Archery

AERO P.O.V

""Wag mong ugaliing sumigaw dahil malalaman ng kalaban ang susunod nyong hakbang"

"Wag mong ugaliing sumigaw dahil malalaman ng kalaban ang susunod nyong hakbang"

"Wag mong ugaliing sumigaw dahil malalaman ng kalaban ang susunod nyong hakbang"

Ano bang pinag sasabe nya!?

"H-huh?" Ilang beses nag echo sa tenga ko pero nagtatanong parin ako. Ang gulo kase!

"Tss" sabi nya saka kami nilagpasan!

Yun na yon!? Hindi nya den ba ako papalapitin sakanya tapos mag lalaro den kame, walang ganon? Ang Unfair naman!

"Dissapointed si Tyson" asar ni Coach kaya nag tawanan ang mga kupal kong ka team!

Hindi naman ako dissapointed!

"Hindi a-"

"Agawin mo saken ang bola"

(O __ O)

Napatingin ako sa likod ko ng mag salita sya. Hawak nya ang bola habang pinag lalaruan nya yon. Seryosong nakatingin saken, sinundan ko sya ng tingin habang nag lalakad sya papunta sa gitna ng makarating sya doon ay tiningnan nya habang tumatango, inuutusan na lumapit ako sakanya, wala sa sarili naman akong sumunod sakanya paputang gitna kung saan pinag lalaruan nya paren ang bola pero ngayon paa na ang gamit nya.

"Unahan maka score walang mag babantay sa goal kaya malaya kang makaka score" sabi nya ng makalapit ako. "Kung makukuha mo saken" dagdag pa nya.

Pch! Yabang talaga!

Agad ang pumwesto sa harapan nya naka ngisi nyakong tiningnan kaya naman kinunutan ko sya ng noo. Tiningnan ko ang paa ni Cliona, pinag aaralan kung pano ko makukuha ang bola sakanya. Ang likot naman ng paa neto! Tiningnan ko ulet sya at boom!

Nakawala!

Sinundan ko ng tingin si Cliona na papalayo na saken at papunta sa goal ko kaya naman hinabol ko sya. Mula sa gilid nag slid ako para makuha ang bola pero bigla syang umatras! Madaya! Ngisi nyakong tiningnan saka muling tumakbo habang sinisipa ang bola. Inis akong tumayo saka ulit sya hinabol. Mas mabilis akong tumakbo sayo! Nararting ko ang harapan nya kaya naman napatingil sya, akma nyakong lalagpasan ulet ng salubungin ko sya at ayun! Nakuha ko ang bola! Tawang tawa ako ng makita ko ang reaksyon ni Cliona. Nagulat din sya sa ginawa ko! HAHAHA! I'M NOT AERO TYSON FOR NOTHING! Ngiti akong tumakbo papunta sa goal ni Cliona, agad napakunot ang noo ko ng maramdaman kong walang sumusunod saken kaya naman lumingon ako, Wala ngang nasunod saken!

"Wag kang lumingon nandito ako"

(O_O)

Napatingin ako sa harapan ko ng magsalita don ang nakangising si CLIONA!

Naagaw nanaman nya ang bola saken!

Ang bilis nya gumalaw! Mas mabilis pa kay Mika! Napanganga ako ng mula sa gitna ay sinipa nya ang bola at

*Prftttttt!*

Shoot!

Goal!

Talo ako!

Andwaeeeee!

Tumingin sa gawi ko si Cliona na hindi nawawala ang ngisi sa labi! Nakakainis to! Inis kong tiningnan sila Coach na tumatawa na mula sa gilid. Malamang pinag tatawanan ako.

"Nakita mona ang mali mo?" Biglang may nag salita mula sa gilid ko kaya nilingon ko si Cliona! "Kapag nararamdaman mong walang sumusunod sayo wag kang lilingon dahil hindi mo alam ang takbo ng utak ng kalaban mo" dagdag pa nya. "Nice game" nagulat ako ng ilahad nya ang kamay nya sa harapan ko. Nginig kamay ko naman syang kinamayan. "Tss. Hindi ko inaasahan na ma aagaw mo saken ang bola"

"Tsk! Mayabang ka kase!" Singhal ko sakanya.

