AERO P.O.V
"AY LIBRE! gusto yan ng mga bakla!" Tuwang tuwang sabi ni Roi.
"Masarap ang pagkaen pag libre" sagot pa ni Rumsel na agad sinang ayunan ng mga team mates kong libre den ang hilig.
"Umorder na kayo don chuu!" Pang tataboy samin ni Mika.
"Pizza!" Biglang sigaw ni Katty. "Kalimutan nyona ang lahat wag lang ang Pizza ng Cliona!" Dagdag pa nya. Napapikit pako dahil narinig kona ng tuluyan ang pangalan nya!
"Pwede bakong maki share sainyo?" Halat kami napatingin kay Tyreen na nakakarating lang.
"Sure! Upo ka" aya sakanya ni Mika agad naman umupo si Tyreen sa inupuan ko kanina kaya napatingin ako sa libreng bakanteng yun.
*LUNOK*
NASA GITNA NILA TYREEN AT CLIONA!
"OH order na!" Taboy ulit samin ni Mika. " Happy happy happy fiesta. Sila Aero mag papakain, sakanila din ang inuman Happy happy happy fiesta sana'y mabusog nyo kami!" Kanta pa nya bahagya pang iniiba ang lyrics na sinabayan nila ng tawanan.
"WOWWWWW!" halos lumuwa ang mata ni Mika ng mailapag lahat ang inorder namin mula sa Restaurant na pag mamay ari nila Zaggy.
"Galante naman pala ang Papa naten Rum!"
Napagpasyahan naming sa Restaurant nalang mag order dahil nakakasawa na din ang breakfast dito sa canteen. Pero ang inaalala ko ang upuan ko. Ang kaninag ingay ay biglang natahimik ng umupo ako sa bakanteng upuan sa pagitan nila Tyreen at Cliona.
(>_<)
"Sino ang pipiliin ko ikaw bana pangarap ko o sya bang kumakatok sa puso ko ohh!" Kanta pa ni Roi at Rumsel kaya sinamaan ko sila ng tingin. Napatingin din ako kay Aris at Zaggy na nag pipigil ng tawa. Napalingon din ako kila Coach at sa mga team mate ko na naka ngisi na saken!
*Ehem*
Tikhim ni Mika dahilan para matigilan sila.
"Zee nasan na ang Pizza?" Biglang tanong nya.
"Here" abot ni Zaggy ang kahon ng pizza na pinasadya pa talaga nya.
"Thanks" aniya "oh Cliona" inilapag nya sa harapan ni Cliona ang Box ng pizza. "O kainan na!" Masayang anunsyo ni Mika dahilan para umingay nanamn ang buong paligid. Pinag titinginan din kami ng mga estudyante doon dahil sa ingay nila. Nakikisali naman sakanila si Tyreen pero ako at yung katabi ko sa kanan ay Hindi manlang umiimik. Puro pizza lang ang kinakain nya. Saka lang sya kakain ng ibang naka handa pang nilalagyan ni Mika ang plato nya.
Tsk! May taga silbi pa!
"Hindi ako makapaniwala na ganyan kabilis gumalaw ang kaibigan mo Cliona" baling sakany ni Coach lahat naman kami napatigil at napatingin kay Cliona na tahimik na kumakain. Lahat ay nag hihintay sa sagot nya, uminom pa muna sya bago sumagot.
"Mabagal pa yon" deretchong sagot nya saka sumubo ulit ng pizza.
"Putcha! Totoo nga na may ibibilis pa si Mika!?" Gulat na tanong ni Aris.
"Uhmmmm. Tatlong taon himinto si Mika kaya asahan nyong babagal talaga ang kilos nya. Konteng ensayo lang yan ay babalik na sa date ang bilis nya" sagot ulit ni Cliona na sumandal pa sa upuan at pinag cross ang braso.
"Putcha!?"
"Unbelievable!"
"Wow!"
"Grabe!"
Kanya kanya nilang reaksyon.
"Ikaw naman bakit ayaw mo sumali samin?" Biglang tanong ni coach.
