Banjo Murrer

Aero P.O.V

Anak ng....

"FVCKKKKK!"

"ANO BA'T DIKA TUMITINGIN SA DINADAANAN MO!? ARE YOU BLIND!?" sigaw ko sakanya. Para namang hindi nya ramdam ang presensya ko dahip patuloy pa syang nag pupunas ng katawan nya.

"KINAKAUSAP KITA HARAPIN MOKO!" Sigaw ko ulit. For this time tiningnan na nya ako ng walang emosyon.

"Parehas lang naman tayo natapunan anong pinuputok ng butchi mo?" Lalong nag init ang ulo dahil sa sinabi nya.

"ANO!?"

"Hindi ko inuulit ang sinasabi ko"

"ABA'T ANG YABANG MO TALAGA AH!" bigla ko syang tinulak dahilan para tumama ang likod nya sa lamesa.

"Cliona!" Kanya kanyang sigaw ng mga kaibigan nya agad namang tinulungan ni Mika si Cliona tumayo na para hindi manlang nasaktan.

"Ano ba Aero!" Sigaw ni Katty.

"Dre tama na" suway nila Zaggy saken.

"Clio mag sorry ka nalang" singit ni Aris. Nginisian naman sya ni Cliona na parang hindi maka paniwala sa narinig nyang salita.

"Talaga? Eh kung ganon mag sorry din sya" sagot nya na may maangas na tono.

"ANO!?"

"Baket parehas lang naman tayo natapunan at kung hindi ka bigla biglang susumu sulpot hindi kita matatapunan" sagot nya ulit na para bang ang tanga ng kausap nya.

"Tama na pasensya na Aero" Singit ni Roi

"Cliona ayos kalang ba?" Si Zaggy tinitingnan ang kabuoan ni Cliona.

"Oo" sabi saka ako tiningnan ng masama. Akmang lalagpasan na nya ako ng muli ko syang itulak pero sa ngayon ay may sumalo na sakanya.

"Hindi naman ata tama pare na ginaganyan mo ang babae" tinago nya sa likuran nya si Cliona.

"At sino ka naman" Himbis na sagutin ako eh binalingan nya ng tingin si Cliona. Parehas naman pala silang bastos eh!

"Mika pa dala nalang ng Gamit ko" sabi nya sabay alis sa Canteen wala manlang nilingon na Isa. Sumunod naman sakanya yung lalaking kasama nila at ganon din si Roi at Rumsel si Katty naman eh pinulot ang nalaglag na tray.

"Hanggang maaga pa umiwas kana" bulong ni Mika sakin bago umalis bigla naman nag tayuan ang mga balahibo ko dahil sa sinabi nya. May pag babanta ang tono ng pag kakasabi nya.

"I'm disappointed Tsk" si Katty saka sumunod kay Mika.

"Kath!" Si Aris agad naman syang nilingon ni Katty.

"Dalawang beses na nyang sinasaktan ng pisikal ang kaibigan namin Aris tatlo pa nga kung tutuusin kung hindi lang sya nasalo ni Justine!" So Justine pala ang pangalan ng lalaking yun.

"Wag naman tayo sumali sakanila." Pakiusap ni Aris.

"Hindi Aris sumosobra na kayo dati naman ay puro pang bubulyaw lang ang ginagawa nyo pero ngayon na nanakit na kayo ng pisikal. Tama nag kamali si Cliona dahil hindi nya napansin ang pag sulpot ni Aero pero tama ba na itulak nya si Cliona ng ganon?" Huling linya ni Katty saka sya tumakbo palabas ng Canteen.

"Katty!" Habol ni Aris.

"Are you ok Ae?" Si Zaggy hindi kona sya pinansin at lumabas nalang din ako ng Canteen. Tsk! Bakit ganon sila eh ang kaibigan naman nila ang may kasalanan. Tinapunan nyako ng Juice! Sinadya man yun o hinde! Maski sorry hindi nya masabi!? Anong klaseng tao sya!?

Nauna ako sa classroom at nag salpak ng earphone at natulog nalang.

Nagising nalang ako ng tumunog ang bell hudyat na mag sisimula na ang afternoon class. Agad akong napatingin sa mga katabi ko. Parehas silang walang imik habang naka kunot ang noo. Naiintindihan kopa si Aris pero si Zaggy? Anong problema neto?

Hindi kona sila nakausap dahil dumating na ang lecturer namin sa Filipino. 