"Inborn eh" sagot nya saka ako nilagpasan papunta sa pwesto nila Coach na kapwang mga naka ngisi saken!

(-_-)

Agad naman akong sumunod kay Cliona papunta sa pwesto nila.

"Grabe hindi ko den napansin yon kase tutok ang mata ko kay Aero" rinig kong sabi ni Aris ng makalapit ako. "Anong pakiramdam dre?" Ngisi nyang tanong saken. Parang iba nanaman ang iniisip ng lokong to.

"Anong pakiramdam?"

"Ng mahawakan ang kamay ni Cliona?" Sabi na eh!

"Ulol! Edi hawakan mo den!" Singhal ko sakanya. Pinag tawanan pa ako!

"Yung laro kase ang tinutukoy ko!" Natatawang sabi ni Aris.

"Eh iba ang sinabi mo kanina!"

"Edi ayun nalang. Anong feeling?" Asar nanaman nya.

"Ewan! Hindi ko alam! Wala akong naramdaman!" Sunod sunod kong sabi.

"Defensive ka masyado!" Dagdag pani Aris kaya binatukan kona sya ng pagkalupet lupet. "Aray ah!"

"Manahimik na kayo ah!" Singhal ko at nag natawanan nanaman sila. Napatigil lang sila ng mag salita si Coach.

"Salamat Wolverson" obviously si Cliona ang kinakausap.

"Bukas na bukas ayun ang papractisin nila. Kaylangan nilang ma practice sa mga bagay na kaya nilang gawen. May practice ba sila sa Linggo?"

"Oo manonood kaba ulet?" Ngiting taning ni Coach.

"Hinde. Mag dadala ako ng makakalaban nila." Dagdag nya na kinagulat namen.

"ANO!?"

"Kaya kaylangan nyong ma practice ang mga pinagawa ko ngayon sainyo. Dahil yun lang ang paraan para matalo nyo sila" sagot nya.

"P-pero Cliona sino naman ang dadalin mo?" Tanong ni Remson na hanggang ngayon ay hindi maka paniwala.

"Malalaman nyo sa linggo" sagot nya saka kami tinalokuran.

"Coach ano yon? Tanong ni Tristian

" Oo nga coach" dagdag ni Joshua.

"Kilala moba ang dadalin nya coach?" Tanong ko agad namang umiling si Coach.

"Hindi ko din kilala pero malamang sa malamang ay mga magagaling yon" paliwanag ni Coach.Aangal pa sana ako ng biglang sumingit si Mika.

"Ayaw nyo bang malaman kung nag improve ang skills nyo?"

"Gusto" sagot naming lahat.

"Edi makinig nalang kayo at sumunod"

"We just want to know why Cliona doing this" paliwanag ni Zaggy na sinang ayunan naming lahat. Napa buntong hininga naman si Mika.

"Simple lang dahil gusto nya kayong manalo"

"Kaya naman namin manalo ah. 3 years na kaming over all champion" sagot ni Joshua na syang sinang ayunan namin.

"I know. Pero may tendency na matalo kayo ngayong taon" sagot ni Mika na pinag taka namin.

"Pano mo naman nasabe" maangas na tanong ni Ken.

"Nakalimutan nyo naba ang tungkol sa Beijing?" Inis na tanong ni Mika na kinagulat namin.

"OO NGA PALA!" sigaw naming lahat.

"Pch! Oo nga pala! Ulol!" Singhal samen ni Mika.

"Pero baket gusto ni Cliona na manalo tayo?" Takang tanong ni Aris. Napatingin kame kay Mika, nag aantay ng isasagot nya.

Buntong hiningan nanaman sya bago mag salita.

"Beijing ang lugar ni Cliona" sagot nya na kinagulat namen. Nag katinginan pa kaming lahat maging si coach ay nagulat sa nalaman halatang wala din syang alam tungkol doon. Napatingin kameng lahat kay Cliona na papalapit samen at dala na ang bag nya. Ngayon ko lang napansen na naka uniform na pala sya mula kanina. Sipa sya ng sipa ng bola ng nakapalda!?

