MIKA P.O.V
Nauna na kami sa parking lot dahil nauna kaming natapos sa quiz ni Ser choco.
"Nakakainis talaga!" Pinag sisipa kona yung bato na nag kalat sa parking lot sa sobrang inis ko. Bat ba kase sumabay samin yun kanina? " Sorry for the word pero ang landi nya" dagdag kopa. Hindi ba malandi ang tawag sa babaeng pinag sasabay ang dalawang lalaki? Yuck! Hindi halata sa personality nya ah.
"Wag kang mang husga bigla bigla. Baka may rason sya kaya nya nagawa yon." sagot ni Cliona, kwinento ko kase sakanya yung mga nakita namin pag ka uwi namin sa bahay nung matapos na acquittance.
"Ano namang valid na reason don? Na sobrang mapag mahal nya kaya dalawa pinag sabay nya?" I said with a sarcasm tone. Mapagmahal din naman ako ah pero bakit kahit isa wala akong ganon ewwwww sabihin nya maharot talaga sya.
"Ano bang pinuputok ng butchi mo? Ikaw ba ang masasaktan? Hindi naman diba kaya manahimik ka jan" singhal nya saken kaya napa nguso ako.
"Kaibigan naman naten ang involve dun eh" reklamo ko.
"Mo, kaibigan mo wag moko idamay" she emphasis the word 'Mo'.
"Kaya ok lang sayo na masaktan sya!?"
"Ano namang magagawa ko? Wala naman diba" sagot nya saka ako tinalikuran at nag paunang umalis! Arghhhhhhhh! Sabe kona eh! Sabi kona talaga! Hindi namin sya maasahan tungkol sa issue nayon! Isa yon sa ugali ni Cliona ang nakakainis. Hindi nya ugali makeelam sa buhay na may buhay, well tama naman sya sa part nayan pero hindi namang ibang tao samin si Aero eh! In fact kaibigan namin sya kahit palagi nyang inaaway si Cliona.
'I don't make friends' yan ang favourite line ni Cliona pa may nakikipag kaibigan sakanya. She don't make friends, because friends make her life uneasy. Kaya nga ako lang ako kaibigan nya eh! Kainis yun! Pero pag dating naman sa dulo eh nandon sya may ginawa na, na hindi manlang samin nag sabi. Cliona's life are full of surprise, that's why she like that, hindi mag sasabe, kikilos nalang and boom! Problem solve! Thought I know her, she said that she don't care well infact she have, yung mga binitawan palang nyang salita kay Tyreen kanina lakas na maka goosebumps.
Curse you Tyreen! You'll beg for his forgiveness someday!
.
.
.
.
.
.
.
"Oh bakla nasan na ang Mader Ert natin?" Tanong ni Rumsel ng maka lapit sila saken. Nandito na silang lahat maging yung tatlo, tanging si Justine lang ang nawala. Tsk! Pag patuloy mo yan dude!
"Nauna umuwi" sagot ko.
"Ang aga naman!" Reklamo ni Aris.
"Oh edi sakanya ka mag reklamo! Halika isasama kita sa bahay!" Singhal ko sakanya.
"Hehe joke lang takot ko lang kay Cliona baka pag apak ko palang sa kalsada nag liliparan na ang kutsilyo papunta saken" natatawang sabi ni Aris. Inirapan ko nalang sya.
"Baka nga dika pa nakaka tapak sa bahay namin ay duguan kana" balik ko sakanya na kina gulat nya. OA AMP! "Joke lang! As if naman papatapakin kita sa bahay ni Cliona. Edi ako ang napalayas" sagot ko.
"Bahay ni Cliona?" Takang tanong ni Aero.
Uyyyy interested!
"Oo bahay nya yun, nakikitira lang ako" sagot ko.
"Eh bakit ka naman nya papalayasin" tanong nanaman nya.
"Eh kase po ayaw nya po ng bisita" paliwanag ko. Mag Q and A ba kami dito?
"Wehhhhh kahit si Cameron?" For this time naki sali na si Katty.
"Well, si Cameron naka punta na pero agad din umaalis"
"Huh? Bakit naman mag kapatid naman sila ah" si Roi naman.
"Yeah, I know, si Cliona yun eh. Kung mang iimbita man ako kaylangan sabihin ko sakanya at kaylangan hindi sya maistorbo. Eh ang kaso pag may pupunta sa bahay sya agad hinahanap kaya naman hindi na kame nag iimbita sa bahay" paliwanag ko, nagdadasal na sana kontento na sila sa sagot ko.
