Sapi

MIKA P.O.V

Maaga ako nagising kahit labag sa loob ko. Ikaw ba naman alas kuarto umuwe tapos gumising ng ala'sais tingnan naten kung matuwa ka. Buti pa si Cliona ala's otcho pa ang pasok pero dahil mabuti akong kaibigan ipagluluto ko sya ng almusal at gigisingen! Damay damay nato! Hindi pwedeng matulog lang sya don, ano aabsent sya!? Hindi pwede! Nagluluto ako ng almusal kaya nagpatugtog ako. Kasama to sa daily life routine ko.

-I'm going under and this time I fear there's no one to save me

This all or nothing really got a way of driving me crazy-

Bahagya pakong kumekembot habang nag hahalo ng sinangag.

"I need somebody to heal

Somebody to know

Somebody to have

Somebody to hold

It's easy to say

But it's never the same

I guess I kinda liked the way you numbed all the pain"

(O__O)

EHHHHHHH?

Napatingin ako sa hagdan ng biglang may kumanta.

"Now the day bleeds

Into nightfall

And you're not here

To get me through it all

I let my guard down

And then you pulled the rug

I was getting kinda used to being someone you loved"

Ehhhhhh? Good mood?

Maaga gumising,check

Nakangiti, check

Nakanta, check

Whaaaaaaaaa good mood nga sya!!!!!

"Good morning!" Bati ko sakanya pero nilag pasan nya lang ako habang nakanta.

"I'm going under and this time I fear there's no one to turn to

This all or nothing way of loving got me sleeping without you"

Ano yon!? Yun na yon!? Dedma lang ang ganda ko!? Nakakainis ah! Maski tango wala talaga!? Tiningnan ko si Cliona na nag 'uhmmmmm' para habang umiinom ng tubeg. Sinundan ko lang sya ng tingin habang kumakanta sya naka uniform na ang loko! Umupo sya sa lamesa habang nakanta.

"Now, I need somebody to know

Somebody to heal

Somebody to have

Just to know how it feels

It's easy to say but it's never the same

I guess I kinda liked the way you helped me escape"

Lord, kung sinasapian po si Cliona ngayon maraming salamat po, sana araw arawin nyo napo.

"Now the day bleeds

Into nightfall

And you're not here

To get me through it all

I let my guard down

And then you pulled the rug

I was getting kinda used to being someone you loved"

"Kumain kana" sabi ko saka umupo sa tapat nya puro 'uhmmmm' nanaman sya habang nanguya. Ginegewang gewang pa ang ulo nya.

-And I tend to close my eyes when it hurts sometimes

I fall into your arms

I'll be safe in your sound 'til I come back around-

"Nag drugs kaba?" Tanong ko sakanya.

"Hinde" deretchong sagot nya.

May sapi nga sya huhuhuhu!

"Good mood ka ata"

"Maganda tulog eh"

(O _ O)

Anong mganda sa 2 hrs na tulog!?

"Bilisan ko jan diba may practice kayo?" Biglang tanong nya"

"Oo baket?"

"Manonood ako"

(O _ o)

May sapi nga sya! Thank you G!

Nang matapos syang kumain ay basta basta nya lang iniwan sa lababo.

"Hoy! Hugasan mo yan!" Suway ko sakanya ng aakyat na sya sa kwarto nya.

"Ikaw na, kukunin ko ang gamit ko" sabi nya sa pabagsak na sinara ang pinto. Tingnan moto! Napaka, napaka talaga! Abusado!  Nang matapos ako kumain, agad akong nag hugas ng pinag kainan namin. Agad kong kinuha yung gamit ko sa kwarto ko ng makababa ako nandon na si Cliona sa labas naka sandal sa motor nya habang nag yoyosi nanaman.

"Aga aga yosi" parineg ko.

"Stress reliever" sagot nya sabay tapon ang yosi nya sa kalsada

"Your face! Stress, kanina kapa kanta ng kanta! " Singhal ko sakanya.

