MIKA P.O.V
Tatlong araw na ang lumilipas hindi parin nagigising si Cliona, si Cameron din ang nag papalit ng benda nya parate. Palagi den napunta dito sila Roi minsan tuwing lunch break pag hindi naman eh tuwing uwian, napunta din dito ang mga soccer team kasama si Coach ganon din naman sila Aero, Aris at Zaggy pero mas madalas mag isa na pumupunta dito si Aero. Parang kasalanan daw nya ang nang yari kay Cliona kaya nabawi sya sa paraan na ganto.
"Hindi mo naman kaylangan gawin to. Kilala ko si Cliona hindi sya marunong magalit sa walang katuturang bagay" Ngayong ikaaapat na araw ay nandito nanaman si Aero pero ngayon ay kasama na nya sila Zaggy at Aris na syang nasa loob.
"Hindi paba sya nagising?" Tanong nanaman nya. Napabuntong hininga nanaman ako.
"Hindi paren pero sana magising na sya"
"Hindi nyoba talaga sasabihin sa parents nya ang tungkol dito? Gusto ko din mag sorry sakanila" nakayukong sabi nya. Agad ko naman syang tinapik sa balikat.
"Aero kung naririnig ka ni Cliona ngayon ay paniguradong naiinis na yun sayo" natatawang sabi ko agad naman syang nag angat ng tingin saken. " Paulit ulit ka. Kung kay Cliona nga lang eh halos magputukan na ang litid mo pag hindi tinatanggap ang sorry mo. Pano mo haharapin ng maayos ang magulang nya?" Dagdag kopa gulat naman syang nakatingin saken. "Sige na pumasok kana don" wala akong magagawa sakanya. Gusto nya humingi ng sorry.
Totoo nung una ay nagalit ako sakanya dahil sya dapat ang makakatanggap nun, sya dapat ang naka ratay don, sya dapat ang duguan nung araw nayun, sya dapat ang putok ang bunbunan at hindi ang Kaibigan ko. Pero sa pagkakakilala ko kay Cliona, mas gugustuhin pa nyang sya ang masaktan kesa isipin na iba ang napahamak kahit alam nyang may magagawa sya para sa iba.
"Mik papasok na kame" napatingin ako sakanilang tatlo na kakalabas lang ng ICU.
"Salamat sa pag dalaw" balik kong ngite.
"You look tired. Take a nap Mik" seryosong sabi ni Zaggy.
"Oo salamat ulit"
Agad akong pumasok sa ICU kung saan naka higa si Cliona. Sinilip ko ang sariling repleksyon sa salamin. Napahinga nalang ako ng malalim ng makita ko ang itim sa ilalim ng mata ko. Madalas naman kaming mag palitan nila Juacho at Mary sa pag babantay pero mas lamang lang talaga ang puyat ko dahil ayokong iwan si Cliona dito.
"Ang tagal mo naman gumising. Alam ko namang ayaw mo ng ginigising pero kaylangan mo talagang gumising, kung hinde ako na ang mag hahanap kay Majinbu para sya naman ang nandito" punas ko sa nakawalang luha sa mata ko.
"Nakakatawa si Aero. Parang sirang plaka kakahingi ng sorry. Sinabi ko nalang dina kaylangan kase wala namang may gusto sa nangyari maliban kay Banjo" hinawakan ko ang kamay nya. "May dalawang araw ka nalang para matulog dapat magising ka sa linggo. Ang daming nag hihintay sayo. Sila BJ,yung Royal,sila Roi,Katty at Rumsel, si Justine wala akong balita sa kumag nayun kaya gumising kana jan para hanapin natin sya. Syempre ang huli ay para maka bawi kay Banjo. Hindi kame maka galaw nila Juancho at Mary eh naka bantay si Cameron tsk!" Patuloy kong iyak at sinandal ang buong muka ko sa higaan ni Cliona.
Aero P.O.V
Ilang araw na ang lumipas. Naging mas mahigpit sa buong school dahil sa nangyari kay Cliona. Nag patuloy ang klase namin, pansamantala namang pinatigil ang practice ng mga varisity player pero patuloy ang mga club members sa kani kanila nilang practice lalo na't malapit na ang Acquitance party namin.
