CLIONA P.O.V
Nagising ako dahil sa tugtog ni Mika
"Every time the phone rings,
Do you wish it was me calling you?
Do you still feel the same?
Or has time put out the flame?
I miss you
Is everything okay?"
Sinasabayan nya pa ang kantang yan halos araw araw kona yan naridinig na pinapatugtog nya.
"It's been six months, eight days, twelve hours
Since you went away
I miss you so much and I don't know what to say
I should be over you
I should know better but it's just not the case
It's been six months, eight days, twelve hours
Since you went away"
"Gising kana pala, Good morning!" Bati nya sakin ng makababa ako nag luluto na sya ng almusal namin. Fried rice, tuyo na may kamatis!
"Wow!" Para akong mag lalaway dahil sa hinanda nyang pagkain.
"Yan para good mood ka ngayong araw" sabi nya at nagtimpla ng kape. "It's hard enough just passing the time
When I can't seem to get you off my mind
And where is the good in goodbye?
Tell me why, tell me why" sabay nya sa kanta.
"Pwede ba patayin mo yan!" Suway ko sakanya. Kaumay yang kantang yan naulet ulet!
"Pwede ba Cliona para sayo yan eh pakinggan mo ng mabute ah.
Every time the phone rings,
Do you wish it was me calling you?
Do you still feel the same?
Or has time put out the flame?
I miss you
Is everything okay?"
Tiningnan ko sya ng masama dahil feel na feel nya yung lyrics sa kanta. Ano namang connect nyan sa pagkatao ko?
"Ewan ko sayo kumain ka nalang baka ma late tayo" mabilis kong tinapos ang kinakain ko at naligo na.
"Mag uuniform kana ba?" Tanong sakin ni Mika. Agad naman akong tumango.
"Uhmmm"
"Patingin nga!" Hinarap nyako sakanya at
"Wohhhhhh bagay sayo!"
"Alam ko lahat ng damit bagay saken" taas noo kong sagot
"Yabang mo! Saken bagay ba!?" Umikot ikot pa sya sa harapan ko.
"Uhmmm" mabilis kami bumaba.
"Ehhhhh pano yan! Naka motor tayo!" Reklamo nya kaya nginisian ko sya. Binaba ko yung jogging pants na soot ko gulat naman syang napatingin saken.
"Ang daya mo talaga! Hintayin moko mag sosoot din ako nang ganyan!" Mabilis ulit syang tumakbo papasok sa bahay. Hindi kona sya hinintay at umalis agad ako. Bahala sya jan ang tagal kumilos. Nang makarating ako sa parking lot agad akong. Bumaba at sumandal sa motor ko para hintayin si Mika. Ilang minuto din ako nag hintay bago sya dumating. Nang makababa sya...
"HOY! AKIN YAN AH!" tumakbo ako palapit sakanya at tiningnan yung soot nyang pants. Akin nga yun!
"Hehe peram nasa labahen yung akin eh" tiningnan ko sya ng masama. Aba! Pumasok sya sa kwarto ko!
"Oy oy di ako pumasok sa kwarto mo ah nasa sampayan to duhh" napauna syang mag lakad sakin kaya binatukan ko sya ng mahabol ko sya.
"Sa lahat ng gagamitin mo yan pa!" Pabiro kong sipa sakanya.
"Baket!? Kase pink!" Sabi nya sabay takbo
"Ulol hubarin mo yan!" Habol ko sakanya. "Pag ikaw nahabol ko patay ka saken!" Lalo ko pangQ binilisan ang pag takbo ko para maabutan sya, agad namang nakaakyat si Mika sa floor namin at mabilis naka pasok sa room. Bahagya pakong huminto dahil sa hingal. Akmang tatakbo na ulit ako ng mat humawak sa braso ko. Kunot noo ko namang tiningnan ang maoangahas nayun.
"Sorry" yung lalaki sa canteen. tiningnan ko naman sya ng nag tatanong. Bigla nyang inabot sakin yung paper bag na hawak nya.
"Ano yan?" Takang tanong ko
"Yung damit na pinahiram mo nung isang araw absent ka kasi kahapon kaya diko nabigay sayo" paliwanag nya lalo namang kumunot yung noo ko.