"Kulang ang tulog ko kaya kaylangan kong laban ang pagka badtrip ko at baka kayo ang sigawan ko" sagot nya sabay sakay sa motor nya.

"Ehh bat ang aga mo magising mamaya pang 8 ang klase"

"Hindi ako natulog, ginawa ko ang special project na binigay saken ng mga lecturer nung na hospital ako. Bilisan mo jan" sabi nya saka naunang umalis. Napanguso nalang ako habang sumasakay sa motor ko.

Nakakainis! Baket sya ganon walang tulog pero good mood!? Ako nga 2 hrs tulog bad trip na bad trip! Feel ko masisigawan ko lang silang lahat. Gusto kopa matulog! Hinihila ng higaan ang katawan ko! Sobrang pagod ako pero mas pagod saken si Cliona pero baket mas good mood pa sya saken!?

Nang makarating ako sa parking lot nandon na si Cliona naka sandal sa motor nya. Agad akong lumapet sakanya at ayan nakanta nanaman.

"I fell by the wayside like everyone else

I hate you, I hate you, I hate you, but I was just kidding myself

Our every moment, I start to replace

'Cause now that they're gone, all I hear are the words that I needed to say"

"Ano ba! Wag ka nga kumanta!" Suway ko sakanya.

"I try mo bilis mawawala ang pag ka badtrip mo" suggest nya habang nag lalakad kami papasok ng school.

"Ayoko!"

"When you hurt under the surface

Like troubled water running cold

Well, time can heal, but this won't" kanta nanaman nya, kaya nainis ako lalo!

"Ano ba! Kaylangan ipangalandakan na maganda ang boses!?"

"Ewan ko sayo! Bwiset!" Ay hala! Ano bang ginawa ko! Mas bad trip na sya saken!

"Hoy! Hintayin moko!" Habol ko sakanya dahil ang bilis nya mag lakad. Hirap na hirap pakong habulin sya dahil dala ko yung pina ngako ko kay Ethan.  Nang makapantay ko sya ay tahimik na syang nag lalakad kaya napa nguso ako. "Kanta kana ulet hehe"

"Mas kulang ang tulog ko sayo Mika wag moko subukan" may banta sa boses nya kaya mas lalo akong kinabahan.

"Nag jo-joke lang naman ako!"

"Ako hinde" sabi nya saka nag paunang mag lakad. Tingnan mo! Iniwan nanaman ako! Nanag makarating kame sa field ay nandon na ang mga loko.

"Yownnnnn!" Sabi nila ng makita kaming paparating ni Cliona.

"Cliona laro tayo!" Suggest ni Remson. Natawa nalang ako ng hindi sya pinansen ni Cliona at nag patuloy lang sa pag upo.

Nawala ang sapi!

"Owwwwww dedma!" Asar sakanya ni Miguel kaya nakatikim si Miguel ng isang malupet na batok mula kay Remson.

"Ethan!" Tawag ko kay Ethan pero lahat sila tumingen saken. Wow! Ang dami naman ni Ethan! Sinenyasan ko syang lumapit saken. Pero lahat sila lumapet saken. "Hindi ko alam na Ethan na ang pangalan nyong lahat" sarkastikong sabi ko.

"Ano ba kase yan Mik?" Tanong ni Aris.

"Si Ethan kaba!?" Singhal ko sakanya. "Chu! Ales! Si Ethan lang ang tinawag ko lahat kayo pumunta dito" sabi ko pero hindi sila sumunod saken kaya napa buntong hininga nalang ako. Nilabas ko yung bola na gamit namin dati ni Cliona pag nag lalaro kami. "Oh! Ingatan mo yan ah!" Abot ko sakanya. Gulat naman syang napatingin saken tapos doon sa bola tapos babalik saken.

OA!

"ANG DAYA BAKET SYA LANG!?"

"AKO DEN DAPAT!?"

