ARIS P.O.V
Araw ng lunes. Maaga kaming pumasok dahil may Practice kami sa soccer ilang araw din kaming hindi nag practice dahil sa pag iingat na ginagawa namin. Sa mga nag daang panahon ay napapansin ko talaga ang pananahimik ni Aero lalo na pag ang kalagayan ni Cliona ang pinag uusapan. Kahit sila Katty ay ang tatamlay, tumatawa man ay hindi yun kasing sigla ng dati.
"Balita ko gising na si Cliona?" Biglang sulpot ni Remson.sa gilid namin.
"Oo kagabe daw gumising. Kakagaling ko lang don kanina bago ako pumunta dito" sagot ni Coach.
"Hindi ka nang yayaya Coach!" Inis na sabi ni Remson.
"Nako Remson mula nung nag laro kayo ni Cliona eh bukang bibig mona sya. Ano may gusto kaba don?" Ngising tanong ni Coach dahilan para umungong ang tuksuhan. Agad akong napatingin kay Aero na kunot noong nakatingin kay Remson.
Ayan na nga ba ang sinasabi ko eh! HAHAHAHAHA!
"C-Choach naman!" Suway ni Remson na namumula pa.
Kabaklaan tsk! Pano na ang manok ko!?
"Oh bat ayaw moba kay Santiago. Maganda din naman yun at nakalaro mo naman den" ngising asar ni Coach.
"Coach hindi mo alam kung gaanong kaba ang naramdaman ko ng daanan ako ng bolang sinipa ni Cliona." Kwento pa nya habang nag nining ning ang mata.
Gei aehoga!
"Atsaka nung ngitian nyako Coach iba talaga yung kabog ng puso ko. Ibang iba" dagdag pa nya habang nakangiti ng malaki. Mukang inaalala ang ngiti ni Cliona.
"Hindi madaling paamuhin ang kaibigan ko" biglang singit ni Mika na kadadating lang.
"MIK!" Agad akong lumapit sakanya para makipag apir. Ganon din naman si Zaggy at Aero.
"Madami naba akong na missed coach?" Ngiting tanong nya kay Coach na agad namang umiling.
"Actually ngayon nalang ulit kame nakapag practice para na din sa safety ng mg students" paliwanag ni Coach. "Buti naka attend ka ngayon?" Dagdag pa ni Coach.
"Gising na ang alaga ko eh. Ayun bumubuga nanaman ng apoy pilit akong pinapapasok kaya na daw nya ang sarili nya. Ayan mag isa lang sya don sa hospital." Paliwanag ni Mika.
"Ano!? Bat mo iniwan!?" Gulat akong napa lingon kay Aero nung mag React sya agad naman akong naka bawi at nginisian sya.
"Relax Dre! Kung gusto mo puntahan natin ngayon na" pang aasar ko agad naman nya akong sinamaan ng tingin kaya natawa ako.
"Maka react! Eh sa matigas ang ulo ng love of your life" asar din ni Mika.
"Anong love of my life!?" Singhal sakanya ni Aero.
"Your ang sinabi ko hindi My" ngising sabi ni Mika.
"G-ganon parin labas non!" Bawi ni Aero.
"Hindi ah your ang sabi ko diba Ris?" Baling sakin ni Mika agad naman akong tumango habang nakangisi kay Aero.
"Your nga ang sabi nya Dre" asar kopa.
"Tsk! Ang isda talaga nahuhuli sa sarili nilang bunganga" iling iling na parinig ni Mika. Pigil naman ang tawa ko dahil namumula na si Aero!
HAHAHAHAHAHAHAHA!
"ANO!?"
"Whatever! Coach start na tayo" aya ni Mika na nag paunang tumakbo.
"Next time again Ae" tapik sakanya ni Zaggy saka sumunod kay Mika sa field na tumatakbo ganon din naman ang ginawa ng iba.
"Ayos lang yan Dre, Indenial stage kapa naman kaya naiintindihan kita" biro ko saka ako sumunod sa fiel. Biro yun kase joke yun! Ano daw? Basta Biro yun kase hindi naman ako relate sakanya kase hindi naman ako dumaan sa indenial stage. basta na inlove ako bigla kay Katty, Period.
Paulit ulit na pumipito si Coach hanggang sa maka tatlong ikot na kami sa buong Field. Sunod naming ginawa ang stretching hanggang sa mag simula na ang practice game. Kasama si Mika sa Opensa at kami namang tatlo ay nasa depensa. Katulad ng nakaraan naming laban ay talo kami kay Mika.
"Hindi ko nakikita si Mika!" Reklamo ni Aero.
