Aero P.O.V
Mabilis dumaan ang araw at ngayon ay araw na ng sabado. May practice kami ngayon kaya maaga akong gumising. 7 ang calltime sabi ni couch pero 6:30 ay nasa school field nako kasama sila Aris, Zaggy at iba pa naming team mates. Wala pa si Couch at ilan naming member kaya hindi pa kami makapag simula.
"I saw Cliona at Parking lot with Katty" rinig kong sabi ni Zaggy malamang si Aris ang kausap.
"Wehhh? Bakit hindi ko nakita!?"
"Nauna ka sakin dumating then halos sabay naman kami ni Katty dumating sa parking, nakita lang namin si Cliona na kababa lang din ng Motor nya. She invited us in lunch"
"Talaga!? Ae sabay tayo sakanila ah!" Baling sakin ni Aris. Tumango nalang ako bilang sagot. "Good mood ata si Cliona at nag yayaya" dagdag pa ni Aris.
"Not really. She just ask me if I like to join her kase nag luto daw si Mik Mik ng madami di daw nya kaya ubusin mag isa pero sabi ko kasama ko kayong dalawa then Katty said na isama kona kayo and pumayag si Cliona" paliwanag ni Zaggy.
Sya lang naman pala ang iniimbitahan bakit kasama pa kami. Tch!
"Yun naman pala eh. Anong Club ang sinalihan ni Cliona para masilip natin?" Tanong nanaman ni Aris.
"I don't know" kibit balikat ni Zaggy.
Ilang minuto pa kami nag hintay bago dumating si Couch at yung iba pa naming team mates.
Cliona P.O.V
"Guys attention!" Pag tawag ng atensyon sa lahat ni Trisha. Nang makuha na nya yon ay agad nyakong hinila sa kamay. "This is Cliona ang bago nating member and member din sya ng music Min. O diba talented!" Pakilala nya sakin. Bahagya naman akong ngumiti sakanila. " Guys introduce your self and year level" utos nya.
"Cassie, 3rd year nice to meet you"
Ngiti
"Mitchi, 3rd year"
Ngiti
"May, 4th year"
Ngiti
"Mark, 3rd year"
Ngiti
"Jp, 4th year"
Ngiti
"Tasha, 3rd year"
Ngiti
"Zandro, 4th year
Ngiti
"Kilala mo nako. Trisha 1st year college nako taking Architecture. Ako din ang Leader sa ngayon, looking forward pa sa papalit sakin since last year contract kona. Nice to meet you Cliona and welcome sa Dance Ministry!" Magiliw nyang sabi. Ginantihan ko sila ng ngiti saka nag pasalamat.
"So guys ngayon kaya nandito tayo dahil sa darating na AP aware naman siguro kayo doob diba?" Tanong ni Trisha sa harap namin habang kami ay naka upo sa harap nya.
"Yes!" Sagot namin.
"Good for 3rd year here dahil masisilip nila ang Acquitance natin this year. But! May But pa. Listen 3 years kaylangan nasa isang table lang kayo bawal pakalat kalat at last No drinks under stood?"
"Yes!" Sagot ng mga 3rd year na kasama namin.
"Good to hear that so let's start" lahat kami ay nag tayuan. Nag simulang mag warm up bago simulan ang pag tuturo ng steps. Magaling si Trisha sumayaw at magaling din sya gumawa ng steps. Lalo na't magaling sya magturo hindi nakaka bored at gaganahan ka talaga dahil sa taas ng energy nya.
"Five six seven eight and turn around. We felt togother. Four three two and one," bahagya pa nyang kinakanta ang kantang gagamitin namin.
"Ang galingggggg! Bravo guys Bravo!"puri nya ng matapos namin ang isang kanta. Agad naman kaming umupo dahil break time na. "Grabe ang galing mong sumayaw Cliona!" Puri nya saken.
"Nahiya ako bigla" si May na syang katabi ko.
"Ang lambot ng katawan ni Bakla" si Jp na syang bakla talaga.
"Hindi ka talaga nagkamali Trish na ilagay sya sa gitna. Grabehan to!" Si Zandro na naka ngiti ng malaki saken.
"Salamat" yun nalang ang nasabi ko dahil over compliment nako.
"O sige kumain na kayo at mag kita nalang tayo sa lunes para linisin ang steps nyan and sisimulan nanatin ang 2nd song. Kung hindi nyo natatanong eh tatlong kanta ang isasayaw natin sa Ap kaya get ready Guys. May 1 month preparation pa tayo! Fighting!
