Aero P.O.V
"Sit" utos ni lolo kaya umupo kami kung nasaan sila Roi, Rumsel, Katty at Justine na naka upo habang naka yuko sa tapat naman nila si Banjo na may tissue pa sa ilong at talaga namang magagawa ang pisnge kung saan sya sinampal ni Cliona kanina.
"Ms. Nuevo nasan na si Mika at Cliona" tanong ni Lolo. Nangunot naman ang noo ko dahil sa pangalan nya tinawag si Cliona at Mika.
Ano ba Aero hindi big deal yun!
"They here Dean" sabi ni Ms. Nuevo na syang secretary ni lolo. Lahat kami napatingin sa pintuan ng pumasok si Mika kasunod si Cliona na walang emosyong tumingin saming lahat pinandilatan naman nya ng mata si Banjo na masamang nakatingin sakanya. Pigil ang tawa naming tatlo ng biglang dilaan ni Cliona si Banjo na halata namang inaasar nya.
"Have a sit Ms. Santiago and Ms. Wolverson" nakangiting sabi ni lolo agad naman silang umupo sa tabi nila Katty habang kami nakatayo sa likod nila at si Ms. Fermin ay nasa gilid ni lolo kasama si Ms. Nuevo.
"So sino ang nag simula ng gulong ito?" Tanong ni lolo.
"Si Cliona Dean" sagot ni Banjo habang masama ang tingin kay Cliona.
"Wayyyyy sinungaleng" singit ni Cliona dahilan para mag tawanan kaming tatlo kasabay ang mga kaibigan nila.
"Silent!" Sigaw ni lolo dahilan para natahimik kami.
"So pano nag simula ito?" Tanong ulit ni lolo.
"Eh kasi Dean nasa Canteen po kami nakain ng bigla dumating sila Aris at Zaggy tapos bigla po silang hinarang ni Banjo hinahanap po si Aero" paliwanag ni Roi dahilan para gulat akong mapatingin kay Roi na syang naka lolo naman ang paningin.
"Bakit naman nya hinahanap ang apo ko?" Takang tanong ni lolo.
"Bubugbugen nya ang apo mo" diretchong sagot ni Cliona para mapatingin kami sakanya at mas lalong nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi nya.
"Sinungaleng!" Sabat ni Banjo.
"Talaga? Gusto mo ulitin ko sayo yang ginawa ko at matuluyan kang mabaog!?" Maangas na tanong ni Cliona.
"Kita mona Dean barumbado talaga yang gagong yan!" Sigaw ni Banjo.
"Watch your words Mr. Murrer!" Suway ni lolo sakanya.
"Cliona is right dean. When we follow Cliona that time, nakita namin sya ni Aris na nasa gilid nilapitan namin sya pero inutusan nya kaming wag maingay at tumabi sakanya. Nagkatinginan pa kami nun ni Aris pero sumunod nalang kami then we heard Mr. Murrer and Alistaire talking" paliwanag ni Zaggy.
"Nag sumbong po si Alistaire kay Banjo kaya nagalit po si Banjo dahil may gusto sya kay Alistaire kaya walang pag aalinlangan na susugudin nya si Aero. Kaya sinabi po samin ni Cliona na wag muna namin lapitan si Aero kase baka madamay kaming dalawa ni Zaggy" dagdag pa ni Aris. gulat akong napatingin kay Cliona na ngayon ay nakikipag laban ng masamang tingin kay Banjo.
"Continue" sabi ni lolo.
"Kaya nung nasa canteen po kami hinarang ni Banjo sila Aris at Zaggy hinahanap po si Aero pero pinigilan po nila si Banjo na pumunta sa room nila kaya tinulak nya parehas si Aris at Zaggy na sakto naman pong nahawakan ni Mika" paliwag ni Rumsel.
"So paanong nangyaring napasok si Ms. Wolverson sa away?" Takang tanong ni lolo.
"Pasugod napo si Banjo sa Class B ng harangin po namin sya ni Justine pero po natulak nya po kami pareho tapos bigla syang hinarang ni Clio para hindi na matuloy doon po nagalit si Banjo at sinakal si Cliona." Paliwanag ni Katty at naiiyak pa agad naman syang hinawakan ni Aris para pakalmahin.
"So Mr. Murrer why do you want to hit my grandchild?" Nang gagalaiting tanong ni Lolo kay Banjo na agad namang nag baba ng tingin.