"Mauuna nako sa room nandon na sila Katty" sabi nya kay Mika.

"Hintayin moko"

"Tss hindi na sumunod ka nalang" sabi nya saka umalis sa harapan namin. Ngayon ko lang den napansin na mahaba talaga ang brown at medyo kulot nyang buhok, dahil ngayon lang naman sya ng lugay ng ganon palage kaseng nakatali ang iba nyang buhok habang naka lugay ang iba.

"Wag mo titigan dre baka matunaw" bulong saken ni Aris kaya binatukan ko nanaman sya. Hindi na ata to titigil kaka asar saken kahit na umamin nako kay Tyreen. Napangiti nanaman ako pag naalala ko na pumayag syang ligawan ko. "Nyay! Nangite wala to!" Dagdag nanaman ni Aris kaya lalo akong napangite.

"Alam moba kung baket?" Tanong kopa habang malaki ang ngiti.

"Baket?"

"Pumayag na si Tyreen na ligawan ko sya HAHAHAHAHA!" sagot ko habang natawa don kolang kase matatago yung kilig ko! Napatingin ako kay Aris ng hindi sya sumagot naka tingin lang sya saken ng seryoso. Anong problema neto?

"Seryoso kaba jan?" Biglang tanong ni Aris na syang kinagulat ko!

"Huh? Oo naman! Deretcho kong sagot. Ganon parin naman ang reaksyon nya. Hindi manlang nag bago. Seryoso, minsan lang mangyare pero mapapaisip ka talaga pag si Aris ang sumeryoso ang muka.yung tipong hindi ka pwede mag biro dahil mapapahiya kalang. Sinundan ko sya ng tingin ng bigla nyakong talikuran ng wala manlang pasabe! Na a adopt na nya ang ugali ni Cliona!

"Let's go Dre. Baka ma late tayo" sabi ni Zaggy s usual tone nya, walang kabuhay buhay. Yan na adapt den ni Zaggy ang ugali ni Cliona! Wala akong nagawa kundi ako sumundo sakanila papuntang Room. Na scam pa kame nila Mika! Tsk! Walang breakfast na naganap! Gusto ko den makaranas ng fiesta de cafeteria!

"Guys wala si Ms. Catapia kaya si Ms. Finto ang mag hahandle sa PE class natin." Anunsyo ni Ritchie na syang president namin. "Class D ang Kasabay naten"

(O_O)

BAKIT CLASS D PA!?

"Yun oh!" Sigawan ng mga classmate ko na may gusto Kay Cliona. "Makikita ko nanaman si Cliona labs!" Oh Dina!?

Yucksssss

Agad kaming nag palit ng PE uniform at pumunta sa Gym dahil Archery ang activity namin ngayon.

"Oh ang tadhana! Sadyang mapaglaro" kanta pa ni Aris habang papasok kami sa Gym. "Sabihin saakin yung sya naba ang tunay na iibigin" dagdag pa nya saka ako inakbayan "naniniwala kaba sa forever?"

Forever!? Yuck!

"Ulol! Nababakla ka nanaman!" Singhal ko sakanya saka sya binatukan.

Tuluyan kaming nakapasok sa gym at sumalubong nga samin ang mga Class D na nasa isang sulok lang habang si Ms. Finto ay nasa harapan nila. Nang makita kami ni Ms.Finto ay pansamantala nyang tinigil ang mga sinasabi.

"Nanjan na ang mga Class B" sabi nya, tinuro pa nya isang side ng mga upuan "Jan kayo pupwesto" kaya pumunta kaming lahat don," nasan na ang class A?!" Sigaw ni Ms. Saka tumingin sa entrance at ayun nga, pumasok na ang mga Class A!

(O_o)

Sila Tyreen!

