Acquitance Party

Chapter 25: Acquitance Party

Aero P.O.V

Natawag na silang tatlo at panigurado ay kami na ang susunod ni Tyreen. Pch! Lagi naman!

"Mukang tayo na ang sunod ah" bulong ko kay Tyreen.

"Mabuti nayun nakaka pagod sumayaw" natatawang sagot nya saken.

"Next! The King and Queen of the Night!"

-

I never dreamed...

'Cause I always thought that dreaming was for kids

Just a childish thing

And I could swear

Love was just a game that children play

And no more than a game-

"Ang ganda ng kanta" bulong nya. Pinag dikit ko ang noo namin na syang kinagulat nya!

"Mas maganda ka" bulong ko sakanya.

"I-ikaw talaga" tawa nya kaya mas lalo akong napangiti.

Ang ganda ganda mo Tyreen, wala ng mas gaganda sayo, bagay na bagay tayo. Liligawan kita kahit hindi mo sabihin araw araw kitang liligawan hanggang sa sagutin moko at araw araw kitang mamahalin kapag sinagot moko.

-Til I met you

I never knew what love was

'Til I met you

This feeling seems to grow more every day

I love you more each day-

"Ang pag ka sweet sweet! Mr. Aero Tyson and Ms. Tyreen Alcantara. For our King and Queen of the night!" Anunsyo ni Roi. Agad ko namang tinulungan si Tyreen na umakyat sa stage. "Let's stop for a while dahil bibigyan muna natin ang mga nag gagandahan at nag ga gwapuhang ito ng kanilang mga titulo." Sabi pa ni Roi.

*PALAKPAKAN*

-

"May I call Mr. Wolverson and Dean Tyson to award this to our Best couple award" agad namang tumayo si Cameron at agad lumapit kila Zaggy na bitbit ang bulaklak habang si lolo naman ang may hawak ng sash at trophy. "Mr. Wolverson will dance Ms. Santiago" sabi pa ni Roi agad namang sinayaw ni Cameron si Mika na ngiting ngiti. Nag uusap pa sila saka sabay na tatawa.

"Thank you Ms. Santiago" ngiting sabi ni Roi. "For our best attaire, please come forward" dagdag ni Roi kaya nilingon ko sila Cliona at Rumsel. Agad naman silang nag step forward. Kung si Rumsel ay ngiting ngiti si Cliona naman ay kunot noong naka tingin sa harapan.

Tsk! Ano nanamang problema neto? Parang laging may kaaway!

"Dean Tyson and Mr. Martinez will awarded them" dagdag pa ni Roi. Napatingin ako kay Percy na may hawak na bulaklak habang naka ngiting lumalapit kay Cliona na nasa harapan parin ang tingin.

"Uy mader kunin mo" rinig kong sabi ni Rumsel ng hindi kunin ni Cliona ang bulaklak kay percy"

- I recall when you said that you would never leave me

You told me more, so much more like when the time you whispered in my ear

There was heaven in my heart-

Pagkabulong ni Rumsel saka lang nag angat ng tingin si Cliona kay Percy na naka tayo sa harapan nya. Hindi manlang nag bago ang ekspresyon nya. Napatingin ako sa kamay ni Cliona na nakayukom na. Tiningnan pa nya ang bulaklak na hawak ni Percy at buntong hiningang kinuha yon.

-I remember when you said that you'd be here forever-

"Congrats" rinig kong sabi ni Percy. Bakit ba ang tagal ng oras!? Si lolo na ang nag suot ng sash sakanya ay binigyan ng katulad kila Mika at Zaggy.

"You may dance her Mr. Percy"

-Then you left without even saying that you're leaving

I was hurt and it really won't be easy to forget yesterday

And I pray that you would stay

But then you're gone and, oh, so far away-

Cliona P.O.V

-Then you left without even saying that you're leaving

I was hurt and it really won't be easy to forget yesterday

And I pray that you would stay

But then you're gone and, oh, so far away-

Napa pikit ako sa sobrang inis ng ilahad nya ang kamay sa harapan ko. Gusto ko baliin ang buto ng daliri neto sa sobrang inis ko sumasabay pa ang kanta na mukang nanadya! Paalala nyo sakin na sapakin yung DJ dito ah!

