AERO P.O.V
Damaan ang araw at linggo, nagtagumpay ako sa pag iwas kay Clio—enkkk! maliban nung araw na nag kita kami sa Parking lot nung umagang yun. Maski sa Canteen ay hindi kona sila nakikita. Ang mga kaibigan nya Oo pero lagi sa doong wala minsan pa nga ay dalawa sila ni Mika ang wala. Hindi naman sa hinahanap ko si Clio—enkkk! sinasabi ko lang ang napapansin ko. Hindi nadin nababanggit nila Aris at Zaggy ang pangalan nya pag kasama ako, paniguradong napag uusapan nila kapag wala ako. Naging mas malapit din kame ni Tyreen ngayon sa isa't isa at masasabi ko namang natanggap nya yun dahil naging mas sweet kame. Balak kong manligaw sakanya pero hindi pako handa dahil nangangapa pa kami parehas dahil nga sa matagal na kaming mag kaibigan. Isa pa sa napansin ko ang biglang pag kawala ni Justine. Minsan nadin natanong ni Aris sila Roi, Rumsel at Katty tungkol kay Justine nung araw na sumabay kami sakanila kumaen. Pero iisa lang ang sagot nila 'HINDI NAMIN ALAM.'
Maging sila nga daw ay nagulat sa madalas na pag absent ni Justine. Kung pumasok naman daw yun ay hindi nasama sakanila kumain dito sa canteen at mas pinipiling sa labas kumain. Minsan nadin daw sumabay si Clio—enkkk! Sakanya pero isang beses lang daw yun at hindi na naulit.
Ngayon ay maaga kaming pumasok, mas maaga sa nakasanayan naming oras ng practice dahil may announcement daw si Coach. Kung ano yun ay hindi ko alam. Ngayon ay nasa field na kameng lahat at hinihintay si Coach.
"Para saan kaya at pinatawag tayo si Coach ng ganto kaaga. Inaantok pako!" Reklamo ni Remson na syang Goal keeper namin.
" Kaya nga may alam kaba Cap?" Baling sakin ni Samuel. Agad naman akong umiling.
"Wala din akong alam. Hintayin nalang natin si Coach para malaman natin" sagot ko. Wala kaming nagawa kundi ang intayin si Coach hanggang sa dumating na sya na may magandang ngiti. Talaga namang ngiting ngiti.
"Naka ngiti si Coach mukang good news!" Sabi ni Marcelo.
"Tama ka! Good news talaga!" Masayang balita ni Coach.
"May nahanap kana bang ipapalit kay Christian Coach?" Tanong din ni Aris.
"Ako paba wala ata kayong bilib saken" mayabang na sagot ni Coach naka taas pa ang noo. " Tungkol nga jan pag uusapan natin ngayon. Gusto ko ipakilala agad agad sainyo ang papalit kay Christian pansamantala" dagdag pa ni Coach. Pumalakpak pa sya ng dalawang beses na parang may tinatawag. Agad kaming napatingin sa tinitingnan nya. Napako agad ako sa kinatatayuan ko ng makita ko kung sino ang tinutukoy ni coach!
(O_O)
(>_<)
"Welcome to IS MANILA soccer team Ms. Santiago"
*LUNOK*
ANDWAEEEEEEEEE!
"MIK?" Hindi rin makapaniwalang tanong ni Zaggy.
"You know each other already huh?" Nakangising tanong ni Coach kaya nag tawanan sila maliban saken at kay Mika na seryoso lang nakatingin sa harapan. Nagtama pa ang mata namin pero hindi parin ang ekspresyon nya.
"Introduce yourself Ms. Santiago" utos ni Coach. Pero imbis na mag salita sya bigla syang tumingin sa gilid namin. Agad naman kaming napa tingin don at....
(O_O)
Ang tagal kong hindi nakita at naramdaman ang presensya sya dahil sa iniiwasan ko sya pero ngayon nasa harapan kona at talaga namang kapansin pansin ang biglaang pag bagsak ng timbang nya.
