Murrer's x Wolverson's

Aero P.O.V

"Hinihintay ka"

"Hinihintay ka"

"Hinihintay ka"

FVCKKKKKKK!

"H-Huh?"

"Tss, Kumain kana ba?"

"H-hindi pa"

"Oh" sabay bato nya sakin ng sandwich agad ko naman yun sinalo. "Malinis yan. Bilisan mona kanina pa sila nandon" sabi nya saka ako nilagpasan. Tiningnan ko muna yung sandwich na binigay nya bago ako sumunod sakanya sa gym. Lahat ng estudyante nandito. Ibat ibang ingay ang ginagawa nila. Para saan bato? Sa di kalayuan malapit sa harapan nakita ko ang kaibigan ko at ang kaibigan ni Cliona na nakaupo. Nang makita ako ni Aris agad syang kumaway samin ni Cliona na syang nasa tabi ko.

Agad kaming lumapit sakanila at umupo sa bakanteng upuan na tinira nila kung saan si Cliona ang katabi ko!

"Mukang napuyat ka Dre ah!" May pang aasar sa tono ni Aris kaya binatukan ko sya. "ARAY!" Singhal nya. Hindi kona sya pinansin at kinain ko nalang ang sandwich na binigay ni Cliona saken. "Oyyyy penge!" Mabilis na na agaw ni Aris yung sandwich sa kamay ko.

"Akin yan!" Muli kong bawi sakanya.

"Oh" napatingin kame parehas kay Cliona ng mag abot ulit sya ng Sandwhich. Agad naman yun kinuha ni Aris.

"Salamat!" Mabilis nyang kinagat yun na para bang hindi rin sya nag breakfast sakanila.

"Oh" bigay nya sakin ng chocolate drink. "Kunin mo wag mo titigan, nangangalay ako" wala akong nagawa kundi ang kunin yon.

"S-salamat"

"Kaya pala ayaw mamigay dahil galing kay love of my life" rinig kong sabi ni Aris habang naka tingin sa pagkain na inabot sakanya ni Cliona.

"Manahimik ka ah!" Singhal ko sakanya.

"Lah! Assuming ka Dre! Si Zaggy ang sinasabihan ko! Pinag damutan din nya ako ng pagkaen tingnan mo!" Gulat akong napatingin kay Zaggy na ngunguya nguya den ng parehas na sandwich na kinakain ko. Tiningnan ko ng masama si Cliona pero nasa harapan lang ang paningin nya.

Nawalan ako ng gana kumain kaya hindi kona naubos yung sandwich at chocolate drink na binigay nya saken. Too kind to everyone hah!?

Biglang natahimik ang lahat ng umakyat si Rio sa Stage. "Good moring IS MANILIANS!" bati nya dahilan para muling umingay ang buong gym.

"Kalma kalma. Siguro nag tataka kayo kung bakit kayo nanadito at nasa harap nyo nanaman ang magandang nilalang na ito" biro nya dahilan para mapuno ng tawanan ang buong gym.

"So eto na nga. Dahil isa akong dakilang Unicorn na nay ginintuang puso—"

"TULOY MONA BAKLA!" sigaw mula sa Estudyante mula sa 3rd year.

"Ay ang harsh hindi marunong ng salitang WAIT?" Biro nga ulit kaya nag tawanan sila. "Eto na nga. Alam ko naman na gustong gusto nyona ulit maranasan ang Acquittance Party at ang Yearly Sportfest! Kaya THE WAIT IS OVERRRRR!" anunsyo ni Roi dahilan para mapuno ng hiyawan at tiliian ang buong gym.

"Whaaaaa excited nako!"

"Masisilayan ko nanaman ang perperktong muka ni Aero habang naka soot ng suit!"

"Whaaaaaa si Aris ang gwapo!"

"Si Zaggy ang gusto ko maka sayaw!"

"Oo alam ng lahat yan wag pa ujulet julet!" Si Roi. "Eto na nga 1 months from now ay magaganap ang AP. Wala pang exact date but we asure you all guys that 1 month nalang ang aantayin natin. And about sa theme ay TENTEDEDENNNNNN! Masquerade!" Dagdag pa nya at muling umingay ang buong gym. May ilanf excited may ilang hindi sang ayon.

"Easy students! Syempre dating gawi. May performance ang Dance Ministry at Music Ministry"

"Tss" napatingin ako sa katabi kong naka kunot ang noo habang naka tingin kay Roi. Anong problema neto!?

"Syempre papalagpasin ba natin ang guess of the night!?" Sigaw ni Roi.

"HINDEEEEEE!"

"NOOOOOO!"

