April 12, 5:00 PM

Aero P.O.V

Good morning handsome!

Masyadong maganda ang araw ko parabad tripin ang sarili ko pero sadyang di sang ayon ang panaho saken.

"AERO! BILISAN MO NGA KUMILOS!" yan nanaman ang bunganga ng magaling kong kapatid.

"Oo na napaka ingay mo!" Singhal ko din sakanya. Dali dali akong bumaba at dumeretcho sa dining kung saan nag papatugtog si Ailey habang sinasabayan pato.

"Nobody gonna love me better, I'm gon' stick wit you forever

Nobody gonna take me higher, I'm gon' stick wit you

You know how to appreciate me, I'm gon' stick wit you, my baby

Nobody ever made me feel this way, I'ma stick wit you" sabay nya pa sa kanta mahahalata mo talaga na nag e- enjoy sya.

Nagpatuloy nalang ako sa pagkain hindi na pinansin ang paulit ulit na kanta ni Ailey.

"Papasok nako!" Paalam ko sakanila saka ako nag drive papuntang school.  Bago pako tuluyang makapasok sa school nakita ko si Cliona na nakapamewang na nakatayo sa gilid ng school as usual may pants ulit sa ilalim ng skirt nya. Lumakad ako ng konti para marinig ang pinag uusapan nila.

"Pinaka ayoko sa lahat yung manloloko kaya sabihin mona kung anong oras at kaylan yon" sabi nya sa estudyante na kunot noo na nakatingin lang sakanya.

Tiningnan ko ang kabuuan ni Cliona. Matangkad naman sya, maputi,bahagya pang naka tali yung buhok nya sa taas pero naka lugay naman sa baba nalalaglag pa yung konti nyang bangs na bagay naman talaga sakanya yun nga lang lalaki kumilos at umasta. Napailing ako sa sarili kong iniisip

"Wag moko pag hintayin maikli lang pasensya ko" may pag babanta na sa boses ni Cliona. At ganon parin ang reaksyon nung estudyanteng hinaharast nya gulat parin. Akma namang mag sisindi ng sigarilyo yung estudyante na mukang 2nd year lang ng bigla umikot si Cliona at swabeng sinipa ang muka nung Estudyante! Pero mukang hindi natamaan sa muka yung bata dahil yung sigarilyo lang sya ang tumalsik!

ANO YUN!!!?

Kita naman ang gulat at pagkakaba sa muka nung 2nd year sa muka nya dahil sa ginawa ni Cliona sakanyan. Nang may biglang tumapik sa braso ko.

"Shhhhh" saway ko kay Aris agad naman nyang tiningnan yung tinitingnan at bigla din syang nag tago sa pinag tataguan ko.

"Anong ginagawa nya dyan?" Bulong pa ni Aris agad ko naman syang sinaway na wag maingay.

"Ano dika parin mag sasalita?" Sabi pa ulit ni Cliona for this time lolipop naman ang nasa bunganga nung bata. "Aishhhhh! Date lang naman sasabihin mo bakit dimo masabe!"halatang inis na sabi ni Cliona.

"Bakit ko naman sasabihin sayo?" Maangas na tanong nung bata parang walang ginawa sakanya si Cliona kanina.

"Sige wag mo nalang sabihin dahil mukang mayaman ka naman"puma mewang ulit sya sa harapan yung 2nd year.

"Pinag sasabe mo? Eh gutom nga ang wallet ko!"natawang sabi ni Bata at sinabayan naman ni Cliona ng tawa saka biglang sumeryoso ang muka.

Ngeee baliw?

"Yun naman pala eh wala kana ngang pera pag bibisyo pa ang inaatupag mo kung ibili mo ng pagkaen ang pinag bibili mo ng alak at sigarilyo!" Singhal ni Cliona para matigilan yung Bata.

"Alam mo bata hindi na madali ang buhay ngayon. Alam moba na pag mamay ari ko ang ginawan mo ng kataramtaduhan kaya kung ayaw mo dumeretcho sa tanggapan ng mga patapon ang buhay mag salita ka nalang" sabi pa nya saka ulit sinipa yung 2nd year pero katulad kanina hindi natamaan yung 2nd year at yung lollipop ang tumalsik na agad naman nyang nasalo.