Himbis na kamay ang hawakan ko ay sa pulsuhan ko sya hinawakan. Mamaya madumi pa ang kamay nya edi napasa sakin ang germs nya. Agad nyang hinawakan ang bewang ko habang sa balikat nya lang ako naka hawak at naka tingin.

-I was afraid this time would come

I wasn't prepared to face this kind of hurtin' from within

I have learned to live my life beside you

Maybe I'll just dream of you tonight

And if into my dream you'll come and touch me once again

I'll just keep on dreaming till my heartaches end-

"You look beautiful tonight" pang babasag nya sa katahimikang nabuo namin kanina. Hindi ko sya sinagot nanatili akong tahimik habang nakatingin sa kawalan." Your stunning tonight" dagdag pa nya.

Ilang beses kona ba narineg yan ngayong gabi?

-Then you left without even saying that you're leaving

I was hurt and it really won't be easy to forget yesterday

And I pray that you would stay

But then you're gone and, oh, so far away-

"I'm happy that we met again. I guess this is desti-"

"Hindi ko alam na naniniwala kana ngayon sa mga ganyan" putol ko sa sinasabi nya.

"H-huh?"

Pch! Binge!

Tinitigan ko sya sa mata. "Tss" seryosong sabi ko.

"C-Cliri-"

"Cliona" pang tatama ko sakanya. "Yun ang pangalan ko"dagdag kopa. Nakipag titigan ako sakanya. Bakas ang lungkot sa mga mata nya nangingilid din ang mg luha nya. Bago pa kumawala ang emosyon ko ay iniwan ko sya don kahit wala pang sinasabi si Roi.

"Ano yun mader? Hindi pa tapos" bulong sakin ni Rumsel.

"Pagod nako" sagot ko. Sunod sunod na tinawag ni Roi sila Aris hanggang sa tawagin na sila Goku at Tyreen. Si Percy den ang nag sayaw kay Katty habang si Cameron ang kay Tyreen. Nag tama pa ang paningin namin ni Mika at bakas talaga sa mata nya ang pag aalala. Kaya tinanguan ko nalang sya. Nangangati nako sa bulaklak na hawak ko kaya binigay ko kay Rumsel yon.

"Ano to mader?" Bulong nya saken dahil sumasayaw sila Cameron at Tyreen sa harapan.

"Sayo na"

"Ehh sayo to"

"Kaya nga sayo na. Ayoko nyan" tiningnan ko sya ng seryoso para hindi na sya magsalita pa na mukang nakuha naman nya kase tinanggap nya nalang yung bulaklak at ang loko inamoy amoy pa. Kamot nako ng kamot dahil hindi talaga ako hiyang sa bulaklak. Nag simuka nadi mangate ang ilong ko.

"Ayos kalang ba?" Tanong sakin ni Aris na syang nasa tabi ko. Agad naman akong tumango.

"And for the last award. THE STAR OF THE NIGHT!"

*PALAKAPAKAN*

*TILIAN*

*SIGAWAN*

*PALAKPAKAN*

(-_-)

Napapagod nako gusto kona umuwe.

"LET'S GIVE A ROUND OF APPLAUSE FOR OUR STAR OF THE NIGHT, MR. AERO TYSON AND MS. CLIONA WOLVERSON!"

(-_-)

(•_•')

('•_•)

Ehhhhh? Bat ako nanaman!

*PALAKPAKAN*

Nagkatinginan kami ni Goku at gulat na gulat si loko. Tss, parehas kaming walang nagawa kundi ang pumunta ng sabay sa stage. Kamot ako ng kamot sa braso ko na mukang namumula na. Bwiset na bulaklak!

(-_-)

"Are you ok?" tanong sakin ni Cameron ng alalayan nya kong umakyat sa stage. Agad kong pinakita sakanya ng braso kong namumula. "What the hell happen to that!?"

"Punyetang bulaklak nayun" bulong ko pero mukang narineg nila Goku at Percy na kapwang nag uusap kaya napatingin sila sa gawi namin.

"Do you bring your ointment?" Tanong sakin ni Cameron agad naman akong umiling. Nagulat ako ng biglang hawakan ni Goku ang braso ko at tiningnan yun habang iniikot ikot pa. Agad kong pinalo ang kamay nya dahil mahapdi!