"FAVOURITISM!"

sigawan nila kaya tinaasan ko sila ng kilay. "Manahimik kayo jan ah!"

"Baket sya meron kami wala?" Reklamo ni Goku.

"Sakanya kayo mang hinge!" Sabi ko sabay turo kay Cliona.

(O_o)

Tulog?

"Baket sakanya!?" Singhal saken ni Goku.

"Shhhhhh! Wag ka maingay" bulong ko sakanila.

"Baket?" Bulong din ni Aris.

"Ayaw nyan ng maingay ngayon baka mag buga ng apoy" paliwanag ko habang bumubulong paren.

"Why? Is she bad mood again?" Tanong den ni Zaggy. Hayyyyy Ingles nanaman!

"Walang tulog. 4 AM na kase kami naka uwe kanina galing work" paliwanag ko ulet. "basta wag kayo sumigaw"

Tumango tango naman sila habang naka tingin kay Cliona na naka pikit na. Dapat sa bahay nalang sya natulog.

"Eh baket nga kame sakanya hihingi ng bola" tanong nanaman ni Aero nasa field na kame kaya malaya na kaming nakakapag usap.

"Mas madami syang ganyan saken" sagot ko habang nag i stretching kame. Kakatapos lang kase namin tumakbo ng limang beses sa buong field. Lumapit din samen si Coach dahil sinuway namin sya na wag maingay saka tinuro nmin si Cliona na natutulog. Nagulat pa nga si Coach kaya lumapit nalang sya samen para hindi magising si Cliona tuwing pipito sya.

"Edi ikaw nalang kumuha sakanya" suggest ni Samuel na labis kong kinatuwa.

"Ikaw nalang" suggest ko den.

"Ehhhhh si Remson nalang!" Suggest nya ulet sabay turo kay Remson.

"Baket si Remson, pwede namang ikaw, ikaw ang kaibigan" sabat ni Aero na sinang ayunan naman nilang lahat.

"Walang nakakalabas ng buhay sa kwarto ni Cliona" bulong ko na kinagulat nila.

"A-anong ginagawa nya" tanong ni Kentot.

Dumi ng utak!

"Wala pang nakaka pasok sa kwarto nya maliban sa sarile nya" paliwanag ko.

"Bakit naman?" Tanong ni Tristian.

"Puro kayo tanong Bwiset!"

"Team! Pwesto na manonood si Wolverson!" Anunsyo ni Coach kaya napa tingin kame lahat sakanya at ayun! Si Cliona nakaupo habang naka dikuatro tapos naka krus ang mga braso. Agad naman kaming puwesto.

"YES COACH!"

CLIONA P.O.V

Nag si pwestuhan na sila, depensa at opensa. Nasa depensa sila Goku,Aris at Zaggy kasama si Ethan,Ken at Marcelo na syang goal keeper nila. Habang nasa opensa naman si Mika,Tristian,Samuel,Miguel, Joshua at Remson na syang Goal keeper den. Nasa Opensa ang bola na syang isisipa ni Samuel. Naging swabe ang laro nila nung una hanggang sa maging mainit na dahil pulos silang mga seryoso na para bang nasa laban na talaga sila.

Magaleng

Kapansin pansin den ang pagiging Captain ni Goku na ginagamit nya talaga dahil napapasunod nya ang mga ka grupo nya. Lamang ang Opensa ng isang puntos pero agad ding nabawi ng depensa sa isang iglap naka pag goal sila.