Agad akong napangiti ng makita ko sya, kala ko talaga sira na ang buong araw ko, buti nalang mabait ako kaya pinag pala nanaman ako ng nasa taas! Sinundan ko ng tingin si Tyreen pero ni minsan ay hindi nag tama ang paningin namin hanggang sa makaupo na sila sa kabilang dulo, bale ang ClassD ang nasa gitna. Nilibot ko ang paningin ko sa ClassD hanggang sa makita ko si Mika kasama sila Roi, Rumsel at Katty. Pero ni anino ni Cliona ay hindi ko nakita. Pulos na nag tatawanan ang grupo ni Mika hanggang sa sawayin sila ni Ms. Finto. Gusto ko matawa dahil sa mga itsura nila na nasindak talaga, pero pinigilan ko ang sarili ko dahil baka ako naman ang pag initan ni Ms.Finto.

"Dahil tatlong section kayong nasa harap ko ngayon, section by section ang activity natin ngayon," sabi pa ni Ms. Finto " Siguro naman ay naituro na sainyo ni Ms. Catapia ang basic steps sa archery?" Baling nya samin saka sa Class A.

"Yes mis!" Sagot namin pati narin ang Class A. Nanatili akong nakikinig sa sinasabi ni Ms. Finto ng biglang marinig ko ang sinasabi ni Aris.

"Dre nasan kaya si Cliona?" Tanong nya habang naka tingin kay Zaggy.

"Ewan ko din. Mukang sya lang ang wala sa grupo nya" sagot sakanya ni Zaggy. Bakit ba nila hinahanap yun!?

"Step forward" biglang sabi ni Ms. Finto kaya napa tingin ulit ako sa harapan. Isa isang tinawag mi Ms. Finto ang ilan samin at sa Class A at D sa ngayon ay patas ang laro dahil lahat sila ay hindi manlang nakaka tama, kung meron man ay nasa four pababa na ang score.

"Babae nalang ang natitira sa Class D, habang Puro lalaki sa Class B at halo naman sa Class A" paliwanag ni Ms. Finto paniguradong kasama kaming tatlo sa binabanggit ni Ms. Finto dahil hindi parin kami natatawag. Nag patuloy sa pag tawag si Ms. Finto, may tatlong arrow kada student at sa score na makukuha naka base ang magiging grade namin. Sa ngayon ay 4 talaga ang pinakamataas na score ang nakuha habang ang bulls eye, ni isang butas ay wala.

"Ms. Santos from class A, Mr. Martinez from Class B and Ms. Santiago from Class D. Please step forward" Biglang pag tawag ni Ms. Finto kay Zaggy at Mika kasama yung babaeng naka salamin. Nagkatinginan pa kami ni Aris ng maka pwesto si Zaggy sa gitna nila Mika at yung Santos na sinasabi ni Ms. Finto.

"Mukang chickboy si Zaggy sa part nayan" natatawang bulong ni Aris. Hindi ko rin napigilan ang sarili ko na matawa ng palihim dahil sa palihim na kinurot ni Mika ang tagiliran ni Zaggy kaya tiningnan si Ms. Finto si Zaggy ng masama. "Gago HAHAHAHAH!" tawa ni Aris. Napa iling nalang ako dahil sa kalokohan nila. Unang tumira ang Class A at agad na sumablay ang una nyang tira. Sa pangalawa naman ay naka kuha sya ng 2 at pangatlo ay 4 kaya naman ay may 6 points syang nakuha kay Ms. Finto. Titig kaming pareho ni Aris kay Zaggy ng Sya na ang titira.

"Straight your arm to the target" sabi pa ni Ms. Finto na agad namang sinunod ni Zaggy. "Shoot!" Sabi ni Ms. Finto kaya agad namang bunitawan ni Zaggy ang arrow at saktong dumeretcho sa 5 na si Zaggy palang ang nakaka gawa!

"Hanep! Marunong pala sya mag ganyan" rinig kong sabi ni Aris na syang nasa tabi ko lang.

"Good! For the first time mahy naka kuha den ang 5. Next arrow!" Malalaking ngiti na sabi ni Ms. Finto. Napa tingin ako kay Mika na parang bored na bored sa pinapanood nya. Tsk! Kakadikit nya sa kaibigan nyang mas lalake pa sa lalake na Adapt na nya ang ugali!