"Sayo nayan" sabi ko sabay talikod ng biglang.
"Sandali class D ka diba?" Tanong nya ng nakangiti na. Malayong malayo sa aping api na lalaki sa canteen nung first day.
"Oo baket?" Maangas kong tanong
"Nice to meet you classmate! Tara sabay na tayo" sabi nya sabay napa unang maglakad. Kunot noo ko naman syang sinundan ng tingin, nang mahalata nyang di ako sumusunod sakanya nakangiti nyakong nilingon at hinila sa braso.
"Bilis ma li late tayo" wala akong nagawa kundi ang sumunod sakanya. Nang makarating kami sa classroom agad naman akong sinalubong nila Katty ng yakap.
"Bitaw!" Bahagya kopa silang tinulak dahil sa higpit ng yakap nila saken.
"Hi Justine!" Bati ni Roi dun sa lalaking nasa likuran ko kaya nilingon ko sya agad naman syang ngumiti samen.
"Good morning" bati nya at nag paunang umupo sa pwesto namin!
"Hoy upuan ko yan!" Kapal netong mang agaw ng upuan.
"Wala namang pangalan to" taka nyang sabi habang tinitingnan pa ang kabuuan ng upuan ko.
"Nako Pogi si Clio jan lumipat ka nalang kung ayaw mo mabangasan" natatawang biro ni Rumsel.
"Ah talaga!?" Sarkastimong wika ko saka sila inirapan. "Alis nga kung gusto mo jan ka sa tabi ni Mika." Hinila ko sya paalis sa upuan ko at pa bato kong binaba yung bag nya saka ako umupo.
"Grabehan talaga to" rinig kong sabi ni Mika sa tabi ko kayaa sinamaan ko sya ng tingin, nag piece sign pa sya habang nakangiti. Diko na sila pinansin at tumingin lang sa bintana. Napakunot ang noo ko ng makita ko si Goku at yung kaanak ni Einstein. At sa pag kakataong ito dina lalaki ang nasa harapan nya kundi babae. Nanlaki ang mata ko ng bigla sya nitong halikan.
WHAT THE FVKING PORN!
Napa ngisi ako, Tsk! Mahilig
Tinulak nya yung babae na humalik sakanya dahilan para matumba sa damuhan yung babae na syang tinulungan ni Zaggy. Kung gano ka demonyo ang kaibigan nya syang kinabaet nitong si Zaggy. Tsk tsk!
"Anong tinitingnan mo jan?" May bumulong sakin kaya kunot noo ko syang tiningnan.
"Anong ginagawa mo jan!?" Tiningnan ko si Mika na nag aayos ng gamit nya ganon din ang iba naming classmate.
"P.E class ngayon kanina pa sinabi ni Roi absent minded ka kasi" sabi nya at umiiling pa. Imbis na kausapin sya tumayo nalang ako at nag paunang lumabas sa classroom.
"Saglit!" Rinig kong sabi nya kaya mas binilisan kopa ang pag lalakad ko pero siguro dahil matangkad sya agad nyang nahila ang braso ko.
"HOY! NAMUMURO KANA KAKAHILA SA BRASO KO AH! GUSTO MO BANG MABANGASAN!" galit kong sabi sakanya. Aba tatlong beses na nya ako hinihila sa braso ah sumusobra na!
"Eto naman galit agad bat kaba kasi nag mamadali"
"Ehh anong pakeelam mo" naka pamewang kopang tanong sakanya ng di sya sumagod agad ko syang tinalikuran at nag patuloy papunta sa locker room.
"Bwiset, bwiset, bwiset!" Padabog kong binuksan ang locker ko at kinuha ang P.E uniform ko don.
"Ano ba't ang ingay mo!" Boses mula sa likuran ko kaya kunot noo ko syang tingnan.
"HAHAHAHAHAHA!"
"Bat ka tumatawa!" Singhal nya saken.
"T-teka" humarap ulit ako sa locker ko at kumuha ng tissue. Humarap ulit ako sakanya at pinunasan ang labi nya.