"Sinampal nya kase Dean si Alistaire" nanlaki ang mata ko at galit na tumingin kay Banjo.
"Dahil lang don!?" Nang gagalaiting sigaw ko.
"Oo! Alam ng lahat na akin lang si Alistaire pero syinota mo tapos ngayon saaktan mo!?" Sigaw na din nya.
"Dahil hinalikan nyako!" Sigaw ko din.
"Enough!" Galit na talagang sabi ni lolo.
"Ms. Santiago explain why did you stop Ms. Fermin when she going to stop this two!?"
"Eh kase madadamay sya" diretchong sagot ni Mika dahilan para gulat kaming mapatingin sakanya.
"M-mada— WHAT!?" sigaw ni lolo
"Madamay Dean madamay" ulit ni Cliona sa sinabi ng kaibigan.
"I heard! I mean bakit naman madadamay si Ms. Fermin?"
"Galit si Cliona Dean at sisipain nya si Banjo para mabitawan sya pag hindi ko pinigilan si Ms. Fermin baka sabay silang lumipad ni Banjo at kung nagkataon baka pati si Ms. Fermin eh tulog parin hanggang ngayon. Ikaw ba namang mahampas sa pader tapos may dambuhala pang dadagan sayo sinong dilat paren hanggang ngayon eh halos mag crack nga ang pader sa canteen ng tumama si Banjo don" paliwanag ni Mika dahilan para palihim kaming mag tawanan.
"But that's not Right Ms. Santiago I'm your lecturer I'm obligated to handle all of you no matter what" mahinahong sabi ni Ms. Fermin.
"Ma'am pag nadamay kayo ako ang malalagot sa isang to" turo nya kay Cliona na naka pikit na.
Tulog?
"W-what do you mean?" Tanong ni Ms.
"Secret ma'am basta kung para sayo ay mali ang ginawa ko I'm sorry pero para samin ni Cliona tama yun dahil wala ka namang ginawang masama para madamay sa gulo nilang dalawa." Paliwanag ni Mika. Gulat naman kaming napatingin kay Ms. Fermin ng bigla syang humikbi.
"T-thank you" sabi nya saka tuluyang umiyak agad naman syang inalo ni Ms. Nuevo palabas.
"Mr. Murrer bring your parents tomorrow" sabi ni Lolo saka tumayo.
"Pero dean! Pano tong sumampal saken!?" Sigaw ni Banjo.
"What!? HINDI MOBA KILALA ANG KINALABAN MO!?" galit na talagang sigaw ni Lolo. Taka naman akong napatingin kay lolo na namumula na sa galit.
"Bakit sino ba sya dean" sarkastikong tanong ni Banjo.
"Ako ang mag hahatid sayo kay Kamatayan pag hindi kapa lumabas dito" gulat kaminf napatingin kay Cliona na ngayon ay unti unting bumukas ang mata. At galit na tumingin kay Banjo. "Bibigyan ulit kita ng tatlong segundo para makalabas at makalayo dito siguraduhin mong di kita maabutan dahil pag naabutan kita kumaway kana sa Impyernong sasalubong sayo" nanlikisik ang mata ni Cliona na tumingin sakanya.
"ANG YAB—!"
"ISA" agad namang tumakbo palabas ni Banjo halos madapa pa kakamadali ng bumilang si Cliona.
"Salamat Dean" sabi ni Mika tinanguan naman sya ni Lolo at bumalik sa pag kakaupo. Bumulong naman si Cliona kay Mika at tango tango naman ang sinagot nya.
"Mauna na kayo Roi may sasabihin lang kay Dean. Hintayin nyo nalang kami sa labas ng Office. Zee wag nyo muna silang Iwan baka balikan ni Banjo eh" Sabi ni Mika tango tango naman ang nasagot nila saka lumabas.
"Oh ikaw ano pa ginagawa mo dito?" Tanong ni Cliona saken.
"A-ah lalabas na" nag madali akong lumabas sa office ni lolo. Lahat sila ay naka tingin sakin ng lumabas ako.
"Wae!?" Tiningnan ko si Katty at Justine na masama ang tingin sakin.
"Nakita moba yung leeg ni Clio!? Dahil sayo yon tapos binubully mopa sya palagi!" Sigaw ni Katty saken. Sasagot na sana ako ng bigla may mag salita sa likod ko.
"Wag nyo syang sisihin walang may gusto sa nangyari. Knowing kay Clio na hindi naman nya iniinda yun" lalo akong napayuko dahil sa guilt.