"Chicks pre"
"Sino yan?"
"Ganda na ang sexy pa"
Rinig kong bulungan nila. Agad naman silang sinuway ni Coach dahilan para matigil sila.
"Mikaela Santiago" lahat kami napatingin kay Mika na nakangiti na.
Wirdo talaga nila kahit kaylan!
"Ms. Wolverson" ngiting sabi ni Coach agad namang naglakad si Clio—enkkk! Palapit kay Coach. May sinabi pa sya at tango naman ng tango si Coach habang naka ngiti. "Nandito si Ms. Wolverson para manood sa practice game natin" ngiting sabi ni Coach " dating gawi. Kilos!" Dagdag pa nya. Nagkatinginan pa kaming tatlo nila Aris at Zaggy dahil pare parehas kaming nagugulat at naguguluhan sa nangyayari. Pero sa huli ay pumunta nalang kami sa kanya kanya naming pwesto.
Kasama ako sa opensa kasama sila Aris at Zaggy, sila Samuel at Miguel wala si Christian kaya kulang kami ng isa. Habang yung natira ay para sa dipensa. Si Remson ang nah silbing goal keeper namin habang si Marcelo ang para sa depensa kaya 4by4 ang players na nasa field pwera sa goal keeper. Pumito si Coach hudyat na simula na ang laro. Si Joshua ang sisipa ng bolo na syang kasama sa Depensa. Agad nya pinasa kay iyon kay Tristian na agad naman nitong masalo ng ipasa kay sa direksyon ni Ethan ay agad nasalo ni Miguel. Nasamin na ang bola.
"Cap!" Sigaw nya at sinipa ang bolo papunta sakin na agad ko namang sinalo agad kong sinenyasan sila Aris at Samuel na harangan sila Ethan at Ken na syang bumabantay sa goal. Agad kong sinipa ang bolo kay Zaggy na syang malapit sa goal.
"Joshua! Si Zaggy!" Sigaw ni Tristian dahilan para mapamura ako sa isip. Agad na binakuran ni Tristian si Zaggy at pilit na inaagaw ang bolo.
Isang maling galaw ni Zaggy ay nakuha samin ang bola! Tumakbo si Tristian habang sipa sipa ang bolo palingon lingon sa mga ka team na na syang bantay ng mga team ko.
"Putcha!" Singhal nya agad akong nag slid dahilan para mapunta sa gawi ni Aris ang bolo agad naman nya iyong nasipa papunta kay Zaggy na sinalo ang bola gamit ang dibdib habang nasa ere ang bolo at tinalon iyon ni samuel at sinipa papunta kay Marcelo at...
*Prfttttttt*
First score ang labanan dito kaya kami ang panalo sa practice game ngayon. Tawa tawa kaming bumalik sa pwesto namin kung saan nanonood sila Coach, Mika at Clio—enkkkk! Na seryoso parin ang muka. Si Mika naman ay ngiting ngiti samin habang si Coach ay taas noong hinarap si Cliona.
"Anong masasabi mo Ms.Wolverson?" Baling sakanya ni Coach.
"Hindi na masama" tangong tangong sagot nya. Taka naman kaming nag katingin ng mga team mates ko lahat kami ay walang alam sa nangyayari. "Pero kulang na kulang"habol nya dahilan para gulat kaming mapatingin sakanya lahat pati narin si Coach.
"H-huh?" Hindi makapaniwalang tanong ni Coach
"Kulang. Kulang na kulang" inulit pa nga. Tibay!
"Ano pang kulang kung ganon?" pilit na ngiting sabi ni Coach.
"Mik" pantawag nya kay Mika na biglang sulpot sa harapan nya na ngiting ngiti.
"I'm ready!" Energetic na sagot nya. Tss! Hindi talaga to nauubusan ng energy eh!
