AERO P.O.V
Susundan ko sana si Cliona nung araw nayon kaso ni anino ng motor nya diko nakita
"Astig talaga pre parang wala lang sakanya na babae sya" manghang sabi ni Aris kay Zaggy
"Muka syang balisa kahapon ano kayang nangyari?" takang tanong ni Zaggy, malay ko malay namin!
"Mika!" biglang tawag nya kay Mika
"Bakit?" halatang pagod si Mikaela
"Anong nangyari sayo? Muka kang zombie" Sabi pa ni Aris halatang inaasar si Mika, bored naman syang inirapan ni Mika nanahimik tuloy sya
"Nasan si Cliona?" tanong pa si Aris, oo nga wala si Cliona.
"Hindi makakapasok may nangyari kasi eh, sige una nako ah" agad kaming tinalikuran ni Mika saka umupo sa upuan nya
"Ano kayang nang yari?" takang tanong ni Aris, nag kibit balikat lang ako diko alam at wala akong balak alamin pa, sayang lang hindi sya papasok hindi ko magagawa ang plano ko
"Sabi kanina si Mika sa kausap nya sa phone kaylangan daw ni Cliona ng bantay, yan lang ang narinig ko" biglang bulong ni Zaggy, sabay naman kaming napatingin kay Zaggy. Mag sasalita na sana si Zaggy ng biglang pumasok si Ms.Deguzman
---------------------------
"Ms.Santiago please follow me to my office now, Class dismiss" agad naman kaming nagsilabasan, nauna sila Zaggy at Aris sa Cafeteria.
Dumaan muna ako sa locker room para ilagay don ang nga gamit ko. Nang makalabas ako saktong nakita ko si Mikaela na may kausap sa phone, I heard what she say.....
"Sige paalis na ako magpapaalam lang ako"
Mag papaalam for what? Agad naman nyang binaba ang tawag at pumunta sa direksyon ko kaya dali dali akong pumasok sa pinto.
"Mr. Tyson what can I help for you?" Damn! Sa lahat ng papasukan ko bat dito pa?!
"Ah I jusy checking my notebook Ms. I think nagkapalit ang Journal and English notebook ko" I lied
"O sige hanapin mo jan" she pointed our notebook that she collected before agad akong lumapit don at nag kunwaring may hinahanap ng may pumasok sa Department. Oo nasa Department ako!
"Every thing will be alright Ms. Santiago" si Mika pala yung pumasok bigla akong kinabahan.
"I hope so. Mmmm Ms. I can't attend aftrnoon class. Wala pong mag babantay kay Cliona sa Hospital" Nagulat ako sa sinabi ni Mika. Si tomboy nasa Hospital?
"Ohhh sure ako na bahala mag sabi sa mga prof nyo go ahead" rinig ko ang pag thank you ni Mika bago lumabas. Agad nama akong lumabas sa pinag tataguan ko ng makaalis si Mika.
"Oh Mr.Tyson nakit moba?" Tanong nya sakin. Agad naman akong nag iwas ng tingin "w-wala po dito hahanapin ko nalang po ulit sa bag ko thank you Ms) paalam ko saka ako tuluyan lumabas. Wala na ni anino ni Mika sobrang pag mamadali ata.
Agad akong pumasok ng canteen hindi parin nawawala ang mga tilian ng mga babae ng makapasok ako. Agad na hinanap ng mata ko sila Aris at Zaggy at ayun sila sa pwesto nila Roi nakikipag tawanan.
"Letche sa talino yung baklang yun halos lahat nalang ata nasasagot at eto pa nakipag sabatan yun kay Ms. Finto kesyo mali daw ang sinasabi ni Ms. Finto kaya ayun na warla si Ma'am HAHAHAHAHA" nag tawanan sila sa kwento ni Roi at syempre na ngingibabaw ang tawa ni Aris. Agad naman akong lumapit sakanila.
"Oy Dre dito na tayo ang tagal mo kase eh" sabi ni Aris di nako sumagot at umupo nalang sa tabi nila.
"Ok lang naman na nandito kami diba?" Tanong ni Zaggy
"Aba syempre naman. Pagkain na ang lumapit samin aayaw paba kami" sabi ni Rumsel na kumakagat pa sa labi nya. Ewwwwww
"Kadiri ka bakla!"