"Aray!" Singhal nya saken.

"Masaket ulol ka" balik ko sakanya.

"Hoy! Bunganga mo ah!" Sabi pa nya kaya inirapan ko nalang sya.

Tss, napaka arte.

Akmang hahawakan din ni Percy ang braso ko ng hilain ako ni Cameron.

"She' ok dude" sarkastikong sabi ni Cameron. Nag tititigan pa sila ng biglang mag salita si Dean.

"Congrastulation" nakipag kamay pako kay Dean at ganon din naman si Goku.

"Now let's end this night with dance together with our Star of the night. You can dance with somebody else. Pwede nyo na din hilain ang guess natin but! Akin si Cameron!" Biro ni Roi kaya nag tawanan kami. "IS MANILA ENJOY YOUR LAST DANCE!" huling sabi ni Roi. Nag simula na ang tugtog kaya pinag agawan na nila Mika at Katty si Cameron habang sila Rum at Roi ay kay Percy sumiksik.

-I don't want to go another day

So I'm telling you, exactly what is on my mind

Seems as like everybody is breaking up

And throwing their love away

But I know I got a good thing right hiere,

That's why I say (hey)iii-

"Ano bang nangyare jan?" Tanong nya saken. Habang nasayaw kami sa gitna.

"Wala" tipid na sagot ko.

"Tsk! Pwede ba sumagot ka ng maayos!" Singhal nya saken.

(-_-)

"Sa bulaklak" sagot ko ulet at baka mag kame kame wave to dito sunod talaga ako.

-Nobody gonna love me better, I'm gon' stick wit you forever

Nobody gonna take me higher, I'm gon' stick wit you

You know how to appreciate me, I'm gon' stick wit you, my baby

Nobody ever made me feel this way, I'ma stick wit you-

"Ehh baket mo kase tinanggap!" Sigaw nya.

Punyeta!

(-_-)

Bakla!

"Kesa naman mangalay yun" tipid kong sagot "wag mo nga ako sinisigawan mag kaharap lang tayo" kalmado kong dagdag.

-I don't want to go another day

So I'm telling you, exactly what is on my mind

See the way we ride, in our private lives

Ain't nobody gettin' in between

I want you to know that, you're the only one for me-

"Ayaw mo kase sumagot ng maayos paligoy ligoy kapa" sagot nanaman nya. Hindi kona sya sinagot dahil baka humaba pa ang usapan namin. Wala ako sa mood makipag usap at ayoko din syang kausap dahil ang ingay nya nakaka rindi.

Aero P.O.V

Kanina pako salita ng salita dito pero hindi manlang ako sinagot nitong nasa tapat ko.

"Mukang kilala mo nga si Percy" tango tango kong sabi. Nainis nako dahil hindi parin sya nasagot.

"Ano ba!? Sagutin mona kase ako!" Singhal ko sakanya.

"Baket nangliligaw kaba?" Sagot nya saka timitig sa mata ko

(O_O)

"ANO!?"

"Tss"

"Hoy Cliona! Hindi kita type noh!" Sigaw ko sakanya.

"Tss, kwits lang di ren kita type" sagot pa nya.

Ano? Hindi daw nya ako type!? Ha! Aero Tyson toh!

"Hindi moba isasayaw si Tyreen? Pwede naman akong maupo nalang mas gusto ko yun" bigla nyang pag iiba ng usapan.

-And now, ain't nothing else I can need

And now, I'm singing 'cause your so, so into me-

Agad naman akong napanguso "kasayaw ni Zaggy" sagot ko saka tiningnan sila Tyreen at Zaggy na nag sasayaw. "Gusto mona bang umupo?" Tanong ko sakanya, agad naamn syang tumango. Inalalayan kopa syang mag lakad dahil masaket na daw ang paa nya. Nang maka upo kami ay bigla nyang tinanggal ang heels na soot nya. Namumula na ang paa nya at may paltos naden. "Jan ka muna" paalam ko. Hindi na nya ako sinagot kaya pumunta nalang ako sa kotse ko para kunin ang ointment na ginagamit ni Tyreen noon dahil madakas den mag karoon ng paltos ang paa nya dahil sa heels. Hindi ko inaasahan na sya ang gagamit nito ngayon at hindi si Tyreen. Agad akong bumalik sa pwesto namin at ayun sya iniikot ang paa paminsan minsan ay kumakamot sa braso.