"Your exaggerating dude" natatawang sabi ni Mika.
"Totoo Mik ang bilis mo" dagdag ko habang hawak ang tuhod ko at hingal na hingal.
"Pano kayo mananalo nyan kung ako pala ay hindi nyona kaya" hindi ko alam kung nag yayabang sya o nag sasabi ng totoo.
"HOY! Nananalo kami kahit hindi ganyan ka bilis ah! Kami kaya ang over all champion for 3 years" pag mamalaki ni Aero.
"Sa mga school na kalaban nyo, Oo, pero pag Beijing ang kalaban nyo sa tingin nyo mananalo pa kayo" seryoso ang tono ni Mika. Lahat kami nag tatakang nakatingin sakanya.
"Anong pinag sasabi mo?" Taka kong tanong sakanya.
"What do you mean Mik?" Si Zaggy.
"Beijing?" Si Remson
"Sa china yun diba?" Si Tristian
"Anong kinalaman ng China dito?" Si Miguel
"Easy mga prey! Isa isa lang ang tanong" natatawang sabi ni Mika.
"Deretchuhin mona kami Mika" si Samuel na kunot noong naka tingin sakanya.
"Oo nga Mik na tetense kami eh" si Ethan
"Eto na nga. Kaylangan nyong manalo sa mga school na mga makakalaban nyo dito sa pinas" paliwanag nya.
"Yun lang?" Hindi makapaniwalang tanong ni Ken.
"Gaga hinde!"
"Eh sa wag mo kaming bitinin!" Singhal sakanya ni Aero.
"Bawal ko kase sabihin lahat sainyo eh" kamot noong sabi ni Mika. "Yun nga kaylangan nyong manalo kase pag kayo ang nanalo dito ay ipapadala kayo sa Beijing para kalabanin sila sa soccer" paliwanag nya na nagpakaba saming lahat!
"ANO!?" Sabay sabay naming singhal sakanya.
"Anong kalokohan to coach!?" Si Aero na napatayo na.
"You're just kidding right?" Si Zaggy na pilit na ngiting tanong kay Mika.
"Nang gu- goodtime ka ata dude" ngisi kong sabi kay Mika pero hindi nag bago ang seryoso nyang muka.
"C-coach" utal naming baling kay coach na seryoso ding nakatingin samin.
"Nag sasabi ng totoo si Santiago" panimula ni Coach kaya lahat kami ay gulat na napatingin sakanilang dalawa.
"C-coach anong kalokohan to?" Tanong ulit ni Aero.
"Hindi to kalokohan Aero. Kahit kaylan ay hindi to kalokohan" serysosong sagot sakanya ni Mika.
"May nag padalang message samin galing sa Beijing. No, hindi lang satin kundi sa lahat ng school na makakalaban natin dito. Kung sino ang manalo ngayong taon sa sportfest nato ay ipapadala sa beijing para irepresinta ang pilipinas" paliwanag ni Coach. Eto kami gulat na gulat paren. " Kaya inaasahan ko na mananalo tayo ngayon dahil hindi biro ang taunang laban ngayon"
"P-pero coach hindi namin kaya" singit ni Remson na agad naming sinang ayunan.
"Kaya nyo" may diin sa boses ni Mika.
"Pero Mika hindi mo kilala ang mga player ng Beijing magagaling sila!" Singhal ni Aero sakanya habang sapo sapo ang noo.
"Mas magaling sila sa magaling" sabat ko. Masasabi kong kinakabahan ako pero nangingibabaw ang gulat sakin.
"Alam ko" sagot ni Mika
"Yun naman pala eh. Mapapahiya lang tayo kase magagaling sila hindi tayo mananalo—"
"Mananalo tayo" putol ni Mika sa sinasabi ni Aero.
"Pano ka nakakasigurado?" Tanong ni Miguel.
"Kase kaylangan" ngising sagot ni Mika.
"Ano!?" Sabay sabay ulit naming tanong. Ano bang tumatakbo sa utak nito!?
"Kase kaylangan?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Tumango tango naman si Mika.
"Be straight to the point Mik" naiinis na din si Zaggy dahil sa pang bibiting ginagawa ni Mika samen.
"Kaya nyo nga, mananalo tayo" paniniguro ni Mika.
"Paano ka nga nakaka siguro? Kase kaylangan? Ha! Nahihibang kana ba!?" Singhal sakanya ni Aero.
"Kaya nga nandito ako" ngising sabi ni Mika na mas lalong nag palito samin.
"Ano ba Mik!" Bulyaw ko sakanya. Putcha! Bat ayaw nalang nya sabihin ng deretcho!