"Sa susunod kung mag papahalik ka siguraduhin mong walang ebidensya"
Aero P.O.V
(O_O)
"Sa susunod kung mag papahalik ka siguraduhin mong walang ebedensya"
What the fvck is that!
Gulat kong sinundan sya ng tingin hanggang sa makalabas sya sa locker room. Naka uniform pero may pants sa ilalim? Ano yan? Bagong style? Napa iling nalang ako sa kawalan at lumabas sa Locker room didiretcho na sana ako sa room ng makita ko si Cliona sa kabilang dulo ng hallway may kausap at halata mo talaga sa itsura nya ang pagka irita. Hawak hawak nya parin ang P.E uniform nya at talaga namang sumisigaw ang red nyang pants sa ilalim ng skirt nyang soot. Dahil nasa class B ako medyo narinig ko ang pinag uusapan nila.
"Ano bang problema mo?" Iritable nyang tanong sa kausap nya.
"They want to see you gusto ko man silang isama sa bahay mo hindi naman pwede dahil magagalit ka saken" paliwanag nung lalaking kausap nya.
"Alam mo naman pala, eh ano pang ginagawa mo sa harapan ko? Mag papakita ako kung kaylan gusto ko hindi nila kaylangan diktahan ang bawal galaw ko. Umalis kana at may klase pako" huli nyang sabi bago talikuran ang kausap nya at dumeretcho sa ladies room. Don ko kang nakita yung kausap nyang lalaki. Diko kilala.
"Uy Dre!" Akbay sakin ni Aris kaya napatingin ako sakanya. "Anong ginagawa mo jan?" Tanong nya pa
"Wala" tipid kong sagot bago pumasok sa classroom at umupo sa tabi ni Zaggy.
Sino naman kaya yung kausap nya at mukang hindi sila ok.
"Mag papakita ako kung kaylan ko gusto hindi nila kaylangan diktahan ang bawat galaw ko" ano naman kaya ang ibig sabihin nya don? Kaano ano naman nya yung lalaking kausap nya?
AT ANO NAMANG PAKEELAM KO DON!?
Nanahimik nalang ako at nakinig nalang sa History class ko. Tsk! Kaylangan kong makinig dahil matindi to si Sir Choi mag bigay ng quiz bibigain talaga ang utak mo sa lahat ng lecturer ko silang tatlo nila Ms. Finto, at Ms. Fermin ang mga terror. Porket sila ang senior dito HAHAHAHA.
"MR. TYSON STAND UP!" tawag sakin ni Sir napatingin ako kila Aris at Zaggy na palihim na tumatawa.
"S-Sir?"
"EXPLAIN GREAT WALL OF CHINA!" napalunok ako sa tanong nya!
"S-ser?"
"SER SER KA JAN SAGOT!" sigaw nya ulit. Akmang sasagot nako ng biglang may kumatok sa pinto dahilan para mapahinga ako ng malalim. Pero sadyang mapaglaro ang pag kakataon.
"Dean" para akong binaksakan ng langit at lupa ng pumasok si Lolo sa classroom agad naman syang tumingin sakin pero di parin nag babago ang ekspresyon nya sa muka.
"Class manonood si Dean satin ngayon kasama ang dalawang student" nakangiting balita ni Mr. Choi
"Good Morning Dean" bati ng mga classmate ko habang ako ay napako sa kinatatayuan ko. Patay ka talaga ngayon Aero bakit ba kase ang lutang mo! Lahat kami napatingin sa pinto ng may magsalita don.
"Sorry we're late Ser. Hi Dean!" Napanganga ako ng biglang pumasok si Mika nginitian naman sya ni Lolo!
"Late Ms. Santiago" masungit na sabi ni Mr. Choi
"Sorry na ser eto kase napaka arte," sumilip pa sya sa pintuan at biglang sumigaw "Bilisan mo nga jan!" Sabi nya saka bumaling samin lalo pang lumaki ang ngiti nya ng makita kami kumaway pa sya samin.
"Late Ms. Wolverson" sabi ni Mr. Choi habang nakatingin din sa pintuan at si Lolo naman di mawala ang ngiti sa labi. Anong meron!?
"Eto na ser" napatayo ako ng maayos ng marinig ko ang boses nayun. Nagkatinginan pa kaming Tatlo pati sila gulat na nakatingin sa harapan kaya dahan dahan akong tumingin sa tinitingnan nila.