Kanya kanya nilang sagot. "Kung sino man yan ay paniguradong Gwapo yun! Ay nako dilig nanaman ang bakla kung nagkataon!"

"HAHAHAHAHAHAHA!"

"kung sino man yun ay hindi kopa alam. Tungkol naman sa sportfest ay mag hinay hinay tayo dahil pag tapos ng AP ay sportfest na! August ang month but wala pading exact date. Excited ba kayong maging MVP ang IS MANILA sa Huling pagkakataon!!!" sigaw nya ulit.

"Namannnn!"

"Let's go IS MANILA!"

"Save the date mga bakla at ihanda ang boses at banner dahil paniguradong mag papasiklab nanaman ang ating Star player! Hindi mawawala jan ang basketball nasi Justine Jimenez ang bagong Captain!" Napatingin kaming lahat kay Justine na nakangiti na ng malaki ngayon habang naka tayo.

"Whaaaaaa ang gwapo!"

"Akin ka nalang!"

"WHAAAAAAA ANG GWAPO MO JUSTINE!"

Nagkatinginan kami nila Aris at pare parehas kaming hindi makapaniwala.

"Oo gwapo talaga yan! Syempre hindi mag papahuli ang Soccer team!"

"SI AEROOOOO!"

"WHAAAAA ANG GU GWAPO!"

"WE LOVE YOU AERO!"

"Please show your self Mr. Tyson!" Anunsyo ni Roi kaya wala akong nagawa kundi ang tumayo at ngumiti ng pilit sa mga tao. Agad naman akong umupo para manahimik na sila. "Grabe nag gagwapuhan at nag gagalingan ang mga players natin dito kaya Save the date! Yun lang students you may go back to your classes!" Huli nyang sabi kaya nag si tayuan ang mga estudyante at kanya kanyang labas. Agad namang lumapit samin si Roi.

"May sasabihin daw si Dean satin" sabi nya ng makalapit samin.

"Bakit daw?" Takang tanong ni Rumsel

"Hindi ko din alam. Bilis na!" Aya nya samin kaya sumunod nalang kami papuntang Office.

"Siguro tungkol to kay Majinbu" rinig kong sabi ni Mika.

"Uhmmm" sagot naman ni Cliona.

"Sinong majinbu?" Takang tanong ni Aris.

"Si Banjo" sagot ko bigla naman silang nag tawanan.

"Saan naman galing yun Dre! HAHAHAHAHA" natatawang tanong ni Aris.

"Si Cliona nag pangalan non!" Si Mika na ang sumagot.

"HAHAHAHAHAHAH" tawanan namin syempre maliban sa isa. Agad kaming nakarating sa Office kaya tumahimik na kami. Lalo pa kaming natahimik ng makita namin kung sino ang nasa loob ng Office.

"Anong ginagawa mo dito!?" Singhal ni Cliona.

"Cameron!" Si Mika ang unang lumapit at Yumakap dun sa lalaking kasama noon ni Cliona sa parking lot.

"Visiting my princess?" Nakangiting sabi ni Cameron habang naka tingin kay Cliona na masama ang mukang naka tingin sakanya.

Princess? Ewwwww

"Sino yan Dre?" Bulong ni Aris saken.

"Cameron daw" sagot ko agad naman syang tumango.

"What is his relation to Cliona?" Tanong din ni Zaggy.

"Hindi ko alam" sagot ko din.

"Oh they here. Have a sit" sulpot ni lolo kasama si Ms. Nuevo. Agad naman kaming umupo.

"Bakit ka nga nandito?" Iritableng tanong ni Cliona kay Cameron.

"Visiting you" ngiti paring sabi ni Cameron.

"Pinatawag ko sya Ms. Wolverson dahil ayaw mo naman papuntahin ang parents mo dito" singit ni lolo.

"Eh wala naman akong magulang sino ipapadala ko?" Sarkastikong sagot ni Cliona.

"CLIRITY!"

Aris P.O.V

"Visiting you" sagot ni Cameron sa galit na si Cliona. Anong bang relasyon nila? Sino ba tong lalaking to? Tingnan ko si Aero na masama ang tingin kay Cameron. Napangisi ako.

Tsk! Tsk! Ang puso nga naman pag tinamaan HAHAHAHAHA!

"Pinatawag ko sya Ms. Wolverson dahil ayaw mo naman papuntahin ang parents mo" singit ni Dean Tyson.

"Eh wala naman akong magulang sino ang ipadadala ko?"

(O_O)

Ehhhhh walang magulang?

Lahat kami nagulat ang biglang sumigaw si Cameron.

