Invitation Card

AERO P.O.V

Katulad ng sinasabi ko kagabi ay naging maganda ang gising ko. Kaylangan kona siguro ang pagdadasal ko bago matulog para hindi ang palaging binabangungot. Maaga ang pasok namin dahil may practice kami ng soccer dahil sa nalalapit na sportfest, kahit may dalawang buwan pa kami para makapag handa. Pero hindi ko din masisisi si Coach dahil ito na ang last year namin dahil college na kami sa susunod kaya ganto nalang ang pag hahanda namin. Nag lalakihang school ang kalaban namin masasabi kong magagaling sila pero mas magaling kami. Isa din ang dahilan kung bakit ganto kami mag practice dahil 4 years na kaming title holder for overall champion ng sportfest. Mula sa Soccer hanggang sa iba pang sport kasama na jan ang Basketball at Volleyball.

"Napaka aga mo naman ata, hindi pako nakakapag luto" si Manang na halatang kakagising lang din.

"Dina bale manang may practice pa kase kame kaya maaga talaga kami" sagot ko.

"O ganon ba edi araw araw kanang papasok nyan ng gantong oras?" Tanong nya ulit. Nakangiti naman akong tumango.

"Yes manang! Pinag hahandaan namin ang sportfest"

"Oo nga pala no? Malapit na nga pala ang agosto. O sya mag iingat ka" humalik pako sa pisnge nya bago umalis. Si manang na ang kinikilala kong pangalawang magulang. Sya kase ang nanjan lalo na pag nasa business trip sila Mommy at Daddy.

Maaga pa kaya wala pang masyadong estudyanteng makikita sa buong school. Mga varsity at mga club member lang ang makikita mo sa paligid.

"Dre!" Salubong ni Aris na kababa lang din ng sasakyan nya, maging si Zaggy na tahimik na lumapit samin.

"Morning" bati nya samin.

"Good morning Dre!"

"Morning den"

Batian namin. Saka sabay sabay na nag lakad.

"Grabe makikita ko nanaman ang seryosong muka ni Cli—"

"Heppppp! Ayokong marinig ang pangalan nya o kahit ano na tungkol sakanya please" pag putol ko sa sinasabi nya. Kunot noo naman silang timingin sakin natigilan pa sa pag lalakad.

"Problema mo Dre?" Takang tanong sakin ni Aris.

"Usapan natin pag umamin ako kay Tyreen titigilan mo nako" nakangisi kong sabi.

"Eh anong connect non sa pag banggit namin sa pangalan ni Cli—"

"Shut up Ris!" Putol ko sa sinasabi nya.

"Don't mind him Ris" matatawang dagdag ni Zaggy. Mag sasalita pa si Aris ng may marining kami sa likod namin.

*BROOM!* *BROOM!*

(O_O)

(>_<)

"Hindi ka talaga mahal ng mundo Dre" bulong pa sakin ni Aris. Kita ko ang mabilis nyang pag parada ng motor nya saka ang pag alis ng helmet nya sa ulo dahilan para makita namin ang magulo nyang brown na buhok na halatang nagulo ng hangin sa bilis ng pag papatakbo nya. Bahagya nya pa iyong inayos saka ipinusod meron pang mga nalalaglag na konting buhok sa muka nya, Itim na shirt at ripped jeans na talaga namang lalabas at sisigaw ang kaputiin ng kutis nya!

(O_O)

ANO BANG PINAGASABI KO!

Agad syang nag lakad papalapit samin at walang habas na nilag pasan kami.

"Good morning!" Bati ni Zaggy na ngingiti ngiti pa.

"Goodmorning, lover girl!" Bati si Aris. Napatingin ako sakanya. Saan naman galing ang LOVER GIRL nga nayan?.

"Uhmmm" sagot ni Clio—enckkk! Habang patuloy sa pag lalakad na hindin manlang nag abala na tapunan kami ng tingin.

"Wait!" Habol sakanya ni Zaggy. Nagkatingin pa kami ni Aris pero agad naman syang sumunod kay Zaggy at walang pasabing iniwan ako mag isa dito.

"Morning" agad akong napatingin sa likod ko ng may mag salita don. Si Mika.

"Morning" kaswal na bati ko. Pero bigla din nya ako tinalikuran at walang pasabing iniwan din ako dito mag isa. Iling iling naman akong sumunod sakanila.

Anong problema nilang ngayon? Mas lalo pa sila naging wirdo sa kinikilos nila!

