Aero P.O.V
Tamad akong bumangon at pumasok sa Cr nang matapos kong mag ayos agad akong bumaba nandon na silang Lahat kahit si Ailey na naka uniform nadin.
"Good morning!" Bati ko sakanilang lahat
"Good morning sweetie. Kumain kana muna" aya ni Mom kaya umupo ako sa tabi nya at nag simula ng kumain. Fried rice, hotdog,itlog,sausage at bacon ang naka hain sa mesa kasabay ay kape.
"Ano nang balita doon sa lalaking balak bumugbog sayo?" Tanong ni Ailey dahilan para matigilan ako.
"O my! How are you baby!?" Si mommy at tiningnan ang buo kong katawan.
"I'm fine Mom don't worrt hindi nyako nagalaw" paliwanag ko.
"Ano ang sabi ni Dad, Ailey" si Daddy.
"Hindi naman nasaktan si Aero dahil may schoolmate sya na tinulungan sya and kakausapin nila ang parents ng student dahil ipapa expell nila" paliwanag ni Ailey. Napa hinga naman ako ng malalim. Buti naman!
"Buti nalang walanf nangyari sayo! Oemji I want to meet that guy to thank him!" Si mommy dahilan para manlaki ang mata ko.
"Her mom her. Babae ang tumulong sakanya" si Ailey habang masama ang tingin sakin.
"Really!?" Hindi nakapaniwalang tanong ni Mommy.
Napapahiya naman akong yumuko." Y-yes Mom" sagot ko.
"O MYYYYYYY! I WANT TO MEET HER!" si Mommy dahilan para mapa pikit ako sa inis. Ang bilis talaga humigop ng balita nito ni Ailey!
"What is her name?" Nakangiting tanong ni Dad kaya napa tingin ako sakanya.
"D-dad?"
"Her name?" He said again. Napalunok pako ng dalawang beses. Sasabihin koba? O wag na? Pangalan lang naman diba?
"C-Cliona po" sagot ko saka napa pikit ng matindi. Agad akong napa angat ng tingin kay Ailey ng biglang bumagsak ang kutsara at tinidor hawak nya at parang naka kita ng multo.
"W-what?" Halos bulong na tanong nya sakin.
"Why?" Taka kong tanong sakanya.
"N-nothing, I-I'm leaving" sabi nya saka tumayo at umalis. Anong problema non!?
" Don't mind her sweetie. By the way Nice name. I wan't to meet her anak" kinikilig na sabi ni Mommy.
"Let's thank her then" si Daddy. Agad naman akong napatayo.
" A-ah papasok napo ako" sabi ko at dali daling umalis sa bahay at sumakay sa kotse. Nasa kalagitnaan ako nag mag mamaneho ng bigla may tumawag.
"Dre!" Si Aris
"Oh?" Sagot ko
"Nasan kana?" Tanong nya
"Malapit na bakit?"
"Putcha! Bilisan mo ang sama na ng tingin saken ni Cliona!" Napa preno ako bigla dahil sa sinabi nya.
"A-ano?"
"Bilisan mo kanina pa kame nag hihintay dito. Naka limutan moba ang napag usapan natin kahapon? Putcha dre bilis!" Sabi nya saka pinatay ang tawag. Napahinga ako ng malalim saka nagmadali sa pag mamaneho. Nang makapasok ako sa parking agad ko silang nakita. Kumpletong kumpleto. Agad akong bumaba kahit dipa naka ayos ang pag park ko sa sasakyan ko.
"Yownnn! Dumating den" si Aris agad naman akong nilapitan. "Tagal mo dre" sabay tapik sa balikat ko. Lahat kami napatingin sa sa likod ng may dumaan na motor. Napa kunot ang noo ko ng makilala ko kung sino yon. Tiningnan ko ng masama si Aris na ngingiti ngiti saken.
"Sorry dre si Mika nag patawag sayo hehe ayaw daw ni Cliona na nag hihintay sakto naman eh hindi sya nag hintay kaya chill" binatukan ko sya dahil sa sinabi nya.
"Ayos naba ang tyan mo?" Tanong ni Mika agad na tinulungan si Cliona na tanggalin ang helmet na soot. Napatingin ako sa kabuoan ni Cliona. Lalong napakunot ang noo ko.