"Weird pero bakit?" Tanong nanaman ni Aero. Nainis nalang ako at sumakay sa motor ko.
"Umalis na kayo bilisan nyo na may trabaho pako!" Sigaw ko kaya naman nag si sakay na sila sa sasakyan nila at isa isang umalis. Agad naman akong sumunod sa likod ng kotse ni Aero dahil parehas lang ang way namin palabas. Nab busina pako sakanya bago iliko ang motor ko kung nasan ang Royal. Nang makarating ay agad akong nag park at pumasok sa loob.
"MIKMIK!" salubong na yakap sakin ni BJ.
"Nasan na si Cliona?" Agad na tanong ko. Tinuro naman nya ang mga table at doon ko nakita si Cliona na nagsusulat sa papel nya ng order.
"Waiter sya ngayon" bulong nya saken. Napatango naman ako.
"Sino ang nasa kusina kung ganon?"
"Si Baklang Japet" sagot nya. "Teke ito ba ay nasabi nyo na kay Cameron? Nako! Ako ang malilintikan sa mga pinag gagawa nyo!"
"Gusto ko man sabihin, ayaw ko naman magalit si Cliona. Alam mo ang ugali nyan trust her words nga daw diba" natatawang sabi ko.
"O sya kayo na ang bahala. Mag bihis kana batugan!" Singhal nya saken
"Kapal mo! Ikaw ang nag daldal saaken!" Balik ko sakanya. Natawa nalang sya kaya pumunta nako sa locker ko at nag palit ng uniform, nang biglang tumunog ang cellphone ko.
Si mommy
"Mika" boses sa kabilang linya. Agad akong tumakbo sa banyo para lang hindi marinig ni Mommy ang napaka lakas na tugtog sa dance floor baka isipin nya nag sasayaw sayaw ako sa dance floor.
"Mommy, napatawag ka. May problema po ba?" Tanong ko.
"How are you?" Tanong nya. Kunot noo naman ako tumingin sa cellphone ko. Usual namaan kay Mommy na mangamusta pero hindi sa gantong oras. Something wrong.
"I'm doing fine" Sagot ko.
"What about Clirity, how is she?" Tanong nya ulit.
"S-She's fine too" no, she's not fine! She suffer alot! She work at night, schooling at day, kahit pag tulog di nya nagagawa!
"Good to hear" sabi nya. Bahagyang nanaig samin ang katahimikan. Hinihintay ko ang sunod nyang sasabihin pero ilang segundo din ako nag hintay pero di talaga nag salita si Mommy.
"Mom, can you please spill the tea, I'm busy" iretable kong sabi. Rinig ko ang pag hugot ng malalim na hininga ni Mommy.
"Patricia is in the Hospital" she said.
"What!?"
"Please check her condition" utos nya na nakapag pakunot lalo ng noo ko.
"Why me!?"
"Because I said so, Go check her. This is an order from the Above Mika, I can't do it nasa business trip pako" sabi nya. Napa buntong hininga nalang ako.
"Ok" I said and I hung up.
"Anong sabe?" Napatingin ako sa likod ko ng marinig ko ang boses ni Cliona don. Napalunok pako ng ilang beses dahil sa kaba. Sasabihin koba sakanya? Para saan pa? "Nag hihintay ako Mikaela" may pag babanta sa boses nya.
"Nasa hospital daw si Tita Pat" sagot ko saka nag iwas ng tingin. Nanaig ang katahimikan samin hinihintay ko ang isasagot nya. Nang hindi sya sumagot ay napatingin ako kay Cliona na Seryosong naka tingin saken.
"Ano daw nangyare?" Tanong nya.
Nag kibit balikat ako "pinapatingnan nya saken ang lagay ni Tita" sabi ko sabay hubad ng apron na soot ko. "Pupunta muna ako doon. Babalikan nalang kita dito"
"Sasama ako"
"Pero—"
"Wag kang mag isip ng kung ano ano si Mrs. Martinez ang pupuntahan ko" sabi nya saka nag paunang lumabas ng Cr. Sumunod naman ako sakanya.
"San kayo pupunta?" Salubong samin ni BJ ng maabutan nya kami sa locker room.
"Hospital. May inutos lang" sagot ko.
"Ah ganon ba. Sige mag iingat kayo" sabi nya.
