CLIONA P.O.V
Normal na ulit ang buhay ko. Kumpletong tulog,masarap na pagkaen,at walang practice. Tanging pag pasok nalang sa Royal ang iniisip ko. Maging si Mika ay walang practice ngayong linggo dahil sa naganap na Acquitance kahapon pero pag dating sa lunes ay balik practice na sya dahil kasama na sya sa soccer team ng ISM. Ngayon ay nasa Convenience store ako ni Chayse bilang part timer. Halos magkadikit lang ang Convenience nato sa Royal kaya hindi ako mahihirapan lumipat mamaya.
"Welcome!" Nakangiting bati ko ng may pumasok na mga grupo ng lalake sa store. Agad na lumapit saken yung isang lalake na mukang leader nila.
Tss
"Hi miss" maangas na sabi nya. Napatingin ako sa mga kasama nya na tinatago ang ilang mga noodles na jacket na soot nila. Hinaharang harangan pako nitong kumag nato para hindi ko mapansin ang mga kalokohan ng mga to.
Tss
"Wag mo silang tingnan ako ang kaharap mo eh" rinig kopang sabi nya kaya tiningnan ko sya ng seryoso. "Mag kano bato" turo nya sa chewing gum na nasa counter. Tiningnan ko lang sya sa mata.
Hindi nayan uubra saken. Tss
"Boss waka dito ang bibilin naten" rinig kong sabi nung kasama nyang mukang papel dahil sa dami ng drawing sa katawan nya.
"Narinig mo miss wala daw ang kaylangan namin dito" ngising sabi nung boss daw nila. Maangas silang umalis sa store sinundan kopa sila ng tingin kung saan sila sosoot na eskinita. Laking pasasalamat ko ng dumating si Mary. Agad kong hinubad ang blazer ko at binigay kay Mary.
"Mag bantay ka muna jan may hahabulin lang akong lokoloko". Agad akong lumabas ng store at tinakbo ang pinasukan nikang eskinita. Lakad takbo ang ginagawa ko paminsan minsan pakong lumilingon. Pumasok ako sa isa pang eskinita na medyo madilim at shoot!
Got you dude!
"Oh miss na miss mo agad ako at nagawa mo pakong puntahan dito" ngising sabi nung boss daw nila. Magana nilang kinakain ang ramen na kinuha nila sa store. Tss! Nagawa pa nilang mag dala ng heater ah. Tsk! Tsk! "Anong ginagawa mo dito miss? Hindi moba alam na delikadong pasukin ang lugar nato. Babae ka panaman, sobrang gandang babae" dagdag pa ni Loko habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa.
"Tss. Delikado ang lugar nato sa mga babaeng walang alam kundi ang mag inarte"
"Sinasabi mobang kaya mo kaming tatlo?" Natatawang sabi nung boss daw nila. Muka bakong nag bibiro?
"Baket hindi naten subukan?" Ngising sabi ko.
"Hay nako miss beautiful kung ako sayo bumalik kana don sa tindahan nyo" natatawang sabi nung drawingan ang katawan. Tiningnan ko sya saka ako napangisi dahil sya yung nag sabi kanina na wala daw kuno yung mga kaylanamgan nila don.
"Mukang nag eenjoy ka sa mga nakuha mo pero hindi mo kaylangan sa tindahan ko"
"Wag kang mayabang miss dahil hindi mo kame kaya" lalo akong napangise dahil sa sinabi ng isa pa nilang kasama. Sinenyasan ko syang lumapit saken. At ang loko lumapit talaga. Nilapit ko ang labi ko sa tenga nya akmang bubulong ng tuhudin ko ang pagkalalake nya dihilan para malaluhod sya sa saken.
"Ahhhhhhh g-gago ka!" Nahihirapan nyang sabi kaya sinipa ko ang muka nya dahilan para mala aga ang pananaginip nya.
"Tang'na!" Sigaw nung boss daw nila " sugudin mo!" Sa isang sigaw nya ay sumugod saken si boy papel at pinag susukntok ang hangin. Tsss syempre iniwasan ko saka ko sya sinipa sa sikmura at pinag sasampal ng paulit ulit hanggang sa mamaga ang muka nya. Nang hindi ako makuntento ay pinatulog ko din sya gamit ang kamao ko. "MGA WALANG KWENTA!" sigaw pa nya nang makitang bumagsak ang dalawa nyang bata.