Lumipas ang ilang oras natapos na ang klase pero nanataling walang imik yung dalawa sa tabi ko hanggang sa pumasok si

Ms. Fermin. Bio class nanaman. Lahat kami natahimik ng pumasok sya at mukang Bad mood.

"Get One whole write at least 50 words about our discussion last meeting! I'll collect it later!" Sabi nya saka nag sulat sa White board ng pagka laki laking

"KEEP SILENT"

napa kunot ang noo ko dahil diko alam ang isusulat ko dahil wala naman akong natutunan kahapon. Lumipas ang ilang minuto at tumayo si Zaggy at sinundan ni Aris.

"Hintayin nyoko" bulong ko ng iligpit nila ang gamit nila pero parang hindi nila ako narinig dahil nag dire diretcho lang sila sa palabas at hindi talaga ako hinintay!

Ilang minuto nalang at hindi parin ako tapos. Putcha naman!

"Mr. Tyson!" Napa angat ako ng tingin kay Ms. Fermin. "Ikaw nalang ang natitira dito!" Gulat akong nag libot ng paningin at ako nalang nga ang natitira dito! Agad akong nag sulat sa abot ng makakaya ko ng...

"Ms! Tulong po!" May sumigaw sa may pintuan.

"Bakit Mr. Stevenson?" Tanong ni Ma'am

"Pinag tutulungan po kase nila yung kaibigan ko sa canteen!" Sabi nya saka tumingin sakin agad naman tumalim ang tingin nya. Agad akong napatayo at sumunod sakanila nilagay ko muna ang papel ko sa desk ni Ma'am saka nag madaling tumakbo papuntang canteen.

"Awww sakit"

"Ay kawawa!"

"Tulungan nyo na!"

Rinig kong bulungan sa paligid ng makita nila ako agad naman sila nag si tabi at doon ko nakita ang sitwasyon ni Cliona! Hawak hawak sya sa kwelyo ni Banjo habang naka angat sa pader. Namumula si Cliona pero hindi malaman kung dahil ba sa hindi sya makahinga o dahil sa galit dahil nanlilisik ang mga mata nyang naka tingin kay Banjo.

"Mr. Murrer! PUT MS. WOLVERSON DOWN NOW!" nang gagalaiting utos ni Ma'am akmang lalapitan nya sila Cliona ng hawakan sya ni Mika sa braso habang umiiling iling pa. Taka naman syang tiningnan ni Ms. Fermin. What the hell did she doing!

"Ha! Nag tawag pa talaga kayo kala nyo natatakot ako!" Sigaw ni Banjo sa mismong muka ni Cliona.

"I SAID PUT HER DOWN O IPAPATAWAG KO ANG MAGULANG MO!" banta ni Ma'am pero di parin sya pinakinggan ni Banjo na lalo pa nyang sinakal si Cliona.

"CLIONA!" sigaw nung Justine akmang susugudin si Banjo ng pigilan din sya ni Mika.

Ano bang ginagawa nya mamamatay na ang kaibigan nya sa pag kakasakal.

"5 o'clock" rinig kong sabi nya kaya napakunot ang noo ko. 5 o'clock?? Ano oras? Napatingin ako sa Wrist watch ko at 4 palang naman. Anong sinasabi nyang 5 o'clock. Nagulat nalang ako ng hilain ni Mika ang braso ko kasama si Ms. Fermin sila Aris at Zaggy at ang mga kaibigan nya na taka ding naka tingin kay Mika na seryosong naka tingin sa harapan. Nasa gilid kame at hinawi nya ang mga estudyante at naiwan blangko ang gitna diretcho sa entrance ng canteen.

"Ano bang ginagawa mo?" Inis na tanong ni Justine.

"Manahimik ka" nakakagulat at wala na ang dating magiliw na boses ni Mika at ngayon ay para bang sinapian sya ni Cliona sa paraan nya ng pag sasalita.

"Ms. Santiago your friend is in danger what the hell did you doing!?" Inis na tanong ni Ms. Fermin. Pero hindi sya sinagot ni Mika at diretcho lang naka tingin kila Cliona at Banjo.

"ANONG PINAG SASABE MO!?" sigaw ni Banjo.

"Bibigyan kita ng limang segundo para bitawan ako kung hindi pray for your life" hirap mang magsalita pero malinaw na pag kakasabi nya.

"Ha! Kala mo sakin natatakot sayo!?" Nang gagalaiting sigaw ni Banjo.

"Isa" nag simula na si Cliona mag bilang.