"Yes she want to give this to you" sabay abot ni Zaggy ng paper bag na hawak nya na hindi ko manlang napansin kanina na hawak nya.

"Ano namang gagawin ko jan?" Walang emosyong sabi ni Clio—enkkk! Nasa likod lang nila ako nakikinig sa pinag uusapan nila.

Sabing ayoko makita sya ngayon pero eto ako ngayon, nasa likod nya! Aishhhhhhh!

"Thank you gift?" Hindi siguradong sagot ni Zaggy.

"Hindi ko matatanggap yan" Pch! Arte!

"Why?"

"Dahil hindi ko naman kaarawan" deretchong sagot nya.

"Kaylangan ba na tuwing birthday lang ang nag reregalo? Theirs a wedding gift, anniversary gift, friendly gift or what so ever" paliwanag ni Zaggy.

"Hindi kame ikakasal ng pinsan mo, hindi ren naman namen anniversary dahil wala naman kameng relasyon. At pang hule hindi kame magkaibigan. So what's the point giving me a gift?" Nauubusang pasensyang sagot nya. Napakamot naman si Zaggy sa batok nawawalan ng pag asang tanggapin ni Clio—enkkk! Ang regalong pinadala ni Tyreen.

"Tanggapin mona kaibigan" sinasagi sagi pa sya ni Mika sa braso. "Mukang mamahalen HAHAHAHA"

"Tsk! Edi kunin mo kung gusto mo" inis na talagang sabi nya saka nag paunang mag lakad.

"Ay nagalet. Amina Zee ako na mag bibigay sakanya." Sabay hablot sa kamay ni Zaggy ng paper bag. " Hindi talaga yun natanggap ng regalo pag walang okasyon. Pag may mag bibigay kase sakanya tinatanong sya kung anong gusto nya, ang kakalabasan kase nun sakanya hindi regalo kundi pasalubong o kaya naman ay pinabili nya kase alam na nya yung laman" kinindatan pa nya si Zaggy. "Tips yan bro! Bye!" Tinapik pa nya sa balikat si Zaggy bago tumakbo para lang masundan ang kaibigan nyang nag mamadali lagi sa pag lalakad.

"Grabe HAHAHAHAHA hindi ako nakapag salita don!" Biglang bulaslas ni Aris.

"Yeah, kahit ako nag dadalawang isip pa kanina kung kakausapin sya" natatawang dagdag din ni Zaggy.

"Baket ano bang meron?" Bigla kong tanong sakin pinansingkitan pako ng mata ni Aris bago sumagot ng pabalang.

"Bakit ko naman sasabihin diba ayaw mong makarinig ng kahit ano tungkol sakanya?" Aniya habang naka ngisi saken.

"S-sabi ko nga" napapahiyang sagot ko saka nag paunang mag lakad papuntang soccer field.

MIKA P.O.V

Agad kong naabutan sa practice room si Cliona kausap ang iba pang members ng Dance Min. Wala pakong club na nasasalihan pero mukang meron na ngayon. Agad naman nag bago ang ekspresyon ko ng maalala ko ang Invitation nayun! Bwiset nayan!

Sumama lang ako dito kay Cliona dahil ayokong pumasok ng mag isa balak kopa nga sanang umangkas nalang sakanya kanina pero agad nyakong tiningnan ng masama kaya wala akong nagawa kundi ang mag maneho ng sarili kong motor. Pinanood kong sumayaw si Cliona. Masasabi kong sobrang galing nya nakakasabay sya sa mga lalaking kasabay na may part kase silang si Cliona lang a g nasa gitna at puro lalaki ang kasabay nyang sumayaw. Sa buong practice ang sigaw si Trisha ng.

"SMILE!" habang ngingiti din may Cliona. Bahagya namang ngingiti si Cliona pero agad ding nawawala. Habang sa matapos ng practice nila ay hindi parin naimik si Cliona na syang pinag taka ng mga ka grupo nya.

"Maganda at swabe ang mga galawan nyo ngiti nalang talaga ang kulang. May problema ba Cliona?" Nag aalalang tanong ni Trisha agad namang umiling si Cliona.

"Masama lang ang gising ko" buo ang boses nya sa pag sagot halatang napipilitan lang.

"Okay lang yan basta sa susunod galingan pa namin. On three!" Lahat sila ay nag lahad ng kamay sa harapan saka tinaas yun at sabay sabay sumigas ng....

"DMIS MANILA!"

