Confession

AERO P.O.V

Pag sunod nalang ang nagawa naming apat sa kotse sa unahan namin kung saan sila Cliona naka sakay.

"Sino sila?" Biglang tanong ni Tyreen na syang nasa tabi ni Zaggy.

"We're schoolmate" sagot ni Zaggy.

"So makikita ko sila sa school sa monday?" Tanong ulit ni Tyreen.

"Oo Ty, class D sila parehas" si Aero na ang sumagot.

"Really?" Excited nyang tanong. "I want her to be my friend!" Halos masamid ako sa sinabi nya. " Bakit Ae?" Baling nya saken.

"Wala" sagot ko.

"Nako Ty. Wag mo pansinin yan ganyan talaga pag naguguluhan sa nararamdaman HAHAHAHA" binatukan ko si Aris dahil umarangkada nanaman ang pangangasar nya.

"Huh? Why did you like her?

WHAT!?

(O_O)

"NO WAY!" Agad na sagot ko. Sinamaan ko nman ng tingin si Aris ng tumawa sya ng napakalakas.

"HAHAHAHAHAHAHA GRABE NAHALATA NYA YUN! HAHAHAHAHAHA!" halos manlisik ang mata ko habang nakatingin sakanya.

"Why? She's cool why don't you like her?" Naka ngiting tanong ulit sakin ni Tyreen.

"Because I said so" deretcho kong sagot.

"Bakit sino ba ang gusto mo?" Tanong nya ulet.

"Ikaw"

*Katahimikan*

"H-huh?

"Ikaw"

*Katahimikan"

"O-Oh o-okay"

(O_O)

(>_<)

Ano bang ginagawa mo Aero! Bakit ka agad umamin!  Wala na wala nakong magagawa nasabi kona eh.

KASALANAN MOTO CLIONA!

"WEW!" basag ni Aris sa katahimikan. Napatingin ako kay Tyreen na sa daan lang naka tingin.

(>_<)

"Nandito na tayo" si Zaggy nag paunang lumabas si Tyreen sumunod naman si Zaggy.

"Grabe Dre diko inakala na dito ka talaga aamin" sabi ni Aris saken.

"Tigilan moko ah! Ano naman at least hindi mo nako aasarin kay Cliona!" Singhal ko sakanya.

"Ewwwww Cheap" sabi nya pa bago lumabas.

"Anak ng!" Padabog akong lumabas ng sasakyan. At nandon na sila nag lalakad papasok sa restaurant! Anak ng! Hindi manlang ako hinintay! Takbo lakad ang ginawa ko para lang makahabol sakanila.

"Ang ganda dito!" Sabi nung Mary habang nililibot ang Mata sa kabuuan ng Restaurant. Maganda nga dito modern ang interior design nag lalaban ang krema at puti na kulay sa loob.

"Welcome Ma'am Sir" bati samin ng maka pasok kami. "You have a reservation Sir?" Tanong nya ulit nakay Juancho na ang paningin agad naman syang namula at nahiya. Tsk!

"Yes. Cliona Wolverson" sagot nya

"Pangalan kopa talaga ang ginamit mo ah!" Binatukan sya ni Cliona.

"Aray! Sadista ka talaga" natatawang sabi ni Juancho saka inakbayan ulit si Cliona.

"Bitawan moko kung gusto mopa mabuhay ah!" Singhal sakanya ni Cliona. Agad naman sya bumitaw saka umayos ng tayo.

"Ms. Cliona Wolverson?" Tanong ulit samin nung waiter

"Yes"

"This way Ma'am, Sir" hinatid nya kami sa may VIP room!

(O_O)

Kaylangan talaga dito pa? Pwede naman sa regular. Tssss pasikat!

Agad kaming umupo. Pabilog ang mesa saktong sakto samin. Ilang minuto lang ang hinintay namin saka nila sinerve ang pagkain.