"Wohhhh" rinig kong bulong ni Aris kaya siniko ko sya. Masyadong maingay.

"Kanina pako na babadtrip sa lollipop mo eh ano mag sasalita ka o ibabalik koto sayong lollipop mo sa paraan kung pano ko kinuha sayo to pero tatamaan kana sa muka" akma nya ulit sisipain yung 2nd year ng bigla syang magsalita.

"April 12 5:00 Pm" sagot ng 2nd year dahilan para maiwan yung paa ni Cliona sa ere malapit sa pisnge nung 2nd year. Agad nya naman yun binaba at nakangiting tinapik yung balikat nung 2nd year bahagya pa nyang pina pagpagan yung polo nung bata.

"Mag sasalita ka din naman pala pinapatagal mopa. Hala sige umalis kana sa harapan ko at wag kanang babalik don! INTENDES!?" Sigaw nya dahilan para takot na mapatango yung bata saka nagmamadaling tumakbo.

Parehas kaming nagulat ni Aris ng makitang naka tingin sya samin ni Aris naka parehas kaming napatayo ng tuwid.

"Ah hehe Hi Clio" bati ni Aris ng nasa harap nanamin si Cliona!

"Enjoying eardroppings ha?" Sarkastikong sabi ni Cliona sabang naka taas ng isang kilay.

"Hindi naman kami nakikinig sa pinag uusapan nyo ah! Hindi ko nga narinig yung date at oras eh!" Mabilis na sagot ko nag cross pako sa daliri para lang maniwala sya!

"Ah talaga?" Nakangising sabi nya

"TALAGANG TALAGA!" Taas noo kong sagot

"Ok, dimo narinig usapan namin pero alam mo kung anong hinihingi ko sa bata tss" sabi nya saka tumalikod. Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nya.

"HOY DIKO TALAGA NARINEG!" habol na sigaw ko tinaas naman nya ang kamay nya habang patalon na natakbo na parang sumasayaw sa daan.

"Chuuuuu! Kinabahan ako dun dre! Ikaw kase eh chismoso ka!" Singit ni Aris na nakay Cliona parin ang tingin.

Binatukan ko sya" Anong ako eh nakinig ka den naman!" Ako lang sinisisi neto eh sya yung tutok na tutok sa pinag uusapan nila Cliona kanina.

"Eto naman di mabiro. Pero Dre nagulat talaga ako sa ginawa nya kanina tapos tingnan mo ngayon tuwang tuwa pa haban papasok ng school!" Sabi nya habang tinatanaw si Cliona na masaya parin tumatakbo sa hallway. Natalon talon pa sya na kala mo bata. "Diko akalain sa pierce nayan ni Cliona may ganyan pala syang side parang bata! Ang cute!" Napatingin ako kay Aris sa huli nyang sinabi.

"Bulag kaba? Saan ang cute jan!?" Inis kong sabi saka ko sya iniwan don at nag simula ng maglakad papasok sa room.

"Totoo naman Dre!" Habol ni Aris at sumabat sakin sa paglalakad "Aminin mo nagagandahan ka din sakanya kung dika nya sinapak sa canteen nung araw nayun HAHAHAHA" dagdag pa nya kaya sinaman ko sya ng tingin. "Di nako mag tataka kung isang beses magiging kayo nyan"

"NABABALIW KANA BA!? SAAN JAN ANG MAGANDA!? HA! TINGNAN MO NGA NAKA SKIRT TAPOS MAY PANTS NA ILALIM NASAN ANG STYLE JAN!?" inis kong sabi sakanya. Ako? Mag kakagusto sa tomboy nayun!? NO WAY! Walang wala sya kay Tyreen noh!

"Sus pre wag kang mag salita ng tapos nako delikado" sabi nya kaya binatukan nanaman sya.