"Fighting!" Sabay sabay naming sabi. Nagpahinga pako ng konti bago ako maligo. Gusto ko kotongan ng malutong si Mika dahil sa nilagay nyang damit sa bag ko. Punyeta! Nag prisinta syang sya na ang mag lalagay ng damit ko sa bag dahil late nako kaya ito ang napala ko. Plain white shirt at talaga namang palda na hapit na hapit sa katawan ko! PUNYETA! may note pa!
Hi matalik na kaibigan! I tuck in mo yung tshirt mo ah! Bagay sayo yan fighting!
Fighting talaga tayo mamaya Mikaela!
Wala akong nagawa kundi isoot tong damit nato. Tiningnan kopa ang kabuuan ko bago ako lumabas papuntang canteen. Gusto kong pag sasapakin ang mga mata ng mga to kung makatingin saken kala mo ngayon kang nakakita ng babaeng naka palda eh halos araw araw nag iikliin ang skirt ng mga babae dito!
"Wowwwww ang cute mo teh!" Si Katty ang unang sumalubong sakin ng makapasok ako sa canteen.
"Ay taray ni bakla may pa ganyan" kasama na pala nya sila Roi at Rumsel.
"Si Mika nagpili nyan. Nakakainis nga eh!" Reklamo ko. Hindi ako sanay ng pinag titinginan ako!
"Ang ganda bakla bagay sayo" si Rumsel. Hindi kona sya sinagot umupo nalang ako sa tabi ni Katty.
"O nasan si Mika?" Tanong ni Katty saken.
"Nasa bahay wala pa syang nasasalihang club" sagot ko. Si Roi ay sa SC naka assign kaylangan nyang ihandle ang mga event na magaganap sa school kaya nandito sya. Si Rumsel naman ay nasa Art ministry sila naman ang nag uusap usap tungkol sa kakalabasan ng design ng AP. Habang si Katty ay nasa Drama club. Kaka audition paang daw nya kaya wala pang masyadong ganap. Nilabas ko ang nilutong pagkain ni Mika kaya ang tatlo nag agawan sa tupper ware.
"Ako na oorder jan lang kayo wag nyo muna galawin sabay sabay na tayo kakaen" sabi ko saka pumunta sa counter.
Aero P.O.V
"That's for today goodluck team!" Si couch
"Thank you couch!" Sabay sabay naming sabi bago magpaalam. Naligo pa muna kami bago pumuntang canteen katulad ng napag usapan kanina.
"Makikita kona si Katty!" Nangunguna nanaman ang boses ni Aris habang nag lalakad kami papuntang Canteen. Nang makarating kami nakita agad namin sila Katty na nakatitig sa tupperware na parang iniisip kung alin sa tatlo ang uunahing kainin.
"Anong ginagawa nyo?" Tanong ko sakanila.
"Nag pipigil" sagot ni Rumsel na seryoso pading nakatitig sa tupperware na may lamang ulam?
"Eh bat hindi nyopa kainin? Hinihintay nyo kame noh?" May pang aasar sa tono ni Aris.
"Assuming! Sabe ng Cliona sabay sabay na tayong kakain kaya nag pipigil kame dito!" Pang babara sakanya ni Roi. Nilibot ko ang buong paningin ko pero wala akong Cliona nakita.
"Wag mong hanapin papa Ae nasa counter yung na order" si Rumsel habang naka ngisi saken.
"H-hindi ko naman hinahanap!" Hindi ko naman hinahanap tinitingnan ko lang kung nandito na sya!
"Sabi mo eh" sabi pa nya.
"Ang tagal ni Bakla jutom nakets!" Si Roi na talaga namang nag pipigil kainin ang laman ng tupper ware.
"Tulungan nyokong mag dala". Nag tayuan ang mga balahibo ko ng may mag salita sa likod ko. Agad ko syang nilingon.
(O_O)
(>_<)
"Wohhhhhhh ikaw bayan!?" Rinig kong sabi ni Aris.
"You look beautiful" si Zaggy.
"Oy Papa Ae wag titigan baka matunaw" agad akong nag iwas ng tingin ng biglang mag tama ang mata namin.
(•_•^)
(>_<)
"Si Aero na ang tutulong sayo Cliona" pinanlakihan ko ng mata si Aris dahil sa sinabi nya. "Diba Dre?" Maang maangan nyang tanong.
"Sige na Papa Ae gutom na talaga kami. Minsan lang yan mang libre kaya nilulubos na namin" pangungunsesya pa ni Roi.
"Tayo na Ae" dagdag pa ni Zaggy kaya tiningnan ko din sya ng masama.