Really? Nag drive sya ng naka skirt lang?
"Oh nasan ang pants mo? Nag Drive ka ng naka ganyan!?" Si Mika at kunot noong tiningnan si Cliona.
"Anong problema may cycling akong soot atsaka diba ginamit mo yung pants ko kagabe" sabi nya habang pumapamewang pa.
"Oh eh last naba yun?" Kamot noong tanong ni Mika.
"Edi sana may soot ako ngayon kung meron diba at teka!" Sinuyod nya ang kabuuan ng katawan ni Mika. "Akin yan ah!" Kinurot kurot pa nya sa tagiliran si Mika.
"May tao" sabi ni Mika kaya napatigil sya saka tumingin samin agad naman syang napatayo ng tuwid.
"Magsipasok na tayo" sabi nya at nag paunang pumasok.
Weird
"Dre!" Singit ni Aris
"Oh?"
"Baka mapunit yang labi mo kakangiti. Tsk tsk! Sabi kona nga ba!" Dagdag pa nya agad ko naman sya sinamaan ng tingin.
Hindi naman ako naka ngiti ah! Gawa gawa talaga tong Aris nato.
"Ano nanaman!?" Singhal ko sakanya.
"Tama ang hinala ko" taas noo nyang sabi
"Na ano!?"
"Indenial ka!" Sigaw nya sabay takbo papunta kay Zaggy.
Putcha!? Saan naman ako naging Indenial!?
Humabol ako sa kanila dahil sa bilis nilang mag lakas. Hanggang sa makarating kami sa floor.
"Dito na kame salamat!" Kayaw ni Aris. "Katty sasabay tayo kakain mamaya HEHE" dagdag pa nya na animo'y babae na kinikilig.
"Sige kitakits!" Kaway din ni Katty.
"Thanks Mik, Cliona papasok na kami" paalam ni Zaggy.
"Uhmmm" tangong sabi ni Cliona.
"Hintayan sa Canteen ah kung sino mauna syang mag oorder!" Si Roi
"Gaga libre ka nanaman bakla ka!" Si Rumsel
"Parang dika pabor sa libre bakla parehas lang tayo dito na yayaman sa libre" biro ni Roi dahilan para mag tawanan kami.
"Papasok na kami bye!" Si Mika saka hinila si Cliona paalis. Agad naman kaming pumasok sa room at sakto naman ang dating ni Ms. Deguzman.
Ilang oras pa ang nilagi ng klase bago mag dismiss. Agad kaming bumaba katulad ng napag usapan. Nang maka rating kami ay ayan nanaman ang mga tilian ng mga babae.
"Ayan na sila!"
"OMO ANG GWAPO NI AERO!"
"SI Zaggy den ano ba!"
"Tingnan mo si Aris, Maryjane ang gwapo oh!"
"Pwede nakong mamatay ngayon!"
"Ayan na ang mga campus crush ng IS MANILA" biro ni Roi agad naman kaming umupo nasa gilid ko si Clio na napagkagitnaan namin ni Justine. "Oh dahil kayo ang late kayo ang mang libre!"
"ANO! USAPAN KUNG SINO MAUNA!" angal ni Aris.
"Oh eh kung hindi lang gutom ang reyna namin at hindi binara ang mga tanong ni Ms. Finto kanina edi sana hanggang ngayon eh nasa taas pa kami kaya hala sige tayo na at umorder" tinaboy taboy nya pa si Aris at sa huli wala kaming nagawa kundi ang umorder para saming lahat.
"Oh ayan na buraot!" Singhal ni Aris kay Rio.
"Ay Katty halika umorder tayo ng sarili nating pagkaen" aya ni Roi at hinila pa si Katty patayo.
"Ano!? Eh umorder nako ng pagkain nya!" Balik na singhal ni Aris.
"Buraot ako diba!? B U R A O T!" inirapan sya ni Roi.
"Eto naman di mabiro yan umupo kana dyosa ng mga kabaklaan" biro ni Aris kaya natawa kaming lahat.