PUTCHA!!!!?
"So this is the two student who will guide me?" Tanong ni lolo kay Mr. Choi
"Yes Dean, Introduce yourself first" napatingin ako kay Cliona na nakangisi habang nasakin ang mata.
"Hi I'm Mikaela Santiago from Class D" energetic na kumakaway si Mika na parang nangungumpanya. Lahat kami napatingin kay Cliona na ngayon nawala na ang ngisi sa labi.
"Cliona" katulad ng pakilala nya nung una ganon parin walang kulang at walang nadagdag.
"Why is he standing?" Tanong ni lolo kay Mr. Choi habang nakatingin sakin. Kaya kinabahan ako ng matinde!
"Recitation Dean" napatango naman si Lolo sa sagot ni Mr.Choi
"Let's see" napalunok ako ng magtama ang mata namin ni lolo
"Repeat the question Mr.Choi" utos ni lolo tumango naman si Mr. Choi at bumaling sakin.
"Explain Great wall of china" napatingin ako kila Aris na ngayon naka yuko lang. Putcha! Anong isasagot ko!
"I-I don't know ser" nakayuko kong sagot narinig ko naman ang buntong hininga ni lolo kaya kinain ako ng kahihiyan ko.
"You don't what Mr. Tyson!? Diba sinabi ko sainyo pag aralan nyo ang bansang china" kalmadong sabi ni Mr. Choi pero halata mo ang galit sa boses nya!
"I-I'm sorry Ser" napayuko ako dahil sa hiya.
"Tsk!" Biglang umakyat lahat ng dugo ko sa ulo dahil sa ekspresyon nayun!
"Yes Ms. Wolverson?" Tanong ni Ser na nakatingin kay Cliona
"Sit down" utos ni lolo kaya wala sa sarili akong napa upo.
"Do you know the answer Ms.Wolverson?" Tanong ni lolo sakanya.
"Great wall of China is the collective name of a series of fortification systems generally built across the historical northern borders of China to protect and consolidate territories of Chinese states and empires against at various nomadic groups of the steppe and their polities." Diretchong sagot nya dahilan para mapatingin ako sakanya. Doon ko lang napansin na naka P.E uniform pa silang dalawa ni Mika.
"What else?" Tanong ulit ni lolo. May iba pa bang sagot don?
"Several walls were being built from as early as the 7th century BC by ancient Chinese states, selective stretches were later joined together by QinShi Huang, the first emperor of China." Sagot ulit ni Cliona.
"What era?" Tanong ulit ni lolo. Syang buntong hininga ni Cliona. Napatingin ako sakanya ng hindi sya sumagot.
"You don't know?"
"220-206 BC" sagot nya pa habang nakayuko at pinag lalaruan ang daliri nya. Akmang uupo na sya ng...
"Remain standing" nakangiting sabi ni lolo. Kaya walang nagawa si Cliona kundi ang sumunod.
"Chinese name" tanong ulit ni lolo
"Eh bat ako? Eh diba sya ang nasagot?" Turo nya saken dahilan para magulat ako.
"Dag dag grades bato?" Sarkasmo nyang tanong at sinulyapan pako. Bwiset!
"Mr. Tyson stand up"napatayo ako ng tuwid ng bigla akong tawagin ni Lolo
"D-Dean"
"Chinese name" ulit nya. Sasagot na sana ako ng diko alam ng bigla nyang sabihin na "Walang lalabas ng hindi nasasagot ang tanong ko. Mr. Choi do you know the answer?"baling nya kay Mr.Choi na nakayuko na ngayon.
"N-No dean"napanganga kaming lahat sa sagot ni Mr. Choi
"What!? Unbelievable" napahawak si Lolo sa noo nya. "Ms. Santiago do you know the answer?" Baling nya naman kay Mika na agad namang umiling.
"Walang lala—"
" Wànlǐ Chángchéng" napatingin kaming lahat kay Cliona ng magsalita sya at putulin ang sasabihin ni lolo.
"What?"