"Mas kadiri ka wag papatalo!"
"HAHAHAHAHAHA NAKAKATAWA KAYONG DALAWA" sabi ni Aris habang naka hawak pa sa tyan nya.
"Saya ka don?" Biro ni Roi dahilan para
"HAHAHAHAHAHAHAHA" mapatawa kami.
"Sayang nga lang at wala sya kanina di namin alam kung bakit absent sya" halata mo talaga ang lungkot sa muka ni Bj habang sinasabi nya yun.
"Oo nga si Mika tuloy ang nasabon ni Ms. Finto kanina buti nalang isa din yung living google kaya may sagot si bakla" sagot ni Rumsel
"Kaya nga eh bat ba sya absent?" Takang tanong ni Katty
"Hindi nga namin alam te ulet ulet? Lutang lutang?" Pangaasar pa ni Roi
"Whaaaaaa I hate you!"
"Hoy bakla wag mong inaasar si Katty!" Saway sakanya ni Aris. Patay na patay tsk!
"Pero mga te nahalata nyo ba si Mika kanina na wala sa sarili tapos Puyat si Mader ert" pag iiba ng topic ni Rumsel.
"Why? What happen?" Si Zaggy unang nag tanong.
"Kanina pa kasi sya tingin ng tingin sa cellphone nya tapos seryosong seryoso sya at si Bakla parang sinaniban ni Cliona kanina hindi namin makausap tapos nakipag sagutan din kanina kay Ms. Finto kwento pa ni Rumsel
"Something bad happen" tumango naman silang lahat sa sinabi ni Zaggy syempre maliban saakin.
Napatingin kaming lahat kay Roi ng biglang mag ring ang cellphone nya. "Sagutin ko lang to" bahagya pa syang tumalikod samin ng sagutin nya ang tawag
"Tanungin kaya natin mamaya si Mika nag aalala ako kay Cliona" malungkot na sabi ni Katty
"Dina kaylangan" sabat ko ng biglang
"WHAT!!?"sigaw ni Roi dahilan para mapatingin kaming lahat sakanya. "Oo sige sige ingat! Balitaan mo kami bye" rinig naming sabi ni Roi lahat kami ay may nag tatanong na tingin ng humarap ulit sya samin.
"Si Mika tumawag di daw sya papasok ng afternoon class" panimula nya
"Bakit daw?" Tanong ni Aris dahil nanlumo na sila Katty at Rumsel sa upuan nila.
"What happen?" Tanong din ni Zaggy. Rinig na rinig naman ang buntong hininga ni Roi.
"Nasa hospital daw sya binabantayan si Cliona inatake daw ng sakit" sagot ni Roi at nanlumo den.
"Ano daw sakit?" Tanong din ni Aris na agad naman nag kibit balikat si Roi.
"Di nya sinabi. Pano na tayo nito? Patay tayo kay Ser Choicol" sabi nya
"Bakit anong meron kay Ser?" Tanong ni Zaggy
"May group report kase kami tapos ka group namin sila Mika at Cliona. Syempre sila lang naman ang may alam samin kaya inasa namin sakanila tapos ito absent sila pareho eh last subject namin ang History" nanlulumong sagot ni Rumsel
"Nakakatakot pa naman si Sir magalit" singit ni Katty. Wala na silang nagawa kundi ang kumain nalang. Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng biglang may humawak sa balikat ko.
"MIKA!" Nabuhayan ng dugo yung tatlo ng makita si Mika na hingal na hingal at halatang kakagaling lang sa pagtakbo.
"T-tubig" agad naman syang inabutan ng bottled water ni Zaggy at inisahang lagok lang nya yung malamig na tubig nayun.
UBOS!
"Oh" sabay abot nya kay Roi ng USB. "Yan yung report pinapaabot ni Clio. Naabutan ko sya kanina na tinatapos yan pati to" sabay abot ulit nya ng papel for this time si Rumsel na ang kumuha at tiningnan yun isa isa. "Explanation yan kayo na ang bahala pag balik daw ni Cliona at pag nalaman nyang hindi 95 ang grade natin pare parehas sa reporting lagot daw kayo sakanya" sabi pa nya ng may halong pag babanta.