Ngayon ay araw ng linggo ang huling araw na binigay na palugid nila Doc Melvin para kay Cliona para gumising. Lahat kami ay nasa Hospital kasama ang mga kaibigan nila at ang mga kaibigan ko ganon nadin sila Remson,Samuel,Tristian at Miguel. Maaga pala ay nandito na kaming lahat. Pinag titinginan pa kami ng mga Doctor at Nurses dahil sa dami namin pero pag nakikita ako ay wala na silang nagagawa kundi ang pabayaan kami.
"Napaka dami nyo naman kasi dito" natatawang sabi ni Mika samin. Lahat kami ay nasa labas habang nasa loob naman sila Lolo,Coach at Cameron. Nung isang araw pa nalipat ng kwarto si Cliona pero pag hini sya nagising ngayon ay kakabitan na sya sa katawan ng kung ano ano at mag hihintay kung kaylan sya magigising.
"Ano kaba MikMik hindi mo sila masisisi nag aalala sila kay Clio" suway sakanya ni BJ. Sya daw yun may ari ng Royal.
"Bahala na nga! Sabay sabay na tayo papasok don pag naka labas na sila Cameron ah" paalala nya samin. Agad naman kaming sumang ayon.
Lumipas ang oras. Hindi lang Isa,Dalawa,tatlo kundi anim na oras na kaming nag hihintay. 7 kami dumating dito at alas singko na ng hapon ngayon pero hindi parin sa nagigising. Isa isa nading nag siuwian ang iba hanggang sa kami nila Zaggy, Aris, Mika,Mary at Juancho nalang ang natitira dito.
"Aero kung gusto nyo nang umuwi mag sabi lang kayo ah" pilit na ngiting sabi ni Mika pinipigilan ang lumuha.
"Ayos lang ako nag paalam naman ako kay Mommy. Dadaan daw sila dito mamaya" pilit na ngiting sabi ko. Gulat naman silanf napatingin saken. "Kwinento ko kase ang nangyari kaya na guguilty din sila katulad ko" dagdag kopa. Pilit na ngiti naman ang sinagot sakin ni Mika.
Isang oras pa ay nag paalam na sila Juancho at Mary, wala namang nagawa si Mika kundi ang pumayag. Napatingin ako kila Aris at Zaggy na pulos pagod na din sa pag upo at pag hintay.
"Ah Dre bibili muna kami ng pagkain ni Zaggy ah" paalam ni Aris. Tumango naman ako. "Anong gusto mo? Ikaw Mik?" Baling nya samin ni Mika.
"Ayos lang ako" sagot ko.
"Coffee Mik do you like?" Tanong sakanya ni Zaggy.
"Yes please, thank you" pilit na ngiting sagot ni Mika. Agad naman lumabas sila Aris at Zaggy. "Salamat Aero ah" napatingin ako kat Mika na nakay Cliona parin ang paningin. Nanatili naman akong tahimik nakikinig lang sa sasabihin nya. "Anong oras na hindi pa rin sya nagigising. Sa tingin magiging pa sya ngayon?" Kasabay ng pag angat nya ng tingin ay ang pag tulo ng luha nya na kanina pa nya pinipigilan. Sasagot na sana ako ng biglang may kumatok sa pinto at pumasok don. Agad akong napatayo ng makilala kung sino yon.
"Mommy" sabay tingin ko sa likod nya "Daddy" nakangiti silang tumingin sakin saka inilipat ang tingin sa hospital bed kung saan nakalatay ang parang lantang gulay na si Cliona.
"Good evening po" pilit na ngiti ni Mika bahagya pang pinupunasan ang luha.
"Good evening din ija. I'm Amie, mommy ni Aero at ito naman si Aaron ang Daddy nya" pakilala ni Mommy saka nilahad ang kamay kay Mika.
"A-ah Mikael Santiago po. Kaibigan po ako ni Cliona" sabay turo nya sa kaibigan nya. Ang magandang ngiti ni Mommy ay unti unting nawala at napalitan ng lungkot at awa.
"Ang gandang bata" inalalayan ni Daddy si Mommy na umupo sa gilid ng kama ni Cliona at doon ni Mommy hinaplos ang pisnge ni Cliona. "Look honey oh! She's beautiful right?" Baling nya kay Daddy na nakangiti namang tumango.
"Right, kaya hindi nako mag tataka" nakangisi pakong sinulyapan ni Daddy.
"Hello Cliona ija. I'm Aero's Mother. You can call me Tita Amie" napa sapo nalang ako sa noo ko dahil kung ano ano nanaman ang lalabas sa bunganga ni Mommy.