"Enjoy your food Ma'am and Sir"

Nagsimula kami sa pagkain, hindi naman nag pahuli sa ingay sila Mika at Aris na dinag dagan pa ni Mary at Juancho. Minsan ding nakikisali sa usapan si Tyreen na mas madalas ang tawa nila ni Zaggy. Habang ako kay nakikinig lang sakanila minsan ding sumasagot pag tinatanong, tatawa pag may nakakatawa silang pinag uusapan. Si Cliona naman ay Tahimik lang, may sariling mundo, hindi manlang tumawa as in hindi nagsasalita. Panay lang ang kain nya, ganon ba sya ka gutom?

"Oy ang tahimik ni Cliona" biglang pag iiba ng usapan ni Tyreen. Lahat kami ay napatingin kay Cliona na abala sa kinakaing steak.

"Yaan mo yan gutom yan hindi kase ng break fast sa bahay kanina" sagot sakanya ni Mika.

"Ganon ba nya ako ka Miss para hindi sya kumain para lang masundo ako ng maaga sa airport?" Natatawang sabi ni Juancho.

"Wag kang Assuming ikaw ang nagsabi saken na sunduin ka" halat kami nagulat ng biglang sumagot si Cliona.

"Nakikinig ka pala HAHAHAHA" napapahiyang sabi ni Juancho.

"May tenga ako diba" pang babara sakanya ni Cliona.

"Wohhhhhhh pahiya konte bukas bawe!" Asar sakanya ni Mary kaya natawa kaming lahat.

"Puyat yan kaya hindi nakapag almusal" sabi ni Mika ng makabawi sa pag tawa.

"Bakit naman?" Tanong ni Aris.

"Mag damag inalagaan si Cameron" sagot ni Mika.

(O_O)

NASA IISANG BAHAY LANG SILA!?

Nag katinginan kaming tatlo nila Aris at Zaggy. Confirm! May relasyon nga sila!

"ANO!? Nasa bahay mo si Cameron!?" Gulat na sabi ni Mary.

"Uhmm" sagot sakanya ni Cliona.

"Dun nalang ako sainyo" pag mamakaawa ni Mary.

"Ayoko" deretchong sagot ni Cliona.

"Ano!? Baket!?"

"Dahil sinabi ko"

"Ang damot mo!"

"Nilalagnat si Cameron kaya nasa bahay sya kagabe. Uuwi na yun mamaya pag dating namen" sagot nya sabay subo ng Steak na nasa plato nya.

"MAY SAKET ANG BABY KO!?" hindi makapaniwalang tanong ni Mary.

Baby?

"Oo paulet ulet"

Ngeeeee?  Hindi manlang ba sya mag seselos? Tinawag ng baby ng iba ang boyfriend nya?

"Sino si Cameron guys?" Biglang singit ni Tyreen. Nagkatinginan pa kami ni Aris saka sabay uminom dahil sa kaba. Dahil yun din ang tanong namin dati.

"Kapated ko"

*UBO*

K-kapatid?

"Oh baket?" Natatawang tanong samin ni Mika habang palipat lipat ang mata samin ni Aris.

"K-kapatid?" Utal na tanong ni Aris.

"Baket? Ayaw nyo?" Maangas na tanong samin ni Cliona.

"K-kala namin—"

"Na may relasyon si Cliona at Cameron?" Putol sakanya ni Mika. Agad naman kaming tumango.

"HAHAHAHAHAHAHAHA BWISET! HAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAH" tawa ni Mika na sinabayan ni Mary at Juancho. Kunot noo namang naka tingn samin si Cliona.

"Pinag uusapan nyo bako?" Biglang tanong nya samen. Dahilan paramatahimik sila Mika kakatawa.

(O_O)

*LUNOK*

"H-hindi naman sa ganon" Dipensa ni Aris. Agad naman lumipat ang tingin sakin ni Cliona.

"HINDI AKO KASALI JAN AH! NAKIKINIG LANG AKO SAKANILA!" dipensa ko sa sarili ko.