"95 talaga!?" Bwelta ni Roi
"OH ANO AAGAL!? ABA SYEMPRE 95! NINE TAPOS FIVE, NASA HOSPITAL NGAYON SI CLIONA DAHIL JAN KAYA 95 DAPAT O MAS MAGANDA 100 PARA NAMAN WORTH IT YUNG HOSPITAL BILLS NAMIN" Sarkastimong sabi ni Mika na inirapan pa sila Roi
"Aalis nako inabot ko lang talaga yan sainyo galingan nyo ah!" Sabi pa nya aalis na sana sya ng mag salita si Zaggy
"How is she?" Tanong nya
"She's fine now lalabas nadin sya mamaya" sagot ni Mika
"Ano daw sakit?" Singit ni Aris
" Ulcer, nalipasan ng gutom eh tapos may nainom pang hindi pwede kaya ayan nag reunion sila ng hospital. Bye na magagalit sakin yun pag nag tagal pako Byeee!" Kaway nya samin at patakbong lumabas ng canteen.
"WHAAAAAAAAAAA!" sigaw ng tatlo habang nagyayakap. "Save by angel! Iba talaga si Clio!" Sabi pa ni Rio.
"Pero na giguilty ako nasa hospital si Clio pero nagawa parin nya yan" nakasimagot na sabi ni Katty na agad namang inalo ni Aris.
"Shhhh kaya nga dapat gawin nyo yung best nyo para maka 95 kayo para din dina sayang yung pagod ni Cliona"
"Tama si Aris te halina't mag review" aya ni Rumsel na nag pauna nang mag basa sa papel na binigay ni Mika sakanya kanina.
"Mauuna na kami mag aral nalang muna kayo" sabat ko
"Nanjan ka pala Dre" kunwaring manghang tanong mo Aris
"Tch!" Nag pauna akong nag lakad pabalik sa classroom.
CLIONA P.O.V
"Ano! Ayan naba kase ang sinasabi ko! Dika nag iingat!" Singhal sakin ni Mika. "Tapos inuuna mo payang report nayan!" Sigaw nya ulit kaya tiningnan ko sya ng masama
(O_O)-------- Mika
"Dimploma kaylangan ko hindi sermon mo. I abot moto kila Roi yan ang report natin, ito pa" abot ko sakanya ng tatlong bondpaper "Explanation yan. Sabihin mo patay sila saken pag mas mababa pa sa 95 ang nakuha na grade" sabi ko napatango naman sya habang nasa papel ang paningin
"Sige umalis kana, buy me some mango when you come back" mabilis naman nawala si Mika sa harapan ko kaya nagpahinga nalang ako. Maya maya pa ay biglang may pumasok sa kwarto ko diko alam kung sino dahil diko naman binubuksan ang mata ko.
"Hey wake up!"
Putcha!?
"Anong ginagawa mo dito!?"
"Visiting you? What the hell you're doing Verity!?"
"Natutulog ng bigla kang nan gulo, alis nga jan" pag tataboy ko sakanya dahil umupo sya sa kama ko.
"Bakit ka nandito?" Tanong nya
"Nag papagaling" bored kong sagot saka pumikit.
"Ayusin mo ang sagot mo Verity!" May pag babanta na ang tono ng boses nya.
"Pwede ba Cameron umuwi kana dahil wala ka namang magagawa dito at isa pa kung tungkol sa lagay ko aba diba dapat doctor ang tinatanong mo at hindi akong pasyente lamang?" Nilabanan ko ang masama nyang titig dahilan para mapaiwas sya dahil tama naman ako.
"Ano oras ka lalabas?" Tanong nya pa ulit
"Mamayang 7 last na gamot" sagot ko at muling pumikit
"Pupuntahan ko lang ang doctor mo I'll pay for your bill"
"Ge"
Ilang segundo pako nag hintay bago ko sya maramdaman na wala na sa kwarto dahil sa tunog ng pinto. Agad akong napadilat kasabay ng pag buntong hininga.
ISA
DALAWA
TATLO!
"BAKIT NANDITO SI CAMERON!?" Inis kong tanong kay Mika na kakarating lang. Taka naman syang tumingin sa paligid ng walang makitang tao saka nya dahan dahan na sinarado ang pinto.