"Kilala ko sila, alam ko mga kahinaan nila" sabi pa nya.
"Paano mo nasasa—"
"KASE ISA AKO SAKANILA!"
AERO P.O.V
"KASE ISA AKO SAKANILA!"
(O_O)
"A-Ano?" Hindi makapaniwalang tanong namin.
"Isa ako sakanila kaya kilala ko sila kaya alam ko mga kahinaan nila" pag uulit nya sa sinasabi nya.
"You're just kidding right? Ngising sabi ni Zaggy pero hindi nag bago ang reaksyon ni Mika kaya napatingin kami kay Coach na naka ngiti na samin ngayon.
"C-coach?" Baling namin sakanya.
"Nandito si Santiago para tulungan tayo. Pinag ka tiwalaan ko agad sya dahil isa sya sa player ng Beijing noon." Sagot ni Coach na mas lalong nagpa gulat samin. Gulat akong napa tingin kay Mika na maganda na ang ngiti samen.
"C-coach, kung ganon s-sino sya sa mga yun?" Kabadong tanong ko.
"Tiān yīng zuò" sagot ni Mika dahilan para mapatingin kami sakanya lahat. Dali dali kaming nag labas ng cellphone para i search ang pangalang sinabi nya.
Halos mabitawan ko ang cellphone ko dahil sa nakita ko.
(O_O)
"K-kamuka nga nya" utal na sabi ni Remson.
"Putcha! Dre! Buhok lang ang pinag kaiba! " Boses ni Aris.
"What the hell" halo bulong na sabi ni Zaggy.
"Tang'na! Diko namukaan!" Sa palagay ko boses ni Tristian yun. Nanatili naman ang mata ko sa cellphone ko na may muka ni Mika. Tama si Aris buhok lang ang pinag kaiba nila dahil sa itim at straight ang buhok ni Mika ngayon. Habang Pula naman ang buhok nya dito sa picture.
P-paanong nangyari to!?
"Ngayong alam nyo na sigurado namang nabawasan na nyan ang kaba nyo?" Ngising tanong samin ni Mika.
"Putcha! Saglet! Diko pa na da digest!" Si Aris na hindi parin maka paniwala. Halos lahat naman ata kami.
"Putcha Mik! Pa autograph!" Si Miguel na agad tumalikod sakanya. Balak pa ata papirmahan ang jersy namin!
"Ako den!" Sabay sabay nilang sabi saka lumapit kay Mika na tawang tawa sakanila.
"Pwede ba! Erase my past ang isipin nyo ngayon ay kung pano tayo aabot sa Beijing at saka hello! Ka team nyo nako kaya hindi na importante na ako si Tiān yīng zuò ng Beijing soccer team, okay!?" Natatawang sabi ni Mika.
"Oo nga pero part ka parin nila sige na pirma lang naman pinag dadamot mopa" Kamot batok na sabi ni Ken sakanya.
"HOY! KENTOT HINDI AKO MADAMOT AH!" Singhal sakanya ni Mika dahilan para matawa kami dahil sa tawag nya kay Ken.
"Anong Kentot!?" Singhal sakanya ni Ken.
"G*go Dre! HAHAHAHAHA!" si Aris na nangunguna nanaman ang boses.
"Putcha! Parang kant—"
"Sige ituloy mo sasapakin ko yang bunganga mo!" Putol ni Mika sa sasabihin ni Miguel.
"HAHAHAHAHAHA KANTON KASE YUN! DUMI NG UTAK EH! HAHAHAHAHA!" bawi ni Miguel na mas lalong nag patawa samin dahil sa itsura ni Mika ngayon.
"Manahimik kayo jan ah!" pikon na singhal ni Mika samin.
"Pero Mik may tanong ako" pag iiba ng topic ni Ethan.
"Ano yun?" Mas nauna pang mag tanong si Aris kesa kay Mika.
"Eh bakit hindi nila pinapakita yung coach nyo?" Tanong ni Ethan na kinagulat ni Mika.
"Oo nga noh!" Pag sang ayon ng iba samin.
"Ang talino mo talaga Dude!" Si Samuel na inakbayan pa si Ethan dahil sa tanong nya.
"Napapansin ko lang kase pag may laban ang Beijing hindi nila sinasabi kung sino yung Coach nyo. Na curious nga ako non kaya nag search ako sa google pero walang nalabas" dagdag pa ni Ethan lahat kami napa tingin kay Mika na seryosong naka tingin kay Ethan na parang hindi nagustuhan ang tanong nito. "B-bakit? Nag tatanong lang naman ako" utal na sabi ni Ethan dahil natakot ata sa paraan ni Mika na tingnan sya.