"Wanli changcheng" pag ulit nya na mas diniinan pa ang bawat salita. Napalitan naman ng ngiti ang kaninang problemadong muka ni Lolo. "Pwede naba ako lumabas? Naiihe nako" napahawak pa sya sa tyan nya at pilit na ngumiti kay Lolo.
"Go ahead" sabi ni lolo. Bago pa lumabas si Cliona nginisian pa nya si Mr.Choi
"Pwede nakong maging teacher ser pamalit sayo HAHAHAHAH BYE SER MUAH!" nag flying kiss pa sya kay Mr. Choi bago tumakbo palabas.Tumayo naman si Lolo at lumabas ng classroom.
"Sira ulo talaga yung kaibigan mo Ms. Santiago!" Natatawang sabi ni Mr.Choi kay Mika. "Class dismiss" tahimik na naglabasan ang mga classmate ko hanggang sa kaming apat nalang ang matira sa loob ng classroom.
"Save by the day huh?" Parinig ni Mika at siguradong ako naman ang sinasabihan nya.
"Anong sabi mo!?" Singhal ko sakanya. Nakangiti naman syang tumingin sakin.
"Hindi yun natanggap ng thank you" sabi pa nya bago kami talikuran.
"SINO BANG NAG SABI NA MAG TI THANK YOU AKO SA MAYABANG MONG KAIBIGAN!" sigaw ko at umaasang maririnig nya.
Hinampas naman ako ni Aris sa balikat dahilan para mapatingin ako sakanya."Lika na Dre" sabi nya at nilagpasan ako sumunod naman si Zaggy na hindi ako tinapunan ng tingen.
Anong problema ng mga to?
"Hanep yun pre" rinig kong sabi ni Aris. "Kung wala sya kanina siguradong tirik na mata natin sa gutom" dagdag pa nya.
"Ang OA mo!" Singit ko. Tirik agad? Diba pwedeng mamilipit muna kame sa sakit ng tyan?
"We should thank her"suggest ni Zaggy.
"No" bat sila mag papasalamat don!?
"Why?" Takang tanong ni Zaggy
"Dimo ba narineg yung sinabi ni Mika na hindi natanggap ng thank you yung hambog nyang kaibigan"
"Ewan ko sayo lika na Zee ayun sila oh!" Turo ni Aris sa pwesto nila Cliona na nag tatawanan maliban sakanya na nakain lang.
Agad naman silang pumunta don kaya wala akong nagawa kundi ang sumundo.
"Oh eto na pala ang pagkain naten eh" biro pa ni Roi
"Kadiri ka bakla" sagot naman ni Rumsel sakanya.
"Ay arte bakla wag mong sabihin na tatanggihan mo yan" sabi pa ni Roi habang nakatingin samen.
"Syempre hindi aba kung yan lang naman ang lalapit sakin i didisplay ko sila para kahit magutom ako titigan ko lang sila ng walang saplot busog na ang bakla" biro ni Rumsel dahilan para matawa silang lahat maliban samin ni Cliona. Napatingin ako sakanya na kunot noong naka titig sa Cellphone ni Mika na halatang may binabasa.
"Sasabay ba kayo samin Ris?" Tanong ni Katty.
"Kung ok lang sainyo bakit hinde?" Nakangiting sagot ni Aris.
"Oo naman hala sige ako na mag oorder kumuha na kayo ng upuan nyo" utos ni Roi saka tumayo at hinila si Rumsel papuntang counter. Agad naman kaming umupo at sa kasamaang palad katapat kopa tong si Cliona.
"Ok lang ba nandito kami?" Tanong ni Zaggy na nakay Cliona ang paningin na hindi manlang sya pinag aksayahan ng oras na tingnan at sagutin.
"Oo naman" si Mika na ang sumagot
"Kamusta school mo Ris?" Tanong ni Katty kay Aris.
"Ayos naman" sagot ni Aris habang nakangiti. "Thank you pala kanina Cliona kung di dahil sayo baka hanggang ngayon nakalam ang sikmura namin HAHAHA" sabi ni Aris na sinang ayunan ni Zaggy.
"Baket anong ganap kanina mga bakla?" Biglang sumpot ni Roi na kakadating lang dala ang pagkain namin.