"Babalik din kame mamaya, alis na kame" sabi ni Cliona. "Peram nga pala ng cellphone" dagdag pa nya habang naka lahad kay BJ ang kamay. Agad naman nya iyon binigay. Nag tanguan pa kaming dalawa ni BJ bago ako umalis at sumunod kay Cliona.
Halos sabay na kaming dumating sa hospital na sinasabi ni Mommy. Nang maka rating kame sa parking lot ay agad kong tinanong si Cliona.
"Sigurado kaba dito? Pano pag nandito sila?" Tanong ko sakanya.
"Mauna kang pumasok don. Kapag nandon sila hanapan moko ng tyempo kung pano ako makaka pasok kung wala naman ay tawagan moko" sabi nya. Napatango naman ako bago pumasok sa hospital.
"Pathricia Martinez?" Tanong ko sa nurse. Agad naman syang nag hanap saka humarap sakin.
"Room 108 po" sagot nya. Nag pasalamat muna ako bago ako pumunta sa sinasabi nyang room. Nang makarating ako doon ay nakita ko si Paula at Tito Philip sa labas ng room. Agad akong lumapit sakanila.
"Magandang gabi po" bati ko. Agad naman silang tumingin saken ng may gulat sa muka. Ako palang nagugulat na kayo pano pa kaya kung si Cliona na. Tsk!
"Ate Mika?" Tanong ni Paula agad naman akong ngumiti sakanya at tumango.
"Kamusta kana Paula?" Tanong ko sakanya.
"Si Mommy po" naiiyak nanaman nyang sabi kaya niyakap kona sya saka tumingin kay Tito Philip.
"Anong lagay ni Tita?" Tanong ko.
"Inatake sa puso. Buti nalang at nadala agad namin sa hospital" sabi nya."maayos na ang lagay nya pero under monitoring paren" dagdag nya dahilan para mapa hinga ako ng malalim. Sumilip ako sa loob at doon ko nakita si Percy na nakayuko habang hawak ang kamay ni Tita.
"Pano mo nalaman na nandito si Path?" Tanong ni Tito
"Tinawagan lang po ako ni Mommy" sagot ko.
"Naka uwi kana pala" sabi pa nya agad naman akong tumango "kaylan pa?" Tanong nya.
"Bago mag simula ang klase" tipid na sagot ko.
"Ate hindi moba kasama si Clirity?" Biglang tanong ni Paula. Napatingin ako kay Tito Philip na mukang nag hihintay din ng sagot ko.
"Sagutin mo muna ang tanong ni Ate" suggest ko sakanya agad naman syang tumango. Napahinga pa muna ako ng malalim " nandito na yung bagong girlfriend ni kuya mo?" Tanong ko sakanya. Agad naman syang umiling.
Tiningnan kopa si percy sa loob bago ko i dial ang number ni BJ.
"Kausapin mo ang ate mo. Sabihin mo ang room number ng mommy mo" sabi ko. Agad naman nyang kinuha ang cellphone saken.
"A-ate?, Opo ako nga po, sabi po kase si Ate MikMik na ako daw po ang mag sabi, wala po dito ang sabi ni kuya nasa duty po, Opo, 103 po, sige ate iintayin kita" agad nyang binigay ang cellphone sakin. "Aakyat na daw po sya" sabi nya ng may ngiti sa labi. Napatingin ako kay tito na nangingilid na ang luha sa mata. Napahinga nalang ako ng malalim. Inaya ko silang umupo dalawa pero mukang excited silang makita si Cliona.
"ATE!" agad na tumakbo si Paula ng makita si Cliona na kakalabas lang ng elevator. Patalon na yumakap si Paula kay Cliona na muntik pa silang matumba. May binulong pa si Cliona na agad naman tinanguan ni Paula saka hawak kamay na lumapit samin.
"Maganda gabi Mr. Martinez" bati nya. Gulat akong napatingin kay Cliona ng bigla syang yakapin ni Tito Philip. Bakas din ang gulat sa muka ni Cliona. "Tumahan napo kayo, magiging maayos din ang lagay nya" sabi nya habang hinahagod ang likod ni Tito Philip. Agad naman humiwalay si Tito Philip saka nag punas ng luha.
"Na miss kita Ija. Nakabalik kana pala hindi ka manlang dumalaw samin" sabi ni Tito Philip. Bahagya namang ngumiti si Cliona.
"Pasensya na ho. Naging abala lang ako sa pag aaral" sagot ni Cliona. Tumingin pa sya sa room ni Tita Path pero agad din syang tumingin saken.