"Tss" sagot pa nya saka tumayo. Sinundan namin ng tingin si Clio—enkkk! Hanggang sa maka makarating sya sa gitna ng field at agad na pinulot ang bola saka inaikot ikot yun.
"Coach palapitin mo dun yung goal keeper nyo" bulong ni Mika kay Coach. Gulat namang napatingin si Remson sakanya.
"Bakit ako?" Turo pa nya sa sarili nya saka tiningnan si Clio—enkkk! Sa gitna ng field na nag hihintay.
"Ay bahala ka pag yan naarawan patay ka" pananakot pa ni Mika sakanya. Aligaga namang tumakbo si Remson sa Field papunta sa pwesto nya. "Lapit tayo" aya samin ni Mika. Wala sa sarili kaming sumunod sakanya malapit kila Remson at Clio—enkkk!
"Handa kana?" Tanong ni Clio—enkkk! Kay Remson.
"T-teka teka kinakabahan ako eh!" Kamot noong sagot ni Remson.
"Kung ganon ay pigilan mona yan ngayon palang" ngising sabi ni Clio—enkkk! Sakanyan. Tiningnan ko si Coach na tutok na tutok sa harapan.
"Coach" tawag ko sakanya." Ano bang ginagawa nyan!?" Inis kong tanong sakanya.
"Manood ka nalang Aero" sabi nya saka Pumito. Napatingin ako kila Remson at Clio—enkkk! Nilapag nya ang bola saka pinag laruan gamit ang paa. Napatulala ako ng bigla nyang ipadaan yun sa tuhod at bahagyang tinuhod yun para lumipad sa ere bahagya pa syang bumwelo saka tinalon ang bola at sinipa iyon sa ere lahat kami ay napatingin kay Remson na Tulala habang naka abang sa darating na pero....
*Prfttttttt*
Pito ni coach hudyat na naka Goal si Clio—enkkkk!
(O_O)
(>_<)
lumapit sakanya si Remson tinapik naman sya ni Clio—enkkk! Sa balikat at sabay silang lumapit samin.
"Salamat. Tatandaan ko yan promise" nakangiting sabi ni Remson habang kumakamot sa noo nya. Napa kunot naman ang noo ko. Ano naman kaya ang pinag uusapan nila?
"Anong napansin mo Remson?" Ngiting tanong ni Coach.
"Hindi ko namalayan yung bola Coach sobrang bilis" kamot noong sagot ni Coach.
"Hindi mo talaga makikita ang bola na paparating kung sa isang direksyon kalang nakatangin" makahulugang aniya kabang nakatingin kay Remson.
"Excellent! Hindi ko akalaing magaling ka sa sport nato" sabi ni Coach sakanya.
"Mas magaling yang isa" baling nya kay Mika na malaki ang ngiti samin.
"Reall? Let's see" makahulugang sabi ni Coach habang nakay Mika ang mata.
"Mauuna nako" paalam pa nya saka kami tinalikuran.
"Sigurado ba syang hindi sasali saten Coach?" Tanong ni Remson.
"Inaya ko din sya pero ayaw nya talaga. She just recommend Ms. Santiago, but she said that Ms. Santiago is more that excellent to her is that right Ms. Santiago?" Baling ni Coach kay Mika.
"Nako Coach pa humble lang yun pero mas humble ako" natatawang sagot ni Mika.
"Grabe diko alam na marunong kayo mag laro ng soccer" Manghang sabi ni Aris.
"Hindi ren kase 3 years nakong tumigil sa pag lalaro" sagot ni Mika.
"3years!?" Gulat na tanong namin sakanya.
"Grabe maka react ah! Marunong pa naman ako kahit papano" kunwaring nasasaktan na sabi ni Mika
"That's not we're mean. It just that 3 years kang nag stop sa pag lalaro then hanggang ngayon ay magaling ka paren" sagot sakanya ni Zaggy.
