Missing

ARIS P.O.V

SATURDAY. Maayos na ang lagay ni Katty, gising na rin sya at ngumingiti na ulit. Pero si Cliona ay wala paring malay mula kahapon. Natanggal ang mga naiwang bubog sa sugat nya and thank God hindi na damage ang kidney nya. Kanina pa gusto ni Katty na puntahan si Cliona pero hindi sya pinapayagan ni Tita Kassie dahil hindi pa natanggap ng bisita sila Cameron. Halos mag makaawa naman sakin si Katty na samahan sya kahit saglit lang, umiyak pa sya sa harapan ko. Namalayan ko nalang ang sarili ko na kumukuha ng Wheel chair at inaalalayan si Katty na maka upo doon.

"Saglit lang tayo ah, baka mapagalitan ako ni Tita Kassie" sabi ko sakanya, agad naman syang tumango. Pumunta kami sa private room ni Cliona at doon nakita namin ang Nanay ni Mika kasama ang isa pang babae.

"Sino yan?" Tanong sakin ni Katty.

"Mommy ni Mika yung isa naman ay hindi ko alam" sagot ko. "Ano papasok paba tayo?" Tanong ko. Agad naman syang tumango kaya kumatok nako na agad namang bumukas.

"Hello po" bati ni Katty, agad naman syang nginitian nung babaeng kasama ni Mrs. Santiago.

"Pasok kayo" aya nya samin kaya naman tinulak ko ang wheel chair ni Katty palapit sa hinihigaan ni Cliona.

"Good morning po" sabay naming bati ni Katty kay Mrs. Santiago agad naman nya kaming nginitian.

"Ikaw ba si Kattielyn?" Biglang tanong nya na agad namng tinanguan ni Katty.

"Opo" naka ngiting sagot nya.

"Mabuti naman at Maayos na ang lagay mo, wala bang masakit sayo?" Tanong sakanya ni Mrs. Santiago.

Umiling si Katty. "Ok na ok na po ako"

Sagot ni Katty " ikaw po ba ang mommy ni MikMik?" Biglang tanong ni Katty. Ako ang kinakabahan para sakanya dahil talaga namang nakakatakot ang aura ng nanay ni Mika. Mas nakakatakot pa kay Cliona!

"Ako nga" sagot sakanya.

"Gusto ko pong mag sorry kase dahil sakin napa away si Mika." Sabi ni Katty habang naka yuko.

"Ayos lang yon, ang mahalaga ay walang nangyari sainyo. Si Clirity lang talaga ang napuruhan" sabi ng Mommy ni Mika sabay tingin kay Cliona. Napatingin din kami don ni Katty. Napatingin ako kay Katty ng bigla syang humikbi.

"Gusto ko din sana mag sorry kay Cliona kase dahil sakin kaya nandito sya. Gusto ko din mag sorry sa parents nya. Paniguradong galit na galit sila ngayon" sabi ni Katty habang naiyak.

"Ikaw ba ang sumaksak kay Clirity?" Biglang tanong nung babae na kasama ng mommy ni Mika. "By the way I'm Mildred. Mikaela eldest sister" pakilala nya. Kung anong kina sigla ng aura ni Mika syang kina tamlay ng sa kapatid nya.

"H-Hindi po" agad na sagot ni Katty.

"Kung ganon wag kang humingi ng tawad. Hindi naman pala ikaw ang sumaksak ang dami mong sinasabi" napa nganga ako dahil sa sinabi nya at paraan nya ng pag sasalita.

"S-Sorry po" napapahiyang sabi ni Katty.

"Pch! Wag mona hilingin na makausap ang magulang ni Clirity dahil pag sisisihan mo" Dagdag pa nya.

"Bakit naman?" Singit ko. Agad naman syang tumingin saken ng seryoso. Agad akong napalunok dahil sa kaba.

"Anong pangalan mo? At kaano ano ka nitong babaeng kasama mo?" Sunod sunod na tanong nya sabay turo kay Katty.