"I-it's not what you think I-It just that were having lunch with your friends that time and were just curious what's your relation with Cameron" paliwanag ni Zaggy.

"At naisip nyo na mag Jowa silang dalawa?" Natatawang tanong samin ni Mary.

"Y-yeah" sagot ni Zaggy.

"Duhhhhh as in duhhhhh! Akin lang si Cameron noh!" Sabi ulit ni Mary habang umiikot ang mata.

"Excuss me. Ms. Wolverson?" Tagilan kami lahat ng mag salita ang waiter.

"Yes?" Sagot ni Cliona habang nag pupunas ng tissue sa labi.

"Ito po ang bill nyo" abot sakanya ng Bill. Agad naman nya yon kinuha at tiningnan. Bahagya pang nanlaki ang mata nya saka hinampas kay Juancho ang Bill.

"Ikaw mag bayan nyan" masama ang tingin nya kay Juancho.

"Eh ikaw ang naka pangalan oh!" Pakita pa nya sa bill na naka pangalan kay Cliona.

"Eh kung ipakain ko yan sayo! Sino nag bigay ng pangalan ko diba ikaw!" Singhal sakanya ni Cliona.

"Eto na babayaran na nga eh" kamot noong sagot ni Juancho saka tumayo at sumunod sa waiter.

"Taob si loko" natatawang sabi ni Mary.

"HAHAHAHA Tiklop talaga kay babe" asar ni Mika saka tingin kay Cliona na nag lalaro na ng kutsilyo sa kamay.

(O_O)

"Isang bato ko lang nito Mika tanggal yang dila mo" nakangisi nyang sabi kay Mika.

(O_O)<<<<<<<<<<<<<< MIKA

"Hindi ka naman mabiro kaibigan" kinakabahang sabi ni Mika.

"HAHAHAHAHAHAHA ANG CUTE NYO GUYS!" biglang singit ni Tyreen dahilan para mapatingin kaming lahat sakanya. "What!?"  Takang tanong nya ng mapansin lahat kami naka tingin sakanya.

Pero imbis na sagutin sya. Agad tumayo si Cliona. "Bilisan nyo jan hihintayin namin kayo sa labas"  sabi nya saka lumabas.

"Tapos naba kayo?" Biglang sumeryoso si Mary. Kaya taka ko syang tiningnan. "Galit na yun si Cliona kaya kumilos na kayo" seryoso paring aniya. Si Mika naman ay aligagang niligpit ang gamit na bago tumayo.

"Sorry. May nasabi bakong mali?" Kabadong tanong ni Tyreen.

"Wag nyo nalang pansinin" sagot sakanya ni Mika.

"O-okay"

"Hayaan mona ganon lang talaga yun" bulong ko kay Tyreen. Gulat naman syang napa tingin sakin.

"O-okay lang yun. May mali naman ata akong nasabi" sabi nya bahagya pa syang ngumiti sakin. Kaya napa ngiti din ako.

Nang makalabas kami sa Restaurant nakita namin silang apat na seryosong mag uusap. Lahat sila ay naka talikod samin at nakaharap kay Cliona.

"Grabe mali tayo dun Dre!" Sabi ni Aris na nasa tabi ko.

"They talking seriously. Let's wait them" singit ni Zaggy habang naka tingin kila Cliona na medyo malayo samin.

"Ano kayang pinag uusapan nila"takang tanong ko.

"Serious one I guess. Mukang galit nga si Cliona" sagot ni Tyreen. Kaya tinitigan ko si Cliona na kunot pa ang noo habang naka tingin kay Juancho at Mary. Napatayo ako ng tuwid ng tumingin sya samin. Hindi, Sakin! Dahil nag tama pa ang paningin namin! May sinabi pa sya sa tatlo bago sumakay sa Kotse at padabog pa yun sinara. Rinig na rinig ko ang pag sara nun!

Agad namang lumapit samin si Mika na seryosong naka tingin samin.