"Ay nako lalaki ang ulo ko nyan. Hindi nyo pa naman nakikita ang kakayahan ko eh"
"Then let's try her" Ngising sabi ni Tristian.
"Ay pogi wag moko nginingisian pogi ka pero maganda ako Duh!" Nagtawanan kami dahil sa sinabi ni Mika. "One on one kami ni Aero kung sino unang maka score syang panalo ang talo ay manglilibre ng breakfast" maangas na sabi ni Mika saka tumingin saken.
"Bakit ako!?" Singhal ko sakanya.
"Sige ganto nalang kayong tatlo nila Aris at Zaggy ito naman ang saken" sabay hila nya kila Tristian, at Samuel " ikaw yung nag fly kick kanina diba?" Baling nyang tanong kay Samuel.
"Oo hahaha"
"Naks tingnan naten kung may itataas pa ang talon mong yan" ngising sabi ni Mika. "Game na kami couch" sabay takbo nya sa gitna ng Field. "Si Remson ang goal keeper namin ah!" Sigaw pa nya. Agad kaming sumunod sakanya sa field.
"Kala nya ba talaga tayo?" Ngising tanong ko kay Aris habang naka tingin kila Mika na bahagya pang nakatalikod samin sila Remson,Samuel,at Tristian habang naka harap kay Mika na nag sasalita.
"Mukang may bubuga yan Cap ah" Sabi ni Marcelo na mag sisilbing Goal keeper namin.
"Muka nga" tango tango ko.
"Let's take it seriously. Knowing Mika siguradong uubusin nya ang allowance natin" natatawang sabi ni Zaggy habang umiiling pa.
"Mukang seryoso talaga sila Dre. Naka kunot pa ang noo ni Mika oh" sabi ni Aris kaya tiningnan ko si Mika na kunot noo pang nag sasalita sa harap nilang Tatlo, pa minsan minsan pang tumuturo kung saan saan.
"Manoorin nyo ang galaw ni Mikaela Santiago balita ko ay mabilis yan kumilos" Biglang sulpot ni Coach.
"3 years syang tumigil coach hindi malabong bumagal sya kahit papano" ngising sagot ni Marcelo.
"Malalaman natin yan" sabi ni Coach saka pumito hudyat na mag sisimula na ang laban. Agad kaming puwesto, pumunta naman si Marcelo sa goal namin. Si naka bantay si Samuel kay Zaggy, si Tristian naman ay kay Aris at ako lang ang wala kaya hinanap ng mata ko si Mika. Pero nandon sya malapit sa goal nila.
(O_O)
EHHHHH?
"Tyson!" Tawag sakin ni Coach. "Sayo ang bola!" Sabay pagulong ng bola papunta sakin. Agad naman akong pupwesto. Tiningnan ko sila Aris at Zaggy na parehong may bantay. Maluwag ang gitna.
Nagpatuloy ako sa pag sipa ng bola pero ahad nangunot ang noo ko ng wala manlang nasugod saken. Nilongon ko sila Samuel at Tristian na nakabantay lang kila Zaggy at Aris. Nagulat ako ng biglang may nag slid sa kanan ko dahilan para mapunta ang bola kay Tristian na naka ngisi na sakin ngayon, napatingin ako kay Mika na tumatakbo papunta sa goal namin.
(O_O)
Ang bilis!
"Mika!" Sigaw ni Tristian saka pinalipad ang bola napatingin ako kay Mika na tumalon at sinalubong ang bola mula sa ere!
(O_O)
"Samuel!" Sinipa nya mula sa ere ang bola papunta kay Samuel na agad nitong nasalo gamit ang dibdib!
Para akong tanga na nag papalipat lipat ng tingin sakanila.
"Putcha agawin nyo yung bola!" Utos ko kila Aris at Zaggy agad naman nilang binakuran si Samuel na humahanap ng tyempo kung pano ipapasa ang bola. Nang lumingon sya sa likod nya ay agad na naagaw ni Aris ang bola.