"I'm Arcelio, Aris for short. Manliligaw po ako ni Katty" sagot ko sabay ngiti. Napa nganga namn ako ng bigla nya akong irapan.

"Balita ko ay dalawang beses na nadala sa hospital itong si Clirity?" Biglang tanong ni Mrs. Santiago. Agad naman kaming napa tango ni Katty.

"Opo, nung una po ay head injury ang tinamo nya. Balak po sana naming ipakulong yung gumawa pero hindi pumayag si Cliona" paliwanag ko.

"Ano naman ang pinag mulan ng gulo nilang dalawa?" Tanong ni Mildred.

"Tinulungan nya lang po yung kaibigan ni Aris and sakanya napo nabaling yung galit nung kaaway ni Aero" paliwanag ni Katty. Napatango naman silang dalawa.

"Sinabihan naba kayo ni Clirity na hindi nya kayo tinuturing na kaibigan?" Tanong ulit ni Mildred. Nag katingin pa muna kami ni Katty bago sya sumagot.

"Hindi naman po nya directly na sinabi. Basta nung pinakilala nya kami kay Cameron eh ang sabi nya Kaibigan daw po kami ni Mika" sagot ni Katty. Bigla namang napa ngisi si Mildred.

"She always like that, kahit si Mikaela ay hindi nya tinuturing na kaibigan" singit ni Mrs. Santiago na kina nganga namin ni Katty.

"I don't do friends because friends make my life uneasy, Yan lagi ang sinasabi ni Clirity. Pero trust me once na maging malapit kayo sakanya kahit sabihin nya na hindi nya kayo tinuturing na kaibigan, mahalaga kayo sakanya." Naka ngiting sabi ni Mildred. "She act that she don't care but she do, straight forward kung mag salita si Cliona yung tipong maiinis ka talaga kaya nya lagi syang napapa away, kaylangan mo maging matalino sa pag tatanong para maka kuha ka sakanya ng maayos na sagot dahil once na hindi nya magustuhan ang tanong mo it's either nababara ka or mapapahiya dahil wala kang makukuhang sagot sakanya." Dagdag pa nya. Sabay kaming natawa ni Katty.

"Right! Minsan nga naiinis na kami sakanya but Mika always remind us na we should always Calm pag dating kay Cliona." Pag sang ayon ni Katty.

"Dahil nga sa pagiging pabalang ni Cliona kaya sila nag aaway ni Aero." Natatawa ding sabi ko.

"Mukang naging mabait naman sainyo si Clirity" nakangiting sabi ni Mrs. Santiago. Agad naman kaming sumang ayon ni Katty. "Kaya sana bantayan nyo sya katulad ng pag babantay nya sainyo lagi" dagdag pa nya at saka unti unting nawala ang magandang ngiti nya kanina at napalitan ng lungkot.

"Umalis na kayo" Pag tataboy nya samin nila Aero at Zaggy, dahil nauna nang maka alis ang mga kaibigan nya.

"Pano kayo?" Tanong ni Zaggy.

"Mauna na kayo, susunod kami sa likod nyo" sagot nya.

"Kayo ang babae dapat kayo ang mauna" singit ko.

"Eh pano pag nasundan kayo ni Banjo kaya nyo bang lumaban?" Maangas na tanong nya.

"Oo kaya!" Sagot sakanya ni Aero.

"Tss. Hindi mo nga ako magawang masapak, ang mga bata pa kaya ni Banjo. Baka isang suntok lang sayo ay mag maka awa kana sa pangalawang buhay mo" maangas nyang sabi kay Aero.

"Ang yabang mo ah!"

"Inborn eh. Sige na mauna na kayo may kaylangan pakong gawin mga istorbo"

Biglang sumagi sa isip ko ang eksena namin nayun sa Parking lot kung saan banta pa sa buhay namin si Banjo. Kung paano nya kami paalisin at sabihan ng istorbo pero ang totoo ay nag aalala lang talaga sya samin dahil totoo naman ang sinabi nyang wala kaming laban sa mga tauhan ni Banjo, at baka nga hindi pa sila pinag papawisan ay naghihingalo na kami.