"L-lalabas po muna ako" paalam ni Mika. Tinanguan pa nya ako bago lumabas.
"Please wake up for my baby" naluluhang sabi ni Mommy.
"Mom!" Suway ko sakanya.
"What!?" Nakangiting baling sakin ni Mommy "Cliona ija oh, he scold me!" Sumbong pa ni Mommy habang hinahaplos ang muka ni Cliona.
"Mom, Doc Melvin said that she heard us!" Inis kong sabi.
"I know kaya nga kinakausap ko sya diba?" Taas kilay na sabi ni Mommy. Napa sapo nalang ako sa noo ko. Napatingin ako kay Daddy na tumatawa ng mahina.
"Let you Mom, talk to her, Son. She'll not tell everything trust her" natatawa paring sabi ni Daddy.
"DAD!"
"Wake up sweetie I wan't to talk to you and say thank you for saving may baby. I want to thank you personally to helping my baby even though he's so rude to you." Bumalik nanaman ang tamlay sa mata ni Mommy. Napapapikit pa sya para hindi matuluan ng luha ang muka ni Cliona pero nabigo sya. Lumuluha si Mommy habang nakatingin sa may bendang ulo ni Cliona. "I just want to say sorry din kase inaaway ka ng baby ko" napatingin ako sa muka ni Cliona na puno na ng luha ni Mommy pero gulat akong napatayo ng nakita kong gumalaw ang mata nya!
"Cliona!" Agad akong lumapit sakanya.
"Anak bakit?" Agad pinunasan ni mommy ang luha nya at tiningnan si Cliona.
"O my god!" Napahawak pa si Mommy sa bunganga nya ng makitang GISING NA SI CLIONA!
"MIKA!"tawag ko kay Mika
"May nang yari ba?!" Agad nyang tanong. Lumapit din samin si Zaggy at Aris. Pero bago pako makapag salita ay pumasok na sya.
"O my god! Cliona! Tinakbo at niyakap nya ang kaibigan nyang kunot noo nang nakantingin samin lahat. "Gising kana! Ano may masakit ba sayo? Sabihin mo saan? Saan?" Sunod sunod nyang tanong kay Cliona habang naiyak.
Sa lahat ng tanong ni Mika ay wala manlang nasagot. "Pagkaen" sagot nya kaya lahat kami ay tulalang napa tingin sakanya.
"H-huh?" Takang tanong ni Mika.
"Tss. Pagkaen! Nagugutom ako ikaw kaya ang ihiga ko dito!" Singhal nya. Agad agad namang kumilos sila Aris at Zaggy.
"Here" si Zaggy sabay abot ng kape.
"Eto" si Aris sabay abot ng Frappe.
"HAHAHAHAHAHAH" tawa ni Daddy. "Hindi pa sya makaka inom ng ganyan mga Ijo bawal sakanya yan" natatawamg sabi ni Daddy. Kamot noo namang binawi nila Zaggy at Aris yung Kape at Frappe. Napatingin ako kay Cliona na naka tingin kay Mommy!
"Hi!" Masayang bati ni Mommy "buti gising kana" dagdag pa ni Mommy habang nag babalat ng Apple. "Here, eat that" agad namang kinuha ni Cliona yun saka kinain.
"Salamat" sabi nya saka kagat sa apple. "Ikaw ho ba ang nag tulo ng luha sa muka ko?" Lahat kami napa nganga dahil sa deretchong tanong ni Cliona habang naka Mommy ang paningin.
"A-ah Oo hihihihi sorry"
"Ayos lang ho ang init ng luha nyo kaya nagising ako kala ko binuhusan na ako ng bagong kulong tubeg" sagot ni Cliona kaya napa ngiti si Mommy at agad syang niyakap!
(O_O)
(>_<)
Gulat namang tumingin samin si Cliona at nang mag tama ang mata namin pinabalik balik sya ang paningin sakin at kay Daddy saka titingin kay Mommy na syang naka yakap sakanya.
"Ah Misis di ho ako makahinga" sabi ni Cliona na bahagyang hinahagod ang likod ni Mommy. Agad namang kumalas si Mommy at malaki ang ngiting hinarap sya.
"Where is she!?" Napatingin kaming lahat ng bumagsak ang pinto at inuluwa nun si Cameron na naka hospital gown pa. "Oh God! You're awake!" Akma nyang yayakapin si Cliona ng hinarang nito ang kamao nya dahilan para matigilan si Cameron.