"Ano't—"

"Dalawa"

"Tumigil ka nga!"

"Tatlo"

"Aba't mayabang ka talaga ah!" Diin nya ulit kay Cliona.

"Apat" tuloy parin sya sa pag bibilang.

"Mika si Cliona" nahuhulang bulong ni Katty pero katulad kanina hindi sya pinansin ni Mika.

"Lima. Pinag bigyan kita pero matigas ang ulo mo simulan mo nang mag dasal ngayon pala para kahit papano makausap mo si san pedro"

"Mayabang—!" Hindi na natapos ni Banjo ang sasabihin ng bigla syang sipain ni Cliona sa alaga nya dahilan para mabitawan nya si Cliona at mamilipit sa sakit.

"Owww"

"Ouch!" Bulungan sa paligid.

"Gago ka ah—!" Hindi nanaman nya natapos ang sasabihin ng bigla syang sipain ni Cliona sa muka at dire diretchong tumama sa pader ng malapit sa pinto ng Canteen.

"Yan ang purpose ng hati sa gitna" nilingon ko si Mika ng mag salita. Nakangisi na sya habang nakatingin kay Banjo na syang namimilipit sa sakit. Napatingin ako kay Cliona ng mag simula syang mag lakad papunta kay Banjo. Agad namang nag si gilid ang mga tao dahil sa takot na madamay. Galit ang makikita sa walang emosyong muka ni Cliona pero makikita mo talaga ang galit sa mata nya.

Nagulat ako ng I-angat ni Cliona si Banjo sa  kwelyo  gamit ang isang kamay. Nakaya nyang iangat to kahit na mataba si Banjo. Ibang klase!

"Tapos kana bang mag dasal?" Tanong nya. Akmang sasapakin nya si Banjo ng...

"CLIONA!" sigaw ni Mika dahilan para matigil sya at imbis na sapakin si Banjo ay sinampal nya ito ng pagka lakas lakas dahilan para dumugo ang ilong nito at makatulog. Inis syang tumayo huminga ng malalim ng ilang beses.

"Dalin nyo to sa Clinic. Buhay payan malamang nanaginip nayan" sabi nya saka lumabas ng Canteen. Gulat ko syang sinundan ng tingin. Hindi parin makapaniwala  na nagawa nya yun kay Banjo na di hamak na mas malaki at malakas sakanya.

H-How come?

"Roi kayo na bahala jan Pasensya na Ms. Fermin pero hindi talaga kayo pwede sumugod basta basta pag ganyan ang galit ni Cliona" sabi nya saka patakbong sumunod sa kaibigan nya.

"W-what the hell!" Hindi ko alam kung anong klaseng reaksyon ni Aris dahil hakata sakanya ang Gulat, pagtataka at pagkamangha nya kay Cliona.

"Oy bilis tulungan nyoko!" Si Roi na hawak si Banjo sa braso agad naman syang tinulingan ni Aris, Zaggy at Katty ganon din si Ma'am na patakbong pumunta sa Clinic habang ako eto tulala parin at hindi na tanggap ang sarili kong nakita. Iba't ibang bulungan ang naririnig ko kaya patakbo nakong lumabas ng Canteen. Hindi ko alam kung bakit ko sya hinahanap pero kinakabahan talaga ako ng hindi ko sila makita sa paligid napag pasyahan kong dumaan sa Clinic na malapit sa likod ng school kung saan nagiging tambayan ng mga gusto mag bisyo. Nakita ko sa di kalayuan sila Roi kaya naglakad ako papunta sakanila ng maka rinig ako ng boses na nag uusap.

"Huminahon ka" rinig ko kaya napatigil ako at bahagya pang nag tago.

"Tang'na talaga!" Ang boses nayun. Sinilip ko ang nag uusap at tama nga ang hinala ko sila Mika at Cliona! Lalo akong nagulat ng makitang duguan ang kamay ni Cliona habang nasa pader na nag crack na ang kamao nya halatang sinusuntok nya iyon!

"Pigilan mo ang galit mo Hanggat kaya mo hindi sa lahat ng oras nasa tabi moko" bulong na sabi ni Mika. Malalim na sunod sunod naman ang paghinga ni Cliona halatang nag titimpi parin sa galit. "Pare parehas tayong malalagot pag may nang yaring hindi maganda doon sa panget nayun" dagdag pa ni Mika dahilan para mangunot ang Noo ko. Panget? Paniguradong si Banjo ang tinutukoy nya. 