"Tsk! Sumunod ka nalang" sabi nya saka ako tinalikuran! Tingnan moto mag papatulong nalang nang iiwan pa! Wala akong nagawa kundi ang sumunod sakanya sa counter.
"Thank you Nanay Fe" ngiti nyang malaki kay Nanay Felicia.
(O_O)
ENKKKKKK BAT SYA NA NGITI!
"Walang anuman Ija. O ayan dinagdagan kona yan kumain ka ng madami" sabi pa ni Nanay Fe. Close sila ah?
"Syempre naman po. Salamat ulet" natigilan ako ng bigla syang humarap sakin habang naka ngiti!
(O_O)
"Oh ikaw na jan ako na dito" abot nya sakin ng tray ng pagkain habang sya nama sa mga drinks.
"Ako na jan baka matapon"
"Mas mabigat yan kaya yan ang sayo HAHAHA" natigilan ako ng bigla syang tumawa ng natural.
"S-sabi ko nga eto ang aken"
Putcha! May sumapi ba kay Cliona kaya sya ganyan? King ina weird!
"Uyyyyy nakita naming tumawa ang Cliona anong pinag usapan nyo?" Agad na tanong ni Rio ng malapag namin ang pagkain.
"H-huh? W-wala naman" iwas ko ng tingin.
"Wala to Dre nauutal!"
"Ano nga?" Pilit ni Katty. Bakit ba ako lang ang tinatanong nila eh nanjan naman si Cliona! Tiningnan ko si Cliona at masama ang tingin nya saming lahat!
*LUNOK*
"Sagutin mona kase!" Pilit ni Aris na halos ingudngod na ang muka sakin.
"S-sa likod nyo" gulat naman silang lumingon kay Cliona na talaga namang nanlilisik ang matang naka tingin saming lahat. Agad silang umayos ng upo bahagya pang naubo si Aris. Malamang dahil sa kaba at gulat.
"K-kain na!" Basag ni Roi sa katahimikan. Nagtinginan pa kami hindi alam kung sino ang unang kukuha ang pagkain. Lahat kami ay nag hihintay sa galaw ni Cliona.
Putcha nagugutom nako!
Kumuha si Cliona ng Pizza saka kinain yon.
"Ano pang hinihintay nyo?" Nang sabihin nya yon ay kanya kanya na kaming kuha ng pagkain. Sila Roi at Zaggy tinikman ang dalang ulam ni Cliona ganon din naman sila Aris kaya sa huli ay ako ang huling kumuha doon ng Ulam. Ang dalawang tupper ware ay dessert ang laman. May salad at chocolate cookies. Puro naman kanin at gulay at karne ang inorder ni Cliona kanina kaya parang may handaan sa mesa namin dahil sa dami ng pagkain. Napatingin ako kay Cliona na puro Pizza lang ang kinakain. Nakakabusog bayun!?
"Yan lang ang kakainin mo?" Tanong ko sakanya. Taka naman nya akong tiningnan at nilipat ang tingin sa pizzang kinakain nya.
"Baket?" Balik na tanong nya. Baket? Anong baket? Pagkaing matino bayan!? Himbis na sagutin sya ay nilagyan ko sya sa pinggan nya ng pagkain.
"Ano yan?"
"Pagkaen malamang"
"Anong gagawin ko jan?" Really Cliona!? Itapon mo!
"Kakainin malamang" Inis kong sagot. Putcha! Hirap kausap. Kunot noo naman syang tumingin sa plato na na puno ng gulay at kanin.
"Ayoko nyan" nangunot ang nuo ko dahil sa sinabi nya.
"Ano!? Baket!?" Nahihiya naman syang nag baba ng tingin habang naka nguso.
"Hindi ako nakain ng gulay" nag iwas pa sya ng tingin.
"HAHAHAHAHA REALLY!?" Sinamaan nya ako ng tingin dahil sa pag tawa ko bahagya pako umubo para pigilan ang tawa ko.
"Wag mokong tinatawanan kung ayaw mong kumain ng plato ngayon!" Singhal nya saken kaya nawala na ng tuluyan ang tawa ko kanina.
"Edi yung karne nalang ang kainin mo" pag pilit ko. Wala naman syang nagawa kundi ang sumunod sakin at kainin ang nilagay ko sa plato nya bahagya pa nyang ginilid ang mga gulay para hindi humalo sa kanin na kinakain nya"
"KAPAG TUMIBOK ANG PUSO WALA KANANG MAGAGAWA KUNDI SUNDIN ITO. KAPAG TUMIBOK ANG PUSO LAGOT KANA (LAGOT KANA) SIGURADONG HULI KA!" kanta ni Roi na sinabayan pa ni Rumsel. Agad akong napa iwas ng tingin saka tiningnan ng masama sila Aris at Zaggy na palihim na natawa.