"Letche!" Padabog syang umupo at sinimulan kumain. Nag simula na din kami kumain pero hindi maawat ang bunganga ni Roi na sinabayan pa nung tatlo kaya napuno ng tawanan ang mesa namin. Pero sadyang agaw pansin ang pananahimik ni Cliona. Tama nga ang sinabi ni Katty madalang sya mag salita pero nakukuha parin nya ang atensyon ko dahil sa sobrang pananahimik. Hindi manlang sya tumawa sa mga biro ng mga kaibigan nya mukang hindi sya interesado sa mga sinasabi nila at tila pagkain lang talaga ang pinunta. Ganon din naman si Justine pero mas malala ang katabi namin pareho hindi ko alam kung ako lang nakakapansin o sadyang hindi nalang nila pinapansin ang pananahimik ni Cliona. Dahil ba ayaw nyang mabaling ang atensyon ko sakanya at maski isang salita ay hindi nya mabanggit dahil ba iniiwasan nyang mainis ako sakanya kaya ganyan sya katahimik?
Mali Aero ang mga kaibigan na nga nya ang nag sabi na tahimik talaga sya at hindi mo mararamdaman ang presensya nya dahil hindi talaga sya nag sasalita
"May problema ba Cliona? Ang tahimik mo ata?" Sa wakas ay may nag tanong din ng gusto kong itanong.
"Ayaw nya lang ng maingay sa hapag" si Mika na ang sumagot dahil parang wala manlang narinig si Cliona maski ang pag angat ng ulo ay hindi nagawa. Nasa pagkain ang buong atensyon at parang may sariling mundo na binubuo sa isip.
"Ganon ba sorry kanina pa kami maingay" singit ni Aris at bahagya pang ngumiti kay Cliona pero katulad ni Zaggy hindi manlang sya nito tinapunan ng tingin.
"Sabi ko sainyo ay hindi nyo mararamdaman ang presensya nya kaya kumain nalang kayo" si Katty naman ang sumagot ngayon.
"Masanay nalang kayo" biro ni Mika pero ni isa samin ay walang tumawa. Nag patuloy kami sa pagkain ng bigla nanaman mag bukas si Roi ng panibagong topic.
"May nasagap akong balita" bulong ni Roi pero sakto na para marinig namin.
"Iba talaga ang tenga ng SC president mala elepante sa laki!" Biro ni Rumsel
"Gaga makinig kayo. Sa Friday ang announcement ng AP natin then ang magaganap na Yearly Sportfest!" Bulong nya ulit kanya kanya namang reaction ang mga kasama namin syempre dahil sa tuwa. "At eto pa" dagdag pa nya lahat kami nanahimik at handang makinig sa sasabihin nya. "May bagong exchange student sa Engineering department! Gwapo! Matalino! At higit sa lahat yummy!" Kinikilig nyang sabi at napayakap pa kay Katty.
"Talaga bakla sino!?" Excited na tanong ni Rumsel. Lahat naman kami sumeryoso at lumapit pa ng bahagya sakanya animo ay may sikreto kaming pag pupulong na bawal malaman ng iba.
"Percy Martinez"
Bago paman kami makapag react narinig nanamin ang pagbagsak ng kutsara mula kay Mika ng tingnan namin sya ay para syang naka kita ng multo habang nakay Cliona na ang tingin na syang natigil den sa pagkain lahat kami nagulat ng bigla syang tumayo ay walang pasabing lumabas ng Canteen. Akmang tatayo si Justine para sundan si Cliona ng pigilan sya ni Mika.
"W-wag, wag nyo sya susundan. K-kumain na kayo" sabi ni Mika pero hindi naka ligtas ang pag utal nya habang sinasabi yun.
"Anyare dun te?" Takang tanong ni Katty
"W-wala don't mind her" seryosong sabi ni Mika saka nag patuloy sa pagkain.
"Did she hear us?" Parang tangang tanong ni Zaggy. We gave him a R E A L L Y? Stare. "I-I mean she don't like noise when eating and she just ignore us for a minutes that's why I'm asking if she heard us talking and she can't take anymore our Noise that's why she walk out" paliwanag nya. Tango tango naman ang mga kasama namin na naka tingin kay Mika.