Pffft!

"Buhay pa naman yun diba?" Sabi ni Cliona at kasabay ng pag angat ng tingin nya ay ang pag patak ng luha nya. Agad naman syang niyakap ni Mika.

"Shhhhh buhay payun sampal lang naman ang inabot nun sayo. Pero kaylangan nyang mag paalam sa mga magiging anak nya mukang napuruhan ang tut tut nya HAHAHAHAH" Biro ni Mika dahilan para matawa silang parehas.

Weird

Parang kanina lang ay para syang namatayan kung imiyak ngayon naman ay tawa ng tawa. Napatingin ako sa tabi ko ng may tumapik sa balikat ko. Si Aris...

"Wag mo silang pakinggan masama yan" suway nya saken at bahagya pang tumawa. " Tara na baka mahuli ulit tayo at baka matulad tayo kay Banjo na nag hahabol ng hininga ngayon" gulat akong napatingin kay Aris. Ganon ang inabot ni Banjo sa simpleng sampal na iyon!? " HAHAHAHAHA biro lang pero tulog parin sya hanggang ngayon" sabi nya habang nag lalakad parin kami papuntang clinic.

"Ok na sya Ms. Fermin don't worry sa ngayon ay kaylangan nalang nya gumising at ok na talaga sya totally" paliwanag si Nurse Kath. Napatango naman si Ms. Fermin saka sinalubong ang tingin namin. Napabuntong hininga pa sya bago mag salita.

"Kakausapin ko si Dean tungkol dito jusko mga bata kayo" problemadong sabi ni Ms. Fermin saka kami tinalikuran. Sinundan pa namin sya ng tingin hanggang sa nakarating sya sa harapan ng office ni lolo.

"Cliona" para akong napako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang pangalan nayun. Hindi ko magawang lumingon sakanila dahil sa kinakabahan ako baka nakita nila akong nakikinig sa usapan nila.

"Kamusta sya?" Ayan nanaman ang walang emosyon nyang boses.

"Ok na sya sabi ni Nurse kath pag nagising daw sya eh pwede na syang bumalik sa klase" paliwanag ni Rumsel.

"Buti naman" hugot nya ang malalim na hininga.

"Are you ok?" Sabay na tanong ni Zaggy at nung Justine kaya napatingin ako sakanilang dalawa.

"Salamat" yung lang ang sinabi ni Cliona at tumama ang paningin namin. "Pasensya na" nanlaki ang mata ko sa binitawan nyang salita. Teka nag sosorry ba sya saken?

"Kung nakita nyo pa ang ganong pang yayari" dagdag nya saka binaling ang paningin sa mga kasama namin. Naiwan akong naka tulala sakanya. Napahiya ako don ah!

"Ayos lang ang Astig nga eh" natatawang sabi ni Aris.

"Ang alen? Ang manakit? Yun ba ang astig ngayon sa paningin nyo ngayon? Kaya ba nanakit kayo para lang matawag kayong astig?" Sabi nya saka bumaling sakit at agad na nilipat ang tingin kay Aris na ngayon ay naka yuko na dahil sa pamamahiya.

"Wag mong intindihin ang sinabi ko. Mauuna nako" sabi nya bahagya pa nyang tinapik ang braso ni Aris bago tumalikod. Nanailang hakbang pa sya ng bigla syang huminto.

"Wag nyong hayaan na mag ayaw kayo ng dahil sakin. Maraming salamat sa pag tanggol sakin Katty pero sana ayusin nyo ang alitan nyo ng kamag anak ni Einstein ayoko maging dahilan ng pag aaway nyo" sabi pa nya ng hindi kami nililingon saka nag patuloy sa pag lalakad.

"Aris ang pangalan ko hindi Kamag anak ni Einstein!" Sabi ni Aris agad namang tinaas ni Cliona ang kanang kamay nya.

"Alam ko Arcelio Jhon Einstein!" Balik na sigaw ni Cliona. Gulat namang napatingin samin si Aris.

"The heck!" Sigaw pa nya. "Oh pano bayan Katty narinig mo naman ata ang sinabi ni Idol" taas baba pa ang kilay nya habang naka tingin kay Katty.

"What ever!" Sabi ni Katty saka sumunod kay Cliona.