"What happen Mik?" Tanong sakanya ni Zaggy.

"Ah wala yun nagalit lang" ngumiti pa sya pero halata namang peke yun.

"Sorry, dahil ba sakin yun?" Tanong ni Tyreen.

"Nako hinde! Wag nyo nalang pansinin. Pinapasabi ni Cliona na Umuwi na daw kayo kase mag didilim na hindi nanamin kayo ma susundan kase ihahatid pa namin sila Juancho saka si Mary sa Condo nila" sabi nya habang naka ngiti.

"Salamat din sabihin mo" sagot ni Aris Tumango naman sya kay Aris

"Thanks for Dinner" si Zaggy

"Thanks for today and thanks to save my life" ngiting sabi ni Tyreen.

"Makakarating" sagot ni Mika. Tumingin naman sya saken.

"Thank you for today. Ingat kayo" sabi ko. Ngumiti naman sya saka tumango.

"Ingat kayo pauwi bye!" Kumaway pa sya bago patakbong sumakay sa kotse. Sumilip naman si Mary at Mika sa bintana sa back seat saka kumaway samen bago sila umalis.

Agad naman kaming sumakay sa kotse para makauwi. Habang nasa byahe ay tahimik kang kami. Dala parin ang matinding tensyon kanina at iniisip kung bakit nagalit si Cliona. Dahil ba yun sa pag singit ni Tyreen kanina? Eh hindi ba ng babaw naman ng dahilan nya kung ganon. Pero ang sabi ni Mika kanina ay hindi naman daw tungkol don. Imposible ngang dahil lang don kase grabe ang pangumgunot ng noo nya habang nakantingin kila Mika, Mary at Juancho.

"Bakit kaya nagalit si Cliona?" Pag basag ni Aris sa katahimikan hindi na ata natiis salirinin ang tanong sa isip nya.

"Wag nyo na isipin yun. May valid reason naman ata sya kaya sya nagalit"paliwanag ni Zaggy.

"Medyo nakakatakot si Cliona tumingin pero ang cool nya!" Si Tyreen na naka ngiti.

Pwe! Asan ng cool don.

"Tama ka Ty! Grabe yun pag tumingin matatakot ka talaga tapos sobrang tahimik pa" natatawang sabi ni Aris.

"Right, napansin ko nga kanina"  natatwang sagot din ni Tyreen.

"Dalawang beses ko palang yun nakita ngumiti kaya nakakagulat talaga" dagdag pa ni Aris.

"Talaga!? Grabe ang cool nya sobra. Ngayon lang ako nakakita ng katulad nya, hindi sya yung tipo ng babae na maarte tapos puro paganda lang ang alam. Yung ganda nya kusang lumalabas!"

*UBO*

"Maka react ka naman Dre" Baling sakin ni Aris.

"Naubo lang naman ako" dipensa ko.

"Sabi mo eh" iling iling nyang sabi.

"Sa tingin mo Ris boyfriend kaya ni Cliona si Juancho?"

*UBO*

"Grabe nayang ubo mo Dre na papadalas na ata" naka ngising sabi ni Aris.

"Makati ang lalamunan ko" depensa ko ulit.

"Ayoko na bumuo ng conclusion sa utak ko Ty. Kase nung una ang akala namin may relasyon si Cliona at Cameron, pero ang totoo ay magkapatid lang pala sila nakakahiya yun grabe! Diba Zee" baling nya kay Zaggy.

"Yeah" natatawang sagot nya. " Ang epic talaga nun. Wala naman kase sa itsura nila na magkapatid sila. Then kung sino ang oldest sakanila" dagdag pa ni Zaggy.

"Bakit naman?"takang tanong ni Tyreen.

"Nung nasa Dean's office kase kami ay nandon si Cameron tapos bigla syang nagalit nung makita nya si Cameron then sabi ni Dean pinatawag daw nya si Cameron kase ayaw naman daw ipadala ni Cliona ang parents nya" kwento ni Aris.