Mukang natatapatan na nila ang bilis ni Mika. Mahusay

Pinanood kong mag laro ang depensa kung saan nag kakaisa talaga sila. Si Mika ang palagi nilang binabantayan minsan dalawa o tatlo ang nakabantay sakanya minsan den ay nakaka lagpas si Mika minsan naman ay naagaw sakanya ang Bola. Puro turo naman si Aero na gagawin ng mga ka grupo na agad naman syang sinusunod. Si Aris at Zaggy naman ay swabe kung mag laro. Maganda den ang tandem nilang dalawa, si Aris ang mag babantay kay Mika habang si Zaggy ang aagaw ng bolo minsan naman ah palit sila. Si Ken naman ay hindi hindi ko matatago na mabilis syang tumakbo at si Ethan naman ay matibay ang mga tuhod. Si Marcelo na tutok na tutok sa bola na pinag aagawan ng dalawang kupunan. Sunod kong pinanood ang Opensa. Si Samuel na mataas tumalon at talaga namang sinasalubong ang bola sa Ere. Si Tristian na talaga namang magaling mang agaw ng bola. Si Miguel na malinaw ang mata sa mga maliliit na espasyo dahilan para mabilis nyang malagpasan ang mga kalaban na naka harang sakanya. Si Joshua na magaling mag kalkula ng mga galaw ng mga kalaban nya. Si Remson na malakas ang braso at mabilis gumalaw. At si Mika na talaga namang bumabalik na dati ang mga kilos nya. Mabilis,malakas at malinis na mga galaw na syang hindi nababasa ng kalaban.

Ipag patuloy nyo lang ang ganyang gawain tya'k maabot nyo ang soccer ng Beijing.

AERO P.O.V

Habol hininga kaming lahat ng matapos ang practice match. Ang opensa ang may sagod sa breakfast namin ngayom dahil kami ang nanalo. Sa unang pag kakataon natalo namin ang bilis ni Mika.

"Mukang wala sa kondisyon ang katawan mo Santiago" natatawang sabi ni Coach.

"Kulang sa tulog coach" sagot sakanya ni Mika habang nag pupunas ng pawis. Napatingin naman ako sa gawi ni Cliona kaya nag tama ang mata namin. Bahagya pang naka tagilid ang ulo nya.

Tsk! Nababaliw nanaman siguro to!

" Halata nga ang eye bags mo puputok" asar pa ni Coach na kinatawa namin maliban kay Mika na masama na ang muka.

"Ang sama mo Coach ah! Nawala lang ang beauty rest ko dahil sa trabaho namin!" Singhal ni Mika.

"Bakit ka kase nag tatrabaho" singit ni Aris.

"Kaya nga mayaman naman ang pamilya mo" dagdag ni Samuel.

"Your family owned some of resort in the Philippines" dagdag den ni Zaggy.

"Wala trip ko lang" sagot ni Mika na kinagulat namin.

"Anong trip yan?" Singit ko.

"Wala lang gusto ko lang samahan si Cliona atsaka kaibigan naman namin yung may ari ng pinag ta trabahuhan namin kaya ok lang" paliwanag ni Mika.

"Nasan ba ang parents ni Cliona? Bakit pa sya nag tatrabaho?" Sunod sunod na tanong ni Remson.

"Ay nako! Tigilan nyoko ayaw ni Cliona na pinag uusapan ang personal na buhay nya!" Suway samen ni Mika saka lumapit sa kaibigan nyang naka pikit nanaman. Naguluhan ako bigla, bakit naman ayaw nyang sabihin samen? Naiintindihan ko naman na ayaw nya lang pakeelamanan ang personal na buhay ni Cliona pero bakit ayaw ni Cliona na pinag uusapan yon. Siguro ay may hindi sila pag kakaumawaan kaya ganon. Ganon nga tama!

Bumalik kami sa bench kung nasaan ang mga gamit namin.

"Umaayos na ang laro nila" rining kong sabi ni Cliona malamang si Coach nanaman ang kausap.

"Mabute kung ganon" naka ngiting sabi ni Coach.

"Pero may kulang paren" lahat kami napatingen kay Cliona ng sabibin nya yon. "Samuel" biglang tawag nya kay Samuel.

"C-Cliona?"

"Iwasan mo ang pag salubong sa bolo kapag nasa ere dahil isang mali mo lang ay pwede kang mabalian ng buto" paliwanag nya na kinagulat naming lahat.

