Cliona P.O.V
Ilang araw din ang dumaan bago ako tuluyang maka labas sa Hospital. Hindi pa dapat ako lalabas pero dahil nananakit na ang likod ko kakahiga don sa lintek na higaan nayun ay nag pumilit nakong umuwi. Ayoko din ang amoy ng hospital. Amoy gamot na ewan! Ang ingay pa ng machine! Nakakrindi ren ang gulong ng stroller nila pag nag hahatid ng pagkaen. Isa pa ang pagkain dito paulit ulit tapos gulay pa! Wala bang pizza dito!?
"I'll always go here to visit you understand?" Paulit ulit na sabi ni Cameron saken.
"Hindi na nga kase sabe kaylangan"
"UNDERSTAND!?"
"Oo na punyeta!"
"Watch your word Clirity!" Suway nya sakin.
"Mahirap panoorin ang salita Cameron"
"CLIRITY!"
"Oo na umuwi kana kaya nanamin dito ni Mika" sagot ko saka pabagsak na iniupo ang sarili sa couch. Mas malambot pato kesa sa higaan sa hospitak tsk!
"Mik, dederetcho nako dito bukas pag uwi ko galing duty. Yung mga medicine nya don't forget. Pag matigas ang ulo nya tawagan moko at ako ang babatok jan" rinig kopang bilin nya kay Mika.
"Sus kala mo naman kaya mo" bulong ko.
"Sige! Ako bahala jan!" Ganadong sabi ni Mika at sumaludo pa kay Cameron.
Tss!
Nang maka alis si Cameron ay umakyat muna ako sa kwarto ko para maglinis ng katawan at mahiga sa pinaka komportable na gamit dito sa bahay. Ang kama ko!
Mika P.O.V
Nag luluto ako ng lunch namin ng may nag doorbell. Agad kong binuksan yun at muka nila BJ at Chayse ang bumungad saken.
"Oh napadalaw kayo?" Tanong ko sakanila ng makapasok sila.
"Galing kaming Hospital para bisitahin si Cliona. Kaso nakauwi na daw kaya dumaan na kami dito. Oh" sagot ni BJ saka abot ng Prutas.
"Oo nag pumilit na eh. Kakaalis lang din ni Cameron talagang hinatid lang kami dito" paliwanag ko sakanila. "Dito na kayo kumaen" aya ko sakanila habang nag hahalo ako ng sinigang.
"O sya sige. Nasan pala si Cliona?" Tanong ni BJ agad kong nginuso ang kwarto nya sa taas.
"Tulog. Gisingin mo" natatawang sabi ko.
"Tigilan moko Mikaela ah! Ikaw kung kaya mo" singhal nya saken.
"Oh ikaw Chayse, ikaw ang gumising sa Ate Clirity mo" utos ko kay Chayse na agad umiling .
"No way! I want to live my life peacefully!" Sagot nya kaya nag tawanan kami ni BJ.
"Ihanda mona ang pagkain BJ ako na ang gigising sa mahal na prinsesa" agad akong umakyat sa taas nang matapatan ko ang kwarto ni Cliona at nag sign of the cross pako ng tatlong beses.
Nang kakatok nako ay biglang bumukas ang pintuan!
Whaaaaaa help me lord!
"Anong ginagawa mo jan?" Tanong sakin ng dracula!
"A-Ah hehe kakain na" sabi ko saka nag mamadaling tumakbo pababa at papuntang Dining. "T-tubeg!" Sabi ko agad naman akong inabutan ni BJ ng tubig.
"Oh anong nang yari?" Natatawang tanong ni Bj.
"Jusko! Kakatok palang ako ng bumukas ang pinto nya! Kinabahan ako ng konte" nang sign pako ng konte. Pero tinawanan lang ako ng magkapatid.
"Really Mik? Konti payan sa lagay mo eh namumutla ka nga ng bumaba dito" asar ni Chayse kaya inambahan ko sya ng batok.
"Manahimik ka jan ah!"
"Anong ginagawa nyo sa bahay ko?" Biglang nag salita ang Dracula mula sa hagdanan.
"Bisita natin sila. Dumaab daw sila sa Hospital kanina eh diba umuwi na tayo kaya dumeretcho na sila dito. Kaen na!" Paliwag ko saka ko sya inaya kumaen.