"S-salamat" halos bulong na lang na sabi ko.
"Wag ka sakin mag thank you kay woder woman" natatawa nyang sabi.
"Nasan na pala si Cliona?" Singit ni Justine.
"Miss agad" kantyaw ni Mika na dinag dagan naman ng mga kaibigan nila. Kunot noo ko naman tiningnan si Justine na naka ngiti na ngayon.
Yuck!
"Nag uusap pa sila ni Dean" sagot ni Mika. "Hintayin nalang daw natin sya sa parking lika na" aya nya agad naman kaming sumunod sakanila.
"Kaano ano mo si Cliona?" Nagulat kame ng biglang tanong ni Aris kay Justine habang naka taas na ang kilay.
"Huh?" Takang tanong ni Justine. "Wala naman seat mate?" Hindi rin sure na sagot nya. Napatango tango naman si Aris sabay akbay kay Katty na agad naman syang pinalo sa kamay.
"Kath naman!"
"Kath mo muka mo!" Suway ni Katty sakanya ng biglang...
"MIKKKKKKK!" Lahat kami napatingin kay Mika na inilagan ang kamao ni Banjo!
"Tang'na!" Sigaw ni Mika kasabay ng pag lipad ng kamao nya sa muka ni Banjo. Agad naman syang tinulungan ni Justine na agad sumapak sa muka ng kasama ni Banjo.
"Katty, Roi, Rumsel tawagin nyo si Cliona—Arggghhhhhhh!" Natamaan sya ng bata ni Banjo sa binti dahilan para matumba sya. Akmang lalapit na ako ng...
"Wag Jan kalang!" Sigaw ni Mika agad na tumayo at pinunasan ang dugo sa labi nya.
"Tang'na wala pang nakaka bangas sa muka ko gago!" Sigaw nya sabay sinipa nya sa sikmura yung lalaki na sumapak sakanya.
"Puta sabing wag kayong lalapet kulet!" Sigaw nya ulit ng akmang lalapit si Zaggy.
"Zee!" Sigaw ni Aris dahilan para mapatingin ako sa gawi ni Zaggy na ngayon ay may lalaki na naka higa at namimilipit sa sakit. Gulat na napatingin si Zaggy sa likod nya at nandon si...
Cliona
"Ayos kalang?" Tanong nya kay Zaggy halata ang pag aalala sa mata nya. Agad naman syang tinanguan ni Zaggy. "Justine!" Sigaw nya saka sumugod dun kay Justine at sinapak si Banjo na dapat hahampasin sya ng kahoy sa likod. "Pumunta kayo sa Kotse ni Goku bilis!" Utos nya saka tinulak si Justine papunta samin. Agad namang lumapit si Mika samin habang pinupunasan ang labi.
"Pano si Cliona Mik! Tatlo ang kalaban nya!" Si Rio na nasa likod nanamin.
"Sumunod nalang kayo para walang mapahamak. Kilala ko si Cliona" sabi nya."san ang kotse mo Aero?" Tanong nya sakin agad naman akong kumilos papunta sa kotse. Isa isa silang sumakay don. Nilingon kopa si Cliona na pinag tatadyakan ang lalake ng biglang...
"Cliona!" Sigaw ko sabay sipa sa lalaki na may hawak na Baseball bat na akmang ihahampas sakanya.
"Putcha! Anong ginagawa mo dito Goku!" Sigaw nya saka sinalag ang kamao ni Banjo.
"Tangina Goku HAHAHAHA! ano to dragonball kung ganon ako si Vegeta!" Sabi ni Banjo saka akmang sasapakin ako ng biglang humarang si Cliona at sinipa sya sa sikmura dahilan para tumalsik sya.
" Oo, at ikaw si Majinbu!" Sigaw nya saka sinipa ulit si Banjo sa muka dahilan para tuluyan makatulog. "Putcha! Nakulangan kapa sa tulog mo kanina at nag hangad kapa ng pani bagong pahinga. Sa susunod pa mag krus pa ang landas natin sa ganitong sitwasyon. Mag papahinga kana habang buhay tandaan mo yan pitsu" sabi nya saka tuluyang pinatulog si Banjo.
"Ms.Cliona!" Napatingin ako sa sumigaw. Si Ms. Nuevo.