Lahat sila naka ngiti maliban kay Cliona na nag liligpit na ng gamit nya agad ko syang nilapitan at binigyan ng tubig. Agad naman nya yung ininom saka ibinalik saken.

"Thanks"

"Maaga pa Clio kain muna tayo sa canteen" aya ko sakanya.

"Uhmmmm maliligo lang ako" sabi nya saka pasok sa restroom nila ako naman ay nag hintay lang habang nakaupo.

"Hi!" Bati sakin nung kasamahan ni Cliona sa sayaw.

"Hi" ginantihan ko naman sya ng ngiti.

"Your Cliona's friend?" Tanong nya pa agad naman akong tumango. "I'm Zandro. From class B classmate ko sila Aero" pakilaka nya. Peke naman akong ngumiti sakanya. Sabi ni Cliona don't talk to strangers! Atsak ano namang pakeelam ko kung classmate nya sila Aero?

"Ah hehe nice to meet you" pilit na ngiting sagot ko.

"Your not going to tell your name?" Taka nyang tanong sakin pero hindi nawawala ang ngiti sa muka.

"Bakit naman sya mag papakilala sayo?" Biglang nag salita sa likuran nya. Gulat naman syang napatingin don.

"Cliona" halatang kabadong aniya.

"Pangalan ko nga yan" tamad na sagod sakanya ni Cliona.

"I'm just introducing myself to her, right?" Baling nya saken. Ayan nanaman ang nakakairita nyang ngiti. Gusto ko syang ihampas sa pader hanggang sa mawala ang mga nagpuputian nyang ngipin.

"Mukang hindi naman interesado sayo ang kaibigan ko" gusto kong maluha dahil sa sinabi ni Cliona. Malimit nya lang sabihin ang word na 'kaibigan ko' kaya na ta touch talaga ang puso ko. Gusto kong ipaulit sakanya yun at irecord para gawin konh ringtone sa cellphone ko.

Napahiyang tumungo naman si Zandro saka pilit na ngumiti  "oh okay. Mauuna nako mag Iingat kayo" hindi ko alam pero parang may diin sa boses nya ng banggitin nya ang 'mag iilangat kayo' tiningnan ko si Cliona na wala manlang nag bago sa ekspresyon nya kaya nakahinga ako ng malalim

I'm just imagining things

Lumabas kami sa practice room si Cliona na ang nag lock non kase kami ang huling lumabas saka kami pumuntang canteen kung saan nasa table na ang mga kaibigan namin.

"MIKA! CLIONA!" tawag pa ni Katty samin habang kumakaway. Agad naman kaming lumapit sakanila saka umupo sa pwesto namin.

"Ako na mag oorder" presinta ni Cliona. Hindi na hinintay ang sasabihin namin dahil agad syang nag tungo sa counter.

"Bad mood nanaman ata ang mader ert namin ah" pauna sa usapan ni Roi habang tinatanaw ang likuran ni Cliona na nasa counter.

Hindi lang Bad mood yun! Galit pa!

Gusto ko sabihin sakanila yan pero alam kong dadagsa nanaman ang madami nilang tanong kaya nanahimik nalang ako.

"Halos araw araw naman ganyan si mader ert bakla ano pabang bago?" Natatawang sagot sakanya ni Rumsel.

"Iba lang ang aura ni Clio ngayon" singit sakanila ni Katty. Kung makapag usap sila parang wala sa harapan ang bestfriend ni Cliona. Wala ng iba syempre ako! D to the U to the H as in DUH!

"wag nyong pag usapan baka marinig kayo at biglang lumipad ang tray sa muka nyo" pananakot kopa sakanila. Nanlaki naman ang mga mata nila dahilan para matawa ako.

"Jusko Bakla hindi magandang biro!" Pinalo pako sa braso ni Roi na halatang natakot talaga.

"Ay jusko day! Wag ganon pag tinamaan ang baklang Roi panget na nga lalo pang papanget" natatawang sabi ni Rumsel.

"Ah talaga bakla ano naman yang plastic surgery mo pag natamaan yan mas panget kapa kay marlou" bawi sakanya ni Roi. Tawa naman kami ng tawa ni Katty. Natigil lang ako ng sulyapan ko si Cliona na nakikipag usap dun kay Zandro!

Malaki ang ngiti ni Zandro habang si Cliona naman ay nakangiti den pero mahahalata mong peke yun at sa itsura nya para syang natatangahan sa kausap nya pero dahil sa manners napipilitan syang sumagot. Kunot noo ko silang pinanood hanggang sa mapansin ako ng mga kasama ko.