"Bayaran mo ang ninakaw nyo" kalmado kong sabi.
"KUNG MAY PERA KAMI HINDI KAMI MAG NANAKAW! BOBO KABA!?" Sigaw nya
"Pch! Edi sana nag trabaho ka! Gago kaba!? Balik ko sakanya.
"TANG'NA MO TALAGA!" sigaw nya saka sumugod sakin at pinalipad ang kamo papunta sa muka ko per nagawa kong hawakan ang kamao nya pilipitin ang braso nya dahilan para mapasigaw sya sa saket. "A-AHHHHHH A-ARAY! BITAWAN MOKO GAGO!" mas lalo kopang pinilipit ang braso nya hanggang sa likod kaya mas lalong sumigaw sya sa saket. Agad ko syang tinulak at ang ang loko ayun tumama sa upuan. Hinila ko dalawa nyang kasama na wala paring malay at pabatong itinabi sa boss nila. Binuhusan ko sila ng tubig dahilan para magising sila sa katotohanang natalo ko sila. Pinaluhod ko sila sa harapan ko habang nakataas ang dalawa nilang kamay.
"Alam nyo bang masama ang mag nakaw?" Sabi ko habang nag lalakad sa harapan nila at may hawak na kahoy.
"S-sorry na miss" sagot nung boss nila.
"Wag mokong tawaging miss ugok! Mas matanda ako sainyo!" Singhal ko sakanila.
"A-ate s-sorry ate" sagot naman nung payatot na masampulan ko ng egg kick ko.
"Mukang mga 2nd year lang kayo"
"O-opo ate 2nd year tama po"sagot naman nung boss daw nila.
"Uhmmmm, kung ano sainyo mag aral nalang kayo ng mabute para hindi kayo gumagawa ng masama para lang maka kaen! Hindi na kayo naawa sa magulang nyo! Pinag aaral kayo tapos puro pag bubulakbol ang ginagawa nyo!"
"Hindi na mauulit ate promise" sagot nung puro drawing sa katawan. Tsss
"Tumayo kayo jan" kalamdo kong utos na agad naman nilang sinunod. "Oh" abot ko sa boss nila ng limang daan. Yun nalang ang laman ng wallet ko maliban sa ilang mga barya. "Gusto ko palaguin nyo yang perang yan. Pasenya na ayan lang ang laman ng wallet ko. Puntahan nyoko sa tindahan nayun tuwing linggo ng umaga ako ang mag papakaen sainyo."
"Salamat ate, salamat po"
"Sa isang kundisyon!
"A-ano yon ate?" Kabado nilang tanong.
"Mag aaral kayo ng mabute. Ipapakita nyo saken ang grado nyo tuwing end semester. Kung hinde ipapahanap ko kayo at ang pamilya nyo. INTENDES!?"
"opo! Opo! Ate salamat po!" Sigaw nilang tatlo. Ginulo kopa ang mga buhok nila bago ko sila talikuran at bumalik sa store kung saan bagod na bagod si Mary kakahintay saken.
"Salamat"
"San kaba galeng?"
"Tinuruan ko ng leksyon yung mga kumag nayon" sagot ko sabay soot ng blazer na binato ko sakanya kanina.
"Buhay pa naman?" Natatawang tanong nya.
"Sana, mukang naputuhan eh"
"CLIRITY! ISUSUMBONG KITA KAY CAMERON!" Bulyaw nya saken na kina ngisi ko.
"Kung pansinin ka non. Baka nga makita ka palang nya ay paalisin kana agad"
"ANG SAMA NG UGALE MO!"
"Inborn eh" natatawang sagot ko skanya. Padabog naman syang kumuha ng beer at padabog deng nilapag sa counter. Nang mabayaran nya ay inirapan pa nya ako bago lumabas ng store. Napailing nalang ako dahil patay na patay talaga sya kay Cameron. Kumuha naman ako ng cup noodles dahil na gutom ako ginawa ko kanina. Napatingin ako sa unahan ng may pumasok ulet don.
"Clirity?" Gulat na tanong nya ng makita ako . Tiningnan ko lang sya saka ako nag patuloy sa pagkaen. "Hindi ko alam na dito ka pala nag tatrabaho." Dagdag pa nya.