"Busy ako"
"Ganon kaba ka busy para hindi makasali?" Umaasang tanong ni Coach.
"Oo, may trabaho ako" sagot nya na kinagulat naman. Agad akong napatingin sakanya. Seryosong syang naka tingin sa pagkain na nasa harapan nya.
"H-huh?" Hindi makapaniwalang tanong ni Coach.
"Kaya hindi ako pwedeng sumali. Beside ayoko naman talang sumali" kaswal na dagdag pa nya.
"H-how come. I mean how old are you?"
"18. Nasa tamang edad nako para mag banat ng buto kaya anong masama don?"
"Kala ko ay seventeen kalang" napapahiyang sagot ni Coach. " Anong klaseng trabaho naman ang ginagawa mo?" Tanong ulit ni Coach.
"Hindi ko alam na interesado ka pala sakin coach?" Nakangising ani ni Cliona mababakas ang pagiging sarkastiko sa boses.
"Uhhhh coach change topic nalang tayo hehe" singit ni Mika. "Sa coffee shop kami nag ta trabaho tuwing weekends" sya na ang sumagot sa tanong ni Coach para sa kaibigan nya.
"O-okay napa sobra ata ang pag tatanong ko sorry"paumanhin pa ni coach.
"Okay lang yun coach nukaba!"
"So coach ano nang mang yayari sa team nyo! Si Mika na ang papalit kay Cristian?" Biglang tanong ni Katty.
"Ofcourse Not. For the meantime ay si Mika muna ang papalit pag naka balik naman si Cristian from medication ay magiging substitute player si Mikaela" ngiting sagot ni Coach.
"Pero Mika sigurado kabang sasali ka samin?" Tanong ni Miguel kay Mika.
"Parang ayaw mo pa ah" biro ni Mika dahilan para mag tawanan sila. "Ngayong year lang kase diba alam mona ang magandang tulad ko ay nabibilang sa gantong laro na napapalibutan ng mga nag gagwapuhang lalake" dag dag pa nya dahilan para mas lalong umugong ang tawanan.
"Loko talaga!"
"The move si Bakla teh!" Palo ni Roi kay Rumsel
"Aray ko bakla! Pashnea ang Mika mautak talaga!" Dagdag pa ni Rumsel.
"Che! Gusto nyo patawag ko si Majinbu tapos doon kayo nakipag agawan HAHAHAHAH"
"AY WES NA! MAS PIPILIIN KO PANG MA TYUGI NG MAAGA KESA MAKIPAG LABING LABING KAY MAJINBU!" diring diri na sabi ni Roi.
"Jusko bakla! Mag papakalalaki nalang ako kesa mapunta kay Majinbu!" Dagdag pa ni Rumsel dahilan para matawa kaming lima na nakaka kilala kay Majinbu.
"Sinong Majinbu?" Takang tanong nila samin. Dahilan para lalo pa kaming matawa. Halos napa hawak ako sa tyan ko kakatawa. Bwiset!
"SI BANJO HAHAHAHAHAHAHA!" si Aris na sumagot saka tumawa ng malakas. Natawa din naman sila ng malaman nila kung sino ang tinutukoy namin.
"Sino naman ang nag pangalan nun sakanya?" Maluha luhang tanong ni Samuel.
"SI CLIONA!" sabay sabay naming sagot.
"Tss"
"Grabe! Putcha bat nyo naman naisipan yon?" Tanong ni Ken.
"Si Aero kase si Goku! HAHAHAHAHA" Sagot ni Aris dahilan para mag tawanan ulit sila. Sinamaan ko ng tingin si Aris na tawang tawa sa sarili nyang kalokohan.
"Putcha! HAHAHAHAHA"
"Dragon ball pre! HAHAHAHAH"
"sino naman ang nag bigay nun kay Aero?" Tawang tawa din na tanong ni Tyreen kaya pananguso ako. Pati ba naman sya!?
"Si Cliona den HAHAHAHAHAH" sagot ni Aris para mas lalong umugong ang tawanan. Sinamaan ko ng tingin si Aris na nakahawak pa sa tyan na kakatawa.