"Anong tinitingan mo teh?" Tanong ni Rumsel sakin hindi ko sila sinagot kaya sinjndan nila ng tingin ang tinitingnan ko.

"Ay oh Gwapo!" Yun talaga ang unang nakita ni Roi. " Iba talaga bumingwit ang Mader ert!" Dag dag pa nya.

"Shhhhh Roi muka hindi natutuwa si Cliona. Look oh she look pise!" Gusto kong mag pasalamat kay Katty dahil napansin nya yun.

"Oo nga bakla." Dagdag sakanya ni Rumsel. Natahimik kaming pinapanood sila. Hanggang sa may mag salita sa likod namin.

"Shhhhhh" sabay sabay naming sita sakanya habang hindi nawawala ang tingin namin kay Cliona at Zandro.

"Ano bang tinitingnan nyo jan?" Bulong nyang sabi.

"Manahimik ka Aris" sita sakanya ni Katty agad akong napalingon sakanya. Mali sakanila dahil ang dami nila! Puros mga naka jersy!

Bahagyang nagunot ang noo  ni Aris habang inaaninag ang kausap ni Cliona.

"I'm Zandro, From class B classmate ko sila Aero"

Biglang nag echo ang boses ni Zandro sa tenga ko.

"Aris" tawag ko sakanya dahilan para mag tinginan sila saken." Kilala moba yun?" Turo ko sa kausap ni Cliona.

"Oo transfer den. Si Zandro. Nagulat nga kami kase biglang sulpot lang yan" paliwanag nya. Agad naman nangunot ang noo ko. "Bakit?" Tanong pa nya aga naman akong umiling.

"Wala, sige salamat" tumango tango naman sya nag paalam pa sya kay Katty bago sumunod sa mga kasama nya. Nanatiling nakila Cliona at Zandro ang paningin ko hanggang sa iwanan sya ni Cliona. Kung kaninang naka ngiting nag paalam sya kay Zandro, nang maka talikod naman ay biglang nawala ang ngiti nya at mapalitan ng walang emosyon. Nang makalapit sya samin agad nyang nilapag ang dalawang tray na may lamang chocolate drink at pizza.

"Oy galante pizza" nag paunang kumuha si Roi saka iyon kinain sumunod naman sakanya yung dalawa. Pinag masdan ko si Cliona na kunot noong nakatingin sa pizza habang numunguya. Kung iba ang makakakita iisiping may galit sya sa pizza dahil sa rahas nitong kinakagat. Pero para sakin may may iniisip nanaman to. Alam kong hindi lang tungkol sa Invitation kung pati narin kay Zandro. May kakaiba sa lalaking yun. Kung ibang tao iisiping normal lang syang estudyante na biniyayaan ng talino at maganda muka. Pero para sakin na mas matalino at mas biniyayaan ng magandang muka eh nakikita ko ang kakaibang kinikilos ng Zandro nayun.

"Napansin mo rin ba?" Bulong ko kay Cliona na busy sa pag eencode.

"Oo" bulong nya din habang hindi inaalis ang paningin sa Screen. Nasa computer lab kame dahil pinag eencode kami ni Ms. De guzman dahil tru via namin ipapasa ang essay namin. Oh diba ang taray lang. Ayaw nya daw kase ng magastos sa papel at ayaw nya ang maduming gawa, at least daw sa computer namin gawin eh mabubura namin pag may mali. Oh diba sana ol ganyan, edi sana hindi na nakaka bwiset pumasok pag ganyan lahat ng lecturer mo. Hindi katulad ni Mr. Choco eh kung mag bigay ng quiz kala mo wala ng bukas, si Mrs. Door na pamatay kung mag pa P.E. palibasa eh mga galit samin ni Cliona. HAHAHAHAHAHA kasalanan ba naming hindi lang kami maganda at matalino, binayayaan rin kami ng talento! HAHAHAHAHAHAHAH!

"Ms. Santiago! What you're laughing at!?" Nagulat akong napatingin kay Ms. Deguzman na masama ang mukang naka tingin saken.

"S-sorry Ms" napapahiyang tugon ko.

"Tss. Yan kung ano ano kase iniisip. Hindi namamalayang lumabas na sa bunganga" bulong ni Cliona saka tumayo.

"Tapos kana!?" Singhal na tanong ko sakanya.