"CLIRITY!"

(O_O)

Ehhhh Clirity? Sino yon? Lahat kami natahimik dahil sa sigaw nayun. Bigla naman namuo ang tensyon sa pagitan ni Cameron at Cliona.

"What the hell is you problem!?" Singhal ni Cameron sakanya.

"Sinisigawan mo bako Cameron?" Kalmadong tanong ni Cliona pero nandun ang pag babanta. Bigla namang natahimik si Cameron at tumingin nalang sa sahig.

Ano yonnnnnnn!? Ang gulo gulo!!!!!! Mag kaano ano ba sila? Sino si Clirity? Hindi naman ata silang magkapated dahil sa treatment nila! Cliona ang tawag sakanya ni Cameron at Cameron naman ang tawag ni Cliona sakanya. Baka..... Baka

MAY RELASYON SILA!!!!!???

(>_<)

PANO NA ANG MANOK KO!? ANDWAE!

*Fake cough*

Agaw eksena ni Dean kaya napatingin kaming lahat sakanya. "As what I've said pinatawag ko sya dito dahil ang sabi ni Ms. Santiago ay sya ang pwede mong umalalay sayo. Let's wait for Mr. And Mrs. Murrer" sabi ni lolo. Ilang minuto na ang lumipas saka dumating ang Parents ni Banjo at kasama sya!

"Good morning Mr. And Mrs. Murrer" bati ni Dean saka nakipag kamay sa Parents ni Banjo. Agad naman silang naupo sa katapat naming upuan. Masama ang tingin na binigay nila samin pero ng ilipat nila ang paningin kay Cliona at Cameron para silang naka kita ng multo at biglang tumayo.

Enkkkkkkkkkk anong meron!?

"May problema ba Mr. And Ms. Murrer?" Takang tanong ni Dean. Nag lipat naman ang paningin ni Mr. Murrer kay Cliona at Kay Dean.

"What the hell!" Bulong na singhal ni Mr. Murrer habang sapo sapo ang noo.

"Anong nang yayari sayo Dad?" Takang tanong ni Banjo.

"SHUT UP! YOU BASTARD!" sigaw sakanya ng Daddy nya. Nanghihina namang napaupo at Mommy at habang sapo ang muka.

"What's happening?" Bulong ni Zaggy saken. Agad naman akong umiling dahil wala din akong idea sa nang yayari.

"O my god" nag hehesterikal na sabi ni Mrs. Murrer.

"Maupo ka mister" utos ni Cliona. Para namang nahipotismo si Mr. Murrer sa boses ni Cliona kaya mabilis sya umupo ng tuwid. Sobrang presentable nilang tingnan dalawa tuwid na tuwid at para bang si kamatayn ang kaharap nila.

Ang guloooooo!

"Anong nangyayari Mik?" Rinig kong bulong ni Katty kay Mika na naka ngisi habang ang mata ay naka Banjo na gulong gulo din sa nang yayari. Hindi sya sinagot ni Mika. Ngayon ko lang din napansin na wala si Justine dito. Pero wala akong pake mas mabute yun hindi maganda ang pakiramdam ko sakanya.

"Aware naman ata kayo Misis at Mister sa ginawa ng butihin nyong anak" panimula ni Cliona. Agad naman nagkatingin ang parents ni Banjo saka sabay na tumango.

"WHAT THE HELL DAD MOM!" Galit na sigaw ni Banjo kaha agad syang tiningnan ng Mommy nya ng masama.

"SHUT THE F*CK UP BANJO!" Sigaw den sakanya ng tatay nya.

"Pinag tangkaan nya ang buhay ng Apo ng may ari ng school na ito at binantaan ang buhay ko. Sabihin nyo ano ang nararapat na parusa ang pwede kong ipataw sa mapangahas nyong anak?" Diretchong tanong ni Cliona. Agad naman nanlaki ang mata ng parent ni Banjo sa gulat at dali daling humuhod sa harap ni Cliona ang Mommy nya

(O_O)

"Mommy!" Suway ni Banjo.

"Qing yuanliang ta" hindi ko maintindihan ang sinasabi nya pero mukang nakiki usap sya.

Shing uling ta? Ano daw!?

"Wo yīnggāi yuánliàng tā ma?" Patanong na sagot ni Cliona. As usual hindi ko maintindihan. Tiningnan ko ang mga kasama ko at lahat sila naka kunot ang noo maliban kay Cliona, Cameron at Mika.

Ano bang pinag sasabi nila!?

"Yes please, yes" parang nabuhayan ng pag asa ang Nanay ni Banjo. Agad naman syang inalalayan ni Cliona umupo. Halong gulat at pagtataka ang nakita ko sa muka ni Ms.Murrer.