"Bakit naman daw?"

"Ang sagot ni Cliona 'wala naman akong magulang kaya sino ang ipapadala ko'" pang gagaya nya pa kay Cliona.

"Really?" Natatawang tanong ni Tyreen "ano namang sabi ni Cameron?" Dagdag pa nyang tanong.

"Nagalit syempre sabe nya 'CLIRITY!'" ginaya pa nya ulit ang tono ni Cameron.

"Sino naman si Clirity?" Baling naman nya saken.

"Hindi ako sigurado pero baka si Cliona" sagot ko tango tango naman sya.

"Oh tuloy mo" baling nya ulit kay Aris.

"Zee ikaw naman mag kwento" pasa nya kay Zaggy.

"Sabi ni Cliona sakanya 'sinisigawan mo bako?' kalmado lang ang boses nun ni Cliona pero natakot talaga sya kase bigla nalang syang natahimik." Kwento ni Zaggy. Nanatili naman akonf nakikinig sakanila habang nasa labas ng paningin. " Kaya that day hindi nanamin inisip na mag kapatid sila kase sobrang komplikado. Hindi namin kung sino ang nakakatanda. First, 4th year college na si Cameron and 4th year naman si Cliona. Second, the way they threat each other muka silang may relasyon." Dagdag pa ni Zaggy habang nasa daan ang paningin. Nag patuloy sila sa kwentuhan habang ako ay nanatiling nakikinig sakanila. Paminsan minsan sumasagot pag ako ang kinakausap. Hanggang sa mahatid nila ako sa bahay.

"He's here!" Salubong sakin ni Mommy. "How's your day anak?" Tanong sakin ni Mommy habang inaalalay ako papuntang Dining.

"May nang yari sa Airport Mom. Na hostage si Tyreen" kwento ko ng maka upo ako.

"WHAT!? Is she okay now?" Nag aalalang tanong ni Mommy.

"Where is she now?" Tanong din ni Daddy.

"She's fine Mom,Dad" sabi ko habang tumitikim ng soup.

"I kwento mo samin anak" sabi ni Mom. Nilunok ko muna ang laman ng bibig ko saka uminom bago ko ikwento sakanila ang nang yari. Simula nung dumating kami sa Airport hanggang sa madala sa hospital yung lalake.

"O MY GOSH! ANG GENEROUS NYA!" biglang sabi ni Mommy habang kinakilig pa. " Akalain mo yun pina hospital pa nya yung lalake matapos nyang bugbugin" kumikislap pa ang mata nya habang nag sasalita.

"Sino naman yung tumulong sainyo? Ang dami mo nang na kwento pero maski pangalan dika nag banggit"  ngising tanong ni Daddy.

"Oo nga naman sweetie" gatong sakanya ni Mommy.

*LUNOK*

"S-Si Cliona po" sagot ko sabay inom ng tubig.

"YIEEEEEEE ANG ASTIG NYA TALAGA!" Sigaw ni Mommy dahil sa kilig.

"Now. I like her" natatawang sabi ni Daddy kaya tiningnan ko sya ng nag tataka.

"Dad?"

"What?! I just saying that I like her attitude" depensa si Daddy. napabuntong hininga nalang ako saka nag patuloy sa pagkain kahit kakakain lang namin kanina.

"Kakaibang bata" singit ni Manang na nakikinig din pala samin.

"Tama ka Manang sol kakaiba talaga" gatong sakanya ni Daddy.

"Bihira nalang sa babae ang malalakas ang loob na sumabak sa mga ganyang kadelekadong tagpo" si Mommy naman ang nag salita. " Isa lang ibig sabihin nyan" lahat kami napatingin kay Mommy nag hihintay sa isasagot. "Kaya nyang protektahan ang sarili nya" ngiting sabi nya.