"Sobrang mahalagang tao para samin si Clirity kaya sana bilang tinuturing nyo syang kaibigan sana alagaan nyo sya katulad ng pag aalaga sakanya ni Mika." Sabi ni Mrs. Santiago agad naman kaming tumango ni Katty habang naka ngiti. "Maraming salamat. Umalis na kayo at baka maabutan kayo ni Cameron dito at kami ang mapagalitan" Dagdag pa nya. Nag paalam pa muna kami ni Katty bago umalis dahil ayaw daw ni Cameron ng bisita, naiintindihan naman namin na nag iingat lang sya para sa kapatid nya. Nanaig ang katahimikan samin ni Katty hanggang sa maka dating kami sa kwarto nya ay wala samin ang nag salita. Siguro ay pati sya napaisip sa mga sinabi ni Mrs. Santiago samin kanina. Parang binigyan na nya din kami ng clue kung anong klaseng pagkatao ng meron si Cliona.' Action speak louder than voice' parang ayon ang pagkatao ni Cliona. Hindi showy at hindi sweet katulad ng ibang babae. Ibang iba kumapara sa iba.

Araw ng linggo, naisipan kong mag practice na dahil maayos naman na din ang lagay ni Katty at makaka uwi na sya mamayang gabi. Tahimik akong pumunta sa field, nandon na silang lahat maging si Mika na syang buong gabi na nag bantay kay Cliona.

"Dre!" Tawag ko kay Zaggy agad naman syang lumapit sakin.

"How's Katty?" Tanong nya agad.

"Maayos na makakalabas na sya mamaya" sagot ko.

"How about Cliona? Hindi nako maka bisita dahil hindi naman daw napayag si Cameron."

"Nagising na sya kahapon pero under monitoring paren" sagot ko. Agad naman syang napangiti.

"Good to hear"

"Team!" Pag tawag samin ni Coach. Agad naman kaming lumapit sakanya sa may bench. "Naalala nyo ba yung sinabi ni Wolverson na mag papadala sya ng mga makakalaban nyo?" Tanong nya samin. Agad naman kaming nag sabi ng 'Yes Coach!'.

"Good nandito na sila" sagot ni Coach dahilan para magulat kaming lahat napatingin pa kamisa kabuuan ng field pero wala namang ibang tao maliban samin.

"Nang gogood time kaba coach?"

"Hindi na yun tuloy kase diba nasa Hospital si Cliona?"

"Joke bayan coach?"

"Kinabahan ako bigla"

Sunod sunod nilang sabi. Yung iba ay nag rereklamo pa.

"Nope, nanjan na nga sila sinundo lang ni Mika sa Entrance" sagot ni Coach.

"COACH!" lahat kami napatingin ng biglang may sumigaw. Si Mika! At may kasama sya! "Nandito na sila!" Dagdag pa nya. Bigla akong kinabahan ng makilala ko yung iba sakanila.

"Good morning!" Sabay sabay nilang bati na syang ginantihan namin.

"I'm Coach Mario Perez" pakilala ni Coach. "And this is my Team" dagdag pa nya saka kami pina kilala isa isa.

"So kayo pala ang kinuha ni Ms. Wolverson para maka laban ang mga bata ko?"

"I'm Juancho, Nice to meet you Coach. And yes! Kami yon sayang nga lang at wala ang prinsesa ko ngayon" sagot ni Juancho.

"Prinsesa mo!?" Singit ni Remson. Lalo namang lumaki ang ngiti ni Juancho.

"Top secret yan dude HAHAHAHAH" tawa nya. Lakas ng tama! "By the way. This is Mary" sabay turo nya kay Mary na agad ngumiti samin. Ganon din naman ang iba nya pang pinakilala maliban kay Mildred at Zyron na mukang walang pakeelam sa nasa paligid nila. Maski ngiti ay pinag damot nila.