"Ikaw ata may gusto jan eh"

"Kung di nag eexists si Katty siguro Oo magkakagusto ako sakanya Like look at her Dre! Minsan ka lang makakakita ng ganyan. Pero Nandito si Katty at loyal ako sakanya."

"O edi may gusto ka nga!"

"Nope! Kay katty lang ako. Atleas ako hindi in denial katulad mo"

"ANO!?" 

"Easy! Pero si Zaggy dre hindi nag sasabi saten"

"Baket?"

"Araw araw kaya silang nag uusap ni Cliona atsaka mukang close sila!" Napatigil ako dahil sa sinabi ni Aris. Pero patuloy lang sya sa pag lalakad haggang sa makapasok ng room.

Bakit sila nag uusap? Ano naman ang pinag uusapan nila? At

ANO NAMANG PAKEELAM KO!!!?

Agad akong pumasok sa room at hindi na kami nakapag usap dahil halos magkasunod lang kami ni Ms. Deguzman na dumating.

Cliona P.O.V

April  12, 5:00 PM

Lintik na batang yun mag sasalita din pala pinapatagal pa, aba baka gusto munang mabangasan bago mag salita. Dalawang beses kona pinakitaan ng moves ko di parin na sindak Tsk! Tsk! Buti nalang soot ko yung Favourite kong pants naks lucky charm ko talaga to kahit kaylan. Aba kung diko soot mo baka nasilipan nako ata baka diko nagawa yung move nayun kanina. Nakangiti akong pumasok sa room.

"Hi everyone!" Bati ko. Bigla namang natahik ang kaninang maingay na room ng pumasok ako. Anong problema ng mga to?

"Anong tinira mo teh at napakasaya mo naman" Sabi ni Roi kaya napanguso ako.

"Oy bakla wag mong ganyanin si Clio baka umihip ang masamang hangin at mag bago ang mood" singit ni Katty na naka headband nanaman ang sungay ng pusa talagang kina career nya ang pangalan nya.

"Nasan ang Mik Mik bakla?" Tanong ni Rumsel saka tumingin sa likod ko.

"Padating na din yun nauna lang ako kase may ginawa ako HEHE" sabi ko sakanila tinapik sila sa sa balikat saka umupo sa pwesto ko. Nakangiti naman din akong tiningnan ni Justine.

"Goodmorning" bati nya tinanguan ko naman sya saka umupo sa tabi nya. Hanggang ngayon diko alam kung bakit nandito yan sa tabi ko. Malayong malayo sya sa Justine na nakilala ko nung araw nayun kung saan sya binully ni Goku. Mas masayahin na sya ngayon. Napakunoot noo ako sa sarili kong naisip.

Nakakapag taka.....

Tiningnan ko si Justine na nakatutok lang sa Cellphone nya mukang may kausap dahil gumagalaw galaw pa ang daliri nya.

"What?" Tanong nya ng mapansing naka tingin ako sakanya. Pinaningkitan ko sya ng mata.

"Anong ginagawa mo jan?" Tanong ko sakanya taka naman nya akong tiningnan.

"Nag si cellphone?" Lalo ko syang pinanningkitan ng mata.

"Si Mika ang katabi ko bakit nanjan ka?"

"Sabi nya palit daw kame" singit ni Mika na kakarating lang. "Kaya tadannnnn sya na ang katabi mo. Ok lang yan Pogi naman yan si Justine hindi naman ako selfish at sabi nila Sharing is caring kaya ayan parehas tayong makikinabang sa Justine" dagdag pa nya saka tumitig kay Justine. Nag ngitian pa sila kaya napairap ako.

"Hindi naman ako nag papa share kaya ok lang kung sayo yan tumabi atsaka isa pa mas gusto ko ang walang katabe. Ayan oh sila Roi nag hahangad ng Gwapo dun mo yan itabe" sabi ko saka tumingin ulit sa bintana.

Diko gusto ang presensya nya real quick kung tawagin ang pag babago ng pagkatao nya. Nag tataka talaga ako kung dati utal utal pa syang magsalita sa harapan ko ngayon mas feelingero  pa sya sa mga nag sasabi na Boyfriend ko sila. Masyado syang feeling close diko den gusto ang pag hila hila nya sa braso ko.