"Kanina pako nalalamog sa yakap kaya tumigil ka jan" banta nya kay Cameron saka agad ng Apple. "Nagugutom nako gusto ko ng pizza" dagdag pa nya.
"What!? No, pizza is not helping to gain your energy" kalmadong sagot ni Cameron sakanya.
"Pizza" pangungulit ni Cliona.
"No!" Pagmamatigas ni Cameron.
"Nagugutom ako Cameron!" Singhal sakanya ni Cliona.
"I know! But not Pizza!" Balik sakanya ni Cameron.
"PIZZA!"
"I SAID NO! NO PIZZA!"
"WHAT THE HELL CAMERON! I want Pizza! Ilang araw akong hindi naka tikim non! Puro boses nyo lang ang naririnig ko sa tingin mo mabubusog ako ng boses nyo!?" Inis na singhal sakanya ni Cliona. Napahilamos naman si Cameron sa muka nya out of frustration saka lang nya iginala ang paningin nya.
"I'm sorry Mr. And Ms. Tyson. Ganyan lang talaga yang kapatid ko" paliwanag nya kila Mommy at Daddy.
"It's ok mauuna nadin kame" sagot sakanya ni Daddy. "Cliona Ija mag pagaling ka ha? Sa susunod ay ikaw naman ang bumisita samin" ngiting dagdag ni Daddy.
"Sige ho pag may na hospital sainyo" sagot ni Cliona dahilan para magulat kame.
"CLIRITY!" suway sakanya ni Cameron. Agad naman syang napa nguso.
"Biro lang yon" she pouted.
"HAHAHAHAH so cute! Hihihi" si Mommy na kinikilig pa habang naka yakap sa braso ko. "Bye sweetie Cliona. Visit us in our house ah! Sasabihan ko lagi si Aero!" Dagdag pa ni Mommy.
"S-sige ho"
"Pagaling ka Ija" si Daddy.
"Oho salamat sa pag bisita" sagot ni Cliona.
"Sasabay na kami sakanila Mik, Cameron. Cliona pagaling ka ah! Hihintayin ka namin sa school!" Nakangiting sabi ni Aris.
"Uhmmmm, Salamat den"
"We're leaving, I'm happy that your awake now, Take care!"
"Samalat den" balik nya kay Zaggy " Ingat ho kayo Mr and Mrs Tyson" sabi saka nakangiting kumaway kila Mommy. Gulat akong napatingin sakanya ng mag tama ang mata namin.
Ano!? Tingin tingin ka jan! Inaasahan ba nyang may sasabihin ako!? Ha!
"What!?" singhal ko sakanya.
"Tss" iling iling nyang sabi. " Uwi na" pang tataboy nya saken. Aba! Pag tapos ko syang bantayan dito?
"Ano!?" Inis kong tanong sakanya. Aba! Hinintay ko syang magising dahil na guilty ako tapos itataboy nya lang ako!?
"Uwi na" kalmado nyang sabi! Agad akong tumalikod dahil sa sama ng loob ng hawakan ko ang door knob ay bigla syang nag salita. "Salamat"
(O_O)
Napalingon ako sakanya at ayun nakangiti sakin ang loko!
(O_O)
(>_<)
Andwaeeeeeee!
Agad akong lumabas don at sinarado ang pinto. Agad naman sumalubong sakin ang naka ngising muka nila Daddy,Aris at Zaggy si Mommy naman ay ngingiti ngiti saken na parang kinikilig.
Aris P.O.V
Napa ngisi ako ng lumabas si Aero sa Kwarto ni Cliona na gulat na gulat.
Tsk! Salamat palang ganyan na ang apekto! Tsk! Tsk! Ganyan talaga ang umiibig!
"What!?" Tanong nya samin habang naka nguso.
"Now. I like her na talaga! Hihihihi" napatingin ako kay Tita Aimie na kilig na kilig. Nakangisi kong tiningnan si Aero na naka nguso parin hanggang ngayon.
Tsk! Kilala agad ng parents kahit wala pang label!
"I like her attitude. Palaban HAHAHAHAH!" Natatawang sabi ni Tito. Nag lalakad kami palabas ng Hospital.
"Sabi mopa Tito. She help us twice" nakangiting sabi ni Zaggy.
"Kaya hindi namin masisisi si Aero kung bakit sya sobrang nag aalala" dagdag kopa habang naka ngisi kay Aero. Agad namang sumama ang muka nya. HAHAHAHAH!