"Kung ganon sya si ChiChi?" Tanong pa ni Tristian. Agad namang na ngunot ang noo ko.
"Mukang ganon na nga HAHAHAHA!" sagot parin ni Aris.
"Sino namang ChiChi?" Takang tanong ko dahilan para mag tawanan pa lalo sila.
"Wala Cap! Mortal enemy yun ni Goku!" Sagot ni Rumsel habang naka ngisi.
"EDI SYA TALAGA YUN!" taas noong sagot ko. Bigla naman silang natamihik. Bahagya pang nasamid si Coach pati narin sila Mika at Katty. Ganon naman ang ngisi ng ilan sakin nilingon ko si Tyreen na kagat ang labi halatang pinipigilan ang tawa. "What!?" Inis kong tanong dahilan para mag hagalpakan sila sa tawa!
Ano bang problema nila!
"Tss" napa tingin ako sa katabi ko ng bigla syang mag react. "Mag asawa sila" sabi pa nya kunot noo ko naman syang tiningnan. Natahimik naman ulit ang buong mesa at nakikinig samin.
"H-huh?" Naguguluhan kong tanong. Inis naman nya akong nilingon.
"Mag tutuli ka nga!" Singhal nya saken
"Ano!?" Inis ko ding sagot sakanya
"Tsk! Binge!" Balik nya saken.
"Aba hindi ako binge!" Singhal ko sakanya.
"Oh talaga? Edi kung ganon tanga ka"
"Ano!?"
"Putcha! Nakaka bobo ka kausap! Si ChiChi ay asawa ni Goku! Binge!" Sigaw nya saken.
"Ano!?" Gulat kong tanong.
"Tangna! Kausapin mo ang tutuli mo Bwiset!" Singhal nya saken saka tumayo at lumabas ng canteen. Napatulala ako don sa nilabasan. Napatingin nalang ako sa harapan ko ng mag tawanan nanaman sila.
"HAHAHAHAHA BWISET! PURO KA KASE ANO KAYA AYAN NAINIS!" sabi ni Mika.
"Ano!?" Inis kong tanong!
"Putcha ayan nanaman sya HAHAHAHA" natatawang sabi ni Katty na mas lalo pang natawa.
"Pfft! Stop asking what kase" natatawang sabi ni Tyreen saken kaya napa nguso ako
"Eh sa hindi ko maintindihan ang sinasabi nila. Minsan naman ay Hindi ako makapaniwala" paliwanag ko. Yun ang totoo!
"Kaya nga eh pero ang labas nun kay Cliona ay hindi mo sya naririnig kaya sinabihan kang binge! HAHAHAHAAH!" Sabat ni Roi
"Eh sa hindi ko sya maintindihan!" Balik ko sakanila.
"Dude you pissed Cliona" sabi ni Zaggy na natatawa parin.
"Eh bakit nyo naman kase sinabi yung tungkol kay Chichi!"
"Pumayag ka naman eh" sabay sabay nilang sabi naka sumama ang muka ko.
"He! Bala kayo jan!" Tumayo ako at iniwan sila don.
"Uyyyy susundan si Cliona!" Rinig kopang asar nila.
"FEEL NYO!" balik ko saka mabili na lumabas sa Canteen. Sa pag mamadali kong nakalayo sa lugar nayun ay may nabangga ako.
"Ano ba!?" Singhal nga saken.
"Eh hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo" maangas kong sagot sakanya. Pag gantong galit ako ay dapat nag sosorry ka nalang dude.
"S-sorry" biglang naginf maamong pusa ang kaninang galit na tigre. Sinamaan kopa sya ng tingin bago ako nag patuloy sa pag lalakad ng may marinig ako sigaw.
"Ahhhhhhhh!"
"O my gosh! "
"Help her!"
Automatic akong napatakbo sa mga kumpulan ng tao don sa parking lot, at para akong binuhusan ng malamig na tubig at napako sa kinatatayuan ko dahil sa nakita ko.
Cliona
ZAGGY P.O.V
Nag tatawanan kami ng lumabas si Aero dahil sa sobrang pikon.