"Ayaw mo bako katabe?" Tanong pa nya kaya napatingin ako sakanya saka pekeng ngumiti.

"Hinde ok lang nanjan kana eh namnamin mo nalang" sabi ko saka ako nag pangalumbaba sa may bintana saka pumikit. Kulang ang tulog ko kakahanap ng lintek na footage nayun tapos maaga pakong nagising para hanapin yung batang kumag nayun. Nang mangalay ako saka ako  tumunga sa desk ko saka natulog.

Mika P.O.V

Napatingin ako sa natutulog na Cliona.

"Pasensya kana ganyan talaga yan pero mabaet yan" sabi kopa kay Justine na malungkot na naka titig sa harapan. Rinig ko naman ang buntong hininga nya saka ngumiti sakin.

"Ayos lang sabi nyo nga sanayan nalang yan" sabi nya habang naka ngiti. Hindi kona sya sinagot dahil pumasok na ang lecturer namin at nag simula na mag turo.

"Hindi moba gigisingin si Cliona? Baka mapagalitan sya" bulong sakin ni Justine habang nasa harapan ang mata.

"Wag magagalit yan pag ginigising sya bayaan mo lang" bulong ko din sakanya. Pano ba naman kaseng hindi mapupuyat eh buong gabing nakatutok sa laptop.

FLASH BACK....

"Nakakainis naman!" Padabog syang tumayo at uminom ng tubig.

"Ano ba kasing nangyari?" Tanong ko sakanya at tiningnan ang ginagawa nya sa laptop.

Ngeeee nonood?

"CCTV Footage yan sa Convenience store ni Chayse" paliwanag nya saka umupo ulit sa tapat ng laptop nya at nanood ulit.

"Oh anong meron jan?" Tanong ko saka tumabi sakanya.

"Dun ako galing kagabe mag papart time sana ako kaso pag dating ko don may pulis tapos may kasamang isang estudyante. Yung batang tukmol pala nayun ay 2nd year lang tapos nabentahan ni Chayse ng Yosi saka Alak kaya ayan pag hindi namin nahanap yung footage kung kaylan unang bumili ang kumag nayun ipapasara ang store" nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi nya.

"Ay putcha! Lika tulungan kita" inagaw ko sakanya yung laptop nya saka ako nanood. Masyado pang mahaba to sobrang haba.

"Ayoko na! Punyeta! Ako nalang hahanap sa batang yun!" Tumayo sya saka badabog na pumasok sa kwarto nya. Kaya tinigil kona den ang panonood saka bumalik sa kwarto ko.

"Nakita na kaya nya yung bata?" Tanong ko sa sarili ko.

"Huh?" Napatingin ako sa nag salita

"Ah hehe wala wala" narinig pala ako nitong katabi ko tiningnan ko si Cliona na nakatulala na sa bintana gising na sya pero halata parin sa kanya ang antok. " Sino gumising jan?" Bulong ko kay Justine tiningnan naman nya si Cliona na pipikit pikit na halatang nilalabanan ang antok.

"Ako nakatingin kase si Ma'am sakanya ng masama kanina kaya ginising kona. Kanina pa kase kita kina kalabet ayaw moko pansinin kaya ako na ang gumising" naoakagat ako sa labi ko dahil sa sinabi nya. Ganon ba kahaba ang pag di day dream ko?

"Class dismiss!" Anunsyo ni Ma'am saka lumabas. Agad naman kaming tumayo at kanya kanyang ligpit ng gamit maliban kay Cliona na nakapikit na habang naka pangalumbaba sa may bintana.

"Oy teh lika na nagugutom na ang mga bakla" aya ni Roi

"Pwede bakong sumabay sainyo?" Tanong ni Justine na agad naman sinang ayunan ng mga bakla. Grabe pag gwapo talaga wala silang patawad.