"kion vi pensas?" Baling nya kay Mika at ibang lengwahe nanaman ang gamit.

"Pardonu lin" sagot ni Mika kaya lalo akong nag taka. Nakakaintindi sya at nakaka pag salita ng Espanyol?

(>_<)

"Forgiven" sagot ni Cliona. Para namang nabunutan ng tinik ang mga magulang ni Banjo.

"Anong mangyayari sa Anak ko ngayon Dean?" Tanong ng tatay ni Banjo.

"Expell. Madaming nag reklamo sa Anak nyo mister at misis wala kaming magagawa dahil nung kumalat sa buong campus ang nangyari ay madaming nag lakas loob ang mag sumbong samin dala ang kaniya kaniya nilang magulang. Expell ang ni request nilang lahat. I'm sorry" paliwanag ni Dean.

"Are fine with that. Mr. And Mrs. Murrer?" Singit ni Cameron. "Or should I call my parents to change the desicion and I let them to punish your son?" Tanong ulit ni Cameron.

"No please,No" sagot ng Mommy ni Banjo.

"Ok then papayag kayong na expell ang anak nyo?" Tanong ni lolo. Agad namang tumango ang mag asawa.

"WHAT!? NO WAY!" sigaw ni Banjo.

"Shut up Banjo! Hindi moba kilala ang kausap mo ngayon!?" Galit na sigaw ng tatay nya.

"Bakit sino ba sya—?" Hindi na nya natapos ang sasabihin ng bigla syang sampalin ng mommy nya.

"Don't you dare Murrer's" Singit ni Cliona na may pag babanta. Agad namang napatango ang dalawa.

"You can leave now" si Mika na ang nag salita.

"Shishi ni shishi ni" sunod sunod na yuko ang ginawa ng mommy at daddy ni Banjo saka lumabas ng office. Lahat kami natahimik. Naguguluhan sa nangyari. Lahat kami napatingin kay Cliona ng bigla syang tumayo.

"Umalis kana. Papasok na kami" sabi nya saka lumabas ng Office.

"Salamat Dean" si Mika na ang nagpasalamat saka kami binigyan ng tingin na sumunod sa kanya. Nang makalabas kami hindi pa nakakalayo si Cliona kaya agad kaming sumunod sakanya.

"Te ang gulo!" Si Roi unang nag react.

"Chinese si Cliona?" Tanong ni Katty kay Mika na agad namang tumango. "Eh ikaw?" Tanong nya ulit. "Espanyol?" Hindi sya sure.

"Eh bat naiintindihan ka ni Cliona?" Tiningnan ni Mika si Rumsel na parang natatangahan sa tanong nya.

"Alam nya eh" sagot ni Mika.

"Bakit naman ganon umasta ng Parents ni Banjo?" Biglang singit ni Aero. Sa wakas may nag tanong din! Lahat kami ng hintay sa isasagot ni Mika umaasang may makukuha kaming sagot mula sakanya pero isang malalim na buntong hininga lang ang pinakawalan nya.

"Sya nalang ang tanungin nyo sa bagay nayan" sagot nya saka sumunod kay Cliona na malayo na samin. Nagkatinginan kaming lahat. Naguguluhan sa nang yari.

"Ang gulo" bulong ni Aero. Napangisi ako saka sya inakbayan.

"Wag mo nang isipin pre baka mahulog ka lalo" asar ko sakanya. Bigla naman nya akong tinulak at binatukan.

ARAY PUTCHA!

"Manahimik kang Koriyanong hilaw ka ah!" singhal nya sakin kaya natawa nalang ako.

Wewwwwww indenial stage HAHAHAHAHAHHA

Zaggy P.O.V

Lahat kami naguguluhan at nalilito sa nangyayari. Maging ang kaibigan nila Clio ay walang ideya sa mga nangyayari. Si Mika lang ang makakasagot sa mga katanungan namin pero maging sya ay ayaw mag salita o sadyang wala lang talaga syang Ideya. Maaring may lahing chinese nga si Cliona dahil halata naman sa pisikal na anyo nya at bihasa sya sa pag gamit ng lengwahe nila. Maging ang Español na lenggwahe nila Mika ay alam nya dahil matagal na silang Magkaibigan, hindi na kataka taka yun. Pero ang nakakapag taka ay ang inasta ng Murrer sa office kanina. Ang pagmamakaawa nila at sa paraan ng pag sasalit nila.