"Kung gusto nyo talaga makilala ang coach namin kaylangan nyong manalo sa Sportfest" sagot nya saka uminom ng tubeg at umupo.
"I-Ikaw ba coach? Hindi moba kilala?" Tanong ni Remson kay Coach na agad namang umiling.
"Kahit ako na hihiwagaan sa Coach ng Beijing" kamot batok na sagot ni Coach.
"Wag nyo na syang pag usapan. Makikilala nyo din sya mag hintay kayo" sagot ni Mika.
"Ibig sabihin makikita namin sya sa Beijing Mismo?" Excited na tanong ni Ethan.
"Dipende sa trip nya" sagot sakanya ni Mika. "Fan na Fan ka ni Coach ah" ngising dagdag pa ni Mika.
"Oo naman! Ang galing nya mag Coach sa mga bata nya kase ikaw pa nga lang ang bilis na kumilos ni Hindi ka namin matalo pano pa kaya yung iba mo dating ka grupo" paliwanag ni Ethan.
"Wala ng mas bibilis saken. Pero may mas magaling saken"
"H-huh?" Takang tanong ko.
"Shhhhhhh nagugutom nako. Mang libre kana Ethan"
"Ano!? Bakit ako!?" Reklamo ni Ethan.
"Ayaw pa! Sige ganto nalang, Bibigyan kita ng bola na may pirma ni Coach" sabi ni Mika na kinagulat namin.
"T-talaga!?" Excited na tanong ni Ethan.
"Ako paba tsk!" Yabang talaga!
"Sige ako na mang lilibre!"
"Ano to Mik! Favoritism!?" Singhal sakanya ni Aris.
"Oo nga Mika! Ang daya mo naman!" Gatong pa ng iba.
"Wow! Parang kanina lang pirma ko ang gusto nyo ah!" Kunwaring nag tatampo na sabi ni Mika.
"Syempre iba yung sayo noh!" Sabi pa ni Aris na halatang inuuto si Mika.
"Letche! Sakanya kayo mang hinge!" Inis na sabi ni Mika saka nag walk out!
Problema non!?
"Lagotttttt!" Si Ethan saka patakbong sumunod kay Mika.
"I'll follow her" paalam ni Zaggy saka sumunod kay Mika.
"Kayo kase eh!" Asar sakanila ni Aris.
"Sunod na tayo sakanila" iling iling na sabi ko sakanila. Agad kaming pumunta sa canteen kung nasan sila Mika at Zaggy na nag tatawanan. Ayos na ang Mesa namin nandon nadin sila Roi,Katty at Rumsel na may sariling mundo den.
"Wala to Dre! Sinosolo si Mika nag papa good shot" bulong sakin ni Aris.
"Edi sumama ka sakanila!" Singhal ko sakanya.
"Eto naman selos agad. Syempre sayo lang ako baby Ae" sabi nya saka yumakap sa braso ko.
"KADIRI KA GAGO!" Tulak ko sakanya saka pumunta sa pwesto nila Mika.
"They here" sabi ni Zaggy saka tumayo. "Tutulungan ko lang si Ethan don. Miguel Bro lika na" aya nya kay Miguel na agad namang sumunod sakanya. Umupo na kami sa tapat nila Mika.
"Ay sana araw araw libre!" Si Roi na naka yakap pa kay Katty.
"Hoy! Wag mo nga niyayakap si Katty!" Singhal sakanya ni Aris.
"Napaka arte mo kala mo naman kaagaw agaw tong nililigawan mo!" Bawi sakanya ni Roi saka hukiwalay kay Katty.
"Basta! Wag kang yumayakap yakap jan!"
"Katty wag mong sasagutin yan ah! Ako na nag sasabi sayo! Nako!" Turo pa nya kay Aris.
"Hala! Joke lang bakla eto naman hindi mabiro!"
"Tumigil na nga kayo para kayong aso't pusa" natatawang singit ni Katty sa usapan.
"Tyreen! Dito!" Biglang kaway ni Mika kaya tumingin ako sa likod kung nasan si Tyreen. "Sabay kana samen!" Aya ni Mika. Tumingin pa samin si Tyreen na parang nahihiya.
"O-ok lang ba?" Tanong nya. Agad ko syang hinila patabi saken.
"Oo naman jan kalang sa tabi ko" ngiting sabi ko sakanya agad naman syang nag baba ng tingen.
Kinikilig ata! HAHAHAHAHAHA NAKOOOO!
"Sino pala ang bantay ni Cliona sa Hospital Mik?" Biglang singit ni Aris. Hindi manlang binati si Tyreen tsk! Siniko kopa sya saka nginuso si Tyreen na nasa tabi ko pero tiningnan nya lang si Tyreen saka muling bumaling kay Mika.