"ANONG SOBRA!"
"Bakit hindi ba?"
"HINDE!"
"kaya pala inaaya kana namin umuwi ayaw mo paren sabi mopa 'dito lang ako kung gusto nyo maauna na kayo'" ginaya kopa ang boses nya kanina.
"ANO!? S-SYEMPRE D-DADATING SILA MOMMY AT DADDY!" Depensa nya sa sarili. Lalo akong napa ngisi dahil nag iwas sya ng tingin saka utal utal pa kung mag salita.
"Sussssss" asar ko lalo.
"Totoo naman hindi ako nag aalala ah! Guilty lang ako!" Paliwanag nya ulit.
"Sabi ko nga ano bang iniisip mo?" Ngisi kong tanong.
"I-iba k-kase ang p-pinaparating mo!" Utal nanamn nyang sabi.
"HAHAHAHAHAHAHAH!" tawa naming lahat maliban kay Aero na masama ang mukang nakatingin samin habang naka nguso.
Isip bata talaga!
"Bala nga kayo jan!" Sigaw nya saka nag paunang sumakay sa kotse nya saka iyon inaandar!
Pikon! HAHAHAHAH!
"O sya tama nayan umuwi na kayo. Ingat sa byahe" sabi ni Tito Aaron.
"Salamat po ingat din kayo sa byahe! Tita una napo ako! Dre! Una nako!" Kumaway pako sakanila bago pinaandar ang kotse ko. Pag dating ko sa bahay ay agad akong sinalubong ng mga maid namin. Wala sila mommy at daddy dito dahil may business trip si Lolo naman ay nasa business trip den. Kaya ako nanaman ang naiwan dito kasama ng mga maid.
Agad akong umakyat sa kwarto ko at tinawag si Tyreen. Dahil sabi nya ay balitaan ko sya kay Cliona.
"Babe! I'm sorry, I didn't mean that! Sasabibin ko naman sakanya eh kaso wala pakong mahanap na tyempo" sagot nya agad. Kunot noo ko naman tiningnan ang dialer ko. Tama naman ang tinatawagan ko.
"Babe? Please I'm sorry promise sasabihin ko sakanya pag naka hanap nako ng tyempo" sabi pa nya kaya lalong napa kunot ang noo ko.
"Sinong babe Tyreen?" Kunot noong tanong ko.
"O MY GOD!" sabi nya saka binaba ang tawag. Kunot noo kong tiningnan ang pangalan nya sa screen ng cellphone ko.
Babe huh?
Agad kong tiningnan ang screen ang cellphone ko ng umilaw yun.
From: Tyreen.
Ris, don't get me wrong I didn't mean that
To: Tyreen.
Babe huh? Pinapaasa mo ang kaibigan ko!
From: Tyreen.
No! I said I didn't mean that! Please don't tell Aero about this. Let me fix this by my self.
Sa sobrang inis ko ay hindi kona sya ni replyan. Ilang beses pa syang tumawag sakin pero ni isa ay wala akong sinagot. Ti next ko muna si Katty bago ko i off ang cellphone ko.
Hindi ako makapaniwalang magagawa yun ni Tyreen kay Aero. Really!? Gusto ko magalit sakanya dahil pinapaasa nya si Aero. Totoong inaasar ko si Aero kay Cliona pero hindi na ibig sabibin non ay gusto ko si Cliona kesa kay Tyreen, hindi ibig sabibin non ay kaylangan na ibalin ni Aero ang feelings nya kay Cliona. Pero sana ganon na nga lang, sana si Cliona nalang dahil di Cliona ay hindi sya lolokohin ng ganon. Yes! Kakaiba si Cliona kung kumilos at nakaka inis talaga kung sumagot sya dahil ipapamuka nya talaga sayo na wala kang kwenta kausap. Kaylangan sigurado ka sa itatanong mo para hindi ka nya isnabin dahil pag hindi nya nagustuhan ang tanong mo eh hindi ka nya sasagutin, kung sagutin ka man ay pabalang pa.
Ang layo nila ni Tyreen sa isa't isa. Mas pinag kakatiwalaan ko si Tyreen kase kaibigan ko din sya pero sa ginagawa nya ay mas gugustuhin kong mapunta si Aero kay Cliona. Si Cliona na walang ibang iniisip kundi ang kapakanan at kalaigtasan ng taong malapit sakanya.
Sana nga si Cliona nalang...