Her Voice

Mika P.O.V

Mabilis akong pumunta sa Music room na syang  sinasabi nila Aris at Aero. Kung pano nila nalaman ay hindi ko alam at hindi na mahalaga iyon. Hindi pa man ako nakakalapit ng tuluyan ng marinig kona ang tipa ng piano mula roon.

Nandito nga sya....

Agad akong lumapit don at dahan dahan pumasok. Patuloy sya sa pag tugtog pero walang boses na lumalabas sakanya tanging piano ang kumakanda para sakanya.

"Clio" mahinang tawang ko sakanya sapat na para marinig nya. Agad naman syang nag angat ng tingin sakin at pekeng ngumiti. Peke yun dahil hindi lumabas ang malalim nyang dimple. Agad akong lumapit sakanya at niyakap sya kasabay naman nung ang tuluyang pag bigay ng luha na kanina pa nya pinipigilan.

Mas matanda man sya sakin ng isang taon wala akong pakeelam dahil sa gantong panahon at lugar ako lang ang masasandalan nya. May pagka isip bata man minsan si Cliona mas matured naman syang mag isip sa mga bagay bagay kesa sakin. Kung may kakaiba man sa pagkatao ni Cliona ay yun yung pagka adik nya sa Littlepony. Tsk!

"You'll be fine right?" I asked her she just gave me a fake smile. "You'll be fine" paninigurado ko sakanya.

"Putcha bat nandito payun?" Seryoso nyang sabi.

"Anong plano mo?" Tanong ko din

"Anong plano? Wala" diretcho nyang sagot sakin. Kung kanina ay para syang bata na umiiyak dahil inagawan candy pero ngayon ay bumalik nanaman ang pagiging seryoso nya. "Sige na bumalik kana" sabi nya kaya napa kunot ang noo ko.

"Hindi ka papasok?" Tanong ko sakanya.

"Mag uusap pa kami ni Dean Tyson tungkol sa kaso ni Majinbu" paliwanag nya.

"Majinbu?"

"Oo Majinbu si Banjo nangingisale kase samin ni Goku. Sya daw si Vegeta eh mas bagay sakanya ang majinbu" natawa ak dahil sa sinabi nya. Isang bagay na nagustuhan ko sa pagkatao nya. Madali nyang namamanipula ang nararamdaman nya. "Pasok na iwan mo nako dito ayos lang ako" wala akong nagawa kundi ang sumunod sakanya. Pag akyat ko palang sa floor ay kita kona sila Aris at Zaggy sa labas ng classroom nila. Wala atang lecturer.

"Wala kayong lecturer?" Tanong ko sakanila.

"Late lang siguro" sagot ni Aris.

"How's Cliona?" Zaggy asked kaya napalunok ako ng matinde!

"She's fine" nag iwas ako ng tingin at deretco sa classroom namin na paniguradong may lecturer na.

"Nasan sya?" Si Aris. Hindi ko sya tiningnan dahil nakay Aero ang paningin ko na nakatulala lang sa kawalan. Mukang hindi napansin ang presensya ko dahil sa binuo nyang bakod sa imahinasyon nya. "Kanina payang ganyan hindi namin makausap"paliwanag ni Aris. Napatango tango naman ako.

"Nasa dean's office si Clio kausap ni Dean" paliwanag ko. Tutal late nako lulubis lubusin kona.

"Ha!? Bakit daw!" Sa lakas boses ni Aris lahat ng classmate nya ay napatingin sa gawi namin ang kaninang tulalang si Aero ay nakatayo na ngayon at kunot noong nakatingin samin ngayon.

"Pag uusapan ata nila yung kaso ni Banjo" paliwanag ko.

"Bakit sya pa ang umaasikaso non?" Gulat akong napatingin sa likod ni Aris dahil sa seryoso at mukang galit na tono na tanong ni Aero.

"Sinugod tayo ni Banjo Aero at si Cliona ang nasaktan so what did you expect her to do?mag pa catering dahil nasakal sya ng bonggang bongga?" I sarcastically said.

"I don't mean that. I just saying that let lolo handle the situation" paliwanag nya.

"It's Cliona. No one dare to control her. Let just think that what she's doing is for Our  safety"

"Pero sya ang mapapahamak!" Literal na nanlaki ang mata ko dahil sa inasta nya.

"So you cared?" Ngisi kong tanong agad naman syang nag iwas ng tingin sakin. "Thanks for your kindness Mr. Tyson. But as what I've said. She's not Cliona for nothing. Sobrang late nako mauuna nako sainyo Mag kita nalang tayo sa Parking lot Bye!" Kumaway pako sakanila bago tuluyan talikuran.