"Sana nga ganun lang" bulong nya sakto para marinig namin. "Masakit ang tyan nya kanina bago ako umalis sabi nya mauna nako kase tinatansya nyapa ang sikmura nya kaya paniguradong sumakit lang ang tyan non" paliwanag ni Mika napatango naman sila saka nag patuloy kumain. Pero hindi ako naniwala sa paliwanag ni Mika dahil halata naman na nag aalala sya kay Cliona at hindi lang sya maka alis dahil nasa harapan nya kami.
"Cr lang ako" paalam ko hindi kona sila hinintay sumagot at lumabas nako ng Canteen. Hinanap ko si Cliona sa hallway pero ni Anino nya hindi ko makita. Nag lakad ako ng diretcho habang nagala ang paningin. Napatigil ako sa pag lalakad ng may marinig ko ang piano na tumutugtog mula sa music room.
"I can't believe what i just saw
Could it be true
Are you the boy I thought I knew
The one who promised me his love
Where did it go
Does anybody ever know"
Lalo akong napatigil ng marinig ko ang boses nayun. Malamig, Maganda, masarap sa pakiramdam at Pamilyar. Lumapit ako sa may bintana para makita ko kung sino ang kumakanta don.
"How do you heal a broken heart
That feels like it will never beat this much
again
Oh no
I just can't let go"
Napako ang tingin ko sakanya. Bahagya pa syang nakapikit at ninanamnam ang bawat lyrics ng kinakanta nya.
"How do you heal a broken heart
That feels like it will never love this much again
Oh no"
Hindi ko alam kung bakit nanatili parin ako dito sa pinag tataguan ko at patuloy pinapanood si Cliona na kumanta habanf damang dama ang sakit ng lyrics ng kinatanta nya.
"Tonight I'll hold what could be right
Tomorrow I'll pretend to let you go"
Halos bulong na sabi nya at pagka dilat ng mata syang pag patak ng kanyang luha. Kita ko yun dahil sa ilaw na naka tapat sakanya.
Sa pangalawang pag kakataon nakita ko nanaman kung paano ka masaktan Cliona.
Aris P.O.V
"Naiihi ako saglit lang" paalam ko sakanila saka nag madaling lumabas. Nag palusot lang talaga ako dahil ang tagal ni Aero maka balik at mabigat din ang tensyon sa mesa namin simula ng umalis si Cliona. Pansin ko din ang pananahimik at pagka seryoso ni Mika kung mag biro man si Roi o Rumsel ay hindi sya nakikitawa katulad kanina. Para syang may malalim na iniisip at bawal mo syang sisirin at muling iahon sa pag kakalunod.
Nilibot ko ang tingin ko sa buong field pero wala sya kaya nag pasya akong pumunta sa hallway kung saan ang daan papuntang Cr ng boys. At mula sa dulo nakita ko si Aero naka upo sa sahig habang naka sandal ang buong likod sa pader. Sa sobrang pag aalala na baka may nang yari sakanya. Agad akong tumakbo papunta sakanya. Pero bago pako maka lapit sakanya rinig ko ang tipa ng piano mula sa music room na syang pinag sasandalan ni Aero.
"Find and put it all behind me
Wake and find that I have finally found
A new life
In my soul
And find that I know how to let you go
You go"
Ang boses nayun.... Maganda, sobrang ganda napaka lamig at pamilyar....
Tiningnan ko kung sino ang nakanta don
Cliona?
Muli kong tiningnan si Aero na naka pikit ani mo'y tulog pero ng maramdaman nya ang presensya ko gulat syang napatingin sakin. Bago pa sya mag salita ay tumabi nako sakanya.
"Wag ka maingay Dre, nag momomment si Cliona sa loob" bulong ko sakanya.
"Anong ginagawa mo dito?" Bulong din na tanong nya.
"Hinahanap kita ang tagal mo bumalik kala ko kung napano kana tapos eto kalang pala nag sasarili sa boses ni Cliona" asar ko sakanya nagulat ako ng bigla syang ngumiti.
Putcha!!!! NALINTIKAN NA!
"Wag kang mag isip ng iba jan nagagandahan lang ako sa boses nya tapos pamilyar masyado. Kanina kaya naka pikit ako inaalala ko kung saan ko narinig ang boses nya pero wala akong matandaan." Napa kunot ang noo ko dahil sa sinabi nya.