"Kaya nyang protektahan ang sarili nya"

"Sino? Si Ma'am Cliona? Kaya nya yan"

"Ma'am pag nadamay kayo ako ang malalagot sa isang to"

"Pasensya na Ma'am madaday kase kayo pag hindi ko ginawa yun"

"Kilala ko si Cliona. Kaya nya ang sarili nya"

Biglang nag echo lahat sakin yung mga binitawan nilang salita. Ganon ba sila katiwala kay Cliona para pabayaan nila sa mga ganong klaseng eksena. Yung pag sugod nya kanina sa Airport hindi manlang nakeelam sakanila at talaga namang nanonood lang sila bahang nag aantay sa utos ni Cliona.

Kung makasugod sya kala mo syam ang buhay. Parang hindi manlang sya natatakot para sa buhay nya.  Ako nga na napako sa kinatatayuan ko ng itututok sakin ang baril pero sya, sya pa mismo nag tutok sa noo nya ng dulo ng baril!

"Sweetie" napatingin ako kay Mommy ng tapikin nyako sa kamay.

"Mom?"

"Kanina kapa namin tinatawag ang lalim ng iniisip ah" may pang aasar sa tono ni Daddy.

"S-sorry. Masama lang po ang pakiramdam ko aakyat nako" paalam mo sakanila. Hindin kona hinintay ang sasabihin nila agad agad ako pumunta sa kwarto ko at pabagsak na hiniga ang sarili ko sa kama.

Ang gulo! Bakit parang kalmadong kalamado sila pag nanajan si Cliona? Ngayon ko lang den na digest ang nga binitawan nilang salita. Tao lang din naman si Cliona pag nabaril may dugong lalabas pag hindi naagapan mamamatay. Aishhhhhh ang gulo! Idagdag pa ang biglaang pag amin ko kah Tyreen!

Wala yun sa plano ko!

Sa ganong paraan talaga ako umamin? Tsk! Expect the unexpected! Pero sa mga kinilos ni Tyreen kanina parang hindi manlang sya nailang. Hindi ba sya naniniwala sa sinabi ko? Hinde! Kaylangan nya paniwalaan yun dahil mahirap umamin ah! Kasalanan to ni Cliona eh!

Aishhhhhh Cliona nanaman! Puro nalang Cliona! Halos lahat pangalan namang nya ang naririnig ko! Nakakasawa at nakakairita na!

"Hinihintay ka"

(O_O)

ANDWAEEEEEEEE!

"Hinihintay nya ako kase hindi pa na eexpell si Banjo! Oo tama yun yon!" Singhal ko sa sarili ko. "Hindi big deal yun Aero! Ngayong naka uwi na si Tyreen mababaling na sakanya ang buo kong atensyon!" Dagdag kopa bahagya kopang tinatapik ang  sarili kong braso.

"Tsk! Tsk! Iiwasan kona sya! Tama iiwasan kona sya dahil wala nanamn na si Banjo at isa pa naiinis lang ako sakanya!" Pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Huminga pako ng malalim bago pumasok sa Banyo para maligo. Ngayong umamin nako kay Tyreen titigilan nadin ni Aris ang pangangasar saken. Simula din bukas ay ayoko na marinig ang pangalan nya.

Kaylangan ko ang tahimik na isip at tahimik na buhay. Masyadong madame ang mga nangyayare sa nag daan na mga araw. Puro bugbuga. Ayoko mang isiping malas ang

gyomanhan nayun pero malas talaga sya. Kung saan ang gulo nandun sya. Pwede namang wag sya makisale pero dahil dakilang gyomanhan sya dapat lagi syang may role. Pasikat lang!

[Gomanhan means Hambog in korean]

Nang natapos ako ay nag bihis agad ako saka napag pasyahang mahiga sa kama ko. Bago matulog ay humiling pa ako na sana ay maging maganda ang bukas para sakin, samin. Sana wala ng kaguluhan dahil nakakasawa nadin. Ngiti akong pumikit ilang sandali pa bago ak tuluyang makatulog.