"Nakita mo ang boong pang yayari gusto ko matanggal sya dito ora mismo. INTENDES!" Hindi ko alam pero parang nakkita ko ang takot ni Ms. Nuevo sa kausap.
"Opo!" Agad na tumakbo si Ms. Nuevo pabalik sa office ni Lolo. Tiningnan ko si Cliona at nag tama ang mata namin.
"Ayos kalang?" Tanong nya agad naman akong tumango sakanya. Buntong hininga syang nag lipat ng tingin sa likod ko at nandon ang mga Kasama namin na nasa labas na ng kotse. "Bilisan mo may bangas ang kaibigan ko" sabi nya saka lumapit sa mga kasama namin agad naman akong sumunod sakanya.
"Wala bang nasaktan sainyo maliban dito kay Mika at Justine?" Tanong nya na agad namang umiling sila Roi Katty at Rumsel ganon naman sila Aris at Zaggy. "Mabuti naman" hugot nya ng malalim na hininga.
"Hanggat maari ay wag muna kayo humiwalay samen. Sasabay kayo kakaen samen sasabay den kayo umuwi samen hangga't hindi na papaalis si Banjo sa school nato napag usapan nanamin to ni Dean." Paliwanag nya agad naman silang sumang ayon. "Tiisin mo muna ang galit sakin kahit ilang araw lang mas makakatulong yun hindi lang sayo pati sa mga taong naka paligid sayo. Ipunin mo muna yan saka na tayo mag away pag ayos na ang lahat" baling nya sakin gulat naman akong napatingin sakanya. Ganon ba kalala ang ginawa ko sakanya para isipin nya sobrang galit ang nararamdaman ko sakanya. Oo galit ako sakanya yung tipong makita ko lang sya umiinit na ang ulo ko yung tipong pag gumagawa sya ng mga kakaibang bagay na hindi pang babae nakakapang liit ng pagkatao ko bilang lalake. Ayoko sya makita lagi dahil nasisira ang araw ko pero anong magagawa ko kung pare parehas naman kaming mapapahamak kung pride at ego ang ipapa iral ko.
"Pero kung hindi mo naman maiwasan ikaw nalang ang lumayo samin. Sasama sakin ang mga kaibigan mo kung hindi mo talaga makaya ang presensya ko ikaw na ang bahala sa sarili mo ang akin lang ay walang mapahamak isa man sa mga tao dito" huli nyang sabi saka kami tinalikuran. Napatingin ako sakanila at lahat sila ay naka tingin sakin.
"Dre pumayag kana kapakanan naman natin ang iniisip nya" Ani ni Aris.
"Oo nga Aero tiisin mo nalang atsaka hindi mo naman mararamdaman ang presence ni Clio kase madalang lang sya mag salita" dagdag ni Katty.
"Remember Ae, ikaw ang target ni Banjo pwede ka nilang balikan kahit kaylan nila gusto" singit ni Zaggy.
"Nako nakakatakot sila!" Si Roi
"Kung ako sayo papayag nako" si Rumsel
"Wag nyong pilitin si Aero kung ayaw nya. Bilisan nyo kumilos gutom na si Cliona" si Mika saka sumunod sa kaibigan na sinundan naman nila Justine,Katty,Roi at Rumsel.
"Ano Dre? Ayos kalang ba?" Tanong sakin ni Aris agad naman akong tumango.
"The decision is yours Ae, you know Banjo hindi natin alam ang takbo ng utak nya" Si Zaggy habang naka akbay sakin. "Let's go baka magalit na si Cliona sa tagal natin" sabi nya saka umalis na agad naman kaming sumunod sakanya.
"Tsk! Hindi kase nag iingat!" Si Cliona habang binubulyawan si Mika.
"Ang dami nila ah!" Si Mika.
"Kaya mo sila Mikaela hindi kalang talaga nag iingat!" Kunot noong singhal nya kay Mika.
"Oo na punyeta!"
"Tsk! O kayo sumakay na kayo sa kanya kanya nyong sasakyan papanoorin namin kayo umalis lahat" sabi nya. "Bilis nagugutom nako!"
"Ingat!" Kuway ni Mika samin.
"Salamat Cliona!"
"Thanks Mik and Cliona!"
"Thank you mga bakla Ingat kayo!"
Kanya kanya nilang bati na tinanguan naman ni Cliona at ngiting kumakaway naman si Mika.
"Oh ikaw alis na bilis" baling nya sakin. Tumango naman ako saka sumakay sa kotse ko at nag drive pauwi. Nang makarating ako agad akong pumasok sa bahay.