Nag simula ang laban namin, nasamin si Mika kaya kampante kaming lahat lalo na nung una kaming maka puntos at talaga namang sumasang ayon samin ang swerte. Pero lahat ng tuwa at pag yayabang namin ay biglang nawala ng biglang makapuntos ang kalaban. Si Juancho ang Captain nila habang si Zyron ang goal keeper. Kung ano ang binilis ng galaw ni Mika ay sya ding bilis ng galaw ng kapatid nya. Kung ano ang taas ng talon ni Samuel ay syang taas ng talon ni Trisha. Kung anong galing nila Tristian at Miguel ay syang natatapatan nila Zachie at Stephen. Lahat kami ay natatapatan nila kaya sa huli ay natalo kami. Sobrang bilis at galing nila. Kahit si Mika ay walang binatbat sa kapatid nya.

"Bakit kaba kase nandito!?" Singhal ni Mika sa kapatid nya.

"Come on sis, Accept the fact na mas magaling nako sayo" natatawang sagot ni Mildred.

"Duhhhhh! 3 years akong hindi nag laro ng soccer kaya walang wala kapa sa kalingkinan kono"

"Kaya pala natalo ka" natatawang balik ni Mildred

"Nanalo ka dahil sakanila. Hello! Pag nag one on one tayo talo ka parin baka nga hindi mo maagaw sakin ang bola eh" taas noong sabi ni Mika.

"What ever!" Pikon na sabi ni Mildred sabay lapit samin. "Tsk! Hindi lang matanggap na talo sya" bulong nya pa.

"Ang panget mo ate!" Sigaw ni Mika dahilan para humarap sakanya si Mildred habang naka taas ang gitnang daliri!

Pffft!

"WHAAAAAA SUSUMBONG KITA KAY MOMMY NAMAMAKYU KA!" sigaw ulit ni Mika dahilan para mag tawanan kami. Nagiging isip bata nanaman sya.

Napatingin ako kay Aero na naka upo lang at hindi nakikisama samin. Gusto ko man syang lapitan pero naiinis parin ako. Kinampihan nya si Tyreen kahit alam nyang mali si Tyreen. Nagawa pa nyang saktan si Katty. Gusto ko man sabihin sakanya ang tungkol kay Tyreen ay alam kong hindi naman sya maniniwala samin, baka nga lalo lang sya magalit samin at bigla kaming pag sasapakin sa muka, ang hirap maging gwapo isang bangas lang nakaka pang hina. Kinakausap naman sya ni Zaggy kaya no worries. Hindi naman mababawasan ang pagiging gwapo ko kung hindi ko sya papansinin diba? Kung pataasan ng pride ako ang pinaka mataas samin. Beside sya naman ang nauna eh kaya sya ang mag sorry.

"Hindi parin ba kayo ayos?" Biglang may nag salita sa gilid ko.

"Hindi pa sa ngayon" sagot ko.

"Wag nyong patagalin yan baka imbis na maayos nyo ay mag kalabo kayo" napatingin ako kay Mika dahil sa sinabi nya.

"Sya naman ang nauna eh"

"Pero si Katty ang naunang mag bitaw ng mga masasakit na salita" sagot nya dahilan para matahimik ako "Mali na pinangunahan natin ang desisyon ni Tyreen. Pero hindi ko kayo masisisi dahil kapakanan lang ni Aero ang inaalala nyo. Ang akin lang sana hinayaan muna natin si Tyreen na maka hanap ng tyempo para mag paliwanag at sabihin kay Aero ang totoo" dagdag nya.