"Ay tulog?" Si Rumsel habang nasa harapan ni Cliona. " Oy teh gising, jutom na ang mga bakla" kinalabit pa nya si Cliona kaya dumilat naman ang isa at sinamaan ng tingin si Rumsel. Agad naman syang nag tago sa likod ko dahil ang sama talaga ang tingin ni Cliona.

"Ginising mo kase eh" biro ni Justine kaya natawa kami."15 mins. Break bababa na" sabi nya agad namang tumayo si Cliona at nag paunang lumabas.

"Yung totoo Mik naka drugs bayang bessywap mo at kanina lang eh good mood ngayon sinapian nanaman si Lucefer?" Biro ni Roi pero walang tumawa kaya hindi yung consider na joke.

"Tss hayaan nyo nalang kulang lang yun sa tulog. Bilis baka mabugahan tayo ng apoy!" Sabi ko saka tumkbo para habulin si Cliona agad naman silang sumunod.

"Yan naba ang bagong style teh?" Tanong ni Katty kay Cliona at tiningnan ang pants sa ilalim ng skirt ni Cliona.

"Tss"

Biglang huminto si Cliona sa Cr na natapan namin at walang pasabing pumasok don!

"Hoy teh boys room yan!" Sigaw ni Katty kaya nagulantang kami ng may mga sumigaw na lalake at isa isa silang nag si labas sa Cr. Yung iba nag si zipper pa ng kanilang pantalon halatang nagulat sa pag pasok ni Cliona kaya ayan nabitin ang ihi kawawang mga totoy. Akmang papasok si Justine ng ilabas ni Cliona ang kamao nyang may benda parin.

"Subukan mong pumasok maaga kang bibisitahin ng St. Peter" rinig namin na banta nya kaya napa atras si Justine. Lumabas si Cliona sa Cr at wala na ang pants nya sa ilalim! Lahat sila nagulantang ng makita ang tinatagong legs ni Cliona.

"Ayan ok na" nakangiting sabi ni Cliona habang tinitingnan pa ang sariling legs. "Ang ikli naman neto" nguso nyang sabi saka bumaling samen. "Baket?" Taka nyang tanong ng makita ang reaksyon ng mga kasama namin.

"WHAAAAAAAAAA ANG GANDAAAAAA!" tili nilang tatlo nangingibabaw ang boses ni katty samantalang naka kunot noo naman si Justine kaya siniko ko sya.

"Bagay na bagay! Bakla jusko may gangan ka pala may pants kapang nalalaman!" Umikot ikot pa si Roi sa paligid ni Cliona.

"Tss bilis nagugutom nako" aya ni Cliona at nag paunang mag lakad kaya sumunod kami sakanya. Pinag titinginan sya ng mga estudyante lalo na ang mga lalaki. Hindi naman nakakaila yun dahil maganda naman talaga si Cliona at talaga namang sumigigaw ang kurba ng katawan. Bagay na bagay din sakanya ang uniform namin kaya sumisigaw talaga ang maputi at makinis nyang natawan.

Bigla syang huminto kaya huminto din kame.

"Bakit Clio?" Takang tanong ni katty na syang naka yakap sa braso nya. Nakanguso naman syang humarap samin.

"Palibutan nyoko pinag titinginan nila ako" sabi nya saka pumunta sa gitna namin ni Justine.

"Anong problema teh. Eh maganda naman talaga ang legs mo" si Rumsel na sinang ayunan ni Roi

"Eh hindi ako sanay baka sipain ko sila bigla ng mawalan ng malay" sabi nya kaya natawa kaming lahat. Nag patuloy kami sa pag lalakad habang nasa gitna namin si Cliona. Sinasamaan pa nya ng tingin ang mga tumitingin sakanya kaya nauuwi lahat sa pag iwas ng tingin. Nang maka pasok kami sa canteen mas dumoble ang mg tumitingin sakanyang mga lalake at yung ibang babae eh kay Justine ang paningin habang nag bubulungan.

"Grabe attention seeker ang peg ng dalawang to"pabirong bulong ni Roi.

"Hindi ako etong lalaki lang na kasama nyo" pag tatama ni Cliona sakanya. Agad naman kaming umupo sa pwesto namin.