"Huh? Nasaan? Wala naman ah" tumingin pa sya sa banyo ng wala makitang tao saka binaling sakin ang mata nya.
"Nagbayad ng bill. Tinawagan moba sya?"tanong ko ulit agad namang nangunot ang noo nya.
"Pinag sasabi mo? Diko sya sinabihan ok!?" Padabog naman syang umupo sa couch habang masama parin ang tingin sakin ng biglang.
"Cameron!" Tumayo sya at nag namadaling lumapit kay Cameron na syang sinalubong naman ni Cameron ng yakap.
"How are you?"
"Ok lang ako, yan!," Turo nya sakin "yan ang kamustahin mo pinag gagawa nyan sa sarili nya!"
"Lalabas na kayo mamaya sasamahan ko kayo" buntong hininga ni Cameron.
"Nga pala bawal daw mangga sayo kaya dina kita binilan" baling sakin ni Mika napanguso naman ako. Pati ba naman mangga bawal!?
"Pano mo nalaman na nandito kami?" Tanong ko kay Cameron
"Pumunta ako sa school nyo then sabi ng lecturer nyo absent ka dahil nasa hospital ka kaya pumunta nako dito" paliwanag naman nya.
"Bakit moko pinuntahan?" Tanong ko ulit
"Ayaw moba talaga umuwi sa Bahay?" Tanong nya na agad kong inilingan.
"Ilang beses na natin to napag usapan Cameron paulet ulet nalang kung gusto mo ikaw nalang ang umuwi don"
"Hell no!"
"Hell no den!"
"Dad want to see you" sabi nya ulet dahilan para mapatingin ako sakanyan.
"Makikita din nila ako pag ok na ang lahat babalik lang ako sa bahay pag may hawak nakong diploma" Sagot ko rinig ko naman ang pagbuntong hininga nya.
"Ihahatid ko nalang kayo"
"Dina kaya nanamin may dalang sasakyan si Mika" bored kong sagot
"Anong sasakyan!? Hoy motor ang dala natin remember!?" Pinandilatan ko ng mata si Mika.
Tsk! Kahit kaylan talaga slow!
"That's good papadala ko nalang yung motor nyo" ngiting tagumpay ni Cameron kaya napairap nalang ako sa kawalan.
"GOOD evening" bati ni Dra.Martinez kasama ang dalawang nurse nya na tumitingin din sakin kanina.
"Good evening din po Dra." Bati ni Mika
"Pwede kanang umuwi Ms. Wolverson but before that take this medicine first"
"Thank you Doc" singit ni Cameron na syang may hawak sa wheel chair. Sinabi ko naman hindi kona kaylangan yun dahik di naman ako baldado pero masyado syang mapilet. Habang si Mika naman ang may dala sa iilang mga gamit namin.
"Mik san tayo?"
"Fort Bonifcio" sagot naman ni Mika
"Exclusive subdivision yun ah" manghang sabi ni Cameron
"Tss"
Tingin nya ba sakin di kaya bayaran yun? Hello may pera naman ako kahit papano tapos may trabaho pako kaya dina kami isang kayod isang tuka ngayon. Sumali din ako sa Music at Dance club para naman mabawasan yung tuition ko doon si Mika naman ay parents nya ang nag bayad.
"Kaylan pala start ng practice nyo Clio?" Tanong ni Mika
"Saturday" tipid kong sagot
"Eh pano—"
"Oh sige mag salita ka tanggalan kita ng dila" pinanlakihan ko sya ng mata. kahit kaylan talaga ang daldal nito hindi safe yung pag tatrabaho ko sa Royal.
"Hehe pano yun diba dalawang club pinasukan mo?" Pag iiba nya sa tinutukoy nya.
"Ako na bahala don" hindi kona sila pinansin pa at tumingin nalang ako sa daan. Di rin nag tagal nakarating kami sa Fort Bonifcio.
"Ang ganda pala dito sa lugar nyo eh"
"Tss" nag pauna akong pumasok sa bahay habang nasa likod ko naman silang dalawa. Dumeretcho naman ako sa kwarto ko para magpahinga.