"Just listen to her team. Pinanood nya ang laro nyo kanina kaya sinasabi lang nya ang mga nakikita nya" paliwanag ni Coach kaya naman nakinig nalang kame sa mga sinasabi ni Cliona.

"Tristian" pag tawag nya ulet, bigla syang tumayo at na lakad papuntang field. Agad naman kaming sumunod sakanya "matutulungan ka ni Joshua sa mga tira na gagawin mo. Halika subukan mong agawin saken ang bola"

"H-huh?" Gulat na tanong ni Tristian, tiningnan naman sya ni Cliona ng seryoso kaya naman lumapit na sya tiningnan pa nya kaming lahat bago subukang agawin kay Cliona ang bola pero hindi nya naagaw!

"Eto ang sinasabi ko sayo ngayon Joshua lumapit ka" tawag nya kay Joshua na agad namang lumapit sakanila. "Subukan mong pag aralan ang kilos ko at sabihin mo kay Tristian kung pano nya maagaw saken ang bola" dagdag pa ni Cliona habang paulit ulit na pinag lalaruan ang bola sa paa.

"Mula sa kanan, tatlong maliit na hakbang pakaliwa at doon mo tirahin ang bola" sabi ni Joshua na agad namang sinunod ni Tristian ay ayun! Nakuha ang bola!

(O __ O)

Ang galeng!

"Miguel, napapansin moba na kaya mong sumingin sa mga maliliit na espasyo?" Biglang tanong ni Cliona na nakay Miguel naka tingen.

"H-hinde"

"Pwes ngayon alam mona" deretchong sabi ni Cliona. Gusto kong matawa sa paraan ng pag sagot nya parang binara nya si Miguel! Pft!  "Mika lumapit ka" sabi pa nya agad namang lumapit si Mika sakanya. "Ngayon Miguel bibigyan kita ng maliit na espasyo mula sa gitna, subukan mong lagpasan kame ng hindi naaagaw sayo ang bola?" Sabi nya. Agad namang tumango si Miguel at pumwesto sa harapan nila Mika at Cliona

(O_o)

Imposible bayun!?

Lahat kami nagulat ng magawa yun ni Miguel sa isang iglapan lang!

"5 inch" sabi ni Joshua kaya napatingin kame sakanya "5 inch lang ang binigay na espasyo ni Cliona." Paliwanag nya na mas kinagulat namin maging si Miguel ay hindi makalaniwala sa mga nangyari.

"Ikaw namn Remson, puwesto ka sa goal" utos ni Cliona at katulad ng mga nauna ay sumunod sya. " Subukan mong pigilan ang sisipain kong bola"

"Pero Cliona nagawa nanatin yan noon hindi ko napigi—"

"Idederetcho ko sa muka mo" pag putol sakanya ni Cliona na syang kinagulat ni Remson.

"Cliona naman masaket yun!" Reklamo ni Remson.

"Kung ayaw mong masaktan edi pigilan mo. Pwesto!" Nag sisimula nang tumaas ang boses ni Cliona kaya naman pumwesto na din si Remson at umaktong nag hihintay ng bola na lilipad sa muka nya. "Wag kang kabahan dahil ikaw ang may pinaka importanteng trabaho sa larong ito. Sayo naka salalay ang puntos ng kalaban nyo. Kung magagawa mong pigilan lahat ng ibabato nilang bola sayo ay hindi malabong manalo kayo" paliwanag ni Cliona. Himinga pa ng malalim si Remson bago sumigaw ng

"Game!" Pag ka sigaw palang non ni Remson ay agad na pinalipad  ni Cliona ang bola papunta kay Remson. Halos walang kurap kong pinanood ang pagsalo ni Remson sa pinakawalang tira ni Cliona, bahagya pa syang napa atras at ayun! Nasalo nya!