May allergy sa bulaklak pero kinuha parin tsk!

"Akin na" hablot ko sa braso nya. Napa iling nalang ako ng makita kung gano yun kapula. Konti nalang mag susugat na.

"Aww, dahan dahan mahapdi" angal nya bahagya pang pinipigilan ang kamay ko. Natawa nalang ako sa reaksyon nya. "Wag mo nga ako pinag tatawanan!" Sigaw nya saken kaya diniinan ko ang paglagay ng oitment sa nag sugat na kinamot nya. "ARAY! PUTCHA SABE KO DAHAN DAHAN!" singhal nya kaya lalo akong natawa. Sa sobrang pikon nya ay binawi nya ang braso saken. "Ako na punyeta ka!" Sabay habolot ng ointment saken. Pinanood ko lang sya indahil ang hapdi habang tinapahidan ang sariling braso ng ointment. Nang matapos sya sa braso ay yung paa naman nya ang nilagyan nya. Nahirapan pa sya dahil sa soot nya kaya inagaw ko ulit sakanya yung oinment. Umupo pako para mapantayan ko ang paa nyang mamula mula. "Dahan dahan sisipain kita tingnan mo" banta nya.

"Ikaw nga tinutulungan! Napaka brutal mo!" Singhal ko sakanya pero tinawanan nya lang ako. Dahan dahan kong nilagyan ng oitment ang paltos nya. Bahagya pa syang napapasinghap pag humahangin.

"Uyyyyyy!" Gulat ako ng biglang sumulpot sila Aris sa gilid ko. Agad akong napatayo dahil naka ngisi nanaman saken ang loko.

"Anong eksena yan!?" Singhal na tanong samin ni Mika.

"Nagka skin rushes lang sya tapos nag ka paltos! Tinulungan ko lang! Issue nyo!" Balik ko sakanila.

"Ay hala namumula ka nga!" Bigla namang lumapit si Mika kay Cliona at tiningnan ang braso ni Cliona na namumula paren.

"Naks Dre! Pogi points!" Bulong sakin ni Aris kaya binatukan ko sya.

"Sabing tinulungan lang eh!" Singhal ko sakanya. "Nasan na pala si Tyreen?" Tanong ko sakanilang lahat ng hindi ko makita na kasama nila si Tyreen. Tiningnan ko si Zaggy dahil sya ang kasayaw ni Tyreen kanina. "Dre?" Tanong ko ulit. Nagkatinginan pa sila.

"Nauna ng umuwi sinundo ng driver nila" sagot ni Zaggy saken. Napatango nalang ako. Hindi naman sya nag sabi saken na susunduin pala sya. Ganon ba kahirap ang i text ako or tawagan ako? Tsk! Lahat kami napatingin kay Cliona ng bigla syang bumaheng.

"I-ilayo n-nyo s-saken yung bulaklak nyo" nahihirapang sabi nya.

"Allergy sya sa bulaklak" paliwanag ni Mika agad namang tinabi nila Katty at Rumsel ang hawak nilang bulaklak sa kabilang table.

"Are you ok?" Tanong ni Zaggy sakanya. Agad namang tumango si Cliona bahang kamot ng kamot sa braso nya.

"Mag papalit lang ako, ako na mag dadrive ng motor mo" sabi ni mika sabay kuha ng bag kay Cliona at umalis sa pwesto namin.

"Hey" biglang sulpot ni Cameron." Did you already put a ointment?" Tanong pa ni Cameron habang tinitingnan ang braso ni Cliona.

"Oo, gusto kona umuwe" deretchong sabi ni Cliona saka tumayo.

"Teka si Mika pa"

Ilang minuto din namin hinintay si Mika bago sya tuluyang dumating. Naka pants na sya ngayon at jacket na leather. Sabay sabay kaming pumunta sa parking hanggang sa nauna na si Katty dahil sunundo sya ng family driver nila sila Roi at Rumsel naman ay naka sunod kay Katty dahil sa iisang subdivision lang nama sila naka tira. Hanggang sa mag paalam na din si Aris at ganon din si Zaggy hanggang sa ako nalang ang matira kasama nila Mika,Cameron at Cliona.