"Parang narinig kona kung saan ang boses nayan diko lang matandaan" dagdag pa nya.
"Putcha Dre! Baka may amnesia ka!"
"Tanga eh bat kilala kita!" Singhal nya sakin
"Pero seryoso Dre anong ginagawa mo dito?" Pag iiba ko ng Topic. Agad naman syang umiling at tumayo kaya tumayo na din ako. Muli kong sinukyapan si Cliona na nag titipa ng piano at wala ng boses ang lumalabas sa bibig nya bahagya pa syang nakayuko parang pinapanood ang sarili nyang kamay kung pano pumindot ng piano.
"Hindi ko din alam basta naabutan ko nalang ang sarili ko na nanonood sakanya" sabi nya habang nag lalakad kami pa balik sa canteen. " Ramdam na ramdam nya yung kanta kanina kaya naisip ko na baka ganon lang talaga sya kumanta pero mali ako" sabi nya dahilan para mapatigil kami pareho. Humarap pa sya sakin na may pekeng ngiti.
"What do you mean?" Takang tanong ko. Tuluyan naman nag laho ang peke nyang ngiti ng itanong ko iyon.
"Dalawang beses kona sya nakitang umiyak nung una ay iniisip ko na nababaliw na sya kase pag tapos nya umiyak kay Mika ay bigla syang tumawa ng pag kalakas lakas pero iba na ngayon. Sobrang lungkot ng Mata nya dahilan para tumulo sunod sunod ang luha nya" napalunok ako ng ilang beses ng talikuran nyako at nag simulang lumakad pabalik sa canteen. Muli kopang tinanaw ang music room saka muling bumalik sa canteen. Walang imik akong umupo doon. Tahimik sila ng makabalik kami pareho ni Aero.
"Nasa music room sya" biglang basag ni Aero sa katahimikan. Lahat sila nasa kanya ang mata habang sya ay naka tingin lang sa pagkain nyang hindi parin ubos. Wala silang idea kung sino ang kinakausap ni Aero kaya tiningnan ko si Mika saka bahagyang ngumiti dahilan para tumayo sya at nag madaling umalis. Susundan sana sya ng mga kaibigan nila pero agad ko silang pinigilan.
"Give them a privacy. Maaring may mga bagay silang pinag dadaanan na hindi natin alam" sabi ko sakanila.
"What happen Ris?" Tanong ni Zaggy.
"Bumalik na tayo sa room" singit ni Aero at nag paunang tumayo saka lumabas ng Canteen.
"Sige na bumalik na kayo sa room nyo Kath mag kita nalang tayo sa parking lot mamaya" sabi ko saka sumunod kay Aero ganon din naman si Zaggy. Malayo pa kami kay Aero kaya nahila ako ni Zaggy sa braso.
"What the hell is happening?" Takang tanong nya kaya napa hinga naman ako ng matinde.
"May nasabi ata tayong hindi maganda kanina kaya umalis si Cliona" paliwanag ko
"What!?" Hindi makapaniwalang tanong nya. Kaya kwinento ko lahat sakanya mula nung mag paalam ako sanila na mag ccr hanggang sa usapan namin ni Aero kanina.
"Baka nga may nasabi tayong hindi maganda" pagsang ayon nya sa sinabi ko kanina. Hindi kona sya sinagot at nag patuloy sa pag pasok sa room. May 5 minuets pa kami sa lunch break kaya wala pa ang iba naming classmate. Tahimik kaming umupo sa kanya kanya naming upuan.
Hanggang ngayon ay diko alam kung bakit ganon ang naging reaksyon ni Aero. Siguro nga ay tama ako sa hinala ko ayaw lang talaga umamin nitong kaibigan ko. Well hindi ko naman sya masisisi kung bakit sya affected. Kahit sino ata na lalaki na makakita ng babaeng umiiyak ay ganyan ang magiginh reaksyon lalo na pag isang Cliona na mas malamig pa sa yelo kung makitungo mas invisible pa sa hangin pag kasama mas tahimik pa sa patay kung maka tikom ang bibig ang makita mong umiiyak sa di malaman na dahilan ay ganyan din ang magiging reaksyon. Pero tama talaga ang hinala ko.....
Indenial ka pre.....