"Anong lagay?" She asked. I Sigh
"Stable, under monitoring" tipid kong sagot. Napatango naman si Cliona at lumuhod kay Paula para mag kapantay sila.
"Pwede moba kaming samahan sa loob?" Tanong nya, nakangiti namang tumango si Paula at hinila si Cliona papasok. Agad kaming sumunod ni Tito Philip sakanila.
"Mommy!" Tawag ni Paula na agad humiwalay kay Cliona at tumakbo papunta kay Tita Path na gulat na gulat na naka tingin samin. "Ate Mika and Clirity is here!" Sabi pa nya. Napatingin ako kay Percy na gulat ding naka tingin samin, o kay Cliona lang?
"Magandang gabi po" bati ko. Lumapit pako sa tabi ni Tita Path saka ako nag beso. "kamusta po ang lagay nyo?" Naka ngiti kong tanong.
"Maayos na, salamat sa pag punta" sagot nya saka bumaling kay Cliona na prenteng naka sandal sa pader habang nasa bulsa ang mga kamay at diretchong naka tingin kay Tita Path.
"Clirity, Ija?"
"Magandang gabi Mrs. Martinez" prenteng sagot ni Cliona saka lumapit sa gawi namin. "Hindi ko akalain na dito tayo mag kikitang muli" wala paring emosyong sabi ni Cliona.
"Nang hihina na ang katawan ko, lalo lang lumalala ang sakit ko, naraamdaman kona din na hindi nako tatagal sa mundong to"
"Mom!" Suway sakanya ni Percy " Don't say that!" Sigaw ni Percy. Agad namang umiyak si Tita Path at hinawakan ang kamay ni Cliona.
"Masaya akong makita kang muli Clirity Ija. Ilang beses ko tinanong si Percy kung nasaan ka pero maski sya ay hindi nya masabi. Saan kaba nag punta ija?" Tanong ni Tita. Pero imbis na sagutin ni Cliona ang tanong ay iba ang sinabi nya.
"Tama ang anak nyo, gagaling pa kayo. Kaylangan nyong maka labas agad dito at mag palakas" sabi nya.
"Hindi mo sinagot ang tanong ko Ija" napansin din ni Tita ang pag iwas ni Cliona sa tanong.
"Bumalik lang ako ng China"
PERCY P.O.V
"Bumalik lang ako sa China" sagot ni Cliona na kina kunot ng noo ko. Hinanap ko sya sa China pero hindi ko sya nakita doon. Pumunta din ako kay Cameron para lang itanong kung nasaan sya at bansang Beijing lang ang sinabi nya kaya pumunta ako doon pero walang nakakakilala sakanya.
"Huh? Eh sabi ni Kuya wala ka daw po doon" sabat ni Paula. Napatingin ako kay Cliona na titig na titig kay Mama.
"Malaki ang bansang China" si Mika na ang sumagot.
"Mag pagaling kayo. Tawagan nyo si Mika kapag maganda na ang pakiramdam mo, babawi ako sainyo" naka ngiting sabi nya kay mama.
"Talaga!?" hindi maka paniwalang tanong ni Mama agad namang tumango si Cliona.
"Isasama din natin si Paula" dagdag pa nya.
"How about me?" Singit ko. Agad naman nya ako tiningnan na parang di nya ako kilala.
"Hindi na kami mag tatagal may kaylangan pa kaming gawin" hindi manlang nya sinagot ang tanong ko.
"Aalis kana agad ate?" Tanong ni Paula. Agad naman syang kinarga ni Cliona sa ngumiti.
"Kaylangan eh, mag kikita pa naman tayo kapag gumaling na ang Mommy mo kaya alagaan mo sya ng mabuti" sabi nya sabay gulo ng buhok ni Paula.
"Pangako ate?" Tanong pa ni Paula na mukang hindi talaga na niniwala.
"Promises meant to be broken. Kaya hindi ako mangangako gagawin ko nalang" napatitig ako kay Cliona ng sabihin nya iyon. Sa pangalawang pagkakataon narinig ko ang linyang yon.
"Wag mang mangako gawin mo nalang" she said before leaving.
Sa pag kakataong ito tinalikuran nya nanaman ako matapos bitawan ang mga linyang yon. Agad akong lumabas at hinabol si Cliona na papasakay nang Elevator.
"Clirity!" Pag tawag ko sakanya. Agad naman syang tumingin saken. Habol hininga akong lumapit sakanya.
"May kaylangan kaba?" Tanong nya.