"Unahin mo kase yan bago ang pag tawa" ngisi nyang sabi bago lumapit kay Ms. Deguzman.

"Expected ko nang mauuna ka. Very good" sabi pa ni Ms. Deguzman habang naka ngiti kay Cliona. Napanguso naman ako. Tch! Lalaki nanamn ulo nyan!

"Bilisan mo jan. Sabihin mo sakanila na sa room nalag tayo kumain ako na bibili ng pagkaen naten" bulong nya habang nag liligpit ng gamit saka lumabas sa computer lab. Mabilis ko namang tinapos ang ginagawa ko saka tumayo.

"Your verygood as Ms. Wolverson. Wag kalang talaga bigla biglang tumatawa" natatawang sabi saken ni Ma'am

"Hehe sorry na naman may naisip lang po talaga akong nakakatawa hehe" kamot noo kong sabi.

"It's okay wag lang talaga maulit. You may go " tumango ako bago lumabas. Hindi allowed ang mag hintay doon kaya ti next ko nalang si Roi na sa room sila dumeretcho, katulad ng sabi ni Cliona ay pumunta ako sa classroom. Sinadya kong dumaan sa Class B, on going paren ang klase nila. Agad hinanap ng mata ko si Zandro na nakikinig sa lecturer nila. Nang mapansing may tao agad syang lumingon sakin. Agad nanamang sumilay ang nakakainis nyang ngiti saka kumaway pa sakin ng bahagya. Agad ko syang inirapan saka nag mamadaling pumunta sa class room, Kung saan naabutan ko si Cliona na kunot noong naka tingin sa sobreng hawak nya na hindi parin bukas hanggang ngayon.

"Ano sisilipin mona ba?" Tanong ko sakanya ng makaupo ako sa tapat nya.

"Paniguradong katulad lang din to ng sayo. Tsss, kaylangan pang pag hiwalayen pwede namang pag isahen"

"Hindi naman nila alam na nasa iisang bahay lang tayo. Basahin mona"pilit ko sakanya. Kagabe kopa nakita at nabasa yung sakin na sana hindi ko nalang ginawa dahil hindi ako natutuwa sa nakasulat don.

Walang nagawa si Cliona kundi buksan ang sobreng pinadala samin, katulad na katulad nung sakin kaya paniguradong iisa lang ang mensaheng laman non. Humugot pa ng malalim na hininga si Cliona bago basahin ang nasa sulat ko. Inaasahan kong hindi na sya mabibigla sa naka sulat don dahil nabasa na nya yung akin. Pero nangunot ang noo ko ng mapatayo pa sya saka kunot noong naka tingin sa binabasa.

"A-anong nakalagay" kabado kong tanong. Dahila paniguradong iba ang naka sulat don dahil sa reaksyon ni Cliona. Galit syang tumingin saken kaya lalo akong kinabahan. Bigla syang binagsak ang invitation sa mesa ko saka sinapo ang noo. Agad ko namang kinuha ang Invitation at binasa ang naka sulat don.

'You're allowed to join the 48th sportfest  in your current school, INTERNATIONAL SCHOOL of MANILA soccer team as a Coach.'

>LOOK BACK<

Napatakip ako sa bunganga ko habang binabasa ang naka sulat sa likod non.

You'll help your school to get here as a representative of the philippines. We're already talked to Mr. Sanchez according to this. See you on 50th Beijing International soccer competition.

-Canis Major

Gulat ako napatingin kay Cliona na problemadong naka tingin sa hawak kong Invitation card. Hindi! Hindi to invitation card na tulad sakin dahil  hindi ito tulad ng akin na, inaanyayahan akong sumali sa soccer team dito at kalabanin ang dati kong team. May nakasulat din sa likod ang akin katulad ng kay Cliona. Doon din nakasulat ang paalala ni Canis.

'try your best to get here, try your best to win that sportfest to matter what. I'm not hoping because I know you can do it".

Literal na nasapo ko ang noo ko dahil sa pinaghalong Inis at kaba. Kung ako ay ganto ang reaksyon pano pa kaya si Cliona na mas mabigat ang resposibilidad. Coach? Really? Alam naming lahat na Magaling talaga si Cliona sa larong yun pero walang binatbat ang galing sa taong gipit. Nag desisyon nakong tumigil muna pansamantala sa pag tatrabaho sa Royal dahil wala naman akong problema sa pera, pero si Cliona na mas makapal pa sa encyclopedia ang pride at ego, Goshhhhhh!

WE'RE SO DEAD!