsss bastos talaga!
"Hoy Cliona!" tawag sakanya ni Mika Tamad namang humarap ulit si Cliona sabay
"Nice meeting you Scientist" sabay lakad palayo samin
"WHAT THE F*CK, SCIENTIST!!!!?" inis na sigaw ni Aris, si Zaggy naman di mapigil kakatawa kahit si Mika
"Ninuno ni Einstein HAHAHAHAHAHAHA" binigyan naman ni Aris si Zaggy ng matinding batok. Humingi naman ng depensa si Mika sa ginawa ng gangster nyang kaibigan pati narin sakin pero diko tinanggap gaganti ako noh!
Pinag bantaan pako ni Mika na
'hindi masayang kalaro si Cliona, baka himbis sya ang masaktan bumalik lahat sayo ang ginagawa mo'
Huh!? As if naman natatakot ako sa kaibigan nyang gangster
"I guess you need to take seriously, yung mga sinasabi ni Mika sayo" suggest ni Zaggy sabay lakad palayo
"Oo nga pre, that girl is unpredictable! She even call me a Scientist!" iling na sabi ni Aris saka sumunod kay Zaggy, hindi ako natatakot sa gangster nayun noh!
Nang mag dismiss ang klase agad kaming pumunta sa parking and guess what kung sino ang nakita namin
"Pre si Cliona" bulong saking ni Aris sabay nag tago kami sa gilid ng kotse ko
"Alam ko may mata ako diba" tiningnan ko si Cliona, may kausap sa phone at mukang seryoso tsk! Ganyan naman talaga yan ano bang bago?
Nang ibaba nya ang tawag lalo kaming nag tago nila Aris
Hinawakan nya bigla ang magkabilang balikat ni Mika saka"Umuwi kana" sabi nya
"Huh? San ka pupunta?" Takang tanong ni Mika
"Basta, may aayusin lang ako" sabi nya ulit at pinag buksan pa ng pinto ng kotse si Mika na kunot noong nakatingin sakanya.
"Bilis alis na" Agad namang sumakay si Mika sa kotse nya at pinaharurot paalis nang mawala ang kotse ni Mika sa paningin namin agad namang pumunta si Cliona sa Motor nya saka pinaharurot paalis, Oo motor tapos pinaharurot pa!
"Ano yon!?" manghang tanong ni Aris
"I think may nangyari sakanila kaya ganyan reaction nya" sabi ni Zaggy. Pumasok sila Aris at Zaggy sa kanya kanya nilang sasakyan at umalis na.
CLIONA P.O.V
Pinaharurot ko ang motor ko papunta sa Royal. Nang makarating ako agad akong lumapit kay BJ na syang tumawag sakin.
"Nasan?" Tanong ko. Takot naman nyang tinuro sa gitna kung saan nakikipag usap si Chayse sa nakainom na lalaki.
Nang akmang sasapakin na nung lalaki si Chayse agad kong hinawakan yung kamao ng lalaki na gulat namang napatingin sakin.
"Ang alak nilalagay sa tyan hindi sa utak. Nakainom kana Mister umuwi kana"
"Sino kaba!? Ang lakas ng loob mo ah!" Sigaw nya sakin at talaga namang tumatalsik pa ang laway sa muka ko!
"Pwede ba! Yung laway mo!" Iretable kong pinunasan ang buo kong muka. "Anong problema Chayse?" Baling ko kay Chayse
"Ehh kasi Ate pinag pipilitan nya yung gusto nyang alak eh wala nga pong stocks" nakangusong sabi ni Chayse.
"Bar to diba! Tang'na kaya nga ko pumunta dito para uminom tapos wala dito ang alak na gusto ko! ANONG KLASENG BAR TO!" sigaw nanaman nung lalaki.
"Pwede ba ser eh wala nga po!" Inis na singhal den ni Chayse sakanya.
"Aba sasagot kapa!" Akma nya ulit sasapaki si Chayse kaya sinipa ko sya sa tuhod dahilan para mapaluhod sya.
"Ayaw mo sa pakiusap gusto mo sakitan? Aba kung ayaw mo madaan sa santong paspasan babangasan nalang kita"
"Ang yabang mo ah!" Sigaw nya ulit kaya napatakip ako sa tenga ko
"Pwede ba! Kalalaki mong tao napaka ingay mo. Ilabas nyo nayan! Tandaan nyo ang muka nito ah!" Hinawakan ko sa kwelyo yung Lalaki at hinarap sa mga taong nanonod samin lalo na kay Baste. "Ayoko na makita ang pag mumuka nito dito. INTENDES!" binato ko sya papunta kay Baste na agad naman syang nasalo at hinila palabas.
"Ayos ka lang ba?" Baling ko kay Chayse.
"Opo ate Salamat, buti dumating ka kahit si Baste di sya mapigilan sa pag wawala" natatawang sabi ni Chayse agad ko naman syang inakbayan papunta sa pwesto ni BJ.
"Hayyyyy nako Bwiset na panget nayun! Kinabahan ang beauty ko sakanya!" Sabi ni BJ habang inaabutan ako ng tubig.
"Salamat"
"Buti nalang dumating ka agad diko alam kung anong gagawin ko sa panget na bakulaw nayun. O sya change topic kamusta first day?" Tanong ni Bj. Napangina naman ako ng malalim.