Na wirduhan man ako sa inasta ni Aero hindi ko parin mapigilan ngumisi. Tsk! Tsk!

Iba talaga pag si Cliona ang gumalaw.

"MS. SANTIAGO! YOU'RE LATE!" Si Mr. Choco. Napanguso akong tumungo.

"I'm sorry ser galing po akong dean's office" palusot ko nag dadasal na sana maniwala sya.

"GO BACK TO YOUR SEAT!" Agad akong umupo sa Upuan ko. Hindi kona nilabanan ang tingin ng mga kaibigan ko dahil pag nahuli kami ni Choco pare parehas kaming malalagot.

"Aba't wala nanaman si Cliona!" Sigaw nya habang naka tingin saken.

"Nasa office pa ser" sagot ko

"At sa tingin mo maniniwala ako sayo!" Sigaw nya ulit napapikit ako sa sobrang inis.

"Eh bakit hindi nyo puntahan at mapahiya kayo?" Sakastikong sagot ko.

"Aba't parehas talaga kayong mayabang ng kaibigan mo!"

"Dahil may pag yayabang kami ser" kalmado kong sagot. Ang mga katulad kong hindi kumpleto ang everyday meal ay dapat hindi ginagalit!

"At ano naman yun? Ang utak nyong kakapirangot pa sa utak ko?" Aniya habang tumatawa pa. Tssss Baliw!

"Maganda rin ako ser. Tapos mayaman pa" sagot ko dahilan para matigilan sya at kami naman ang tumawa.

"SHATAPPPPP!" sigaw nya.

"Tss" lahat kami napatingin sa pintuan ng may mag react.

"Oh Ms. Wolverson buti naisipan mo pang pumasok sa klase ko. YOU'RE HALF OF HOURS LATE!" Sigaw nanaman nya.

"Alam ko may relo ako" pinakita pa nya ang wrist watch nya kay ser. Napuno nanaman ng tawanan ang buong klase.

"SHATAPPPPP!" galit na sigaw nya. Kaya palihim akong tumatawa.

"May ipagmamalaki kadin ba!?" Biglang tanong ni Ser habang nakangisi.

"Malamang, mayabang ako eh" walang emosyong sagot ni Cliona.

"At ano yun ang kakapiranggot na nalalaman mo den?! At ang yabang na nananalaytay sa dugo mo!?"

"Tsss kaya pala Chinese name lang ng Great wall ay hindi mo alam" ngisi ni Cliona dahilan para matawa na talaga ako. Biglang sumama ang tingin ni Ser kaya natahimik ako tumatawa.

"Sa taas ng IQ ko at sa dami ng binabasa ko araw araw posibleng malimutan ko ang tungkol don" kalmadong sabi ni Ser kahit halata mo ang nanlilisik nyang tingin. "Alam moba kung ilan ang IQ ko?" Ngising tanong ni ser.

"Ilan ba?" Kunwaring interesadong tanong ni Cliona.

"120" ngising ngising sagot ni Ser.

"Ako ba hindi mo tatanungin" umupo pa sya sa desk ng classmate namin habang naka krus ang mga braso.

"ANO!?" nag sisimula nanamang magalit na sigaw ni Ser.

"Hindi ba't pag tinanong ka ng isang tao ng kamusta at tatanungin mo din sya pabalik ng kamusta. Ako ba hindi mo tatanungin kung ilan ang IQ ko?" Bored na tanong ni Cliona.

"Ilan ba aber!?" Taas kilay na sagot ni Ser.

"110" diretchong sagot ni Cliona habang naka ngisi kay ser. " Ibig sabihin sampung porsyento lang ang nilamang mo saken at bente porsyento naman ang nilamang mo kay Mikaela. So it mean na lagpas pa sa kalahati ang nalalaman namin na alam mo baka nga eh may mas alam pa kami sayo?"

"Aba't mayabang ka talaga!?"

"May ipag yayabang naman kase ako Ser" sagot ni Cliona saka tumingin sa relo nya. "May limang minuto kapa para mag turo. Babalik nako sa upuan ko ser" ngising sabi nya saka pumunta sa pwesto nya.

"Siraulo ka talaga" natatawang bulong ko.

"Ganon pumatay ng oras. Masaket ang tyan ko gusto ko nang umuwe" paliwanag nya saka pumikit.

"Ayos kalang ba?" Tanong ni Justine.

"Oo" sagot ni Cliona habang naka pikit.