"Third arrow" sabi ni Ms. Finto kaya napatingin ako sa pangalawamg board at walang arrow na tumama don ibig sabihin non ay sumablay si Zaggy sa pangalawa, hanggang sa bitawan nya ulit ang arrow matapo pomisisyon at saka deretchong tumusok ang pana sa 4 kaya naman ay may 9 points si Zaggy. Seryoso si Zaggy na bumalik sa pwesto namin at saka umupo sa tabi ko. Tumingin nalang ako sa harapan dahil si Mika na ang titira ngayon. Wala pa man ay pinusisyon na ni Mika ang buong braso habang naka pikit pa ang isang mata.

"Shoot!" Sigaw ni Ms. Finto at wala pang isang kurap ay binitawan ni Mika ang arrow at deretchong tumutok sa 8!

"Shit!" Singhal ni Zaggy.

"Wohhhhhh!"

"Galing!"

"Awit yun lods!"

"Awt's gege"

Nirig ko pang bulungan sa paligid. Pch! Tyamba lang yon!

"Galing potek!"

"Hanep!"

"Nuebe!"

(O_O)

Ehhhh?

Napatingin ako sa second board at tama sila nine nga! Walang kurap kong pinanood si Mika na bitawan ang arrow nya at na paderetcho sa 8!

Nanaman!?

"Putcha Dre!" Si Aris na manghang mangha na nakatingin kay Mika na naka ngisi na ngayon na pabalik sa pwesto nya.

"Ms. Santiago got the highest score, for now, let's see If Ms. Tyreen will defeat that score" anunsyo ni Ms. Kaya napatingin ako kay Tyreen na mukang nag dadalawang isip pa kung tatayo o hindi. Pero ng tawagin ukit sya ni Ms ay wala na syang nagawa kundi ang lumapit at pumwesto katulad ng ginawa ng iba.

*Prffft!*

Sa isang pito ni Ms ay agad na nabitawan ni Tyreen ang arrow at hindi manlang umabot sa board dahil sa sobrang hina.

"Second board!" Singhal sakanya ni Ms. Finto. Pumito pa ulit si Ms. Dahilan para bitawan ulit ni Tyreen ang arrow pero ngayon ay tumama don sa "2!" anunsyo ulit ni Ma'am " third board!" Katulad kanina ay nag bitaw ni Tyreen at tumama sa 4 kaya naman kaya kuha sya ng "6!" Anunsyo ulit ni Ma'am napatingin ako kay Tyreen na naka tingin sa gawi ng Class D saka muling umuko at bumalik sa pwesto nya. Hindi ko alam kung sino ang tiningnan nya don pero kunot noo kong tiningnan si

"Mr. Tyson!"

(O_O)

Ako agad!?

"M-Ma'am?" Sabi ko pa pero masamang tingin lang ang sinagot nya saken kaya naman agad akong napatayo at lumapit sa harapan at doon pu pwesto. Aminado akong hindi ako marunog gumamit nitonkaya maiintindihan ko kung wala akong mataaan, pero nakakahiya naman dahil tatlong section ang nandito sa loob. 4, sablay, 6 ang nakuha kong score kaya naman 10 points ang nakuha ko. Taas noo akong bumalik sa pwesto namin. Nakangisi silang pareho saken na halata namang nagagalingan saken.

Tsk! Tsk! Alam ko yun di lang ako gwapo talented pako.

"Ms. Wolverson!"

(O_o)

"Ms. Wolverson!" Pag tawag ulit ni Ma'am ng walang tumayo sa harap.

"Nasan naba si Cliona?" Bulong ni Aris habang lumilinga.

"Tss"

(O_O)

Napatingin ako sa harapan ko sa bandang gilid at doon nakita ko si Cliona! Naka dekwatro habang naka krus ang mga braso at naka sandal sa upuan. Anong ginagawa nya jan!?

Bigla syang tumayo at pumunta sa harapan.

"Hanep diko sya napansin don" bulong nanaman ni Aris.