"Anong ulam? Ayoko ng gulay ah!" Sabi nya saka tingin ng ulam na naka handa sa mesa. "Naks! Sinigang!" Sabi nya saka upo at nag paunang kumain.
"Hindi ba yan pinapakain sa hospital?" Tanong ni BJ saken.
"Gulay ang ulam don kaya hindi nya kinakain pulos kanin" paliwanag ko.
"Ate Clirity penge!" Singit ni Chayse na pilit inaagaw ang ulam kay Cliona.
"Hoy bata! Akin to kumuha ka ng sayo!" Bahagya pang nilagyo ni Cliona ang ulam kay Chayse.
"Patikim lang eh!"
"Doon, humingi ka sa kusinera ko" turo nyapa sakin.
"Ha! Sa ganda kong to kusenera mo!? Duhhhhh!" Bawi ko sakanya.
"Oo waiter ka nga lang ng Royal eh" asar nya ulit. Dahil wala naman akong laban kay Cliona, ay kumuha nalang ako ng ulam namin nila Bj at Chayse dahil sinarili nanaman ni Cliona ang sinalin ko kanina.
"Nakilala moba yung humampas saken?" Buglang tanong nya habang nakaen.
"Sila paren" sagot ko.
"Putcha!" Bigla nyang binagsak yung kutsarang hawak nya.
"Anong plano mo?" Takang tanong ko sakanya.
"Mabaet pako" kalmadong sabi nya sabay kain ulet.
"Hindi kana gagante?" Manghang tanong ko. Minsan lang yan kaya kaylangan mag pa party.
"Mabaet pako kaya bubuhayin ko sila. Pero kaylangan maramdaman nila yung sakit ng likod ko kakahiga sa pesteng kamang yun" napa nganga ako dahil sa sagot nya.
Letche! Kala ko naman nabawasan na ang plema nya sa utak!
"Tingin mo saken may ubo sa utak para hindi gumanti masaket yun ah!" Hindi ubo yun plema! Punyeta!
"Oh anong klaseng ganti naman ang gagawin mo! Kaparehas ng ginawa nila sayo?" Singit ni BJ sa usapan namen.
"Maaring ganon pero hindi ako ang gagawa" ngising sagot ni Cliona.
"Hoy! Wag mo sabiheng mag babayad kapa!?" Singhal mo sakanya.
"Talaga Mika? Wala nga kong pang bayad ng tuition mag babayad pako sa bubugbog sakanila!" Sarkastimong sabi nya saken
"Eh ano nga!"
"Pupuntahan ko ang pamilya nya. Sila na bahala kung pano nila maipapasok ang anak nila sa ICU" naka ngising sagot nya.
"Talaga? Gagawin mo yan?" Sarkastimong sagot ko sakanya. Tss! Alam ko namang di nya pag aaksayahan ng panahon si Banjo eh.
"Alam mo naman pala eh! Bat kapa nag tatanong" sabi nya saka umalis sa hapag.
Jusko! Sana biyayaan pako ng nasa taas ng mahabang pasensya para kay Cliona!
"Na alog ata ng bongga ang utak non" bulong sakin ni BJ
"Mas lalong yumabang" natatawang sabi ko.
"Shhhhhh nakatingin dito si Ate Clirity!" Suway samin ni Chayse kaya natahimik kaming kumakaen.
Aero P.O.V
"Good morning!" Masayang bati ko
"Good morning sweetie, maganda ang gising ah" sabi ni Mommy habang tinutulungan si Manang na mag hain ng almusal.
"Syempre naman po!"
"Naka labas na daw si Cliona kaninang ala sais" singit ni Daddy na galing sa labas.
"Ang bilis naman" sagot sakanya ni Mommy.
"Yun ang sabi ni Dad kausap ko kanina" sabay pakita ng cellphone nya samin. "Nag pumilit daw na umuwi. Base kay Doc Melvin"
"Dapa't magpahinga muna sya dahil masama ang tama sa ulo nya" dagdag ni Mommy saka umupo sa tapat ko.
"Nag sasawa na daw sa hospital" natatawang sabi ni Dad.
"Mukang ayaw din sa hospital ng batang iyon" singit ni Manang samin.
"Manang alam mobang sabi nya sakin na ang init daw ng luha ko kaya nagising sya HIHIHIHI" kinikilig na kwento ni Manang.
"Eh kung ganon ay ikaw ang nag pagising sa batang iyon?"