Anong problema neto?!
"Hindi pa natawag si Cameron eh wala pakong balita" sagot ni Mika.
"Wala bang cellphone si Cliona?"
"Nako! Napaka arte non! Wala naman saw syang tatawagan kung meron man ay yung akin ang ginagamit nya" sagot sakanya ni Mika.
"Kakaiba talaga. Kaya mas ok talaga sya kesa sa iba" hindi ko alam pero parang may pinaparinggan si Aris.
"Pinag sasabi mo?" Natatawang tanong ni Mika. Sasagot na sana si Aris ng tumunog ang cellphone ni Mika.
"Si Cameron. Saglit lang ah" paalam nya saka lumayo samin.
"Oh eto na!" Biglang sabat ni Roi ng dumating sila Zaggy dala ang order namin. Sumunod pala sakanila sila Tristian hindi ko napansin.
Nag simula na kaming kumain ng dumating si Mika.
"Oh san ka galing Santiago?" Tanong sakanya ni Coach.
"Ah sinagot ko lang tung tawag ni Cameron Coach"
"Oh anong balita kay Wolverson?"
"May dumalaw na daw kay Cliona hanggang sa maka dating ako don" paliwanag nya.
"Buti naman" sabat ni Katty.
"Oh sino naman daw bakla?" Tanong ni Rumsel.
"Hindi kayo maniniwala!" Pa tense nanaman ni Mika.
"Sino nga!" Singhal sakanya ni Roi.
"SI JUSTINE!" tuwang tuwa na balita ni Mika. Lahat kami napatingin kay Tyreen ng mabasag ang basong hawak nya.
"Ayos kalang ba?" Nag aalalang tanong ko sakanya.
"O-Oo p-pasensya na" sabi nya saka tumayo. "P-pupulutin k-ko nalang" sabi nya akmang pupulutin ang basag na baso ng pigilan ko sya.
"Ako na umupo ka nalang jan" sabi ko saka tumayo at kinuha yung walis at dustpan sa may counter. Agad kong dinakot yun saka binalik kila Nanay Fe.
"S-salamat" sabi nya saken kaya nginitian ko sya.
"Ok kalang na Tyreen?" Tanong sakanya ni Mika.
"Oo salamat" sagot nya.
"Nako! Epal yung Justine nayun! Hindi napasok tapos kay Mader ert mag papakita! Madaya!" Biglang singit ni Roi, na sinang ayunan naman ni Katty.
"Oo nga may gusto ata yun kay Cliona!"
"Ay teh! Wes na mga mamshi! Napapansin ko yun dati na pasulyap sulyao pa kay Mader ert nako! Ang mga mata ni Papa J makasalanan!" Dag dag pa si Rumsel dahilan para mag tawanan kami. Maliban nalang kay Aris na nakangiti lang atsaka kay Tyreen na nakayuko lang habang pinag lalaruan ang pagkaen sa plato.
"Wag kayong ganyan baka may mag selos!" Biglang singit ni Aris na nakangisi. Ngayong may pinaparinggan nga talaga sya! Agad ko syang siniko.
"Ano!? Assuming ka Dre! Si Remson ang pinariringgan ko! Diba son! May gusto ka may Cliona!?" Baling nya kay Remson. Agad naman akong nag baba ng tingin.
"Papansen ka Arcelio!" Singhal sakanya ni Remson.
"YIEEEEEEEEEEE!" kantyaw nila. Bigla akojg nainis dahil ang ingay nila tapos napahiya pako! Bwiset!
"May lihim na pag tingin kay Mader Ert!" Asar ni Rumsel kay Remson.
"Hoy! Tigilan nyo nayan at baka mausog!" Biro ni Mika kaya nag tawanan sila.
"San ba nakakabili ng muka ni Cliona ng makabili ng isang kahon" biro pa ni Roi.
"Ay bakla wag ng umasa dahil unique ang muka ng mader ert! Ikaw endangered species na!" Biro ni Rumsel kaya napuno ng tawanan ang buong canteen.
Nag patuloy kami sa pagkain habang nag tatawanan at nag aasaran pero mapapansin mo talaga ang pananahimik ni Tyreen. Minsan ay nakikitawa sya pero mas lamang ang tahimik sya. Si Aris naman ay para laging may pinariringgan. Si Zaggy naman ay lagi namang tahimik pero kakaiba ngayon hindi manlang nakikisama sa usapan katulad kanina sa Field nung nag aasaran sila ni Mika.
Ano bang problema nila!?