"Ngayon alam mona" sagot ko sakanya saka kumuha ng tubig at ininom yun ng deretcho. Kung mamalasin ka nga naman yung maanghang pa ang nakuha kong flavor.
"Ngayon lang kase kita nakita dito" dagdag pa nya kaya tingnan ko sya ayun ngiting ngiti si loko.
"Kaylangan ba araw araw moko makita?" Kalmado kong tanong sakanya. Wala akong gana makipag usap sa mga walang kwenta mag tanong. Kung baket ganon? Ewan ko, hindi ko lang mapigilan ang pagiging sarcastic ko.
"It's not like that I mean I can't believe na nandito ka ngayon sa harapan ko. I'm happy na nag kita ulit tayo"
"Ako den"
"T-talaga? Masaya ka den na nag kita tayo?" Kitan kita ko ang pag kinang ng mata nya.
Tss
"Hinde, Hindi den ako makapaniwala na nandito ka sa harap ko." Deretcho kong sagot na kina tigil nya. "Kunin mona ang kukunin mo tapos umalis kana dito. Bayaran mo muna pala dahil wala akong lang abono" dagdag kopa saka pinag patuloy ang pag kain ko. Napakunot ang noo ko ng malamig na ang sabaw ng noodles ko! Putcha! Napatingin ako kay Percy ng hindi manlang sya gumalaw sa kinatatayuan nya habang naka titig sa kinakain ko. Agad nyakong tiningnan ng mapansing nakatingin ako sakanya.
"Hindi ko alam na kumakain kana pala ng may chili ngayon" seryoso nyang sabe.
"Hindi ko den alam na kaylangan mo pang malaman" nakipag laban ako ng titigan sakanya na agad naman syang natalo dahil sya ang unang nag iwas ng tingen. Napangite ako ng mapakla. Ginawa mo nanaman ngayon ang ginawa mo nong mga oras at panahon nayon.
"Kaylan kapa nakabalek?" Biglang tanong nya. Nag kibit balikat ako.
"Isang linggo bago mag simula ang klase"
"Hindi ka manlang pumunta saken" nababakas ang lungkot sa boses nya.
"Para saan pa?"
"Gustong gusto kang makita nila Mama at Papa ganon din si Path" sagot nya na kinatigil ko pero agad din ang nakabawe.
"Kung ganon eh, sila dapat ang puntahan ko hinde ikaw" kalmado kong sagot sakanya.
"Kausapin mo naman ako ng maayos Clirity" nag mamakaawang sabi nya na pinangingilidan pa ng luha.
"Hinde bako maayos kausap Percy?" Sarkastik kong tanong sakanya.
"Hindi moko ganyan kausapin noon Cliona"
"Noon" pag didiin ko " noon yun Percy hindi na ngayon lahat ay nag babago"
"Kasama ba don ang nararamdaman mo?" Biglang tanong nya na kinagulat ko.
"Umalis kana" pag tataboy ko sakanya.
"Bakit hindi mo masagot ang tanong—"
"Dahil masasaktan kalang" deretcho kong sagot habang nakatingin sa mata nya. Agad naman syang natigilan.
"Cliri—"
"Hindi ko ugaling makiusap Percy" May banta sa tono ko. Nag titigan pa kame bago sya umalis sa harapan ko. Sakto namang pag pasok ni Chayse nagulat pa sya ng makita nya si Percy na palabas ng tindahan nya. Nag aalala naman akong tiningnan ni Chayse na hindi ko alam kung para saan ang pag aalala nya.
"Ate" sabi nya ng makalapit saken.
"Ilang beses kona sinabi sayo na wag mokong tawaging ate" Inis kong sabi sakanya. Agad naman syang napanguso.
"Mas matanda ka nga saken eh" reklamo nya.
"Wala akong pakeelam" sabi ko saka hubad ng blazzer.
"Bala ka ate parin kita" pag mamatigas nya kaya tiningnan ko sya ng masama. " Hehe sabi ko nga hindi na. Tawag kana don ni BJ bukas na ang coffee shop" sabi pa nya. Lakas na tawagin akong ate eh ang sariling kuya BJ lang ang tawag. Ayos din utak netong batang to eh may plema den. Agad akong sumakay sa motor ko at pumunta sa parking ng royal. Kaya namang lakarin yun pero hindi ko pwedeng iiiwan don ang motor ko. Mahirap na baka pagkadiskitahan ng mga loko baka ibitin ko sila patiwarek.