"Yun naman pala eh!" Asar nanaman si Aris kaya tinapakan ko sya sa paa sa ilalim ng mesa.
"Putcha! Masaket!" Daing nya.
"Guys wag maingay nakain ang Cliona" suway ni Katty pero may mapang asar parin ang titig nya saken! Hindi kona sila pinansin pa at nag patuloy nalang din sa pagkain.
Cliona P.O.V
Matapos namin kumain ay nag pahinga at nag kwentuhan ng konti sa parking lot saka napag pasyahan na umuwi na. Ako naman ay dumeretcho sa Royal dahil may pasok ako ngayon sa coffee shop at mamayang 7 ay sa Bar naman.
"Nandito na ang anak mo BJ" si Cristian na syang nasa counter. Agad naman lumabas si Bj mula sa kitchen.
"Clirity! Buti dumating kana napaka daming costumers ngayon ano bang meron sa school nyo at ang daming estudyante dito?" Takang tanong nya.
"Practice. Inannouce na kase kahapon yung AP at sportfest kaya ayan practice nanaman actually kakagaling ko lang sa practice dumeretcho nako. Nanjan naba si Mika?"
"Ay nako tumawag masama daw ang tyan kaya mamaya nalang sya sa bar papasok" napatango naman ako sa sagot nya.
"Magsisimula nako" paalam ko sakanya. Agad naman ako pumunta sa locker ko at nag bihis ng uniform na pang taas muli ko yun tinuck in sa palda na soot ko kanina. Sana lang talaga ay may dalang pants mamaya si Mika! Kung hindi ipapakain mo sakanya tong pinasoot nya saken.
"One espresso and ube cake" order nya.
"Dine in or take out, Ma'am?"
"Take out"
"259.50 Ma'am"
"Here"
"500 peso bill. Exchange 249.50 thanks for coming!"
Nakailan pakong take ng costumers bago tuluyang sumara ang Coffee shop. Agad naman kaming lumipat sa resto bar.
"Nasan pala si Chayse?" Tanong ko kay Bj.
"Padating nayun sya ang katulong ko ngayon dito eh" sagot nya pu pwesto naman ako sa kitchen kung saan ako ang naka toka sa pag huhugas ng pinggan. Wala pang mga costumers dahil 8 pa naman ang bukas ng Royal. Kaya pumunta muna ako sa locker at doon kinuha ko ang USB ng footage ng lintek na batang yun.
"Kaibigan!" Napatingin ako kay Mika na kadadating lang. Agad ko syang tiningnan ng masama. "What's with that look?"
"Nasan ang pants ko"
"Eto naman kinabahan ko sayo. Yan oh" sabay abot nya saken ng paper bag na may lamang pants. Agad naman akong nag palit para makapag trabaho nako.
"San ka?" Tanong ko sakanya.
"Waiter ako ngayon, ikaw?"
"Kitchen, tapos pag alas dose na ay waiter nako papalit saken ni Buknoy"
"Waiter lang naman ang binigay saken ni BJ hmmmp" hindi kona sya pinansin at nag punta nalang ako sa kitchen kung saan ang madaming hugasan ang sumalubong saken.
Mika P.O.V
"Ayos lang ba si Cliona doon?" Tanong sakin ni BJ habang tinatanaw si Cliona sa kitchen na nag huhugas ng sandamakmak na hugasin. Napabuntong hininga ako habang tinitingnan si Cliona.
"Ayaw naman mag papigil ng isang yan"
"Ano bang plano nyong dalawa?"
"Wala naman ang sabi lang nya ay kaylangan nya ng pera dahil may balance pa sya sa school na babayaran. Dalawa na nga ang sinalihan nyang club para dalawang beses ang bawas sa tuition nya" paliwanag ko.
"Eh bakit naman kase ayaw nyong humingi ng tulong sa mga magulang nyo"
"Ayaw nya. Ako naman ay suportado nila Mommy at Daddy. Hindi nga alam ni Cliona yung pera kong nakatago ay galing yun kila Daddy inuunti unti ko lang para hindi sya makahalata." Paliwanag ko. Isang matunog ba buntong hininga naman ang pinakawalan ni BJ.
"O sya hindi ko naman kayo pababayaan dito. Kung kaylangan nyo ng pera ay willing akong mag bigay" sabi nya saka ako tinapik at umalis. Nag simula naman ako sa pag kuha ng order.