"Dre!" Pasa nya sakin na sinalo ko gamit anf dibdib ko. Tumakbo ako papunta sa goal nila ng humarang sakin si Tristian pero agad ko din syang nalagpasan ng ikutan ko sya. Ngisi akong tumakbo sa maluwag na field ng ilang diba nalang ang layo ko sa goal nila ay himinto ko para sipain ang bolo papasok sa goal ng biglang sumulpot si Mika at naka ngising pinigilan ang bola.
(O_O)
Mabilis, sobrang bilis
Gulat kong sinundan ng tingin ang bolang lumilipad sa ere dahil sa ere mismo iyon sinipa papunta kay...
"TRISTIAN!" sigaw ni Mika. Nang masalo yun ni Tristian ay agad syang tumakbo sa direksyon ko. "Wag kang tumulala jan baka biglang magkaroon ng fiesta mamaya" natatawang aniya saka tumakbo papunta sa tabi ni Samuel na syang malapit Goal.
"MIKA!" sigaw ni Tristian saka sipa ng bola papunta sakanya na syang nasalo ni Mika. Tumakbo ako papunta sa direksyon ni Samuel. Sinenyasan kopa sila Aris at Zaggy na bantayan si Mika kaya agad nilang binakuran yun. Pero matindi nalang ang Gulat ko ng magawa nyang malagpasan sila Aris at Zaggy sa isang galawan lang.
Papunta na sya sa direksyon ko kaya agad ko syang binakuran. Ngisi naman nya akong tiningnan. " Sana madaming tao sa canteen mamaya" sabi nya saka ako inikutan. At katulad nila Aris at Zaggy nalagpasan nya din ako sa isang kurap lang!
(O_O)
Ang galing!
Napatingin ako sa gawi nila Mika at Samuel. Agad nyang ipinasa kay Samuel ang bola na syang natuhod nya ng makalapit sakanya si Mika ay pinalipad nya ang bola gamit ang tuhod. Napatingin ako kay Mika na bumwelo saka tumalon, mula sa ere ay nasipa nya ang bolo papunta sa goal kung saan naka bantay si Marcelo na tutok na tutok sa bola. Pero ganon nalang ang gulat namin ng ilang dipa ang layo sa tenga ni Marcelo dumaan ang bola!
(O_O)
Pambihira!
Napaka galing!
Sobrang bilis!
*Prfttttttttt*
Pito ni coach hudyat na tapos na ang laban! Napatingin ako kila Aris at Zaggy na naka upo na sa damuhan at habol ang hingang naka tingin kila Mika na tawa ng tawa habang umaapir pa kila Remson,Samuel at Tristian. Napahawak ako sa tuhod ko dahil sa sobrang hingal at pagod.
Hindi ako makapaniwalang ganon sya Kabilis kumilos.
Agad na lumapit samin si Mika. "Tumayo kayo jan dahil hindi mag si circulate ang dugo pag umupo kayo ng pagod" sabi nya at hinila pa sila Zaggy at Aris patayo.
"Thanks, Damn! Your unbelievable!" Hindi makapaniwalang sabi ni Zaggy.
"Grabe! Hindi sa nag papa humble ako pero bumagal nako" nakayuko sabi ni Mika.
"Putcha! Mabagal kapa sa lagay nayan!? Halos di nga kita nakita nung nilagpasan mo kami" singhal sakanya ni Aris.
"Mas mabilis si Cliona" nakangiti nyang sabi.
"Ehh bat hindi sya sumali?" Kunot noong tanong ko.
"Ayain mo baka mag bago ang isip pag ikaw ang nag yaya" ngising sagot nya na kina kunot ng noo ko.
"W-what do you mean?"
"Wala, Malalaman nyo den pag nanalo tayo sa sportfest" seryosong sabi nya. Literal na nawala ang kaninang maganda nyang ngiti.