"Putcha ang galeng!" Sigaw ni Aris. Kaya naman tiningnan sya ni Cliona ng seryoso. Natigilan pa si Aris ng senyasan syang lumapit ni Cliona. "A-ako?" Turo pa nya sa sarili nya na agad namang tumango si Cliona. Lumapit naman si Aris sakanya.

"Agawin mo saken ang bola" sabi ni Cliona.

"Huh?"

"Tsk! Agawin mo!" Singhal sakanya ni Cliona kaya naman agad napakilos si Aris. Nahirapan syang agawin kay Cliona ang bola. "Tss, relax" pansamantala namang huminto si Aris sa harapan ni Cliona at tiningnan ang galaw ng bola at sa isang iglap. NAAGAW NYA ANG BOLA!  Kita ko ang pag ngisi ni Cliona kay Aris na ngiting ngiti na ngayon. " Ngayon Zaggy ikaw naman agawin mo saken ang bola" baling nya kay Zaggy, kamot noo namang lumapit sakanya si Zaggy hindi katulad ni Aris nakikipag titigan sa bola, si Zaggy naman ay sinasabayan ang kilos ng paa ni Cliona hanggang sa masyempuhan nya kaya naman ay naagaw nya din ang bola! " Ngayon kayong dalawa, subukan nyong agawin ang bola saken" dagdag pa ni Cliona at sinimulang laro laruin ang bola sa paa. Agad naman syang binakuran nila Zaggy at Aris. Wala akong ideya kung sino ang aagaw ng bola hanggang sa kumilos si Zaggy na akala ko sya ang sisipa ng bola hanggang sa si Aris ang Kumuha non! "Magaling kayo manlinlang" ngising sabi ni Cliona.

"Nadala ka namin don!" Tawang tawa na sabi ni Aris. Proud na proud sa ginawa tsk!

"Hindi mo inaasahan ang tactic namin" naka ngiting dagdag ni Zaggy na mas lalong kinangise ni Cliona.

"Ken mabilis kang tumakbo, ikaw naman Ethan matibay ang mga binti mo, Ikaw naman Marcelo ay katulad ni Ethan. Lumaoit kayong apat saken maging ikaw Samuel" muling utos ni Cliona, lumapit naman silang apat don. "Remson puwesto ka ulet sa goal" dagdag pa nya "ganto. Ken, Ethan at Marcelo haban saming dalawa ni Samuel" paliwanag ni Cliona na kinagulat ng apat pero wala silang nagawa kundi ang puwesto ng tingnan sila ni Cliona ng seryoso. "Sisipain ko ang bola papunta sa ere at doon mo titirahin papunta kay Remson" rinig kong sabi ni Clion kay Samuel na tango tango sakanya. Tsk! "Subukan nyong agawin samin ni Samuel ang bola" baling nya kila Marcelo,Ken at Ethan. Agad na tumakbo si Sam at Cliona na agad namang hinabol nung tatlo. Pinag pasapasahan nila Cliona at Samuel ang bola ng biglang tumakbo si Ken sa harapan ni Cliona at doon big sumulpot si Percy at sinipa ang bola sa ere papunta kay Ethan kung saan nasalo nya gamit ang dibdib at pababa sa tuhod astang sisipain na ang bola papasok sa goal ng maagaw yun sakanya ni Cliona! Hindi ko napansin yun!

At sinipa pataas kung saan tinalon ni Samuel at don sinipa sa ere papunta sa goal kung saan napigilan ni Remson na pumasok nung una pero dahil bahagya syang napaatras ay nabitasan nya ng bola at lumabas sa linya. Nanag makabalik sa pwesto silang apat ay biglang tumingin saken si Cliona.

(O_o)

Ano!?

Unti unti syang nag lakad palapit sakin ng hindi tinatanggal ang mata sa pagka titig saken!

Andwaeeeeee!

"Wag mong ugaliing sumigaw dahil malalaman ng kalaban ang susunod nyong hakbang"