"Sa ngayon yan nalang muna. Punyetang 5 minutes! Class dismiss!" Sabi ni Ser saka padabog na lumabas ng classroom. Kanya kanya namang tawanan ang mga classmate namin habang nalabas. Agad namang lumapit samin sila  Roi, Rumsel at Katty.

"Gaga talaga kayong dalawa. Sakit ng tyan ko kakapigil kay tawa! HAHAHAHAHA!" Si Roi na maluha luha pa sa sobrang kakatawa.

"Halika na te nanjan na ang mga pagkain sa labas oh!" Turo nya sa pinto. Napatingin ako don at nandun nga ang tatlo sa pintuan agad naman silang niyaya ni Katty na pumasok.

"Hi girls!" Bati ni Aris.

"Hi papa Ris!" Sabay na sabi ni Roi at Rumsel.

"Hi girls ka jan eh lalaking lalaki si Justine" sabi pa ni Katty habang inaayos ang bag nya.

"Oo nga pala Hi pre!" Ngiting bati ni Aris tinanguan naman sya ni Justine sabay soot ng bag.

"Hindi ako sasabay sainyo may pupuntahan pako eh" sabi nya sabay baling kay Cliona na naka pikit paren buntong hininga naman syang nag iwas ng tingin. "Mauuna nako ingat kayo!"

"Bye Papa J!"

"Ingat pre!"

"See you!"

Kanya kanya nilang bati.

"Clio nandito na sila" tapik ko kay Cliona na agad namang nag mulat ng tingin.

"Ang ingay nyo" sabi nga sabay kuha ng gamit nya. "Bilisan nyo" at nagpaunang lumabas.

"Hanep talaga yang si Mader ert " si Roi na nakatitig ka likod ni Cliona.

"Ano kaba Roi!" Saway sakanya ni Katty

"What!? Naguguluhan lang ako sa mood swing ni Clio duhhhh" dipensa ni Roi.

"Alam nyo bang galit si Cliona sa mga taong pinag uusapan sya" panakot ko sakanila agad namang nanlaki ang mata ni Roi at nag sign of the cross pa!

"Yan GG ka bakla ah daldal pa! Lagot ka sa Cliona ngayon!" Natatwang sabi ni Rumsel.

"Ulol ka bakla hindi ba uso ang biro ngayon?" Maang maangan ni Roi. Natatawa ako sakanila dahil bakas talaga ang takot sa muka ni Roi. Kahit ang totoo naman eh walang pakeelam si Cliona sa nilalabs ng bungang nya. Nakikinig sya Oo pero sadyang hindi nakukuha ang interes nya kaya madalang magsalita.

"Is she okay?" Bulong ni Zaggy saken.

"Uhmmm masaket daw ang tyan nya" sagot ko. Tiningnan naman nya ako ng nagtatanong. " May nakaen na hindi maganda nung lunch break tapos natamaan pa ni Banjo sa sikmura ayan hindi makalakad ng maayos sa sakit" napatingin ako kay Cliona na pilit na inaayos ang pag lalakad.

"What!?" Singhal ni Zaggy kaya tiningnan ko sya ng nagtataka. Napatigil din naman ang iba sa pag uusap at hinihintay ang suod na sasabihin ni Zaggy. " Bakit hindi manlang namin nakita na nasikmuraan pala sya" tanong ni Zaggy na nakay Cliona ang paningin at medyo malayo na samin.

"Sinong nasikmuraan Dre?" Takang tanong ni Aris.

"Bulag ka ata. Ako nga nakita ko eh" natatawang sabi ko.

"Then she asked us if someone's got hurt except you and Justine knowing na nasaktan din sya" ok his damn serious.

"Ewan ko ok!? Sya ang tanungin nyo!" Dipensa ko.

"Natamaan si Cliona!?" Gulat na tanong ni Aris." Hindi ko nakita yun ah!" Isa den tong gatong ng gatong.

"Pwede ba ang OA nyo!" Sabi ko at nag paunang mag lakad sakanila. "HOY BILIS NANLILISIK NA ANG MATA NI CLIONA!" Sigaw ko habang natakbo agad naman silang sumunod sakin at pareparehas kaming habol hiningang huminto sa harapan ni Cliona na masama ang tingin samin habang naka cross arm pa at nakasandal sa motor nya.