"Goshhhhh! He also pissed!" Natatawang sabi ni Tyreen. Napa iling nalang ako dahil sa mga kalokohan nila. Hindi kona pinansin ang sinabi ni Tyreen. Because I already know that he doesn't like Aero.
"He is" natatawang sabi ko.
"Ano ba kayo may lover quarrel sila kanina kaya kaylangan mag deny ng Aero para masundan ang Mader ert namen" dagdag pa ni Roi kaya lalo kami natawa. Pero natigil yun ng may sumigaw mula sa pintuan.
"MIKA SI CLIONA DUGUGAN SA PARKING!" Automatic akong natayo dahil sa kaba.
"O my god!"
"Goshhhh!"
"Let's get their!"
"Bilisan nyo!"
Kanya kanyang takbo ang ginawa ng mga kasama namin kanina sa mesa papuntang parking lot. Napatingin ako kay Mika na nanghihina habang naiyak kaya agad ko syang inalalayan.
"Stop crying let's go" agad ko syang hinila saka kami sabay tumakbo papuntang parking. Matinding kaba ang nararamdaman ko ng makarating kami don. Agad naman silang nahawi ng makita si Mika.
"O my god" bulong nya habang hawak ang bunganga. Agad syang tumakbo sa kaibigang walang malay na nakabulagta sa sahig at duguan ang ulo.
FVCKKKKKK!
"CLIONA!" sigaw ni Mika. Hindi pa alam kung saan hahawakan ang kaibigan.
"Cliona!" Agad na takbo nila Katty kasama sila Roi at Rumsel na dali daling lumapit kay Cliona.
"Get a Car faster!" Utos ni Coach.
"A-ako na!" Presinta ni Aero
"Cliona wake up please!" Nag mamakaawang hagulgol ni Mika.
"PADAAN!" napatingin kami don sa may sumigaw.
"CAMERON!" Lumuluhang tawag sakanya ni Mika.
"FUCK!" agad nyang binuhat si Cliona." GET A CAR! FUCK IT!" Sigaw ni Cameron. Sya namang dating ni Aero na nag mamadaling bumaba sa kotse nya at binuksan ang back seat.
"Careful" bulong ko ng ipasok nila si Cliona sa Back seat agad akong umupo sa shutgot seat habang nasa likod si Cameron at Mika na patuloy parin sa pag iyak.
AERO P.O.V
"Paki bilisan Aero please" pag mamakaawa ni Mika. Kaya kahit na kinakabahan at natatakot ay sinagad ko ang pag papatakbo ko sa kotse.
"Cliona wake up please princess wake up for me" rinig kong sabi ni Cameron kaya sinilip ko sila mula sa salamin. Hawak hawak nya pisnge ni Cliona na puro dugo. "Shit! Handkerchief!" Sigaw nya kaya aligaga kong kinapa ang bulsa ko pero wala akong naramdaman doon.
"Here" abot ni Zaggy sa panyo nya.
"Eto pa" dagdag ni Mika pero kulang parin yun.
"May paper bag jan sa likod, go get it I have my shirt their!" Utos ko sakanya. Bakit ba kaseng walang hospital sa tapat ng school.
Nang makarating sa parking ay agad kong hininto ang kotse ko kahit hindi pa yun naka park ng maayos. Nauna silang bumaba at patakbong pinasok ang hospital na pag aari namin.
"What happen to her?" Tanong ni Doc Melvin.
"May humampas po sa ulo nya" sagot ni Mika. Madami pa ang sinabi ng doc Melvin pero hindi kona yon naintindihan dahil napako ang atensyon ko sa walang malay at duguan na si Cliona. Agad syang dinala sa emergency room para tingnan kung malala ba ang tama sakanya.
Agad napaupo si Mika at doon umiyak ng umiyak habang si Cameron naman ay hawak ang noo na palakad lakad na puro dugo pa ang uniform. Napaupo ako sa tabi ni Zaggy dahil ngayon ko lang naramdaman ang matinding pagod at pang hihina.