"Umuwi kana gusto kona den umuwe" Sabi saken ni Cliona habang pumapasok sa Kotse ni Mika. Tiningnan ko sila Mika at Cameron para mag paalam sinagot naman nila ako ng tango. Agad akong sumakay kotse ko at nag drive pauwi ng bahay.

-I used to think

I had the answers to everything,

But now I know

Life doesn't always go my way, yeah...

Feels like I'm caught in the middle

That's when I realize...-

Napapikit ako dahil sa narinig kong kanta sa radio ng kotse ko! Agad kong pinatay yun!

"Ngayon bibigyan kita ng oras para mag pakilala pa sakin ng lubos"

Bakit ba kase sinabi ko yon!? Hindi ko naman inaasahan na masasabi ko yung nasa utak ko eh! Nakita ko kung pano magulat si Cliona nung masabi ko yun sakanya. Hindi ko maiwasan isipin kung ano nalang ang iniisip nya dahil sa sinabi ko. Baka isipin nya na interesado ako sakanya o kaya naman baka inisipin nya na pinag iisipan ko sya ng masama. Hindi! Hindi naman nya atang iisipin na interesado ako sakanya, tsk! Sa ugali nya? Malabong isipin nya yun dahil nag tawanan pa nga kami nung mapili kaming star of the night. Tsk! Hindi ko inaasahang sya ang mapipili ngayon dahil kami lagi ni Tyreen ang napipiling star of the night. Hindi ko din maiwasang isipin ang mga ginagawa ni Tyreen masyado na syang ilag simula nung umuwi sya dito galing states. Pati si Aris hindi na nya kinakausap si Tyreen, dati naman ay sya pa unang babati pag dadating si Tyreen. Ano bang nang yayari sakanila? Sino din yun nasundo kay Tyreen? May hindi ba sya sinasabi saken?

12 midnight nako dumating sa bahay kaya naman si manang nalang ang gising at tanging sya nalang ang sumalubong sakin.

"Tulog na ang mommy at daddy mo si Ailey naman ay nasa duty pa" sabi ni manang habang tinutulungan akong mag tanggal ng coat at sapatos ko.

"Nakakapagod ang araw nato manang" natatawang sabi ko.

"Mukang masaya ka naman ata" sagot ni manang habang naka ngiti saken.

"Medyo lang manang" nguso ko naalala ko nanaman kase yung pag sayaw ni Cliona!

"Hindi naman halata"

"Manang ah!"

"Sinasabi ko lang ang napapansin ko"

"Medyo lang naman manang eh"

"Bahala ka matulog kana"

Agad akong umakyat sa kwarto ko at naligo. Pagkahig ko palang ay tinawagan kona agad si Tyreen.

"Ae?"

"Nakauwi kana ba?" Tanong ko kahit alam ko naman ang isasagot nya.

"A-ah O-oo"

"Sinundo ka daw ng driver nyo"

"H-huh?"

"Hindi mo manlang sinabi saken na uuwi kana" kunwareng nag tatampo na sabi ko.

"Sorry nag mamadali kase si manong jud"

"Ok lang. May sasabihin sana ako"

"Ano yon?"

Huminga muna ako ng malalim "Pwede bakong mang li-"

*toot! toot! toot!*

Napatingin ako sa screen ng cellphone ko ng bigla nya akong patayan ng tawag, na ngayon nya lang ginawa. Ayaw nya bang manligaw ako sakanya? Napahinga nalang ako ng malalim.

Message From: Tyreen

Sorry Ae tumawag kase saken si Yanna.

To: Tyreen

It's ok I'll understand. Hindi na kit tatanuning liligawan nalang kita.

Tama liligawan ko nalang sya. Napatingin ako sa cellphone ko ng wala akong matanggap na reply. Ilang minuto pako ng hintay bago sa sumagot.

From: Tyreen

Ok

Napaupo ako sa kama ko dahil sa nireply nya. Pumayag sya! Pumayag si Tyreen! HAHAHAHHAHAHH!

Tinawagan ko sya dahil gusto kong marinig ang sagot nya pero nakapatay na ang phone nya.

Ayos lang ang mahalaga ay pumayag sya!