"Kakaiba talaga ang kaibigan mo MikMik" si Zaggy. Napangiti naman si Mika saka tumango

"Pero hindi nyopa sya lubos na kilala." Sabi nya na nag bigay ng matinding kilabot sa buong pagkatao ko. "Halika na Rumsel, Roi at Justine baka nandon na si Ser Choco at bigyan ulit tayo ng lifetime quiz" sabi nya pa saka kami tinalikuran agad naman sumunod sakanya yung tatlo. Nag titigan pa kami nung Justine at talaga namang ang sama ng tingin nya saken. Problema non!?

"Putcha Dre! Alam ang kumpleto kong pangalan!" Ngiting sabi ni Aris kaya binatukan sya ni Zaggy

"OA mo Dre!"

"Sus porket di lang sinabi ni Cliona ang buo mong pangalan selos ka agad" asar pa ni Aris

"I'm not jealous"

"Wehhhhhh?"

"Yeah"

"Ok, hindi naman kayo bagay eh"

"What!?"

"What what ka jan Dre baket may gusto kaba kay Cliona?"

"Wala ah! It just that I'm impress to her she's unique" sabi ni Zaggy hanggang naka ngiti.

"Wala to Ae nahihibang na" sabi ni Aris para matawa kaming parehas.

"Ikaw na Ae dika ba nagulat sa mga nagawa ni Cliona. Biruin mo yun si Banjo nabuhat nya mg isang kamay!?" Dagdag pa ni Aris.

"Nagulat malamang" tipid na sago ko

"Kaya ikaw Aero stop bullying her baka mamaya ay ikaw na ang sumunod kay Banjo" sabi ni Zaggy na sinang ayunan naman ni Aris

"Bakit ako!?"  Inis kong tanong.

"Just listen to him Ae. We don't know exactly who's Cliona Wolverson" dagdag ni Aris.

"Eh hindi ko naman sya gagantihan kung hindi sya nauna!?"

"Kasalanan nyo parehas Dre! Bigla tayo dumaan sakto naman tatayo si Cliona kaya nya natapon ang juice na hawak nya. Kwinento samin lahat ng nangyari ng mga naka kita at wala kaming makitang mag papatunay na tinapon talaga nya yun ng sadya sayo. Dahil sa pang yayaring yun nagalit pa tuloy si Katty saken" ngusong sabi ni Aris.

"Sorry" sabi ko. Nginitian naman nila ako pareho.

"Ok lang Dre nang yari na eh wag nalang sana umabot ulit sa ganto." Sabi nya saka inakbayan ako at pare parehas kaming pumasok sa room. Wala pa ng History lecturer namin kaya nakapag kwentuhan pa kami ng ilang minuto.

"Mr. Tyson go to dean's office together with Mr. Mendez and Mr. Einstein" sabi ni Mr. Choi ng maka pasok sya. Nagkatinginan pa kaming tatlo bago kami lumabas.

"Bakit kaya tayo pinapatawag?" Tanong ni Aris

"Baka yung tungkol kanina sa nang yari sa Canteen" sagot ni Zaggy

"Eh bat pati tayo kasama?" Tanong ko

"Tayo ang nag dala kay Banjo sa Clinic at saka kasama namin sila Cliona sa Canteen kanina" paliwanag nya.

"Eh bat kasama nyo sila!?" Kaya ba hindi nila ako hinintay dahil don!?

"Nag sorry kami sakanya kanina Dre kase panigurado namang hindi mo gagawin yun at katulad ng dati hindi nya tinanggap yung sorry namin kase aminado naman syang may kasalanan din sya. Then kwinento ni Mika lahat ng nangyari at hindi nga sadya ni Cliona ang nang yari" paliwanag ni Aris tango tango naman si Zaggy.

"Eh bakit hindi nyo ako pinapansin kanina?" Tanong ko ulit nagkatinginan naman sila saka bumuntong hininga.

"Malalaman mo mamaya pag nag usap usap na sa Office" paliwanag ni Zaggy habang naka tingin sa malayo. Si Aris naman eh seryoso nanaman ang muka kaya nag taka ako sa inaasta nila.

"Bakit?" Tanong ko ulit at umaasang sasagutin nila ang tanong ko. Pero wala akomg nakuhang sagot sakina kaya lalo akong nag taka sa kinikilos nila. Pero wala akong magawa ng makarating kami sa tapat nh office ni lolo. Paunang pumasok si Zaggy na sinundan ni Aris. Buntong hiningan naman akong pumasok sa Office ni lolo at sumalubong sakin ang seryoso nyang muka

"Mabuti't nandito na kayo,"

"Sit"