Sino naman ang gumawa nito? Sinong demonyo ang gagawa nito!?
"MIKA!" napatingin ako sa paparating. Sila Coach at buong team kasama sila Roi, Rumsel at Katty na pulos umiiyak na lumapit kay Mika. Agad naman lumapit samin si Aris pati si Coach.
"Anong balita Dre?" Seryosong tanong ni Aris. Agad naman akong imiling. "Tang'na! Sino naman ang gagawa nito sakanya!" Sigaw nya.
"Fvck that devil!" Si Zaggy na sapo sapo na din ang noo.
Ganyan din ang tanong ko. Ganyang ganyan din ang reaksyon ko pero hindi mo malabas dahil mas pinangungunahan ako ng pang hihina.
"SINO ANG GUMAWA NITO SA KAIBIGAN KO!?" Galit na sigaw ni Mika. Nakakatakot ang aura nya nawaka bigla ang masiglang Mika na kagi naming nakikita. Pulos galit ang nakikita sakanya.
"Ma'am hindi po kayo pwede sumigaw dito kase—"
"ALAM KO AT WALA AKONG PAKE!" Putol nya sa sinasabi ng nurse
"Mikaela huminahon ka mapapalabas tayo pare parehas pag hindi ka tumigil" suway sakanya ni Cameron na nanatiling kalmado. Hinagod hagod ni Katty ang likod nya para kumalma. Agad naman syang napaupo ulit saka doon umiyak ng umiyak.
Biglang lumapit si Cameron samin. "Sino ang may gawa nito kay Cliona?" Kalmadong tanong nya pero mababakas doon ang galit.
"Pina tingnan nanamin ang CCTV CAMERA sa buong Parking lot and We saw this" abot ni Coach kay Cameron ng ilang printed na picture galing sa kuha ng CCTV
"Who's this bastards?" Kunot noong tanong ni Cameron.
"Let me see" agaw ni Mika sa Papel saka tingnan yun isa isa. Agad na similay ang galit sa mata ni Mika habang tinitingnan ang mga iyon. "Fèihuà!" (bullshit!)
"Nǐ rènshí tāmen ma?" (Do you know them?) Mukang nag tatanong si Cameron gamit ang lenggwahe nila.
"Yeah. I know them. Mga bata to ni Banjo" sagot ni Mika dahilan para magulat kami.
"Are you sure?" Tanong ni Coach. Agad namang tumango si Mika.
"Pag masdan mo ng maiige sila yung sumugod satin noon sa parking lot" abot nya sakin ng papel. Gulat ko naman tiningnan yun isa isa.
"Oo nga sila nga to!" Sila nga yun. Naiba lang ang soot nilang damit naging pulos itim yun nung una ay may soot pa silang sombrelo pero sa ika tatlo hanggang sa pinaka huli ay wala na ito.
"Cameron!"
"Mika!"
Napatingin kami sa kadadating lang na sila Mary at Juancho. Naka pang tulog pa si Juacho lahatang natutulog pa at nag madali lang pumunta dito. Si Mary namn ay sabog sabog pa ang buhok naka pang tulog den na takpan lang ng bathrobe. Halatang nag mamadali ring pumunta na kahit mag palit manlang ay hindi nila nagawa.
"Nasan na sya? Ok lang ba sya? Anong sabi ng doctor? Amnesia? Memory loss? Ano!?" Sunod sunod na tanong ni Mary na sobrang pag aalala ang mababasa mo sa muka nya.
"Who the hell that bastard to do this to our princess!" Galit na sabi ni Juancho.
"Juancho, Mary" tawag sakanila ni Mika. Lahat kaki napatingin sakanya, nag aantay ng sasabihin nya. "Ne diru al Persus Family pri tio. Cliona mortigos nin" Lumaylay agad ang balikat ko dahil hindi ko naintindihan ang pinag uusapan nila. (Don't tell to Persus family about this. Cliona will kill us)
"Jes, ni komprenas" Sagot nila Mary at Juancho na patango tango pa. (Yeah, We understad)
"Thank you" sabi ni Mika sabay balik sa inupuan nya kanina.