"Mananalo na tayo nyan nanadito kana eh. Grabe rinig na rinig ko kung hangin sa tenga ko nung dumaan yung bola. Kala ko talaga didiretcho yun sa kamay ko dahil straight na straight yung lipat pero putcha! Taliwas!" Manghang sabi ni Marcelo.
"Magaling Ms. Santiago" nakangiting pumapalakpak si Coach kasama si Miguel,Ken, Joshua at Ethan na syang hindi kasali kanina.
"Putcha coach! Bumagal daw sya sa lagay nayun eh halos mag mukang hangin sya nung lagpasan nya kami ni Zaggy" hindi parin maka move on na sabi ni Aris.
"HAHAHAHAHA maganda ang Technic nyo sino ang umisip non?" Ngiting tanong ni Coach.
"Si Mika coach!" Sabay sabay na sagot nila Tristian, Rumsel at Samuel na ngiting ngiti na nilingon si Mika na bumalik nanaman ang sigla sa muka.
"Nice ngayon ko lang na encounter ang ganyang galawan. Hindi ako maka paniwala" sabi pa ni Coach.
"Medyo nagulo nga ang plano namin coach ang tunay naming plano ay pananatilihin naming bukas ang gitna at doon ko aatakihin mula sa gilid naging maayos naman banda jan pero nagbago lahat nung utusan nitong si Aero na bakuran si Samuel na syang naagaw ni Aris kaya natagalan ang laban." Baling nya samin ni Aris habang naka ngisi. " Diko rin inaasahan yung biglang pag bakod sakin ni Zaggy nung tinatakbo ni Aero yung bola papunta sa goal kaya natagalan ako nakabakod kay Remson dahil sa lokong to pinahirapan ako" tiningnan nya si Zaggy na kamot noo ng tumingin kay Mika. "Tsk! Magaling! Maganda ang Mindset ng team mo Coach mukang hindi sya mahihirapan mag turo." Baling nya kay coach na proud na proud na tumatango habang naka ngiti.
Sya? Sinong sya? Sino ang hindi mahihirapan sa pag tuturo samin?
"Matalas ang mata nila sa paligid. Nahalata agad ni Cap ang plano ko" napatingin sya sakin " hindi ba?" Ngising tanong nya. Wala sa sarili naman akomg tumango.
"O-Oo" sagot ko.
"Handa nyo na ang pera nyo! HAHAHAHAHA" pag iiba nya ng usapan. Agad naman silang nag hiyawan maliban saming apat na syang natalo sa laban. Nag lakad kami papuntang canteen pinag titinginan pa kami ng mga schoolmate namin. Tsss
"Grabe para akong artista na napapalibutan ng body guards!" Sabi ni Mika.
"Ang gwapo ko namang Body guard"
"Hindi bagay ang body guard sa gwapong katulad ko"
"Sa gwapo kong to?"
"Body guard really?"
Kanya kanya naming reaksyon! Body guard your face!
"Wow maka react ah! Sa ganda kong to!?" Pinaikot pa nya ang mga mata sya samin kaya natawa nalang kami. "Dito tayo!" Turo ni Mika sa table nila kung saan nandon ang mga kaibigan nya. "Oy hilain nyo yung lamaesa!" Utos nya kila Ethan na agad namang kumuha ng ilang tables saka pinag dikit sa table nila Clio-enkkk!
"Ay may pasalubong satin ang MikMik bakla!" Tulo laway na sabi ni Roi habang naka yakap kay Rumsel.
"Bakla ka! Mahal na mahal talaga tayo ni Mika!" Sagot din ni Rumsek dahilan para matawa kami magin si Coach den. Pero syempre ano pang aasahan mo kay Clio—enkkk! Ayun tahimik nanaman!
"Upo kayo" aya samin ni Katty kaya umupo nalang kami.
"Oh makinig kayo ililibre tayo nila Aero!" Masayang anunsyo ni Mika. Napanguso nalang ako sa kawalan.
Goodbye allowance!