"Nag seat in kase kami kanina sa Class B yung sinabi ni Ser Choco sakin kahapon" sagot ni Mika.
"Choco?" Takang tanong ni Zaggy dahilan para humagalpak ng tawa yung apat maliban sa isa nilang kaibigan na kunot noo parin na nakatingin sa Cellphone ni Mika na ngayon Hawak nya na at mukang nag ti text.
"HAHAHAHAHA oo Choco, Choco tawag nila kay Sir. Choi HAHAHAHAHA" napahawak na sa tyan nya si Roi habang nag kukwento
"Bakit naman Choco?" Natatawa nading tanong ni Aris
"Aba ewan namin jan sa dalawang yan" sagot naman ni Rumsel kaya napatingin kami kila Cliona at Mika.
"Hindi ako nag isip nun ah si Cliona. Unang una kase maitim si Ser tapos ang panget pa ng pangalan kaya choco nalang bagay na bagay HAHAHAHAHAHA" kwento ni Mika dahilan para mag tawanan kami.
"Oy te anong eksena yan!?" Baling ni Roi kay Cliona na kunot noo namang tumingin samin. ISA ISA .
"Anong ginagawa nyan dito?" Taka nyang tanong at tiningnan kami nila Aris at Zaggy saka itinigil ang mata saken.
"Ay lutang? Kanina payan sila nandito nagtawanan na nga kami eh" paliwanag ni Roi
"Ahh" sabi nya saka binalik ang atensyon sa pagkain. Baliw!
"Ah Cliona thank you pala" singit ni Zaggy agad naman syang tiningnan ni Cliona.
"Para saan?" Bilis naman nitong makalimot.
"Dun kanina sa room" sagot ni Zaggy
"Bat ka nag papasalamat?" Takang tanong nya na kina kunot mg noo ko. Ano early amnesia?
"Baka kase hanggang ngayon dipa kami nakakababa kaya salamat" singit ni Aris.
"Ah ihing ihi na kase ako kaya ako na sumagot. Masyado kaseng matagal yung classmate nyo Great wall lang dipa masagot kaya ako na gumawa kesa naman magkasakit ako sa bato" tapon nya ng tingin saken.
"ANG YABANG MO AH!" sigaw ko sakanya dahilan para mapatingin samin lahat ng tao sa canteen. Hindi naman nya ako tinapunan ng tingin at nag patuloy sa pagkain." Nag papasalamat na nga napaka arte mopa! Ang dami dami mo pang sinasabi! Hindi ka nalang mag welcome!"
"Eh sa hindi ko kaylangan ng thank you nyo" maangas nyang sabi dahilan para kumulo ang dugo ko sa galit.
"Napaka yabang mo!" Hinampas kopa ang mesa namin.
"Alam ko" sagot nya at walang emosyong nakatingin saken.
"Pre tama na" suway saken ni Aris.
"Anong tama na! Napaka yabang ng babaeng to kala mo kung sino!"
"Paulet ulet alam ko nga" sarkastimong sabi nya at inubos ang dalawang subo sa tray nya bago tumayo. Nang dumaan sya sa gilid ko saka ko sya pinatid dahilan para matumba sya pati narin ang hawak nya. Uma lingawngaw naman ang mga bulungan at tawanan sa loob ng Cafeteria.
"Dre!"
"Aero!"
"Cliona!"
Sabay sabay na tawag ng mga kasama namin sa mesa kanina at saka nilang tinulungan si Cliona na tumuyo. Pagpag ng pagpag sya sa P.E nyang natapunan ng juice.
"Ano bang problema mo!" Sigaw sakin ni Mika
"Yan ang problema yang kaibigan mong mayabang!" Sigaw ko din sakanya.
"Dre ano ba!" Pigil samin ni Aris kaya sinamaan ko sya ng tingin.
"Paalisin nyo yan sa harapan ko hanggang malinaw pa ang paningin ko" rinig kong sabi ni Cliona habang pinupusan ang katawan nya.
"AT ANONG GAGAWIN MO KUNG HINDI AKO UMALIS!" sigaw ko ulit sakanya dahilan para iangat nya ng paningin nya sakin at nagulat ako dahil sa sama ng tingin nya saken.