"Tumpak manang!"
"Kala ko panaman ay si Aero ang nakapag pagising sakanya" ngiti ni manang sakin.
"Manang!"
"Akala ko lang naman ijo" natatawang sagot nya. " O sya kumain kana may practice pa kayo diba?" Tanong ni Manang kaya tumango ako saka kumain.
"Alis napo ako!" Paalam ko sakanila bago sumakay sa kotse ko at nag drive napuntang school. Sabado ngayon kaya may practice kami ng whole day. Mas ginanahan kaming mag practice dahil sa sinabi samin ni Mika nung araw nayun. Kaya lahat sila seryoso at talaga namang gusto tapatan ang Beijing Soccer team.
"Pag tapos natin dito ay dadaan ako hospital gusto nyo bang sumama?" Anunsyo ni Coach.
"Sige coach!" Sgot nila.
"Hindi na kaylangan" singit ko sa usapan nila. "Naka uwi na sila kaninang six" paliwanag ko.
"Pano mo naman nalaman?" Ngising tanong sakin ni Coach.
"Ikaw ah! Pumupunta ka sa hospital ng di nag sasabi ah!" Asar ni Aris kaya binatukan ko sya. "ARAY PUTCHA!"
"Tumawag si Lolo kanina! Hindi ako pumunta don!" Depensa ko sa mga naka ngising muka nila.
"Defensive" bulong ni Zaggy kaya sya ng tiningnan ko ng masama. "Easy!"
"O sya tigilan nyona si Tyson at mag practice na tayo. Mukang hindi na darating si Santiago" sabi ni Coach.
"Hindi ako mahilig umabsent Coach" napatingin kaming lahat kay Mika na kadadating lang. Lahat kami napa nganga sa likod nya dahil nandon si...
"CLIONA!" Sigaw ni Aris at agad na tumakbo papunta sa gawi ni Cliona.
(>_<)
BAKIT HINDI SYA NAG PAPAHINGA!
"Oh bakit nandito ka Wolverson?" Takang tanong ni Coach ng makalapit si Cliona samin.
"Hindi ko alam na bawal pala ako dito" ngising sagot ni Cliona sakanya.
"Nako coach! Sinama kona kase ako ang mag sisilbing Nurse nya ngayon. Walang mag papalit ng benda sa bahay. Baka makalimutan din ang gamot inumin. Ako pa pagalitan ni Cameron" paliwanag ni Mika.
"Sige yumakap ka sakin sasapakin kita!" Napatingin ako sa gawi ni Cliona na naka angat sa ere ang kamao habang kausap ang mga kaibigan.
"Isang yakap lang naman mader ert!" Singhal sakanya ni Roi.
"Aba eh baket ako pa!?" Taas noong sagot ni Cliona sakanila.
"Ang damot mo naman mader ert! Syempre miss ka namin!" Pangungunsensya pa ni Rumsel sakanya.
"Isa lang Cliona please!" Si Katty na naka nguso pa.
Ano bang pinag gagawa nila?
(O_o)
Ehhhhhh niyakap!?
"Ang payat payat mona! Tingnan mo!" Si Roi habang hawak hawak sa braso si Cliona. Agad naman yun binawi ni Cliona.
"Layo" utos nya. Agad namang sumunod yung tatlo sakanya.
"Wag mo titigan baka matunaw" bulong sakin kaya agad akong napalingon.
"Coach!" Suway ko sakanya.
"Kanina pa nasa field ang mga ka grupo mo, ikaw nalang ang nandito sabi ko naman kase sayo at wag mo titigan eh!" Singhal saken ni Coach ng muli akong tumingin sa gawi nila Cliona. Agad akong tumakbo papalapit kila Aris na nag i stretching.
"Ano Dre masaya bang panoorin!" Ngising sabi sakin ni Aris.
"Gago! May Tyreen nako!" Singhal ko sakanya. May binulong naman sya pero hindi ko narinig. "Ano!?"
"Wala sabi ko maganda sa Royal uminom pag nag kataon" ngising sagot nya saka umalis sa harapan ko.
"Ulol!" Singhal ko sakanya pero tinawanan nya lang ako.