"Pero sinampal nya si Katty"

"Yun ang mali nya. Nanakit sya ng walang sapat na dahilan kung iisipin dapat si Tyreen ang gumawa non hindu sya. Maski ako ay nasampal nya at talaga namang nainis ako sakanya pero lahat naman ata ganon ang magiging reaksyon pag nasaktan ang mga mahahalang tao sa buhay mo. Ikaw ba tatanungin kita pag sinabihan ni Tyreen si Katty ng malandi at hindi makuntento sa isa ano gagawin mo? Diba katulad din ng ginawa ni Aero or worst than that" hindi ako naka sagot sa tanong ni Mika, dahil may point sya. "Silent means yes. Sana magka ayos na kayo at pabayaan nalang ang away nila Katty at Tyreen" dagdag pa nya.

"Ikaw ba hindi ka manlang ba nagalit kay Aero at Tyreen?" Tanong ko. Agad naman syang tumingin saken saka tumingin sa gawi nila Aero at Zaggy na nag uusap.

"To be honest, syempre nagalit ako. Isipin ko palang ang ginagawang pang loloko ni Tyreen ay nagagalit nako, lalo na ngayon ay nasa hospital si Cliona dahil sa kabaliwan nya. Yung mga oras nayun ay parang gusto ko din saksakin si Tyreen hanggang sa makuntento ako pero pag naalala ko yung mga sinabi sakin ni Cliona ay napipigilan kopa ang sarili ko." Paliwanag nya patuloy naman akong nakinig sakanya. " Sabi ni Cliona sakin noon. Wag ko daw hahayaan kainin ako ng sarili kong galit at maka gawa ako ng masama sa kapwa ko. Yan lagi ang pinang hahawakan ko sa tuwing nagagalit ako lalo na pag nasasaktan si Cliona. Sya lang kasi ang tumuring sakin na espesyal maliban sa pamilya ko, si Cliona lang ang meron ako kaya ganon nalang ako mag react sa tuwing may nang yayari sakanya na masama. Kaya nung masaksak sya ni Tyreen at wala mankllang ginawa si Aero parang gusto ko din gawin sakanilang dalawa yun hanggang sa maubusan sila ng dugo" natatawang dagdag nya. Natahimik kami parehas, tanging mga ka team lang namin ang gumagawa ng ingay.

"Dadating din ang araw na malalaman at malalaman ni Aero ang katotohanan at pag sisisihan na naniwala sya kay Tyree. Walang lihim na hindi nabubunyag"pag basag ni Mika sa katahimikang nabuo namin kanina. "Yan ang sinabi sakin kagabi ni Cliona" naka ngiti nyang dagdag.

Tahimik akong pumasok mag isa sa room. Kanina ay kasabay ko sila Mika, Roi at Rumsel pero dahil Class B ako at D sila ay nauna akong pumasok. Binati ako ni Zaggy pero hindi kona sya pinansin at nahimik lang ako tumingin sa harapan hanggang sa dumating ang Lecturer namin ay hindi parin ako nakikinig dahil iniisip ko parin ang mga sinabi ni Mika kanina samin habang nag lalakad kami papasok.

"Naka usap ko si Cliona kagabi tungkol sa issue ni Tyreen" panimula nya.

"Oh ano daw?" Tanong ni Rumsel.

"Matagal na daw nya yon alam" sagot nya na kina gulat namin. " Kaya pala nung kwinento ko sakanya yung narinig natin nung acquittance eh hindi manlang sya nag react" dagdag pa ni Mika.

"Eh bat hindi nya sinabi saten?" Tanong ko.

"'hindi ko ugaling makeelam sa buhay ng iba' yan ang sabi nya" sabi nya habang ginagaya pa ang tono ng boses ni Cliona. Napahinga nalang kami ng malalim.

"Kaylan nama daw nya yun nalaman at paano?" Tanong ni Roi. Agad namang nag kwento si Mika.

"Nagpapahinga daw sya non sa rooftop ng school building ng marinig nya ang boses ni Tyreen na may kausap na lalaki. Hindi naman daw nya gusto makinig pero ang ingay daw nila kase nag sisigawan pa kaya rinig na rinig nya yung pinag uusapan nila" kwento nya.