"Let's talk please" pakiusap ko. Ramdam ko nanaman ang pangingilid ng mga luha ko habang naka tingin sakanya. Umaasang pumayag sya.
"Nag uusap na tayo" sagot nya. Napatitig ako sakanya dahil sa paraan nya ng pakikipag usap sakin. Walang emosyon at parang sobrang tanga ko pag kausap ko sya.
"Not here please" I pleased again. She just turn her back to me.
"Sa susunod nalang may kaylangan pakong balikan" she said. I bit my lower lip.
"Mas mahalaga paba yan kesa sa pag uusapan natin?" I tried my best not to be sarcams but I can't.
"Mas mahalaga pa sayo" she directly said. Napatahimik ako at napatitig sa likod nyang papasok na sa elevator. Bago mag sarado ang elevator ay napa tingin ako sakanya na walang pinag bago ng ekspresyon, sobrang lamig na pakikitungo, at pabalang na mga sagot. Napahinga nalang ako ng malalim at pinunasan ang mga nagbanadyang tumulo na mga luha. Agad akong tumalikod at sumalubong sakin ang Seryosong muka ni Mika na naka titig saken.
"Mika" pag tawag ko sa pangalan nya. Agad naman syang umiling at nilagpasan din ako.
Tulala akong nag lalakad pa balik sa kwarto ni Mama. Hindi pa man ako tuluyang nakakapasok rinig na rinig kona ang pinag uusapan nila ni Papa.
"Ang laki ng pinag bago ni Clirity, ang dating masaya nyang mata naging walang emosyon na, hindi na rin nya ako tinawag na tita" boses ni Mama.
"Mr. Martinez ang tawag nya sakin kanina" sabi ni Papa dahilan para mapa kunot ang noo ko.
"Hindi narin kasing lambot ng dati ang mga kamay nya" sabi ni Mama, ayun ata yung kanina na hinawakan nya ang kamay ni Cliona. "Ang Sabi ni Mika ay nag trabaho lang si Cliona sa loob ng dalawang taon." Dagdag pa ni Mama kaya napa yukom ako ng kamao.
Bakit hindi manlang nya sinabi sakin?
Bakit tinago nya lahat ng to?
Anong dahilan nya para mag trabaho?
Ilang mga tanong agad ang nabuo sa utak ko dahil sa sinabi ni Mama. Hindi kona napigilan ang sarili ko at pumasok na sa kwarto. Nakayakap si Mama kay Papa habang naiyak. Napatingin ako kay Paula na umiiyak din sa gilid agad akong lumapit sakanya.
"Bakit ka umiiyak?" Tanong ko sakanya. Agad naman syang nag punas ng luha.
"Namiss ko lang si Clirity kuya, pero ngayon nandito na sya diko manlang sya naka laro kahit saglit" umiyak nanaman sya. "Wag mong sabihin kay Clirity na umiiyak ako kuya ah. Baka kase di na nya ako puntahan sa susunod eh" dagdag pa nya habang humihikbi pilit na pinipigilan umiyak.
"Bakit naman?" Tanong ko sakanya.
"Sabi nya kase sakin kanina. Kapag umiyak daw po ako hindi na sya makikipag laro sakin sa susunod, kaya ayoko napo umiyak" sabi nya saka pilit na ngumiti sakin. "nakapag usap ba kayo kuya?" Tanong nyapa sakin. Agad naman akong umiling. Ayaw nya akong kausapin. Hindi nya gusto pag usapan ang mga dapat na linawin namin.
Napatitig nalang ako kay Paula habang mahimbing na natutulog sa tabi ko. Ayaw nyang umuwi kaya dito nalang sya natulog. Si Papa naman ay Bumalik sa bahay para kumuha ng gamit namin.
"Anak?" Napatingin ako kay Mama ng mag salita sya. Agad akong lumapit sakanya. "Hindi ka nya kinausap kanina?" Tanong agad ni Mama agad akong nag baba ng tingin saka tumango.
"Ayaw nya akong makausap Ma, o kahit pag usapan manlang ang mga bagay na dapat namin ayusin" sagot ko habang naka yuko. "Sa paraan palang ng pakikipag usap nya sakin para bang sobrang tanga ko dahil pabalang nalang sya laging sumagot" natatawang sabi ko pero kasabay non ay ang pag tulo ng luha ko. Bakla mang isipin pero kung sakin na nadama ko dalawang taon na ang nakakalipas nandito parin sakin. Lalo lang nadagdagan nung muli ko syang makita, ma ganon pa ang pakikitungo sakin. Madaming nag bago kay Cliona hindi lang sa ugali nya kundi pati pisikal. Ang itim at mahaba nyang buhok ngayon ay Brown na ang mapula pula nyang balat ngayon ay namumutla na, halata din ang pag bagsak ng timbang nya dahil halata ang panganayayat nya.