"Si Mr. Murrer ba ang sinasabi ni Mika na Banjo?" Biglang tanong ni Cameron na sakin nakatingin.
"O-Oo" sagot ko. Agad namang napahilamos sa muka si Cameron.
"MIERDA!" Bulong na sigaw nya.
"Doc. Cameron" lumabas si Doc Melvin mula sa emergency room. Agad naman kaming napatayo.
"How is she Doc?" Tanong ni Cameron.
"She still unconscious, Madaming dugo ang nawala sakanya and masama ang tama sa ulo nya. Ilalagay namin sya sa ICU for monitoring" Paliwanag ni Doc Melvin. Para akong nanghina sa narinig ko, pakiramdam ko kasalanan ko ang lahat ng to. Agad akong napaupo sapo sapo ang noo ko. Napuno naman ng iyakan mula kila Mika, Mary at Katty ang buong hall. Pero mas naririnig ko ang dagundong ng puso ko.
"Maaaring ma Coma sya pag hindi sya magising within 5 to 6 days. But for now pwede nyo na syang silipin bago namin sya ipasok sa ICU. Excuss me" dagdag pa ni Doc Melvin. Tinanguan pa nya ako ng makita ako. Hindi nanamin nagawang mag pasalamat dahil pulos kaming mga walang lakas.
"Thanks for today coach pwede napo kayong mauna" kalmado parin kung mag salita si Cameron.
"Yeah, Team, Bumalik na tayo sa School" aya samin ni Coach.
"Sumama na kayo sakanila, babalitaan ko nalang kayo" Sabi ni Mika sa mga kaibigan. Pare parehas naman kaming walang nagawa kundi ang sumunod. Hindi naman talaga kami kaylangan don, masyado din kaming madami, at maya maya rin ay ipapasok na sa ICU si Cliona kaya hindi din kami kaylangan don. Tahimik ang naging byahe namin hanggang sa makabalik kami sa school. Kakapasok palang namin ay sinalubong na agad kami ni Lolo.
"How's Ms. Wolverson?" Nababakas ang takot at pag aalala sa muka ni lolo.
"She's unconcious Dean. May possibility na Ma Comatose sya pag hindi nagising ng 5-6 days" paliwanag ni Coach.
"Sesanghae" nasapo ni lolo ang noo nya. "Nakilala nyo ba ang gumawa nito?" Tanong ni lolo na samin nila Aris at Zaggy nakatingin.
"Mga bata po ni Banjo Dean" nakayukong sagot ni Aris.
"How sure you are?" Tanong ulit ni lolo.
"N-Nakilala po ni Mika nung tingnan nya yung picture na kuha ng CCTV" sagot ko.
"Sila din po yung sumugod samin sa parking lot that day. Kasama po nila si Banjo" dagdag ni Zaggy.
"I call her parents" sabi ni lolo na agad nilabas ang cellphone pero agad syang pinigilan ni Miguel. "Why!?" Inis na tanong sakanya ni Lolo. Agad kaming napatingin kay Miguel.
"Naintindihan ko yung sinabi ni Mika kanina." Panimula nya " sabi nya 'Don't tell to Persus Family about this' Ano paba yun" dagdag nya na pilit inaalala kung ano ang kasunod nun. "Ah! Cliona will kill us"
"Persus Family?" Takang tanong ko.
"Cliona will kill them?" Tanong din ni Zaggy
"Sinong Persus family?" Si Aris na inulit lang ang tanong ko.
"Ewan! Half ako hindi ko naman masyadong naintindihan yung sinabi ni Mika. Pero wag daw sasabihin sa persus family" kamot noong paliwanag ni Miguel.
"I understand. Let's go Ms. Nuevo" agad kaming tinalikuran ni lolo. Siguradong pupunta sa hospital.
Tahimik kaming naka balik sa room. Walang nagtangkang basagin ang katahimikan. Lahat kami ay nagulat sa nangyari maging si Ms. Deguzman ay nagulat sa nangyari sa alaga nya at sumunod sa hospital kaya eto kami nayon walang lecturer.