"Nakita nya ba yung lalaki? O kaya nakilala nya kung sino?" Sunod sunod na tanong ni Roi.

"Yun ang hindi nya sinabi. Pero sigurado akong kilala nya yun" sagot ni Mika. Agad naman kaming napa tango. "Naka usap din daw nya si Tyreen ng araw nayun at pina kiusapan syang wag sabihin kay Aero pero dahil wala ngang pakeelam si Cliona ay hindi nga nya sinabi. Pero knowing Cliona ay binibigyan nya lang ng oras so Tyreen para sabihin ang totoo. Remember nung nasa cafeteria tayo ang yung mga binitawan nyang silita?" Tanong ni Mika. Agad namang kaming tumango.

"Oo bakla! Ang lalim non!" Dagdag pa ni Roi.

"Warning nayun. Hindi mahilig makeelam si Cliona sa problema ng iba dahil-"

"May sarili syang problema" putol namin sa sinasabi ni Mika at sabay sabay kaming nag salita. Nag tawanan pa kami sa tapat ng room bago ako mag paalam at pumasok mag isa.

Tama si Cliona, matatauhan din si Aero at malalaman din ang totoo. Ang gagawin lang talaga namin ay manahimik at saka bantayan si Aero mula sa likod. Sandali kong tiningnan si Zaggy na nakikinig sa lecturer. Paniguradong naiipit sya sa sitwasyon ni Arero dahil pinsan at kaibigan nya ang pinag uusapan dito at isa pa alam din nya ang kalokohan ng pinsan nya kaya hindi ko din sya masisisi kung kampihan nya si Tyreen. Pinsan nya yun pero knowing Zaggy nalaging nakampi sa tama. Sunod ko namang tiningnan si Aero. Bigla akong nakaramdam ng awa dahil hanggang ngayon ay umaasa parin sya kay Tyreen. Pero biktima lang din sya dito.

"Class dismiss" agad akong tumayo ng sabihin yun ng lecturer. Akmang lalakad nako palabas ng bigla akong tawagin ni Zaggy.

"Hindi kaba sasabay samin?" Tanong nya. Agad naman akong umiling.

"Plano naming puntahan si Cliona tapos doon na din kame kakain nag papabili kase sya ng pizza kay Mika sasama lang kami" paliwanag ko.

"Kala ko hindi natanggap ng bisita si Cameron?" Tanong nya ulit.

"Kaya nga. Pero si Cliona na ang nag papunta kaya wala na syang magagawa" natatawang sabi ko. Agad naman syang napa tango.

"Mind, if we join us?" Tanong nya ulit. Napatingin ako kay Aero na mukang nag iintay din ng sagot ko.

Nag kibit balikat pako bago sumagot. "Kayo bahala" sabi ko saka sila tinalikuran at pumunta sa class D. Nang makarating ako ay saktong palabas na sila Mika.

"Bati na kayo?" Bulong nya sakin. Agad naman akong umiling. Rinig ko naman ang pag buntong hininga nya bago tumingin sa likod ko. "Sasama ba kayo?" Tanong nya.

"Kung ok lang" sagot ni Zaggy.

"Sure tara na" aya nya samin. Agad naman kaming sumunod sakanya.

"Ano ba bakla bat ka nag mamadali gutom lang!?" Singhal sakanya ni Roi dahil lakad takbo na ang ginagawa namin.

"Kanina pa kase tawag ng tawag sakin si Ate nag rereklamo na daw si Cliona na nagugutom na sya ayaw naman kainin ang pag kain sa hospital" sagot ni Mika. Nang makarating kami sa parking agad sumalubong samin yung mga kalaro namin kanina sa practice. Anong ginagawa nila dito!?

Napatingin kaming lahat ng may huminto sa harap namin na black na van. Agad naman bumaba ang salamin non at muka ni Juancho ang sumalubong samin. "Hurry" sabi nya dahilan para sumakay kaming lahat don.