"Mag si uwi na kayo" isang salita nya agad kaming nag si sakay sa sasakyan namin. "Mauna kayo susundan namin kayo sa likod" sabi ni Cliona kanya kanya naman silang busina bago umandar. Sabay namin pinatakbo ang motor namin ni Cliona habang naka sunod sakanila hanggang sa maka labas sa highway at nag simula ng Mag silihis ng daan. Pakanan sila Roi, Katty at Rumsel habang kami naman ay pa kaliwa ang daan kaya sila Aero, Zaggy at Aris ang sinusundan namin.

"Mauuna nako!" Sigaw ni Cliona at binisinahan pako bago mag paunang mag maneho.

Aero P.O.V

Napapatingin ako sa side mirror ko para silipin sila Cliona kung naka sunod samen. Pero wala na sya don tangin si Mika naman na swabeng ng mamaneho. Nang may biglang bumisina saken. Napatingin ako sa gilid ko at nakita ko sya don. Nag tama ang paningin namin ako na ang unang umiwas dahil nag mamaneho ako. Muli sya bumisina kaya patingin ulit ako sakanya at ayun. Mabilis kaming nilampasan.

"Sino yun Dre?" Tanong ni Aris sa kabilang linya. Kanina pa kami nag uusap usap dito tungkol sakanilang dalawa ni Mika pero ni Isa walang nasagot sa mga tanong ko.

"Si Cliona" sagot ko

"Bat nauna yun?" Tanong ulit ni Aris.

"Masakit daw ang tyan ni Clio kaya nauna na" si Zaggy ang sumagot.

"Pano mo nalaman?" Tanong ko sakanya.

"Mikaela said. Kausap ko sya kanina sa parking then she said na nasikmuraan daw si Cliona ni Banjo kaya nag aalburoto ang tyan"

Shit!

Literal na napa mura ako sa utak ko dahil sa nalaman ko. Sabi na't walang maidudulot  na maganda ang yabang nya eh! Hindi nako kumibo sa usapan nila at mas pinili ang mag maneho pauwi sa bahay.

"Sweetie!" Salubong ni mommy saken.

"Mom" agad akong humalik sa pisnge nya at yumakap.

"Gutom kana ba sweetie? Kakain na tayo" analo nyako papunta sa Dining nandun nasi Daddy at Ailey maging si Percy.

"Bro!" Tumayo pa sya at tinapik ang balikat ko.

"Napadalaw ka?"

"Hinatid ko lang ang ate mo then tita invite me to have some dinner" paliwanag nya. Tumango naman ako saka nag simulang kumain.

"Exchange student ka pala?" Tanong ko sakanya. Nanlaki ang mata nya pero agad naman namang nakabawi at ngumiti ng malaki.

"Really ijo?" Si mommy na excited na excited.

"Yes po Tita" masigla nyang sagot. Hindi ko alam kung bakit hindi ako natutuwa sa presensya ni Percy ngayon at mas lalong hindi ko nagustuhan ang balitang sa iisang school nalang kami papasok ngayon. Kahit hindi naman nag ku krus ang landas ng 4th year at college.

"Good to hear that mag kasama na kayo ni Ailey lagi" si Daddy na agad sinang ayunan ni Nonna.

"Yes dad and parehas na namin mababantayan si Aero" agad akong napanguso dahil sa sinabi nya.

"Ano ako bata?"

"Hindi sinasabi ko lang para mahiya kang gumawa nanaman ng kalokohan" natatawang sabi nya.

"HA HA" pekeng tawa ko saka ko sya tiningnan ng masama. Napuno ng usapan ang hapag pero hindi na ako na ngisale sa usapan nila. Ano namang alam mo sa medicine eh mortal enemy kame ng Bio. Usapang engineering naman ay aabot din ako jaan.

"Aakyat napo ako" paalam ko saka umakyat sa kwarto ko agad akong naligo at nagbihis pagkatapos. Pabagsak kong hiniga ang sarili ko sa kama.

Hindi ko alam pero hindi mawala ang sistema ko ang boses ni Cliona. Hindi ako makapaniwalang ganon kaganda ang boses nya sa kabila ng walang emosyon kung makipag usap sya. Pilit ko parin inaalala kung saan ko narinig ang boses nya pero hindi ko parin maalala, sa dami ba naman ng pinuntahan kong Music fest paniguradong isa sya sa mga don. Ang emosyon ding binigay nya sa kanta. Parang may gusto syang sabihin kaya dinadaan nya sa kanta.

Ang gulo! Ang gulo gulo!

"ARGGGGGGG ANO BA KASENG PAKEELAM KO!"

"Anak?" gulat akong napa tingin sa pinto ng mainig ko ang boses ni Dad!

"Dad?" Umayos ako ng upo, agad naman syang umupo sa paahan ko.