*Prffffttttt!*
Pito ni Coach hudyat na simula na ang practice game. Opensa kami nila Tristian, Samuel,Ethan,Ken at si Marcelo ang goal keeper namin habang nasa Depensa sila Zaggy,Aris,Joshua,Miguel kasama si Mika at si Remson ang mag sisilbing Goal keeper nila. Napatingin ako sa gawi ni Coach at nandon na sila Cliona kasama sila Roi na naka upo nadin at nanonood samin.
Naging maayos ang daloy ng laro pero nahihirapan parin kami agawin ang bola kay Mika, mas lalo pa ata syang bumilis.
"2-4!" Anunsyo ni Coach sa score namin. Kami ang kulelat dahil 2 palang kami hanggang ngayon at 4 sila Mika. Water break muna kame dahil sa sunod sunod na laro.
"Nagiging maganda ang laro nila" boses ni Cliona yun kaya napatingin ako sa gawi nila, at yun! Kausap si Coach.
"Oo dahil nalaman na nila yung tungkol sa Beijing" sagot ni Coach sakanya.
"Pina sabi ko yun kay Mika dahil baka mas seryosohin nila ang practice at ang laro nila sa Sportfest. Nalaman kona sa ibang school ay sinabi na nila kaya wala ng dahilan para itago sakanila" paliwanag ni Cliona.
Itago? Bakit kaylangan itago samin?
"Pero pano ang player namin na si Cristian?" Tanong sakanya ni Coach.
"Wag monang alalahanin yun Coach ako na ang bahala sakanya ang gawin mo lang ngayon ay bantayan sila sa laro nila hanggang sa manalo sila sa Sportfest" paliwanag ni Cliona saka tinalikuran si Coach nag panggap ako na nainom para hindi nya mahalatang nakikinig ako sa usapan nila. Nag tama pa ang mata namin kaya nabulunan ako.
Putcha!
"Tss"
"H-hindi ako n-nakikinig ah!" Nakita nya ba ako?
"Halata nga" walang emosyong sagot nya saka ako nilagpasan!
"HOY!" pantawag kopa sakanya pero hindi nyako nilingon! Bastos!
"Ayan ha!" Biglang sulpot nanaman ni Aris sa likod ko.
"Issue ka!" Singhal ko sakanya.
"Hoy!" Pang gagaya nya sa boses ko kanina. "HAHAHAHAHAHAH Ulol ka Dre! Ayaw pa umamin!"
"Wala akong gusto sakanya!"
"HAHAHAHAHA! NILALAGLAG KA TALAGA NG SARILI MO DRE! HAHAHAHAHAH eh hindi naman yan ang ibig kong sabihin Eh HAHAHAHAH!" tawang tawa ang loko! Himbis na sagutin sya ay iniwan ko nalang din sya don at umupo sa upuan kung nasan ang mga ka grupo ko.
"Nasan na si Cliona coach?" Tanong ni Mika habang hinahanap sa paligid ang kaibigan nya.
"Hindi ko alam. Iniwan nyako kanina nung nag uusap kami" sagot ni Coach sakanya.
"MIK! SI CLIONA NAKIKIPAG SAGUTAN MAY ALISTAIRE!" biglang sulpot ng hinihingal na si Rumsel.
"Ay punyeta talaga!" Agad na tumakbo paalis si Mika kaya sumunod kami sakanya.
Hindi pa nga nag hihilom ang sugat sa ulo nagawa nanaman ng panibagong sugat! Tsk! Hindi talaga nag iingat.
"Bagay na bagay sayo ang benda sa ulo mo HAHAHAHA" maarteng sabi ni Alistaire.
"Kaya nga eh. Nakakaganda" sagot sakanya ni Cliona.
"Duhhhh as if naman maganda ka"
"Tss, kaya nga insecure ka saken" naka ngising sagot sakanya ni Cliona.
"Pffft" tawa ni Aris kaya siniko ko sya.
"Excuss me!?"
"Dadaan ka?"
"Arghhhhhh! Your so annoying!" Inis na sabi ni Alistaire. "Hindi kana nga maganda may benda pa yang ulo mo HAHAHAHA"
(-_-)
Ang babaw ng kaligayahan ng babaeng to.
"May benda pa nga ako sa ulo ganyan kana pano pa kaya pag nawala na. Wag kang mag alala wala naman akong balak agawin si Goku sayo, sayong sayo na hindi kita pipigilan." Ngising aniya.