"Ako jan!" Boses ni Roi habang nakiki pag agawan sa shotgun seat sa tabi ni Juacho.

"Yung isa dito yung isa ay sa tabi ni Zyron" suggest ni Mary. Agad naman tumakbo si Rumsel papunta sa tabi ni Zyron na lalong sumama ang muka.

"Fuck you Mary!" Singhal sakanya ni Zyron dahilan para mag tawanan kami.

"Pag bigya mona minsan lang mag nasa yan sa gwapo" natatawang dagdag ni Mika.

"Shut the fuck up Mika!" Balik sakanya ni Zyron.

"Kuya! Isusumbong kita kay Clirity!" Suway sakanya ni Zachie dahilan para matahimik sya. Ngeeeee? Takot den kay Cliona?

Napuno ang asaran at tawanan ang van hanggang sa makarating kami sa hospital. Kanya kanyang mga dala ng pagkain na para bang may fiesta na magaganap sa kwarto ni Cliona.

"Bat ang dami nating dalang pagkain?" Tanong ni Rumsel

"Lahat tayo kakain don" sagot sakanya ni Mika.

"Baka mapagalitan tayo" singit ko

"Nasa private room si Cliona kaya wag kayong mag alala dahil mala hotel ang kwarto non"sagot nya. Kaming tatlo lang ang ang uusap dahil si Roi ay naka pulupot kay Juancho si Zaggy at Aero naman ay nasa harapan namin habang kausap sila Stephen at Felix. Nang makarating kami sa room ni Cliona ay agad kaming pinag buksan ni Mildred. Nakaupo si Cliona habang kunot noong nakatingin samin. Mukang di nya inaasahan na ganto kami karami sa kwarto nya, at tama nga si Mika dahil parang hotel talaga ang kwarto ni Cliona. May sariling banyo at T.V. agad naming nilapag ang mga pagkain sa coffee table na nasa gilid at kanya kanya kaming upo sa couch don hindi pa kami nag kasya kaya yung iba ay sa sahig nalang umupo.

"Pupuntahan ko lang si Katty" paalam ko bago lumabas at pumunta sa kwarto ni Katty.

"Aris Ijo?" Salubong sakin ni Tita Kassie.

"Good afternoon po pwede ko poba hiramin si Katty kakain lang po kami" paalam ko agad namang pumayag si Tita kaya naman agad akong kumuha ng wheel chair at pina upo sya don. Nang makalabas kami ay doon lang nag tanong si Katty.

"Saan tayo kakain?" Tanong ko.

"Sa kwarto ni Cliona nandon kaming lahat pati si Aero" sagot ko agad naman syang natahimik. "Wag mo nalang pansinin. Atsaka madami tayo don. Nandon yung mga kaibigan nila Cliona at Mika" dagdag ko.

"Talaga!? Eh sila Roi at Rum?" Taning nya.

"Nandon din" sagot ko. Nang tumapat sa kwarto ni Cliona ay kumatok pa muna ako bago pumasok.

"KATTY!" sabay na sigaw ni Rum at Roi saka yumakap kay Katty, ganon din naman ang ginawa ni Katty.

"Na miss ko kayo" sabi ni Katty.

"Kami din bakla!" Sagot ni Roi.

"Cliona" sabi ni Katty saka nag pumilit tumayo para lapitan si Cliona kaya inalalayan ko sya palapit.

"Oh? Problema mo?" Tanong sakanya ni Cliona pero imbis na sagutin ni Katty ay niyakap nya si Cliona at doon umiyak. "Wag mokong iyakan buhay pako"

"Masaya lang ako na ok kana" sagot sakanya ni Katty

"Di pako ok" diretchong sagot ni Cliona

"Huh? May masakit pa ba sayo?" Agad na tanong sakanya ni Katty. Sabay hawak sa tyan ni Cliona kung saan sya nasakak. Agad naman napangiwi si Cliona.

"Putcha! Wag mo hawakan!" Suway sakanya ni Cliona.