"Cliona!" Salubong sakin ni BJ ng makita akong papasok ng coffee shop. Agad nyakong sinalubong na yakap na agad ko namang ginantihan."buti nandito kana wala nanaman kase si Cristian! Letche yun!" Reklamo nya. Tiningnan ko ang kabuuhan ang coffee shop may iilang costumers na dahil kabubukas palang.
"San bako ngayon?" Tanong ko sakanya.
"Server ka muna dahil pumasok ngayon ang baklang Jep" sagot nya. Tumango naman ako at agad na nag soot ng uniform. Ewan ko kung uniform bang natatawag to dahil apron naman ang nadagdag sa soot kong High waisted na pants at tshirt na itim na pinaka tuck in pa saken ni Mika.
Tss, hilig nyang pakeelaman ang pag sosoot ko ng damet. Wala naman akong magawa dahil binubungangaan nyako pag hindi ako nasunod.
Si Jep ang nasa counter habang ako naman ang nag seserve sa mga dine in na costumers.
"Sis rainbow table 4" sabi ni Jep sabay abot saken ng tray na may kape at cake. Agad akong lumapit don at talaga nga naman kung mamalasin ka ay sunod sunod.
"Cliona?" Gulat na tanong saken ni Tyreen. Agad ko naman syang nginitian bago ko tingnan ang kasama nyang gulat den nang makita ako. "What are you doing here?"
"I'm working here" sagot ko habang nilalapag ang order nilang dalawa.
"I see. Mind if you join us?" Tanong saken ng kasama nya.
"Hindi pwede mapapagalitan ako. Excuss me" paalam ko sakanila. Agad akong lumapit kay Jep.
"Sis rainbow kilala mo sila?" Bulong na tanong sakin ni Jep. Agad naman akong tumango "ay goshhhhh! Anong pangalan nung lalake?"
"Wag kang malikot jan dahil baka marineg ka at mawalan ka ng trabaho ng di oras" biro ko sakanya na agad namang kinagulat nya.
"Ay shatap na nga sabi ko nga"
natawa nalang ako dahil sa reaksyon nya. Ilang oras pa ang lumipas padami na ng padami ang costumers. Tinulungan na din ang ni BJ mag serve dahil sa laki ng coffee shop nato kaya madaming pumupunta para mag kape idagdag pa na linggo ngayon kaya doble o triple ang costumers. Buti nalang at dumating si Mika at Christian kaya nabawasan ang ginagawa namin ni BJ. Binungangaan pa ni BJ si Christian dahil kung san san naglalage at nakakalimutang may trabaho silang ginagawa. Ganon din naman saken si Mika dahil nalaman nyang nag kita kame ni Percy, pano nya nalaman? Malamang umarangkada nanaman ang bunganga ni Chayse. Buti nalang at nasa trabaho kami kaya nabawasan ang volume ng mega phone nya sa lalamunan. Naging maayos ang daloy ng oras maliban nalang talaga nung umaga. Alas otso na kaya nasa bar naman kami nila Mika kakabukas lang pero ang dami agad na tao karamihan ay galing sa UP,ATENEO,UST at yung iba ay ISM yung iba naman ay hindi kona alam kung saan galing. Nandito ang schoolmates namin kaya hindi kame maka labas ni Mika sa kitchen ako naka assign at sya naman sya nasa counter lang. Mamaya pa lilipat ss pagiging waitress si Mika pag alas dose na kung saan mga naka uwi na ang ilang mga estudyante.
MIKA P.O.V
Nakakainis! Bakit ba kase nandito pa ang mga haliparot naming mga school mate ayan! Hindi ako maka pag libot! Nagugutom ang mata ko sa mga gwapo. Simula ng mag trabaho ako dito ay na enjoy na ng mata ko ang tanawin ng mga gwapong lalake n umiinom dito. Halata namang mga playboy at fvck boy sila pero wala akong pakeelam sino bang nag sabe na papatol ako sakanila?! Like Duhhhhhh! Alam kong gwapo sila pero ang fresh na katulad ko ay nababagay sa kasing fresh ko noh! Pero ngayon ay nandito ang mga bitch naming schoolmate eto ako ngayon nasa counter kasama si Chayse na kanina pako inaasar! Hindi marunong gumalang! Ate dapat itawag nya saken dahil mas matanda ako sakanya. Pero ang sagot ng kupal ay si Cliona lang daw ang ate nya! Talaga lang ha! Pch! Napairap nalang ako ng makita ko si Alistaire kasama ang alipores nya na nakikipag halikan sa gilid. Like ewwwww lang ah! dilig na dilig ang petchay ni gaga ewwwww! Pano ko nalaman? Syempre pinag kakalat nya na naka sex nya si ganyan ganto, ang galing sa kama ni ganyan ganto, ang sarap sarap ulit ulitin ni ganyan ganto. EWWWWW lang ah as in EWWWWWW. Hindi ba sya naniniwala sa Sexual Transmitted Disease? O baka acronyms lang ang alam nya? O sige hindi ba sya naniniwala sa STD? Kung sino sino ang pinapapasok nya baka yung iba don eh may sakit na! Shocksssssss!