"May problema ba anak?" Tanong nya sakin.

"Wala po Dad may iniisip lang po ako" sagot ko.

"Girlfriend?" Natatawang aniya.

"Dad! Walang ganon!" I pouted

"Just kidding, anong iniisip mo?" Tanong nya ulit.

"Hindi naman po Importante" palusot ko.

"Pero iniisip mo? Gaano ba yan hindi ka importante para isipin mo?" May diin sa salita ni Dad.

I sight " may kaaway ako sa school Dad at sya lang talaga ang lumaban sakin sa paraan ng away lalake" kwento ko. "Ang masama pa don Babae sya. Dad, Babae" hindi ko alam kung bakit ang ganda ng ngiti ni Daddy pero nag patuloy parin ako sa sinasabi ko. "Tapos kahit ano na ang ginawa ko sakanya. Natulak kona sya ng ilang beses, ilang beses na din syang tumama sa kanto ng mesa, kahit yung mga school mate namin binubully na din sya." I take a deep breath. " Pero sa dulo nagagawa nya parin akong tulungan." Yumuko ako sa kahihiyan.

"Weird" dahil sa sinabi ni Dad napa angat agad ako ng tangin.

"Sobra Dad. Weird talaga sya. At ito pa Dad para syang hangin I mean mas malala pa kase hindi mo sya mararamdaman pag kasama mo sya dahil sobrang tahimik hindi sya mag sasalita pag dimo kakausapin. Kung mag tanong ka naman sisiguraduhin mo muna dapat na kaylangan paba nya sagutin ang tanong mo kase pag hindi sya interesado wala kang makukuhang sagot. Sobrang weird. Kwento ko pero nagulat ako ng biglang tumawa si Daddy.

"Si Cliona ba yang binabanggit mo?

(O_O)

Ngeeeeee nalaman!?

"H-hindi po Dad b-bakit naman sya nasali sa usapan?" Palusot ko.

"Oh, kala ko sya ang pinag uusapan natin"

(O_O)

(>_<)

"Pero anak kahit sino payan. I like her"

Ngeeeeeee!?

"I like her attitude, kase bibihira lang sa babae ang may kakayahan ipag tanggol ang sarili nila. Minsan kalang makaka kita ng babaeng nakakaya ang mga nagagawa ang mga nagagawa na sa ating lalake lang makikita" paliwanag ni Dad. Bahagya pa nyang tinapik ang balikat ko. " Matulog kana wag mo syang isipin baka hindi makatulog" natatawang aniya saka tumayo.

Lumabas na si Dad pero hindi pako dinadalaw ng antok pero pinipilit ko talagang matulog.

Good morning handsome!

"Good morning!" Bati ko sakanila ng makababa ako.

"Good mood ang baby natin Honey" Nangangasar na tinig ni Mommy. Napa nguso ako dahil sa nakakaloko nyang tingin.

"May iniisip kase kaya ganyan" kantyaw ni Daddy.

"Dad!"

"HAHAHAHAHA WHAT!?"

"I'm not thinking about her!"

"You say so!? I'm just kidding Son"

"What ever dad hindi nako kakain Mom late napo ako"

"Yieeeeeee excited na makita ang love of his life!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Mommy.

"What!? No mom!" Iling iling ko.

"That's ok big son!" Napanguso akong lumabas sa bahay at nag drive papasok. Pag pasok ko palang sa parking kita kona si Cliona na nakasandal sa motor nya agad naman akong nag park sa tabi ng Motor nya at bumaba.

"M-morning" bati ko sakanya. Agad naman syang nag angat ng tingin sakin.

"Uhmmm" umayos sya ng tayo at tumingin ng diretcho sakin. Bahagya pang tumabingin ang ulo nya parang pinag aaralan ang buong muka ko. "Puyat ka?"

Oo! Bwiset ka kase!

"H-hindi naman sakto lang" ako agad ang umiwas ng tingen at nilibot ang buo kong paningin sa paligid ng parking. "Nasan na sila?" Tanong ko ulit.

"Nauna na sa loob ang tagal mo eh" gulat akong napa tingin sakanya.

"Hindi naman ako late ah!" Singhal ko.

"Tss. May announcement sa gym kaya maaga ang pasok hindi moba tiningnan ang cellphone mo nag text si Aris sayo" paliwanag nya kaya lalo akong nagulat agad kong tiningnan ang cellphone ko at puro text nga yun galing sakanila.

"Eh anong ginagawa mo dito?" Taka kong tanong sakanya.

"Hinihintay ka"