"Bwisit" bored kong sagot
Nakatikim agad sya sakin ng sapak aba lintek ang walang ganti. Naka ilan syang tulak sakin buti nga at sapak lang ang inabot nya at hindi nya naramdaman kung gano kasakit ang pag tulak nya sakin sa pader!
"Kilalanin mo din kung sino binabangga mo dahil dimo din ako kilala" sabi ko sakanya at tinulak pa ulit sya bago ko sya iwanan. Nakakabadtrip! Papunta nako sa locker ko ng may humawak sa braso ko.
Yung lalaki kanina sa canteen.
"S-sana dimo nalang akong tinulungan" sabi nya dahilan para mapakunot ang noo ko.
"Hindi naman kita tinulungan sadyang nakaharang lang kayo sa dinadaraanan"
"G-ganon ba s-salamat pala" sabi nya tinanggal ko naman ang kamay nya na nakahawak a braso ko.
"May extra kabang T-shirt?" Tanong ko sakanya agad naman syang napa kamot sa batok nya.
"Sumunod ka sakin" dinala ko sya sa locker ko at kinuha don ang T shirt ko saka inabot sakanya.
"Mag palit kana sayo nayan" sabi ko saka sya tinalikuran.
"A-ako nga pala si Jayson. Anong pangalan mo?" Rinig ko pang sabi nya. Agad ko naman syang nilingon saka nginitian. Wala akong balak magpakilala at hindi naman ako interesado kung sino sya. Nag patuloy ako sa paglalakad ng harangin ako ni Mika.
"Anong eksena yun?" Taas kilay nyang tanong sakin. Taka ko naman syang tiningnan.
"Pardon?"
"Pardon mo muka mo! Yung sa canteen anong eksena yun at may pasapak sapak at tulak fortune kapang nalalaman" diretcho nyang sabi napabuntong hininga naman ako.
"Nakita mo naman pala bat kapa nag tatanong" sabi ko saka sya nilagpasan. Rinig kona ang isang beses nyang pag tawag sa pangalan ko pero diko na sya nagawang lingunin dahil unang una at wala sa huli.
HINDI AKO INTERESADO.
"EH nag mala woder woman ka naman pala eh"natatawang sabi ni BJ.
"Teka nasan si Christian?" Pag iiba ko ng topic
"Ano paba edi wala dika pa nasanay" napairap pa sa kawalan si BJ. Si Christian ang katulong nya dito na kaibigan din namin habang si Chayse naman ay kapatid nya.
"Mag tatrabaho ako dito" diretcho ko sabi dahilan para nanlaki ang mata nya
(O_O)
(-_-)
"H-HUH?"
"Sabi ko mag ta trabaho ako dito"
"H-huh?
"Sabiko mag ta trabaho ako dito"
"EH BAT DITO!?"
"EH BAKIT HINDI DITO?"
"I mean bat ka mag tatrabaho?" Tanong nya ulit napabuntong hininga naman ako
"Kaylangan ko ng pera" sagot ko
"Papautangin kita"
"Wala akong pang bayad. Mag tatrabaho ako dito dahil kaylangan ko ng pera para sa araw araw naming gastusin ni Mika sa bahay isa pa nag aaral ako" paliwanag ko
"Yun nga eh nag aaral ka!" Singhal nya sakin
"Eh ano naman pwede naman pagka galing sa eskwela at dumeretcho dito atsaka pwede ba tanggapin mo nalang ako legal na ang edad ko di lang halata dahil sa bata kong itsura!"
"Wow self compliment si bakla o sya ikaw ang bahala. Grabe to ikaw lang ang nag a apply na mas marunong pa sa may ari" inirapan nyako kaya natawa ako dahil sa itsura nya.
"Sa friday na ako mag uumpisa dahil walang pasok tapos sa linggo baka bar hour lang ako makapasok may pupuntahan ako sa umaga" sabi ko napatango naman sya.
"Jusmiya ikaw lang den ang trabahador na gumagawa ng sarili nyang schedule o sya bahala ka sa buhay mo su swelduhan kita base sa araw ng pinapasok mo INTENDES!?" pang gaya nya sa sinabi ko kanina
"Tss. Aalis nako nag iintay na si Mika sakin sa bahay bye!" Sabi ko saka tumayo.
"Bye I Kamusta moko sakanya ah!" Sigaw pa nya tumango nalang ako bilang sagot. Agad akong lumapit sa motor ko at pina harurot yun pauwi sa bahay na agad naman akong sinalubong ni Mika ng sandamakmak na tanong.
"San ka galing?" Tanong nya ng makaupo ako
"Royal" tipid kong sagot
"Ano!?"
"Royal"
"Anong ginawa mo don at bat dimoko sinama!?"
"Nag apply"
"Ano!?"
"Nag apply"
"Oo narinig ko!?"
"Eh paulit ulit ka ng tanong!"
"Ang ibig kong sabihin bakit ka nag apply"
"Eh bakit naman hinde?"
"Ang ganda mo talaga kausap!"
"Kaylangan ko ng pera ok kana!?" Iretable kong sagot saka umakyat sa kwarto ko. Masyadong nakakapagod ang araw nato at hindi maganda ang pag tanggap sakin ang School nayun. Tsk!