"Hoy!" Oh diba walang galang!
"Wag moko hino hoy hoy jan Chayse ah!" Singhal ko sakanya. Pinag tawanan pako ng loko. "Gusto mo ata maka tikim ng kaltom dika limot"
"Joke lang HAHAHAHAH kanina kapa kase naka busangot jan tapos ang sama ng tingin mo sa babaeng yon" turo nya kay Alistaire.
"Bwiset kase yan. Inaway away nyan si Cliona. Sinabihan pa nyang malande! Duhhhhh in fact sya talaga ang flirt. Look kissing every boys that she like really?"
"Really? Sinabi nya yun kay ate Cliona?"
"Oo nga paulet ulet" Inis kong sagot.
"Anong ginawa sakanya ni Ate Cliona?" Natatawang tanong nya.
"Ayun pahiya sya. Ipamuka ba naman ni Cliona na wala syang kwenta kausap eh" parehas pa kaming natawa dahil sa kwinento ko. Mababaw man kung iisipin, knowing Cliona na ugali nya talaga ang sumagot ng pabalang, at pag hindi pasok sa taste nya ang tanong mo eh wanhandred percent sure na hindi ka nya sasagutin. Ganon na ganon ang ugali nya kaya madaming naiinis na kausap sya. Pero kaming mga nakakaalam sa ugali ni Cliona ay natatawa nalang dahil sa mga nagiging reaksyon ng mga nababara nya.
"Mik VIP" singit ni Cristian kaya naman tumayo ako at pumuntang VIP para kunin ang order nila. Todo ingat pako dahil baka may makakilaka saken mahirap na.
"Vodka tapos sisig" sabi ko kay Cristian. Yun kase ang order nung mga nasa VIP. Agad akong pumunta sa table 6 ng biglang umilaw yon.
"Can I have a bottled of Tequila" sabe nung babae na mukang naka inom na talaga. Pero dahil ayaw ko masupalpal ng Costumers always right na motto nila,
"Sure, a bottled of Tequila, wait for a while Ma'am I'll serve it right away!" Kaya pumayag nako alam mo yon? Yung motto kona because I cared for our costumers nababalewala dahil sa costumers always right nayan! Agad akong bumalik kay Cristian para kumuha ng Tequila na agad ko namang na serve don sa table 6. Hanggang sa ma serve kona den ang order nung mga nasa VIP. Palalim ng palalim ang gabi at palakas den ng palakas ang amats ng mga tao dito sa loob. Nakaka ikot na den ang ng malaya dahil wala na sila Alistaire na mukang nadiligan nanaman pano ba naman kase kasama nya palabas yung kahalikan nya kanina at yung mga alipores nya? Ewan ko wala akong pakeelam. Boiling blood ang peg ko sakanila!
Alas kuatro na natapos ang trabaho namin at talaga namang sobrang nakkapagod at nakaka stress ang araw nato. Si Cliona ay halatang pagod din dahil sa kusina nanaman sya naka assign kanina.
"Mag iingat kayo pauwe" sabi ni BJ habang hawak hawak ang batok.
"Kayo den una na kame pagot na si Cliona" paalam ko den sakanila nauna silang umalis kase naninigarilyo pa sa sulok si Cliona. "Hoy uwi na" tawag ko sakanya agad naman syang sumakay sa motor nya at walang pasabe na pinaandar yun!
Bastos talaga!
Agad akong sumunod sakanya hanggang sa makauwe kami. Parehas kaming pagod kaya naman parehas kaming bagsak pag dating sa bahay.