Tiningnan ko sila Aero at Aris na kunot noong nakatingin sa harapan halatang hindi rin sila nakikinig katulad ko. Nasakop lahat ng isip namin ang pangyayari kanina. Hanggang sa dumaan ang lunch break. Kasabay namin ang grupo nila pero wala si Cliona at Mika maging si Justine na absent.

"Alam nyo guys sabi ni Mika wag na daw natin isipin yung nangyari kanina kase mababaliw lang daw tayo kakaisip. Tulungan man daw nya tayo sa mga tanong natin ay hindi naman lahat ay masasagot nya kase marami man daw syang alam tungkol kay Cliona ay hindi naman daw sapat para masagot lahat ng tanong natin" paliwanag ni Katty. Tumango tango naman sila Roi at Rumsel.

"Edi nag tanong kayo?" Tanong ni Aero.

"Hinde, sya na mismo nag sabi samin" sagot ulit ni Katty

"What is it?" Takang tanong ko

"Chinese nga daw si Cliona then magkasama daw sila ni Cliona sa iisang bahay. Yan lang ang sinabi nya." Paliwanag ni Roi.

"Eh yung si Cameron? Natanong nyo kung anong meron sakanila?" Tanong ulit ni Aero.

"Yun ang hindi namin natanong" si Rumsel naman ang sumagot. Matunog naman ang pagkabuntong hininga ni Aero. Parang disappointed sya dahil hindi nasagot ang tanong nya.

"Pero feel ko may relasyon yung dalawang yun because the way they treat each other" singit ni Katty na agad naman sinang ayunan ni Aris.

"Tama, kase kung magkapatid lang sila sino ang mas matanda? Hindi naman pwedeng si Cliona dahil 4th year sya at college naman si Cameron hindi naman pwedeng si Cameron dahil nung sabihan sya ni Cliona bigla syang tumiklop." Dagdag pa ni Aris. He's right. "So isa lang ibig sabihin nyan may relasyon sila" dagdag pa ni Aris.

"Oo nga!"

"Ay ganda naman pala ni bakla"

Bigla kong tiningnan si Aero na naka tingin lang sa pagkain nya at kumakain ng tahimik. Jealous huh? I know he likes my cousin pero hindi rin malabo na magka gusto sya kay Cliona. Yun nga lang mukang may boyfriend na sya.

"Dre ok lang yan" biro ni Aris kaya binatukan sya ni Aero.

"Ano namang pakeelam ko!" Singhal nya na kinagulat namen.

"Affected much?" Biro den ni Roi

"H-hindi ah!" Depensa nya sa sarili nya.

"H-hindi ah! Bat nauutal?!" Kantyaw ni Rumsel habang ginagaya ang boses ni Aero.

"Hoy! Manahimik kayo baka may maka rinig sainyo isipin may gusto ako kay  Cliona!"

"BAKIT WALA BA!?" Sabay sabay nilang sigaw.

"PAKYUUUUUU!"

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA" tawanan namin. Pikon na pikon si Aero ni hindi nyana magalaw ulit yung pagkain nya.

"Alam mo Aero dalawa lang yan" Si Katty

"Ano nanaman!?" Inis na talagang sabi.

"It's either, Indenial ka lang o tinatago mo lang samin" asar ni Katty tumataas baba pa ang kilay nya.

"Pwede ba! WALA AKONG GUSTO SAKANYA. KAY TYREEN LANG ANG PUSO KO!" sigaw nya.

Ok galit na talaga sya.

"Ok sabi mo eh" suko ni Katty pero nandon parin ang pangangasar sa tono.

"Bakit hindi si Zaggy ang tanungin nyo eh sya ang may gusto kay Cliona!" Turo nya saken kaya napatingin ako sakanya.

Ako?

"Me?" Turo ko sa sarili ko.

"Oo sabi mo samin 'l like her'" gaya nya pa sa boses ko kaya natawa ako.

"Yes I said I like her because she's unique one that's why I like her to be my friend. Kahit naman sino gusto maging kaibigan si Cliona dahil sa personality nya" paliwanag ko.

"Pch! Maganda ba maging kaibigan ang walang imik!?"  Tanong nya

"Kaya nga unique" sagot ko

"Ewan ko sainyo basta ako walang gusto sakanya. Never!" He pouted.

"Ikaw bahala pag naunahan wag luluha" kanta ni Aris habang nasa pagkain ang tingin.

"HOY TIGIL TIGILAN NYOKO AH!" himbis na tumigil ay patuloy naming inaasar si Aero. Pero pilit parin nyang si Tyreen ang gusto nya at hinding hindi sya mag kakagusto kay Cliona.

Wala kapang gusto pero mag kakagusto.....