"Awwwww" singit nanaman ni Aris
"Wag mona ipangalandakan na bagay saken ang benda sa ulo ko alam ko naman kase sa sarile ko na mas maganda ako sayo" dagdag pa ni Cliona.
"OWWWWWW HAHAHAHAHA!" tawanan ng mga kasama ko kaya napatingin samin si Cliona.
"Arghhhhhhh I hate you! Hinding hindi mo maagaw sakin si Aero!" Sigaw sakanya ni Cliona.
(O_O)
BAT AKO NADAMAY JAN!?
"HA! eto?" Sabay turo sakin ni Cliona. "Isaksak mo sa baga mo"
"Ouch!" Si Aris na hawak hawak pa ang dibdib nya. OA!
"DUH! AKIN LANG NAMAN TALAGA SI AERO! masyado kalang malande dahil dikit ka ng dikit sakanya" bawi ni Alistaire sakanya. Lahat kami nagulat ng tumawa si Cliona. Pekeng tawa.
"Hindi ko alam na bobo ka din sa math. Hindi moba kaya tanyahin kung ilang metro ang layo ko sa lalaking binabanggit mo?" Tawa nya pa saka biglang sumeryoso. "Pwede ba tigilan moko dahil hindi ako napatol sa mga kagaya mo. Saka moko harapin pag kaya mona makipag suntukan saken" akmang aalis na si Cliona ng hilain sya ni Alistaire sa braso at muling iharap sakanya.
"Wag mokong tatalikuran pag kinakausap pa kita!" Hindi manlang natinag si Cliona sa sigaw ni Alistaire.
"Dre, awatin mona baka saktan ni Alistaire si Cliona"bulong sakin ni Aris.
"Wag mo den hinaharangan ang dinadaanan ko. Masyado kang malaking basura na hindi mag kakasya sa basurahan" bawi sakanya ni Cliona. "Umalis kana sa harapan ko habang nakakapag timpi pako" may pag babanta sa boses ni Cliona.
"HA! ANONG TINGIN MO SAKIN NATATAKOT SAYO!?"
"Dapat ka talagang matakot"
"Patawa ka! Eh tulog ka nga ng gawin sayo yan ni Banjo" sagot ni Alistaire na mas kinagulat namain. Ibig sabihin si Banjo talaga ang may gawa non kay Cliona.
"Ikaw kaya hampasin ko ng baseball bat sa ulo tingnan naten kung makakatayo kapa" seryosong sabi ni Cliona na namumula na dahil sa pag pipigil ng galit.
"You can do ba?" Maarteng tanong ni Alistaire.
"Kung gugustuhin ko baket hinde? Gusto mo ngayon na para pag pasok ko sa lunes eh wala kana" ngising sabi ni Cliona. "Sa anong paraan moba gusto maratay sa hospital? Yung dahan dahan o yung biglaan?"
"W-what do y-you mean?" Utal na tanong ni Alistaire.
"Na kaya kitang patayin"
"HOW DARE YOU!" akmang sasampalin nya si Cliona ng mahawakan ni Cliona ang kamay nya at tinulak ng pagkalakas lakas.
"How dare you to dare me like a dare queen. You don't know my existence so stop blocking my way, You don't know me well" seryosong sabi ni Cliona sakanya.
"YOU'LL PAY FOR THIS! YOU DON'T KNOW ME TOO!" sigaw ni Alistaire.
"Your nothing but a bitchy Flirt. Hinaharangan mo ang dinadaanan ko para lang sabihin sakin na wag kong landiin ang Aero mo? HA! YOUR FACE! bat ko naman lalandiin ang may kasalanan kung baket ako may benda sa ulo? Ano ang tangang katulad mo? Ha! Ako ngang hindi maganda lang napunta sa hospital ng de oras, ikaw pa kayang malandi lang? Ingat ka baka bukas pinag lalamayan kana" huling sabi nya saka kaming iniwan don na nakatulala.
"bat ko naman lalandiin ang may kasalanan kung baket ako may benda sa ulo?"
"bat ko naman lalandiin ang may kasalanan kung baket ako may benda sa ulo?"
"bat ko naman lalandiin ang may kasalanan kung baket ako may benda sa ulo?"
Nag paulit ulit sa ulo ko ang binitawang salita ni Cliona.
Ako ba talaga ang may kasalanan?
Eh hindi ko naman ginusto ang nangyari.