"She look tired" singit ni Zaggy kaya napatingin ako kay Cliona. Muka nga sayang pagod. Pch! Lagi namang tulog yan bakit ganyan itsura nyan? Mukang naluge!

"Kanina pa kita tinatawag!" Sigaw sakanya ni Ms. Finto. Si Cliona naman ay parang walang narinig patuloy parin sa pag tingin sa pana na hawak nya. Umakto pa syang tinututok yun sa board tapos ibaba ulit. "You want to fail in my activity today!?" Singhal ulit ni Ms. Finto.

"Kung kaya mo" sagot ni Cliona!

(O_o)

Ano bang pinag sasabi nya!?

"W-what—"

Hindi na natapos ni Ms. Finto ng sasabihin nya ng binatawan ni Cliona ang arrow na hawak nya at dumeretchong tumusok sa BULLS EYE!

"Hindi ba't isang kalapastangan ang ibagsak moko kung kaya ko makuha ang 30 points na hinihingi mo?" Sagot ni Cliona at magkasunod na binitawan ang arrow at lahat ay Bulls eye!

(O_O)

"What the heck" halos bulong na sabi ni Zaggy.

"Hanep" ganon din naman si Aris. Napatingin ako kay Ms. Finto na gulat na gulat. Sunod kong tiningnan si Cliona na naka krus ang mga braso habang nag lalakad pabalik sa pwesto ng mga kaibigan nya.

"Ano yun mader!?" Rinig kong sabi ni Roi.

"Whaaaaa ang galeng!" Si Katty.

"Kala ko dika na marunong mag archery" si Mika na malalaki ang ngiti kay Cliona.

"Mula pagkabata ko inaral yun imposibleng makalimutan ko yun sa loob ng dalawang taon" sagot nya.

What the hell!? Did she just say that she played archery since she was young!? What the hell is that!?

"Grabe tatlong bulls eye" manghang mangha parin si Rumsel.

"Dalawang bulls eye lang yan dahil yung pangatlo sumablay. Tingnan nyo pa"

Huh?

Napatingin ako kay Ms. Finto na papunta sa Board at pinag masdan ay mga nakatusok don.

"Almost there" lahat kami napatingin kay Ms. Finto ng sabihin nya yun. "9.8" dagdag pa nya saka tinanggal ang naka tusok don na arrow. "How did you know that, Ms. Wolverson? Magkatabi lang tayo sa pwesto but you manage to see the result of your play" ngising sabi ni Ms. Finto.

"Ako ang tumira" tipid na sagot ni Cliona.

"Is that so? I though you can hit the 3 bulls eye" may bahid ng sarcasm ang tono ni Ms. Finto ng sabihin nya iyon.

"Try me then. Put some apple on your head and I'll hit it right after" ngising sabi ni Cliona. Gulat namang tumingin sakanya si Ms. Finto, lumakad si Cliona palapit sakanya kaya nabakas ang takot sa muka nya.

"S-stay there!" Sigaw ni Ma'am na halatang halata talaga ang takot sa muka nya.

"Why? You know Ms. I'm too tired to play this activity of yours, but I need to cooperate In the sake of my Diploma. You want to see me hit the 3rd bulls eye right?" Bahagya pa syang tumigil ng mag tapat sila ni Ms. Finto. Ilang metro den ang layo nila sa isa't isa. "So try my coolness Ms. But make sure after this you'll gave me a hundred percent of grades, same us to all of here who failed your activity" dagdag pa nya na syang nakapag paingay sa loob ng gym. Isang magandang balita para saming mga bagsak.

"You fvcking—!"

"Shut the hell out Ms. I'm too sleepy to play Blah blah to you" putol ni Cliona sa sinasabi ni Ms. Finto. Gusto ko matawa dahil nung binanggit nya yung blah blah eh ginagalaw pa nya ang kamay nya na parang bakla! Pfft!

Napuno ng mahinang bungis ngisan ang buong gym dahil sa ginawa ni Cliona.

"You! Bastard!" Sigaw ni Ms. Finto habang tinuturo si Cliona. Napa tigil kaming lahat ng itutok ni Cliona ang Pana kay Ms. Finto.