"Sorry masakit ba?" Nag aalalang tanong ni Katty.

"Ikaw ang saksakin ko tapos tatanungin kita kung masaket" sagot sakanya ni Cliona.

"Ikaw talaga!nag aalala lang naman ako sayo" dagdag ni Mika.

"Kala ko ang kapatid kona ang pinaka OA sa mga OA" biglang singit ni Mildred.

"Manahimik ka jan Mildred ah!" Singhal sakanya ni Mika.

"Wala kang galang!"

"Talk to my finger" sabi ni Mika habang naka taas ang kamay.

"Ulol!" Balik sakanya ni Mildred.

"Whaaaaaa Cliona narinig moba yun!?" Sumbong nya bigla.

"Ang ingay nyo" sagot ni Cliona dahilan para mag tawanan kami. Nag simula kami kumain, si Katty naman ay ayaw umalis sa tabi ni Cliona. Pinag bubuksan pa nya ng bottled juice at box ng pizza na dahilan para mainis si Cliona.

"Hindi ako baldado"suway sakanya ni Cliona. Agad naman napanguso si Katty. Gusto ko tumawa dahil kanina pa inis na inis si Cliona pero nag papatuloy parin si Katty sa ginagawa.

"Ate nasan ang Mommy?" Biglang tanong ni Mika.

"Umuwi" tipid na sagot ni Mildred.

"How's the practice game Zayron?" Tanong ni Cliona kay Zyron.

"We won" napa nganga ako dahil for the first time ay nakita kong ngumiti si Zyron. Awit! Kakaiba!

"Tss, score?"

"2-5" sagot ni Zyron. Agad akong napa tingin sa baba dahil sa hiya obviously kami ang 2. Dalawang mag kasunod na points kaya napanatag kami.

"Naisahan nyo si Mika?" Tanong ulit ni Cliona.

"Obviously" taas noong sagot ni Trisha.

"Dinaya ako ni Ate!" Singit ni Mika habang naka turo kay Mildred na kunot noong naka tingin sakanya.

"What!? Excuse me jut accept the fact that you lose against us" sagot ni Mildred.

"Excuse me just accept the fact that you lose against us. NEKNEK MO!" pang gaya pa ni Mika sa boses ng kapatid nya. Nag sagutan lang sila Mildred at Mika na minsan ay sinasabayan namin ng tawanan. Hanggang sa mag paalam kami na uuwi na. Hinatid ko muna si Katty sa room nya saka bumalik para kunin ang gamit mo pero nung papasok nako ay hinila ako ni Mika.

"Nag uusap si Cliona at Aero mamaya kana mang istorbo" bulong ni Mika na animo'y kinikilig pa. Kahit ako ay diko mapigilan ngumiti ng sumilip ako. Naka yuko si Aero habang nakatingin sakanya si Cliona. Si Aero ang nag sasalita habang si Cliona ay nakikinig lang.

Gumagalaw na ang manok ko!

Nang lalabas na si Aero ay agad kaming nag tago ni Mika. Nang makalayo si Aero ay agad akong pumasok at kinuha ang gamit ko.

"Nawawala daw si Tyreen" biglang salita ni Cliona na naka pag patigil sakin. Agad akong lumingon sakanya.

"Ano?" Tanong ko.

"Hindi pa daw nauwi si Tyreen simula ng pauwiin sya ni Massy galing dito" dagdag pa nya dahilan para mapakunot lalo ang noo ko. "Hanapin nyo sya. Pag hindi nyo nahanap ay balikan nyo ko dito" dagdag pa nga saka humiga. "Isarado mo ang pinto pag labas mo". Agad akong lumabas at nag lakad papuntang parking.

Saan naman pwedeng pumunta si Tyreen? Atsaka mula nung pauwiin sya mula sa hospital ibig sabibin ay mula nung isang araw ay hindi pa sya nauwi!?

   

    

     

     

    

    

  

WHAT THE HELL TYREEN!?