"Mas mahalaga pa sayo"
Napangiti ako ng mapait ng malala ko ang binitawan nyang salita. Ano naman ang mas mahalaga pa saken? At iyon ay nagagawa nyang balikan.
"Nag tatrabaho si Cliona para lang makapag aral" nag angat ako ng tingin at gulat na napatingin kay Mama ng sabihin nya iyon.
"What!?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
"Iyon ang sabi ni Mika nung oras na sundan mo si Clirity sa labas." Dagdag ni Mama at tuluyan ng tumulo ang luha nya. " Parang anak kona si Cliona kaya masakit para sakin na sobrang hirap ng lagay nya ngayon"
"Anong ginagawa ni Cameron!?" Galit na sabi ko. Kapatid nya si Clirity! Nasan ang pamilya nya!?
"Ayaw ipaalam ni Cliona ang lagay nya. Si Cameron lang ang nakaka alam na naka balik na sya dito. Maging ang mga Wolverson ay walang alam. Ang tungkol naman sa trabaho ni Cliona ay nanatiling sikreto nila ni Mika maski si Cameron ay hindi alam" paliwanag ni Mama, agad akong napayukom ng kamao dahil sa mga nalaman ko. Kapamilya nila hindi nila alam kung ano ang lagay!?
"Sasabihin ko kay Cameron ang tungkol dito" sabi ko at akmang tatayo ng pigilan ako ni Mama.
"Nakiusap si Mika na wag ipag sabi ang tungkol sa lagay ni Cliona. Mag aaway lang kayo lalo kung makekeelam ka" sabi ni Mama dahilan para mapaupo ako at masapo ang noo ko.
Bakit ba hindi nalang sya humingi ng tulong sa pamilya nya? At kaylangan nya pang mag trabaho.
"Sinabi ba ni Mika kung saan sila nag tatrabaho?" Tanong ko agad namang umiling si Mama. Ibig sabihin sikreto nga talaga ang pag pasok nila doon. Napapikit nalang ako sa sobrang inis.
"Alam moba ang huling sinabi sakin ni Mika?" Biglang tanong ni Mama dahilan para mapatingin ako sakanya.
Tiningnan ko sya ng may nag tatanong na itsura. Mapait namang ngumiti sakin si Mama at mag iwas ng tingin.
"Lahat daw yon ay dahil sayo"
MIKAELA P.O.V
Agad kaming naka balik sa bar pag kagaling namin sa Hospital. Si Cliona ay nag patuloy lang sa pag tatrabaho na parang walang nangyari ako naman ay pinapanood lang sya mag pabalik balik sa counter at sa mga tables. Hindi nako bumalik sa trabaho dahil mawalan ako ng gana. Pag a dating dating ko ay tinawagan ko agad si Mommy para ipaalam ang kalagayan ni Tita Path. Para naman syang nabunutan ang tinik sa dibdib ng sabihin kong stable na si Tita pero under monitoring parin.
"Mag iingat kayo pauwi ah" sabi ni BJ ng nasa parking na kami at ready na umuwi. 4 na ng madaling araw at may dalawang oras pa kami ni Cliona para matulog. Nag paalam pa kami sa lahat at hinintay silang maka alis bago kami umalis ni Cliona at umuwi ng bahay.
"Matutulog kana?" Tanong ko sakanya, agad naman syang tumango habang humihikab pa.
"Toxic nung costumer kanina sarap bigwasan. Mag lock ka na jan at matulog maaga pa ang pasok natin mamaya" sabi nya sabay pasok sa kwarto nya. Napahinga nalang ako ng malalim. Sinunod ko ang sinabi ni Cliona. Uminom pa muna ako bago umakyat sa kwarto ko, nag linis ng katawan bago humiga. May dalawang oras pako para bawiin lahat ng pagod ko. Nag set pako ng alarm sa phone ko ng 6:30 A.M may pasobra dahil special ako. 7 pa ang practice namin. Sana kayanin ng 30 mins yung pag hahanda namin at hindi ako ma late si Cliona naman ay pwede 10 na pumasok dahil wala na silang practice pero nasama parin sya saken. Nag buntong hininga pako bago matulog. Masyadong madami ang nangyari ngayong araw.