"Arghhhhhhh! Pag babayaran moto Cliona!" sigaw ni Alistaire. Sa sobrang galit ko agad ko syang nilapitan saka sinampal ng pagka lakas lakas.
"Dre!"
"Aero!"
Tawag nila saken pero ni Isa wala akong nilingon. Naiinis ako! Nasasaktan ako sa mga narinig ko!
"ANG KAPAL NG MUKA MO! INUTOS MO YUN PARA SAKTAN SI CLIONA!? HA! NASAN ANG KALULUWA MO!" bulyaw ko kay Alistaire na umiiyak na. BAKIT MO GINAWA YON! SAGOT!"
"E-Eh kasi inaagaw ka nya saken"
"Bullshit! Hindi ako sayo Alistaire!"
"Nilalandi ka nya!" Sigaw na din nya.
"Hindi ako nilalandi ni Cliona! Wala syang gusto saken! Ha! Bat bako nag papaliwanag sa walang kwentang taong katulad mo! ULOL!" Inis ko silang tinalukuran ang dumeretcho sa parking para umuwi pero natigilan ako ng makita ko si Cliona don. Agad akong lumapit sakanya at inagaw ang yosing pinag lalaruan nya sa kamay nya.
"Ano ba!?" Singhal nya saken. Pero hindi ako papatalo sakanya "Ano bang problema mo?" Mas kalmadong tanong nya. Bumalik nanaman ang magiging malamig nya.
"Ako ba talaga ang may kasalanan nyan?" Tukoy ko sa benda sa ulo nya.
"Ha! Nag papatawa kaba?" Sarkastikong aniya.
"Sorry" deretchong sagot ko na kinatigil nya. "Hindi ko naman ginusto ang nangyari eh, hindi ko rin naman inaakalang aabot sa ganto yung galit sakin ni Banjo" tiningnan ko sya sa mata pero agad din akong umiwas dahil seryoso syang naka tingin saken. Biglang natahimik.
"Ok" sagot nya na kinagulat ko.
"H-huh?" Tanong ko pero imbes na sagutin ako ay sumakay sya sa motor nya.
"Nangyari na ano pang magagawa ko? Kaya sige pinapatawad na kita" sabi nya saka pinaandar ang motor nya. Sinundan ko sya hanggang sa mawala sya sa paningin ko. Nanatili naman akong naka tayo don.
Ganon lang yon kabilis? Hindi manlang ba nya akong sisigawan? O kaya sasaktan? Ok? Yun na yon? Ok? Talaga? Pinapatawad na nya ako? Ha!? HAHAHAHAHHAHAH!
"Ganon kabilis mag patawad si Cliona" biglang sulpot ni Mika sa likuran ko.
"Naks Dre!" Ayan nanaman ang mapangasar na tingin ni Aris. "Oh!" Sabay hagis nya ng bag ko na naiwan ko.
"Mauuna nako sainyo ah, Baka dumating na si Cameron hindi kopa napapainom ng gamot ang mahal nyang prinsesa" natatawang sabi ni Mika.
"Drive safely Mik!" Paalam sakanya ni Zaggy.
"Oo kayo den. Masaya ako para sayo Ae" tapik nya sa balikat ko saka sakay sa motor nya. Sinundan ko din sya ng tingin hanggang sa mawala sya sa paningin ko.
"Grabe Dre! Kahit ako nagulat sa sinabi ni Cliona kanina. Galit na galit talaga sya ng malamang si Banjo ang gumawa non sakanya" sabi ni Aris.
"Gagong Banjo yun halang talaga ang kaluluwa" Sabat ni Zaggy. " But I'm happy that she forgive you" dagdag pa nya kaya napa ngiti ako.
"Pero Dre! Hindi kaba nasaktan sa sinabi nya kanina?" Tanong sakin ni Aris. "Isaksak mo sa baga mo" pang gagaya pa nya sa boses ni Cliona kanina.
"H-huh?"
"Tsk! Wala pa nga busted agad!"
"Ano bang pinag sasabi mo!?"
"Ok lang yan Dre better luck next time" tapik nya sa balikat ko saka lapit sa kotse nya. "Una nako Dre! Ingat!" Paalam nya.
"Ako den" si Zaggy na sumakay din sa sasakyam nya. Wala akong nagawa kundi ang sumakay din sa sasakyan ko at umalis at umuwi sa bahay.