"Ako na mag oorder" prisinta ni Justine.

"Ay libre gusto ko yan! Sama ako papa J" malanding sabi ni Roi.

"Ako den!" Si Rumsel at tumayo din saka pumulupot sa braso ni Justine.

"Hoy mga bakla ako den!" Sunod ni katty kaya sa huli kaming dalawa ni Cliona ang naiwan.

"Ano nakita moba yung bata?" Tanong ko sakanya. Ngumiti naman sya kaya alam kona ang sagot sa tanong ko.

"April 12 5:00 PM" malaking ngiti nya na para bang naka jackpot sa lotto. Minsan talaga lumalabas ang pagiging bata ni Cliona pag ako o si Cameron ang kasama nya.

"Pano mo naman nalaman?" Tanong ko ulit dahilan para mapangiti sya lalo.

"Nakita ko sya kanina sa likod pag pasok ko naninigarilyo kaya nilapitan ko sya. Nakilala ko yung muka nya at uniform na soot tapos yun nung una ayaw nya sabihin kaya pinakitaan ko ng ibang moves ayun sa huli umamin kase kala sya sisipain ko muka nya HAHAHAHAHAHAH" parehas kami natawa sa kwento nya. Ugali ni Cliona mansindak pero sa oras na mag salita sya eh ano gagawin nya talaga.

"Ano nang balak mo ngayon?" Tanong ko ulit

"Oh eh ano pa nga ba ipapasa ko ang video sa pulis para hindi na delikado ang store ngayon" sabi nya kaya napatango naman ako. "Grabeng bata yun alam moba ang sinabi nya sakin kanina. Wala daw syang pera at gutom daw ang wallet nya pero ang lakas ng loob mag yosi at tumungga ng alak" sabi nya habang umiiling pa. Minsan nadin kaming gumamit ng yosi nung araw nayun ang diko makakalimutan kung saan mas lalong nag bago si Cliona. Kung dati ay isang beses nya lang sinubukan ang pag yoyosi pero nung dumating na ang araw nayun hindi na naawat si Cliona sa pag sisigarilyo kaya hanggang ngayon bisyo na nya yun. Ako naman eh naggamit den pero pag stress na stress lang ako di katulad nya eh pag tri nya eh mag yoyosi sya.

"Here's the food!" Sigaw ni Roi saka nilapag ang pagkain namin.

"Here" abot ni Justine kay Cliona ng tray.

"Thanks"

"Special treatment?" Asar ni Rumsel kaya natawa kami maliban kay Cliona na nag nining ning na ang mga mata sa pizza na naka hain sa harapan nya.

"Ayaw moba? Bibilan nalang kita ng bago" hinila ni Justine ang tray ng pizza sa harap ni Cliona kaya Tiningnan sya ng masama ni Cliona saka hinila pabalik ang tray at sinunggaban ang pizza.

"HAHAHAHAHAHA IBA TALAGA TO HAHAHAHAHA" tawa ni Katty kaya tumawa kami maliban kay Cliona na Busy sa pagkaen nya.

"HAHAHAHAHA FAVOURITE YAN NI BAKLA KAYA WAG KANG HILA NG HILA NG PAGKAIN PALA J" Natatawa paring sabi ni Roi.

"Diko naman alam hehe" kamot noong sabi ni Justine saka sumulyap kay Cliona sa napangiti.

Hmmmmm I smell something fishy

Nag patuloy kami sa pagkain at syempre nauna nanaman samin si Cliona. Tumayo sya at sakto naman ang dating ni Aero dahilan para matapon sakanya ang juice na hawak ni Cliona.

"F*CKKKK!" Galit syang tumingin kay Cliona na punas ng punas sa Juice na tumapon sa uniform nya. "ANO BA'T DIKA TUMITINGIN SA DINADAANAN MO! ARE YOU BLIND!?" sigaw ni Aero dahilan para mapatingin samin lahat ng atensyon ng mga estudyante sa loob ng canteen.

Patay nanaman.....