"I'm home!" Nagulat ako ng biglang may sumigaw mula sa kusina.
"AEAE!"
"Mommy!?" Halos bitawan kona ang bag ko kakamadaling pumunta sakanya para lang mayakap.
"Miss ako ng AeAe ko" ganting yakap ni Mommy. Nang makaharap ako sakanya.
"Nasan si Dad, Mom?" Tanong ko sakanya bago umupo agad naman akong hinainan ni Mommy ng pagkain.
"Manang patawag si Honey kakain na" utos ni Mommy agad namang umakyat si Manang sa office ni Daddy.
"Anong oras kayo dumating Mom? Tanong ko sakanya.
"Lunch time Baby sinundo kami ni Ailey at ni Percy" napatango naman ako sa sinabi nya
"Nasan si Ailey?" Tanong ko ulit.
"May pasok pa sila parehas ng nobyo nya" sagot ni mom napatingin naman ako sa gilid ko ng may tumapik sa balikat ko.
"Dad!" Tumayo ako at niyakap sya.
"How's school man" tanong ni Dad agad naman ako nag iwas ng tingin ng maalala ko yung nang yari kanina.
"It's fine dad, quit hard lalo na sa Bio" sagot ko habang nasa pagkain ang tingin ko. Nag simula naman silang kumain ganon din si Manang.
"Tapos napo ako aakyat nako Mom, dad, manang may home work papo ako" sabi ko saka bumeso sakanila.
"Goodnight sweetie" sabi ni Mommy. Nginitian ko naman sila bago umakyat sa qkwarto ko. Agad akong pumasok ng banyo para maligo. Pinabayaan ko lang umagos ang tubig sa buo kong katawan.
Nakakainis man ang kayabang ni Cliona diko matatanggi na namangha talaga ako sa mga kaya nyang gawin. Aaminin ko na parang natapakan ang pagkataon k bikang lalake dahil sakanya pero nag papasalamat parin ako dahil kaya nyang gawin ang mga kayang gawin ng mga lalake. Marunong naman ako makipag suntukan pero hindi katulad ng kila Cliona at Mika. Naiinis o galit man ako sakanya pero ano ang choice ko kung ako din naman ang makikinabang don? Tama si Zaggy, hindi namin alam ang takbo ng utak ni Banjo maari bukas makalawa ay nang hihingalo nako at nag mamakaawa sa pangalawang buhay. Pero sa kinilos ni Cliona para bang hindi sya natatakot sa pwede gawin sakanya ni Banjo at ang mga bata nito.
"Ikaw na lumayo habang maaga pa"
"Hindi patas makipag laro ang kaibigan ko kaya kung ako sayo hindi ako makikipag laro sakanya"
Napa hinga ako ng malalim ng maalala ko lahat ng binitawang sakita sakin ni Mika.
"Bakit hindi mo din naman ako kilala. Hindi mo din kilala kung sino ang kinakalaban mo."
Biglang nag echo sa tenga ko ang binitawang salita ni Cliona nung unang araw na magka tapat kame.
"Siguro nga dipa kita kilala at kaylan man hindi ka mag papakilala. Ano naman ang magiging dahilan para magpakilala ka? At ano kabang klaseng tao para magpakilala pa?"
Napa buntong hininga ako sa sariling tanong ko.
Tama sino ka nga ba talaga? At pati si lolo ay ganon nalang ang reaksyon ng itanong ni Banjo ang tungkol sa pagkatao mo. Sino ka nga ba talaga at kahit ni Nuevo ay napa sunod mo?
Mabilis kong tinapos ang pag ligo ko at nag bihis na at mabilis na binagsak ang sarili sa kama. Masyadong nakakapagod at kakaiba ang araw nato kahit sino ay hihilingin ang matinding pahinga.
"Tiisin mo muna ang galit sakin kahit ilang araw lang mas makakatulong yun hindi lang sayo pati sa mga taong naka paligid sayo. Ipunin mo muna yan saka na tayo mag away pag ayos na ang lahat"
"Pero kung hindi mo naman maiwasan ikaw nalang ang lumayo samin. Sasama sakin ang mga kaibigan mo kung hindi mo talaga makaya ang presensya ko ikaw na ang bahala sa sarili mo ang akin lang ay walang mapahamak isa man sa mga tao dito"
"Ano pa nga ba ang magagawa ko edi ang pumayag"...