"Table 5 Mik" kinuha ko kay Chayse ang order saka ako lumapit sa table 5. Pabalik nako ng umilaw ang VIP.
"What can I help you Sir—?"
(O_O)
"Mika?"
"P-percy?"
Anong ginagawa nya dito!!!
"Long time no see!" Tumayo sya at akmang yayakapin ako kaya humakbang ako palayo sakanya. Tiningnan ko ang mga kasama nya. Sila Martin at Nicolas, si Cameron lang talaga ang kulang sakanila.
"Have a sit Mik" singit ni Martin.
"Can I take your order Sir?" Pag iiba ko ng usapan.
"Don't you want to join us?" Tanong naman ni Nicolas.
"Nag tatrabaho ako Sir kaya kung hindi kayo oorder mauuna nako may ibang costumers pang kaylangan ng serbisyo ko" diretcho kong sagot.
"Easy. Hindi moba kasama si Cliona?"
(O_O)
Patay!!!!
"H-huh? Nakauwi naba sya?" Pinag krus kopa ang mga daliri ko umaasang maniwala sila saken.
Lord please lord! Not now please...
"Oh I tought mag kasama kayo kase sabay kayong nawala 2 years ago"
(°o°^)
Relief be!
"Ano order nyo?" Tanong ko ulit.
"Beer lang. Anong oras ba ang off mo? Hanggang madaling araw naman kami dito" si Nicolas.
Madaling araw!!!!?
"4 pa ang off ko, excuss me ser" dali dali akong lumabas don saka hinanap si BJ. Kasama sya ni Chayse.
"Anong order nila Mik?" Tanong saken ni Chayse. Sinilip kopa ang Kitche kung nasaan si Cliona.
"A-ah beer pwede bang ikaw muna ang mag dala sakanila mag uusap lang kami ni BJ" taka naman nya akong tiningnan pero ng tapikin sya ni BJ ay wala na syang nagawa kundi ang sumunod.
"Oh anong problema?" Tanong nya.
"Utusan mo ng utusan si Cliona sa kitchen wag mo syang papalabasin ng Kitchen" sabi ko taka naman yang tumingin saken.
"Ano bang nangyayare?"
"Nasa VIP sila Percy" bulong ko. Agad naman nanlaki ang mata nya
"ANO!?"
"Tatawagan ko si Cameron bantayan mo si Cliona" pumunta ako sa locker at doon tinawagan si Cameron. Naka ilang ring pa bago nya sagutin.
"Mik?"
"Cameron!"
"What!?"
"Busy kaba?" Pilit kong pinapalakma ang sarili ko.
"Not really, why?"
"Pwede bang pumunta ka sa bahay please" Hindi ko alam kung pano ko papakiusapan si Cameron na hindi nalalaman na nag tatrabaho kami dito. Paniguradong magagalit sya at lalo na si Cliona.
"Why? What happen?"
"Ano kase. Ano"
"What!?"
"Nasa Royal kame tapos ano, N-nakita ko sila Percy" halos bulong kong sabi
"WHAT!?"
"sige na sasabihin kong nasa bahay ka ah para umuwi na sya. Bye!" Hindi kona hinintay ang sagot nya at binaba kona ang tawag saka ako tumakbo papunta sa kitchen kung nasaan si Cliona.
"Clio!" Tawag ko sakanya kunot noo naman syang tumingin saken."Nasa bahay si Cameron, may nang yari ata bili umuwi kana sinabihan kona din sila BJ bilis alis na!" Tinulungan kopa sya alisin ang Apron na soot nya. Patakbo naman syang lumabas ng Royal. Nang mawala sya sa paningin ko doon ako nakahinga ng maluwag.
"Mika"
(O_O)
*LUNOK*
Nakita nya ba!? HINDI PWEDEEEEE!
"P-Percy" tiningnan pa nya ang daan palabas ng Royal.
PATAYYYYYY!
"Sino sinisilip mo jan?"
"A-ah w-wala costumers, Oo tama Costumers"
*LUNOK*
"Ano palang ginagawa mo dito? Restricted area to"
"Ah hinahanap ko kase ang Cr sakto nakita kita dito" naka ngiti nyang sabi.
"A-ah ganon ba, Nasa dulo yung Cr" sagot ko.
"Sige salamat" sabi nya saka pumunta sa tinuro ko.
Nakahinga ako ng maluwag ng mawala sila parehas sa paningin ko. Punyeta grabe ang kaba ko ng makita ko si Percy. Buti nalang talaga hindi lang ako maganda, matalino pako!